Episode 01

1016 Words
Maxine Lyanne's POV "Ang tanga mo, Maxine!" nakakabinging bulyaw sa akin ng matandang babae dahil nakabasag na naman ako. "I'm sorry," I mumbled. Dali-dali kong niligpit ang nabasag ko habang naghuhugas ako ng pinggan sa likod ng kainan niya. Ito pa lang ang unang araw ko bilang taga hugas ng pinggan pero ang dami ko na agad nababasag. Hindi talaga ako sanay sa gawaing 'to pero ginawa ko dahil nauubos na ang pera ng boyfriend ko. Hindi pwedeng wala akong gawin habang nakakulong siya. "Dabog ka kasi nang dabog kaya ganyan! Paghuhugas lang naman ang ginagawa mo rito Maxine! Baka mapatay kita kapag nalugi ang negosyo ko dahil sa kakabasag mo!" sigaw niya muli. Nanginig ang mga kamay ko sa takot habang pinupulot ang mga basag na pinggan. Natatakot akong lingunin ang amo ko dahil baka mas kabahan ako. "Hindi na kita kailangan dito! Umalis ka na! Hindi ko kailangan ang ganda mo kung tanga ka naman pa lang babae ka!" Napahinto ako sa pagpupulot ng nabasag ko. Binitawan ko 'to at napaharap na sa amo ko. "Ouch!" Napahawak ako sa noo ko ng tumama ang lumipad na kaldero sa noo ko. Napapikit ako ng madiin at napansandal sa lababo. Nakaramdaman ako ng hilo sa malakas na pagsalpok ng kaldero sa ulo ko. Ganitong-ganito si Daddy sa akin noong nasa puder niya pa ako. Palagi niya akong sinasaktan sa tuwing nagagalit siya. Ako ang palaging pinagbubuntungan niya ng galit niya dahil naaalala niya si Mommy sa akin. Ako nang ako ang palagi niyang sinisisi kung bakit namatay si Mommy. Hindi ko naman ginusto na mamatay ang Mommy ko nang ipanganak niya ako. "Lumayas ka na rito, Maxine! Nasasayang lang ang mga gamit ko na nababasag mo!" Hinubad ko ang apron sa katawan ko at nagmamadaling umalis sa harap ng matandang amo ko. Natatakot ako na baka may kung ano pa siyang gawin sa akin. Nanginginig na ang tuhod ko habang naglalakad ako paalis sa tindahan niya pero hindi ako huminto. Matagal ko ng ginusto na sumuko. Nasa poder pa lang ako ng Daddy ko gusto ko na lang maglaho. Buong buhay ko na nakakulong lang ako sa bahay namin pero may isang lalaki na dumating sa buhay ko. Si Ronnie. Ang boyfriend ko. Because of Ronnie, I don't want to give up even I am so tired. Someone is waiting for me. Someone needs me. Ronnie helps me to get away from my Dad that constantly tortured me. So, I need to allow him to get away from prison. He gets in jail because of the wrong accusation. Somehow, I think that my Dad plans it. "I am far away..." Bumagal ang paghakbang ko at sumasalubong sa akin ang hangin ng Escajeda. Hindi naman ako mahihirapan ng ganito kung hindi nakulong ang boyfriend ko ng dahil sa pagbebenta ng pinagbabawal na gamot. Alam ko naman na hindi niya 'yon magagawa. Kilala ko ang boyfriend ko simula noong maging body guard siya ng Daddy ko. Siya lang ang nag-iisang tao na kaya kong pagkatiwalaan na inilayo pa sa akin ni Daddy para pahirapan ako. My life is so cruel. Nakawala nga ako sa bahay ng Daddy ko na palagi akong sinasaktan pero parang lahat ng tao galit sa akin. Lahat ng tao, nakakatakot. Napagilid ako sa dinadaanan ko dahil natanaw ko ang kotse mula sa ilaw na pasalubong sa akin. Patuloy lang ako sa paghakbang ko ng huminto ito bigla sa tapat ko. Napayakap agad ako sa sarili ko at napahinto rin sa paglalakad. Bumaba ang salamin ng sasakyan at nakita ko ang isang lalaki. Mabilis akong napatakbo palayo sa sasakyan bago pa may gawin na masama sa akin ang lalaki. Sa tuwing nakakakita ako ng lalaki na hindi ko kilala, naaalala ko ang Daddy ko. Si Daddy na pagbaba ng sasakyan ako agad ang pupuntahan para saktan nang saktan. "A-Ah..." mahinang daing ko dahil sa pagkakapatid sa bato. Napahawak ako sa tuhod ko ng biglang may lumapat na mainit na palad sa siko ko. "Are you okay—" "B-Bitawan mo ako..." Kinalas ko ang siko ko sa kanya at tumayo sa sarili kong paa ng kabigin niya ang braso ko paharap. A droopy hooded eyes of a man in the middle of the night. A guy from the car. His hockey hair starts blowing in the air. "Do you need help?" he asked. "N-No," I muttered. Hinila ko ang braso ko mula sa kanya at unti-unting umatras palayo sa kanya. Hindi ko kayang pagkatiwalaan ang kung sino-sino lang. "Your head is bleeding." His eyes widened. Humakbang siya palapit sa akin habang nakatingin sa noo ko. Tumaas ang kamay niya at dahan-dahan na lumapat sa noo ko na kinapitlag ko. "H-Huwag mo k-kong hawakan." Napayakap ako ng husto sa sarili ko at napatingin sa paligid ko na madilim na at tanging kotse niya na lang ang may ilaw. "Wala akong gagawing masama sa'yo. Tutulungan kita—" "No," madiing sambit ko. Sinubukan niya muli akong hawakan ng magsimulang manubig ang mga mata ko. Naalala ko lahat. Kung paano ako pagbuhatan ng kamay ng Daddy ko sa tuwing hahawakan niya ako. Ang sakit na dala-dala ko pa rin kahit na malayo na ako sa malupit kong magulang. "Hindi kita sasaktan," nakangiting sambit niya. Siya ang unang tao maliban sa boyfriend ko na ngumiti sa akin. Pero natatakot pa rin ako na baka may gawin siyang hindi maganda sa akin. Ang malalapad niyang kamay na baka saktan ako. "L-Layuan mo ako. H-Huwag mo k-kong lapitan." Ang mainit na tubig na dumadaloy mula sa mga mata ko ay dahilan ng sinapit ko sa Daddy ko. Ilang beses akong nagmakaawa noon na huwag niya akong saktan pero puro pasa pa rin ang mukha ko. "I'm not a dangerous person, Miss. I am an Aceves. One of the owners of Hacienda Aceves. Doing terrible things is not my thing. I can help you." "S-Stop... Don't hurt me, Dad." Everything starts to darken in my sights. A guy in front of me held my waist, and I don't have the strength to push him. "No one can harm you. A fragile woman."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD