Episode 08

2047 Words
Maxine Lyanne's POV   Nakausap ko na lahat-lahat ang boyfriend ko kahapon pero wala talaga. Ilang araw na ang lumipas pero napapatikom na lang ako sa tuwing makikita ko si Gamble na dumadating.   "Maxine!" Napahawak ako sa dibdib ko ng marinig ko ang pagkalampag ng pinto ng kubo namin.   Alam na alam ko ang boses na 'yon. Ang boses ng mga tauhan ng Daddy ko na nasa labas ng bahay namin.   "G-God..."   Nanginginig ako sa takot na nagtago sa ilalim ng lamesa. Napatakim ako sa bibig ko habang mabilis ang pagkabog ng dibdib ko. Mabuti na lang mahaba ang tela ng lamesa kaya natatakpan ako.   Ayokong bumalik sa bahay ng Daddy ko dahil baka mapatay na niya ako kapag nakita niya ako. Hindi ako pwedeng mawala dahil may Ronnie pa naghihintay sa akin.   "Maxine! Lumabas ka na diyan! Huwag mo na kaming pahirapan!"   Napapaindak ako mula sa pagkakaupo ko. Narinig ko ang malakas na pagkalampag ng pinto at mga yapak ng mga paa. Marami sila. Nasa limang mga pares ng paa ang narinig ko.   "Maxine, yohooo. Hinahanap ka na ng Daddy mo. Kailangan mo ng bumalik kung nasaan ka dapat." Ang nakakatakot na boses.   Parang may demonyong sumusundo sa akin mula sa ilalim ng lupa. Ayoko ng bumalik sa buhay ko noon. Ayoko ng makita na naman ang Daddy ko.   "Maxine... Lumabas ka na diyan kung ayaw mong sunugin namin ang bahay na 'to."   Pumatak ang luha sa mga mata ko pero nanatili ang palad ko sa tapat ng bibig ko. Hindi ako lalabas dito ano man ang mangyari.   Narinig ko ang pagbagsakan ng mga gamit namin at napapikit na lang sa sobrang takot. Bakit naman ngayon pa nawala ang lalaking 'yon? Bakit ngayon nawala ang pang gugulo ni Gamble kung kailan nasa gitna ako ng kapahamakan.   Malakas na busina ang narinig ko na araw-araw gumagambala sa akin. Mabilis akong gumapang palabas at tumakbo papunta sa pinto.   "Ayon si Maxine!"   Hindi ko sila nilingon lahat at diretso lang ako sa pagtakbo at kinawayan ang kotse na bumubisina. Huminto ito pero agad na may humablot sa buhok ko.   "Walang hiya ka! Pahihirapan mo pa kami!" Hinarap ako nito sa kanya at malakas na sinampal.   Napasubsob agad ako sa sahig sa lakas ng pagsampal sa akin. Para akong hinampas ng tubo sa laki ng kamay niya. Ang nangyari sa amin ni Daddy at naalala ko na naman. Ang dugo sa labi ko na tumulo sa dila ko ay parang nakaraan ko.   Masakit at madugo.   Napataas ang ulo ko at nakita ko ang sasakyan na dire-diretso papunta sa gawi ko habang bumubusina nang tuloy-tuloy.   Napapikit na lang ako at inantay ang para sa akin, "Hop in!"   Napamulat ako at nakita ko si Fastia na nakasilip sa bintana ng sasakyan. Agad akong napatayo kahit na nahihilo ako at sumakay sa kotse niya. Tinignan ko ang mga tauhan ni Papa na masama ang tingin sa kotse.   Mabilis na umatras ang kotse ni Fastia at pinaikot niyo ng 360 degrees kaya lahat ng buhangin at tumama sa mga mata ng tauhan ni Papa. Tinapakan niya ang gas at mabilis na nagmaneho palayo sa kanila.   "Are you okay?" she asked.   Tumango na lang ako at napayakap sa sarili ko. Napatingin ako sa mga paa ko na nakayapak dahil sa pagmamadali ko. Si Gamble ang inaasahan ko pero iba ang nakatulong sa akin.   Baka nga tama lang na hindi ko binigyan ng pagkakataon si Gamble para pagkatiwalaan ko.   "Thank Godness; you are safe! It's good that I give you breakfast every morning, so I see what just happened to you."   Gulat akong napalingon sa kanya dahil sa sinabi niya. Akala ko lalaki pero sa babae pala galing.   "You are that one that is giving me a complimentary breakfast?" I am shocked.   She did not even go in my mind after the day that we met. She always gives me breakfast for what?   "Yup! I see in your eyes that you don't want to socialize with me, so I make away. I am happy that you help me that day that way; I can't stop myself from giving you a complimentary breakfast," he explained.   Marunong pala siya makiramdam kahit na wala sa mukha niya. She's good.   "Thank you for helping me."   Napatingin ako sa harap at nakita ko na papasok ang kotse niya sa private property. Pag-aari nila Gamble ang lugar na 'to.   "We are safe here in our hacienda. No one can harm you at all. That ugly guy in your house will never be on this property. Please don't be scared because I will help you."   Nakakamangha lang dahil hindi niya sa akin tinanong kung bakit ako hinahabol at sinasaktan ng mga lalaki kanina. Baka kung si Gamble ang tumulong sa akin, baka puro tanong siya.   ""This is our hacienda. You are very welcome here. My auntie knows you because I talk to her about you. I tell her that you are a very nice person but don't want to have people around you. I know that you have a massive problem with the way you move, but it doesn't matter anymore. I am still here to help you, Maxine. I want to be your friend too."   Ganoon ba kahalata na may problema nga ako? Parang siya si Gamble kung magsalita sa akin pero magaan ang pakiramdam ko sa kanya. Gumaan na lang bigla ng dahil sa ginawa niyang pagtulong sa akin.   Hindi naman siya mukhang may gagawin na masama katulad ng Ate ko. Tinulungan niya akong makalayo at dadalhin niya pa ako sa ligtas na lugar.   "I want to be your friend, Maxine. I hope that it's okay for you—"   "It's o-okay for me..." I answered.   Nahihiya ako dahil siya ang unang babae na napapayag ako na maging kaibigan ko. Lahat ng ginawa niya, na realize ko na walang masama at hindi nakakaduda.   Inintindi niya ang nararamdaman ko kahit na hindi ko naman sinasabi sa kanya. Alam niyang ayoko siyang makasabay na kumain kaya araw-araw niya lang akong dinadalhan ng pagkain na may sulat pa.   "Thank you very much, bes!"   Napatango na lang ako sa kanya at idinampi ko ang hinalalaki ko sa gilid ng labi ko. Napatingin ako sa labas ng bintana ng sasakyan at tipid na ngumiti.   Marunong na akong kumilatis ng taong pagkakatiwalaan ko. Alam kong hindi masasayang kay Fastia ang tiwala na ibigay ko sa kanya. Susubukan kong buksan ulit ang sarili ko pero sa mga tao lang na alam kong makakatulong sa akin at hindi ako sasaktan.   Huminto ang sasakyan niya sa pamilyar na bahay. Napuntahan ko na 'to. Isang beses ko pa lang napupuntahan 'to pero alam na alam ko.   "Let's go, Bes!"   Tuwang-tuwang si Fastia na lumabas habang na nginginig naman ang kamay ko na binuksan ang pinto ng kotse. Ito ang bahay niya? Konektado siya kay Gamble?   "Eltia? Saan ka na naman galing?"   Nanlaki ang mga mata ko kay Gamble na nagmamadaling lumabas ng bahay nila. Laglag ang panga niya nang magsalubong ang mga mata naming dalawa pero agad siyang nakabawi.   Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mga mata niya ng dumaan ang tingin niya sa labi ko.   "Kuya, this is my best friend—"   "Anong nangyari sa'yo?" Malalaking hakbang ang ginawa ni Gamble na kinaatras ko pero naabot niya at niyakap agad ng mahigpit.   Nanlalaki ang mga mata ko at hindi makagalaw. Siya ang kapatid ni Fastia? Hindi nila alam parehas na iisa lang sila ng tao na kinikita?   "Lyanne..."   Pinakawalan niya ako at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Natulos ako sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa mga mata niya na bagsak na bagsak habang nakatingin sa labi ko.   "Who did this to you?" A muscle in her jaw twitched.   My jaw fell open because of surprise. I did not see this coming. Gamble is the brother of my new friend. He is the brother of the person that helps me in the disaster of my father. Gamble is the one that always bothers me, and his sister is my friend now. Such a small world.   "Who the f**k did this to you?" he angrily said.   Hinaltak agad ako ni Fastia mula sa kamay ng kapatid niya at napayuko na lang ako bigla. Nawala ang kaba at takot ko sa dibdib ko habang hawak niya ako. Hindi ko alam kung anong dahilan pero nagulat lang ako.   "Kuya, stop! "Don't scare my friend because of your anger," she warned her brother.   "Ako na ang gagamot sa sugat niya,  Eltia. Ako ang bahala kay Lyanne—"   "No, Kuya! She is not comfortable with a man like you. She's my best friend, so I am the one that will help Lyanne," Fastia whizzed.   Nag-aaway pa talaga silang dalawang magkapatid. Kahit sino naman sa kanila... Ayos lang sa akin. Alam ko na sincere si Gamble. Wala na rin ang takot ko. Mas nakakatakot ang bumalik sa bahay ni Ronnie at ang mga tauhan ng Daddy ko.   Mas nararamdaman ko na rito talaga ako ligtas. Ito ang lugar na mas nakakabuti sa akin.   "Ako ang bahala kay Lyanne," madiing saad ni Gamble.   Inagaw niya ang kamay ko sa nakababata niyang kapatid at hinila niya ako papasok sa bahay nila. Hindi ko na maisip na gagawa siya ng masama sa akin pagkatapos kong makita ang mukha niya na nag-aalala sa akin nang may mangyari sa akin.   Ang isang tao na nag-aalala sa'yo kapag may nangyaring masama sa'yo ay hinding-hindi ka kayang saktan. Siya ang isa sa mga tao na ayaw kong masakama pero ngayon hindi ko magawang matakot sa pagkakahawak niya sa kamay ko.   "Paki dala naman ng first aid kit dito," kalmadong saad ni Gamble at hinila niya ako paupo sa sofa.   Nakatingin lang ako sa kanya dahil iba siya. Ang kapatid ko, kapag nag-aalala na sa mga alaga niyang aso, sigaw siya nang sigaw.   "Dapat talaga hindi kita sinunod sa gusto mo na ayaw mo akong makita araw-araw. sana hindi na lang ako nag salit-salitan sa pagdalaw sa'yo para nabantayan kita maigi. Sino ba kasi ang may gawa niyang sa'yo?"   Na ngungusap ang mga mata niya. Sabi na nga ba. Alam na alam ko talaga na magtatanong siya sa akin.   "Don't ask her about personal things—"   "I need to know," madiing sagot niya sa kapatid niya. "Dapat kong malaman para alam ko kung sino ang dapat na managot."   Wala akong balak na mag kwento sa kahit na sino sa kanila. Ayokong madamay pa sila lalo na si Fastia.   "Señorito, ito na po ang mga gamot."   Napatingin ako sa kasam bahay na kararating lang. Napaayos ako ng upo at napahawak sa ibabaw ng hita ko.   Binuksan ni Gamble ang lalagyanan at kumuha ng bulak. Napadila ako sa labi ko at nakita ko na may nilagay siya sa bulak. Naramdaman ko ang mainit na daliri sa baba ko na dahan-dahan akong hinaharap sa kanya.   Siya pa lang ang gagawa nito sa akin. Ako lang ang gumagamot ng mga sugat ko noon kapag sinasaktan ako ng Daddy ko. Isang bagay na hindi nagawa ng boyfriend ko noon.   "Takot ka pa rin ba sa akin?" nag-aalangan na tanong niya sa akin.   Hindi ko siya sinagot. Hindi pa niya nakikita? Kung may takot pa rin ako sa kanya baka hindi niya ako nahahawakan ngayon.   "Sabi ko naman sa'yo mas magiging ligtas ka rito. Hindi ka mapupuntahan ng kung sino man ang mga nananakit sa'yo."   Tama nga siya. Nang dahil kay Fastia naramdaman ko na may lugar pa pala para sa akin na ligtas ako. Ang lugar na 'yon ay ang lugar kung nasaan si Gamble. Unang punta ko rito, parang hindi ko maramdaman ang kapayapaan pero ngayon, ramdam ko na.   "Walang mananakit sa'yo, Lyanne. Pakikisamahan ka nang maayos ng mga kasambahay at trabahador dito. Ituturing ka rin na pamilya ng pamilya namin. Nang makita kita, alam ko na ito ang para sa'yo. Gusto mo ng kapayapaan? Ibibigay ko 'yon sa'yo. Kapayapaan na hindi mo kailangan na maging mag-isa ka lang."   Sanay ako na mag-isa lang ako at hindi umaasa sa kahit na kanino. Ayoko ng maging parte ng mga mayayaman pero napalambot na naman ako. Dalawang magkapatid pa talaga. Masyado akong nabaon sa nakaraan ko kaya natakot ako na buksan muli ang sarili ko para sa iba.   "Hindi ko hahayaan na maging mag-isa ka ulit at bumalik sa kung ano man 'yang nagpapasakit sa'yo. Dito ka lang sa akin."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD