Maxine Lyanne's POV
Walang kahit na sino ang nang gulo sa akin kahapos. Buong araw akong nasa bahay at inaayos ang mga tanim ni Ronnie pero walang dumating na Gamble.
Mukhang sinunod nga niya ang sinabi niya sa akin noong isang araw na hindi na niya ako araw-araw pupuntahan. Sana nga rin at hindi niya na rin ako puntahan pa kahit na kailan.
Napabangon ako sa kama ng marinig ko ang malakas na pagbusina sa labas ng bahay namin. Humakbang ako papunta sa bintana at bahagyang hinawi ang kurtina para silipin ang tao sa labas.
Malaking hinawi ko ang kurtina dahil wala akong makitang tao o kahit na sasakyan na bumusina kanina. Pero may plastik na nakasabit sa bakuran ko na hindi pamilyar.
"Ano naman 'yon?" nagtatakang tanong ko at lumapit sa pinto.
Lumabas ako ng bahay at napatingin sa paligid ko. Wala namang ibang tao maliban sa akin. Alam ko rin na tama ang rinig ko kanina na may bumubusina at gising na gising na ang diwa ko kanina. Wala pa akong kain pero alam ko na hindi guni-guni 'yon.
Paglapit sa bakuran agad kong kinuha ang supot na nakasabit at may papel pa na nakadikit.
"Eat you breakfast. Thank you!"
Binuklat ko ang supot at nakita ko ang pagkain na galit sa isang fast food chain. Sino ba ang nakakaalam ng bahay ko? Si Gamble lang naman. Hind nga siya nagpapakita sa akin pero kung ano-ano pa rin ang pinapadala niya.
Isang tunog ng rumaragasang motor ang narinig ko kaya napaangat agad ang ulo ko. Napaatras ako ng huminto ang isang lalaki na nakaitim na pantalon at may itim na leather jacket.
"Sino ka?" kinakabahang saad ko dahil hindi ko makita ang mukha niya na natatakpan ng itim na itim na helmet.
Napaatras ako dahil baka tauhan na 'to ni Papa. Hinawakan ng lalaki ang helmet niya at inalis ito sa ulo niya.
"Good morning, Lyanne."
Tumunog ang panga ko ng makita na si Gamble na naman pala. Pupuntahan pa rin naman pala niya ako rito pero bakit nagdala pa ng pagkain.
"Hindi ko kailangan ng pagkain na dinadala mo." Lumapit ako sa kahoy na harang sa bakuran namin att sinabit muli roon ang supot.
Nagsalubong naman ang kilay niya at umalis sa pagkakaupo sa motor niya. Napatingin siya sa supot na nakasabit sa bakuran namin.
"Wala akong pinapadala," sambit niya.
Akala ba niya maniniwala ako sa sinasabi niya? Siya lang naman ang nang gugulo sa akin. Walang nakakaalam ng bahay ko maliban sa kanya.
"Bakit ba tinatanggi mo pa—"
"Who the hell give this to you?" he said coldly.
I think I also guess wrong. It is not Gamble that gives me food because his expression hardened. He looks mad because someone offers me food? For What?
"Don't eat this," he demanded.
He touches the plastic with food, and Gamble throws it away to the trash can. He's mad.
"Someone wants you also? And who the f**k is him?"
Napahakbang agad ako paatras dahil sa nakakatakot niyang boses. Malamig na sumasabay sa hangin ng Escajeda. Mas nakakatakot pa ang boses niya kaysa sa Daddy ko. Hindi ko nga talaga siya dapat lapitan pa dahil may iba talaga sa kanya.
"U-Umalis ka na..."
Kung sino man ang taong nagpadala sa akin ng pagkain na 'yan, huwag na sana siyang dumagdag pa sa mga iniisip ko. Hindi ako makatulog ng maayos sa kakaisip na baka bigla na lang may pumasok sa bahay ko at saktan ako.
"I-I'm sorry..." he whispered.
Ang malamig na awra sa mukha niya ay nawala at ang boses niya ay bumalik na sa kung ano ko siya nakilala. Huminto ako sa pagatras. Ngayon alam ko na talaga na may tinatago talaga siyang ugali.
Lumalabas sa harapan ko ang pag-uugali niya kaya dapat na mas maging maingat pa ako. Kung nalilipat lang ang bahay baka inilipat ko na ang bahay namin kung saan sobrang layo sa kanya.
"Hindi naman ako nagagalit sa'yo, Lyanne. Naiinis lang ako sa nagpadala sa'yo ng pagkain. Huwag kang matakot sa akin."
Why is he disgusted when someone gives me food? Parehas lang naman siya ng kung sino man ang nagpadala ng pagkain na 'yan sa akin. Parehas sila na ginugulo ang tahimik at payapa kong mag-isang buhay.
"Ayokong sinasapawan ako ng iba pagdating sa'yo—"
"Wala ka sa isang laban."
Kung iniisip niya may kakompetensya siya pagdating sa akin, nagkakamali siya. Wala siyang kalaban dahil wala rin naman laban na katulad ng iniisip niya.
"I'm sorry—"
"Bakit ba kasi nandito ka na naman?" walang ganang saad ko sa kanya.
Ganito kami palagi mag-usap. Malayo sa isa't isa at may harang bago siya makalapit sa akin. Mabuti na lang talaga at palagi kong sinasara ang bakuran namin na hanggang taas ng dibdib ko.
"Gusto lang kitang bisitahin at baka kasi nagbago na ang isip mo. Mahirap makahanap ng maganda at maayos na trabaho sa probinsya. Maganda na ang alok ko sa sa'yo."
"Ayos na ako sa buhay ko," diretsong sagot ko sa kanya.
Buhay na buhay naman ako kaya hindi na niya ako dapat na dinadalaw dito. Hindi rin ba pwede na tumigil na siya pagkatapos nang pagtanggi ko? Kailangan ba niya na isang daang beses pa akong tumanggi bago siya tumigil?
"Hindi talaga bagay sa'yo na nag-iisa ka lang."
Blangkong tingin ang binitawan ko sa kanya. Sino ba talaga siya? Bakit naman sinasabi niya sa akin ngayon na hindi bagay sa akin na mag-isa lang ako.
"Sa hacienda namin, maraming mas magagandang tanawin. Mas sariwa ang hangin at may makakausap ka. Hindi ka ba nababaliw kapag mag-isa ka lang sa bahay na 'yan?" natatawang tanong niya pa.
Pinanatili kong magkadikit ang ibaba at itaas kong labi. Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko hanggang sa napahinto siya sa pagtawa niya. Napa-ubo pa siya at tumayo ng diretso.
"Huwag mong masyadong isipin ang sinabi ko—"
"Mas mukha kang baliw kumpara sa ating dalawa."
May mga kasama nga siya sa bahay nila. Oras-oras siyang may nakakausap pero mukha pa rin siyang isang sira ang ulo. Sa mga kilos niya pa nga lang kapag nandito siya nagmumukha na siyang buang.
"Malakas na nga yata ang tama sa utak ko." Humakbang ang mga paa niya palapit sa malapad na kahoy na humaharang sa bakuran ko.
Maagap akong umatras palayo sa kanya. Huminto siya sa harapang mismo ng kahoy at ipinatong niya ang dalawang braso niya.
"Buong araw kitang inisip kagabi at urat na urat akong puntahan ka pero baka manawa ka na sa mukha ko—"
"Sawa na ako," agad na saad ko sa kanya.
Kaya naman pala hindi ako makatulog ng maayos kagabi dahil sa kanya. Isip siya nang isip sa akin. Sinabi ko na sa kanya na may boyfriend na nga ako pero kung kumilos siya parang— Kung ano-ano lang 'tong iniisip ko.
"Hindi pa 'yan," nakangiting saad niya. "Kumain ka na ba?"
"Paano ako kakain kung istorbo ka?" walang ganang saad ko sa kanya.
"Sige na. Pumasok ka na sa loob ng bahay niyo. Kumain ka na muna. Hindi ka dapat nagpapalipas ng gutom."
Ganyan ang mga salita na gusto ko rin marinig sa mga magulang ko lalo na kay Daddy pero wala. Walang puso ang Daddy ko pagdating sa akin at puro lang sa negosyo niya at sa ate ko rin.
Kung nabuhay kaya ang Mommy namin, ano kaya ako ngayon? Ano kaya ang buhay na mayroon ako? Kailangan ko kaya na maging mag-isa para sumaya? O baka masaya ako kasama ang buong pamilya ko kung nabuhay si Mama.
"Lyanne?"
Bahagya akong napalundag. Nawawala na naman ako sa sarili ko sa kakaisip sa nangyari sa buhay ko.
"Ayos ka lang?" may pangamba na saad niya sa akin.
Hindi ko siya sinagot. Na ngungulila na naman ako sa isang Ina na kahit kailan hindi ko naramdama. Hindi ko na nga naramdaman na magkaroon ng isang Ina tapos parang wala pa akong tatay.
"Kumain ka na. Nawawalan na naman ng kulay ang mukha mo," aniya sa akin.
Masyado na niya akong inaalala. Ang pangungulila ko sa mommy at kay Ronnie ay naiibsan dahil sa pag-aalala niya pero... Mali ito. Hindi ako sigurado sa kanya.
"I-Ikaw? D-Diyan ka lang ba?" Napatalikod kaagad ako sa kanya dahil sa tinanong ko sa kanya.
Hindi ko na ma-control ang sinasabi ko dahil masyado akong nadadala ng nararamdaman kong pangungulila. Pangungulila na dahan-dahan niyang iginigilid dahil sa mga salita niya sa akin.
"Inaalala mo na rin ako?" natutuwang tanong niya sa akin. "Dito lang ako. Aantayin kitang lumabas ulit. Mas kampante ako kahit nasa labas lang ako ng bahay mo. Alam kong ligtas ka."
Napayuko ako at napapikit ng mariin. Hindi ako pwedeng mahing malambot sa kahit na kanino. Hindi ko pa rin sigurado kung sino ang dapat kong pagkatiwalaan.
"Pumasok ka na sa loob, Lyanne at kumain ka ng maayos at kampanti. Walang mananakit at hahawak sa'yo ng hindi mo gusto hangga't nandito ako sa labas ng bahay mo."
He assures me that I will be safe. I never feel safe even I am at the house, but now, this is the first time that I felt something in my mind. Something that tells me that I am safe and no one can harm me.
I don't want this feeling because I know that this feeling that he gives to me is a path for trusting him. I don't want to trust anyone because I don't want to feel the betrayal I felt last time.
I don't want to cry repeatedly because of the sadness that the people I trust give to me. The feeling from family I trust but still destroys me is the grief that I don't want again in my life.
"Lyanne, I want to tell you that I am not the kind of person that you had in your past. Just trust me. You will be safe in my accompany."
He feels what discomfort that I am feeling right now. I am scared of trusting people.
Nagtaas ang ng ulo ko at humarap sa kanya. Ang dami niyang sinasabi sa akin na nagpapalambot sa nararamdaman kong pangungulila. Bakit sa kanya ko pa naramdaman ang ganito?
Bakit sa isang lalaki pa na hindi ko naman lubusang kilala na bigla na lang dumating sa buhay ko para gawing maingay ang buhay ko.
"Gamble..." tawag ko sa pangalan niya. "Paano mo patutunayan na mabuting tao ka nga—"
"Sumama ka sa akin sa hacienda at ipapakilala kita sa buong pamilya ko. Sa mga trabahador ko para malaman mo kung ano nga ba ako. Dadalhin kita sa mga charity event na ginagawa ko tuwing anim na buwan at ipapakilala kita sa bahay ampunan na taon-taon kong dinadalaw. Pupuntahan din natin ang pinatayo kong eskwelahan para sa mga mahihirap. Hindi ako ang pinakamabuting tao pero alam ko kung paano maging mabuti. Lahat ng tulong na ginawa ko, hindi ko pinapakita sa publiko at sa'yo ko pa lang sinasabi ang bagay na 'to. Ayokong isipin ng mga tao na tumutulong lang ako sa harap ng mga kamera," mahabang lintaya niya.
Baka nga na ngungulila lang ako ngayon pero hindi pa rin ako handa na magtiwala na naman. Nadadala lang siguro ako ng emosyon ko. Ewan. Hindi ko na alam dahil litong-lito na rin ako.
"Kitang-kita ko na nahihirapan ka. Hindi na kita pipilitin, Lyanne. Mas gusto ko na dahan-dahanin na lang na makuha ang tiwala mo kaysa ang biglain ka—"
"Tama na," awat ko sa iba pa niyang sasabihin.
Kailangan ko lang siguro na mabisita ulit ang boyfriend ko. Alam kong ayaw niya na madalas ang pagbisita ko sa kanya pero mukhang ito ang kailangan ko para maibsan ang pangungulila ko bago ko pa mahanap sa iba ito.
"Lyanne, I can give you the best—"
"I don't need."
Hindi 'yan ang kailangan ko sa buhay ko. Mas kailangan ko pa rin ang kapayapaan.
"Then what do you need? Tell me. I give you all you want but not the things that you want me away from your life. I want to provide you the things that will make you happy while I am standing by your side."