Episode 09

2016 Words
Maxine Lyanne's POV "I guess you are the one that my brother talks about. He always talks too much about a named Lyanne. My Kuya is madly in love with someone name Lyanne. He always tells us how beautiful you are and a tranquil person. Lastly, you are the lady that he helps!" Fastia said happily. She is Elaina Fastia Aceves, or Eltia for short. Fastia is the sister that Gamble wants me to tutor how to speak in Tagalog properly. "How sure you are that your brother likes me?" I asked. Gusto ko lang na itanong pero hindi naman ako interesado sa kanya. Wala naman akong ginagawa para magustuhan ng gano'n ng kapatid niya. Paulit-ulit ko pa nga na tinaboy si Gamble. Tumayo si Fastia mula sa silya ng vanity table niya at naglakad siya palapit sa akin na nakaupo sa ibabaw ng kama niya. Nandito kami sa kwarto niya at dito ako matutulog. Katatapos ko lang maligo at bath robe lang ang nakatakip sa katawan ko. "He's my brother, and I know everything about him. I know when he is in love or not. We have been together since I was born." Magkapatid sila kaya lubos na kilala nila ang isa't isa. Sana ganyan din kami ng Ate ko pero mas malabo pa yata 'yon mangyari kaysa sa mata kong malabo. Ang laki ng galit niya sa akin dahil alam ko naman na may sama rin siya ng loob dahil sa pagkamatay ni Mama. "I want you for my brother." Napailing agad ako sa kanya. Hindi pwede dahil may lalaki ako na hinihintay na makalaya. Siya lang ang mahal ko. Hindi ko siya pwedeng talikuran lang. "Why? You don't want my Kuya? You look perfect together. I know that you will have a good relationship, and I can sense that my brother will be the happiest man if you are his lady," he proudly said. She pouted. I don't think that it will be a good idea. I still don't have trust at Gamble after all. Yes, I am not scared anymore of him, but I am still making progress slowly. One step forward at a time will be good. "I have a lover. I love my man—" "Where he is? Why is he not at your side to help you?" She looks irritated. I don't want to tell her about my boyfriend. It is good to be private. I trust her but not enough that I can say to her all about my secret. "It's okay if you don't want to talk about that guy, but I am pretty sure that my brother can treat you better. He's the best man ever, I swear! He knows how to be a perfect son and a brother to me." I nodded. I can feel that Fastia brother is a good guy. I overthink because of my past. "I heard that you are scared of him, so that is why I am telling you this. My brother is one of a kind man. Every girl wants him, but he doesn't care until you came into his life," she muttered. She held my hand, and I can see in her eyes all the sincerity that I always see in Gamble's eyes. No wonder they are related to each other. Masyado yata akong special sa isang tao na inakala ko ay sasaktan ako. Una pa lang, tinutulungan na niya ako pero ang nasa isip ko naman palagi noon ay may kailangan siya sa akin. Mayroon naman talaga. Kailangan niya ako para maging tutor ng kapatid niya. Kung ganito naman pala ang tuturuan ko, hindi na ako tatanggi pa. Magaan ang pakiramdam ko kay Fastia. Kaya hindi ko alam kung bakit noong una ko siyang makita ay niloko siya ng mga kaibigan niya. Wala naman akong nakikitang mali sa kanya para ayawan siya. I guess that we are the same. She understands me every time. It's so hard to find a person that will understand you with every flaw. "Hey!" Napalingon kaagad kami sa pinto na kakabukas lang. Napahawak agad ako sa bath robe ko nang makita ko si Gamble na napaiwas ng tingin. "Dinalhan kita ng damit ko. Ito na lang ang suotin mo dahil bukas pa darating lahat ng pinabilis ko para sa'yo," aniya na nahihiya pa. Ako nga dapat ang mahiya sa kanya dahil nasa bahay nila ako. "Kuya, I can—" "Ang damit niya ang hihiramin ko, Eltia." Humakbang siya papasok ng hindi makatingin ng diretso sa akin. Inilapag niya sa ibabaw ng sofa ang damit na ipapahiram niya sa akin at tumalikod na agad. "Isuot mo ang akin. Gusto rin kitang makausap bago ka magpahinga kahit saglit. Aantayin kita sa labas." Naglakad na siya paalis. Napatayo ako sa kama at naglakad sa sofa para kuhanin ang damit na ipapahiram niya sa akin. Kahit ang kausapin siya, hindi ko na kinakaayawan. Sa tingin ko wala rin naman akong magagawa dahil bahay nila 'to. Bahay kung saan ako ligtas. "Wait for me," pagpapaalam ko kay Fastia. Ang itim na t-shirt niya ang dala-dala ko papunta sa walk in closet ni Fastia. May mga underwear garment siyang pinahirap sa akin na hindi niya pa gamit. 'Yon muna ang gagamitin ko. Isinara ko ang pinto ng walk in closet at inalis agad ang bath robe ko. Kinuha ko ang panty at bra at sinuot agad ito sa sarili ko. Itinaas ko ang itim na t-shirt ni Gamble na aabot lagpas ng tuhod ko. Para akong ginawang sampayan nito. Pero komportable naman ang malalaking damit kaya ayos na ayos lang naman. Sinuot ko na 'to at hinayaan ang basa kong buhok na lumugay. Lumabas agad ako ng walk in closet at hindi ko na nakita si Fastia sa kwarto. Nagtungo ako sa pinto ng kwarto niya at hinila ito pabukas. "Gamble..." Tawag ko sa kanya. Agad siyang napalingon sa akin at napangiti ng makita ang suot ko. "Komportable ka ba?" tanong niya sa akin at tumango naman agad ako. "Gusto ko na maging maayos ang lahat sa atin dahil magtatagal ka rito. Hindi ka ligtas na bumalik sa bahay na 'yon kaya..." Ayoko naman tanggihan dahil baka ako lang din ang magsisisi sa huli kapag nakuha ako ng Daddy ko. Mas ayos na rito kahit na maraming ibang tao ang nakapaligid sa akin basta hindi sa Daddy ko. "Hindi ka na sana matakot sa akin sa tuwing lumalapit ako sa'yo at huwag ka na rin matakot kapag hinahawakan kita," pakiusap niya sa akin. "Makikitira na ako sa inyo kaya sige," mahinang sambit ko. "'Yong sa alok mo rin na gusto mong maging tutor ng kapatid mo—" "Kalimutan mo na 'yon. Ibibigay ko ang kahit na anong kailangan mo ng walang kapalit. Hindi mo kailangan mag trabaho." Naiwang bukas ang labi ko dahil sa gulat sa kanya. Wala na siyang kailangan sa akin. Nandito na ako sa bahay niya pero wala man lang kapalit? Mas lalo ko lang napapatunayan sa sarili ko na mali nga ako ng pakakakilala sa kanya. Masyado kong pinangunahan. "Ano bang kailangan mo, Lyanne? Sabihin mo lang sa akin o kaya sa kapatid ko. Pagtiisan mo lang din si Eltia dahil matagal na niyang gustong magkaroon ng kaibigan na magtatagal talaga sa tabi niya." Tumango agad ako sa kanya at napapunas sa noo ko dahil sa pagtulo ng basa kong buhok. Hindi pa ako nakakapagsuklay o kahit patuyo ng buhok. "W-Wala naman akong kailangan," nahihiyang saad ko. Ang mga taong pinagdudahan ko ay ang mga tao na magsasalba pa pala sa akin sa kapahamakan. "A-Ako ang bahala sa kapatid mo," sambit ko pa. Ayos na ayos naman kami ni Fastia. Madali lang sa amin na magkasundo dahil naiintindihan agad namin ang isa't isa. Hindi mahirap dahil halos parehas kami ng napagdaanan. Mas malala nga lang ang sa akin at hindi ko pa rin kayang i-kwento sa kahit na kanino. "Tatanungin ulit kita. Sino ba talaga ang may gawa niyan sa'yo?" nag-aalala niyang tanong sa akin. "Kahit ang kapatid ko, ayaw sabihin sa akin ang totoo." Tama nga talaga na si Fastia ang una kong pinagkatiwalaan pagkatapos ni Ronnie. Hindi nagsalita si Fastia sa nakita niya sa bahay namin. Alam na alam niya talaga ang privacy. "Kailangan ko lang malaman kung sino ang may gawa niyan sa'yo. Hindi ako papayag na sinaktan ka nila ng hindi nakakaganti," aniya pa. Hindi ko talaga pwede sabihin sa kanya. Kapag sinabi ko sa kanya, kailangan ko pa na magsimula sa umpisa at pati ang totoong nakaraan ko malalaman na niya. Nahihiya ako sa naranasan ko dahil mismong Daddy ko ang na nanakit sa akin. "Konting-konti na lang at paiimbistagahan na talaga kita—" "Huwag... P-Please..." Napayuko ako at hindi makatigin sa mga mata niya. "H-Huwag m-mong gagawin 'yan," pagmamakaawang saad ko. Hindi ko alam kung ano pa ang mukha na ihaharap ko sa kanila kapag nalaman niya ang bawat detalye na naranasan ko sa Daddy ko. Sa mismong kadugo ko pa. "I'm sorry..." Hinawakan niya ang ulo ko at hinila ako palapit sa kanya. Niyakap niya ako habang nakahawak ang kanang kamay niya sa ulo ko. Ang kamay niya ay nasa bewang ko naman. "Hindi ko na itutuloy at hihintayin na lang kita na sabihin sa akin ang lahat. Alam kong matututunan mo rin na kilalanin ako. Hindi lang bilang kapatid ni Eltia kundi para kilalalin ako bilang sa kung sino ako." Hindi na niya ako pinilit tungkol doon. Mabuti naman dahil mas lalo lang tumataas ang anxiety sa katawan ko. "S-Salamat, Gamble," saad ko. Walang sawang pasasalamat sa kanila. Nawala man si Ronnie sa akin may dalawa naman na pumalit. Alam kong kailangan ko lang silang kilalanin pa pero hindi naman masama na pagkatiwalaan ko rin sila "Gusto ko pa rin na tanggapin ang alok mo. Gusto ko na turuan si Fastia," sambit ko at napahiwalay sa kanya. Halatang laki sa ibang bansa si Fastia dahil sa accent nito. Nandito na siya sa Pilipinas kaya mas masasanay siya kung may matututunan siya sa akin. "Kung 'yan ang gusto mo, gawin mo." Napatingin ako sa damit niya na nabasa na dahil sa buhok ko. "Nabasa ko ang damit mo." Napahawak ako sa buhok ko na tulo talaga nang tulo. Napahubad siya ng damit at nakita ko ang katawan niya kaya agad akong napatalikod. Tumalbog ang puso ko roon. "Nababasa na rin ang damit mo," mahinang saad niya. Naramdaman ko ang tela sa ulo ko na naglilikom sa mga buhok ko. Napayuko na lang ako habang hinahayaan siya na ayusin ang buhok ko sa damit niya. Ginawa niya pang tuwalya ang damit niya para lang sa buhok ko. "Huwag kang matutulog ng basa ang buhok mo para hindi sumakit ang ulo mo," paalala niya sa akin. Tumango na lang ako sa kanya at hindi ako makalingon dahil alam kong wala siyang damit pang itaas. Hinawakan niya ang magkabilang braso ko at ramdam na ramdam ko ang katawan niya na malapit lang sa akin. "Feel at home, Lyanne. Walang mananakit sa'yo hangga't nasa lupa kita. Walang hahawak sa'yo ng labag sa loob mo." Napalunok ako sa sarili kong laway at marahan pa niyang pinisil ang braso ko. Ganito rin ang ginagawa sa akin ng Daddy ko noon pero bakit hindi ko na maramdaman ang takot? "P-Papasok na ako sa kwarto—" Mabilis niya akong inikot paharap sa kanya kaya napapikit ako para hindi makita ang katawan niya. Ayokong magtaksil. "Hindi ko na kailangan umalis ng bahay namin bukas dahil ang babaeng pupuntahan ko ay nasa katabing kwarto ko na lang. Hindi ko na kailangan magmadali sa pagpunta kung nasaan ka. Hindi ko na rin kailangan na maghintay sa tuwing aalis ka dahil lahat ng kailangan mo nasa bahay ko na. Matulog ka ng mahimbing, Lyanne." I open my eyes slowly, and droopy hooded eyes, gray, is the first that I saw. It's Gamble having a smile on his face. She touches my rosy cheeks with his fingers. "You too..." I whispered. "Enjoy your stay here, Lyanne. You don't need to worry anymore, and I am peaceful that I know you are a hundred percent safe."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD