"K-Kumain ka na?" tanong ko at napahakbang papunta sa kitchen island kung nasaan niya.
Hindi pa siya kumakain dahil hindi naman siya sumabay sa amin. Alas-dos na rin ng tanghali. Huminto ako sa tapat niya.
"Kakain pa lang," sagot niya sa akin at wala man lang na kahit anong emosyon.
Masyado ko yata siyang nasaktan para mawala sa kanya ang makulit na si Gamble. Ayaw niya akong saktan o gantihan pagkatapos ng ginawa ko sa kanya pero ngayon parang tino-torture naman ako.
Hindi ako na kokonsensya katulad ng nararamdaman ko kay Ronnie ng halikan ako ni Gamble dahil parang mas nasasaktan pa ako.
"G-Gusto mo na ipagluto kita?" alok ko sa kanya.
Nagsalubong ang tingin naming dalawa at nag-aalangan akong napangiti sa kanya. Aalis na siya at gusto ko na maipagluto man siya.
"Bakit mo ginagawa ngayon 'to?" tanong niya.
Napakapit ako sa ibabaw ng kitchen island dahil sa mapupungay niyang mga mata. Nakakapanghina kaya sa huli ako ang nag-iwas ng tingin sa kanya.
"Ito naman ang gusto mo 'di ba? Ang lumayo ako sa'yo pero bakit..." hindi niya matapos-tapos ang sasabihin niya at napaupo na lang siya sa high chair.
Sinalubong ko muli ang mga mata niya. Pagkatapos ng sampung araw na pag iwas-iwas niya, ngayon na lang ulit tumibok ng ganito kabilis ang puso ko.
"A-Aalis ka na raw..." mahinang sambit ko.
"May mas kailangan akong unahin kaysa sa mga bagay na nandito," sagot niya.
Mas malala pa sa sakit na ginawa sa akin ng Daddy ko ang sinabi niya. Hindi na nga ako mahalaga sa kanya dahil may mas importante na sa akin. Natauhan na siya na matagal ko ng gusto.
Nagwawala sa galit ang puso ko kung bakit ko hinayaan na mangyari 'yon. Sa ginagawa niya tuluyan na nga akong nalito.
"U-Uhm, gusto mo ba na ipagluto kita?" tanong ko muli sa kanya.
Sunod-sunod akong napalunok at nagsimulang manginig ang tuhod ko. Kinakabahan ako sa isasagot niya.
"Huwag na," maikling sagot niya at halata pa na ayaw na akong kausap. "Ititigil ko na rin ang masyadong paglapit ko sa'yo. 'Yong mga ginagawa ko sa'yo, ititigil ko na."
Naiwang buka ang labi ko dahil sa sinabi niya. Alam ko naman na itinigil na niya pero masakit pala kapag narinig mismo sa labi niya. Ano bang ginagawa mo sa akin?
Gusto kong itanong kung bakit pero magmumukha lang akong kawawa. Ako ang may gusto una pa lang na itigil niya ang pagkakagusto niya sa akin.
"Tama ang pamilya ko. Hindi ko dapat hinayaan ang sarili ko na lumalapit sa'yo lalo na at may boyfriend ka." Napaiwas siya ng tingin sa akin pero hindi ko inalis ang akin.
Binabawi na niya lahat ng sinasabi niya. Kapag nasasaktan talaga ang isang tao, napapagod na siya sa mga bagay na pinipilit niya. Mabait siya, alam niya kung paano mag-alaga at magbigay halaga sa isang tao. Deserve nga naman niya ang pagmamahal na galing sa may maayos na buhay at pamilya.
"Ang hirap-hirap din, Lyanne. Kahit na anong gawin kong pag-agaw sa'yo, alam kong hindi ako mananalo. Hindi na si Ronnie ang kalaban ko rito. Kalaban ko na 'yong konsensya mo na nararamdaman mo kapag iniwan mo si Ronnie. Ilang beses ko man sabihin sa'yo na hindi na pagmamahal 'yang nararamdaman mo kay Ronnie at utang na loob na lang 'yan... Wala pa rin e."
Ayokong aminin sa sarili ko na utang na loob na nga lang dahil siya ang lalaking naiisip ko na makakasama ko talaga. Siya na 'yong lalaki na pinangarap kong makasama hanggang sa tumanda ako.
"I'm s-sorry—"
"Okay lang," tipid na naman na saad niya.
Nasaktan ko siya pagkatapos ng lahat nang pagpaparamdam niya sa akin kung gaano kahalaga ang pagmamahal niya sa akin. Pagkatapos ng lahat ng pagtatanggol niya sa akin ito pala ang isusukli ko sa kanya.
"S-Sana m-makahanap ka ng isang babae na mamahalin ka sa bawat ugali na mayroon ka. Ano man ang h-hindi maganda sa'yo at sana pahalagahan ka rin niya kung paano mo pahalagahan ang mahal mo. Deserve mo rin ng pinaka-best." Mahina akong natawa kahit sobrang sakit sa dibdib ng bawat salitang binibitawan ko.
Palagi niyang sinasabi sa akin noon na deserve ko ang pinaka-best at siya lang 'yon.
"Bakit mo pa sinasabi 'yan e parang natamaan na ako ng sumpa mo. Sumpa na ikaw lang ang mamahalin ko kahit na malayo pa ako sa'yo."
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napalapit na ako sa kanya. Niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit.
"S-Sana m-matapang ako katulad mo, Gamble. I'm sorry kung sobra-sobra kitang nasaktan, Gamble. H-Hindi ka dapat sinasaktan pero nagawa ko pa rin. I'm sorry k-kung mali ka ng babae na minahal—"
"Hindi ako nagkamali na ikaw ang minahal ko." Naramdaman ko ang braso niya na yumakap sa akin pabalik at inipit niya ako sa magkabilang binti niya.
Nakaupo pa rin siya sa high chair. Tumama ang labi niya sa noo ko at napapikit na lang ako. Pumatak ang mainit na luha mula sa mga mata ko.
"Saktan mo man ako paulit-ulit pero alam ko sa sarili ko na hindi darating ang araw na pagsisisihan ko na ikaw ang unang babaeng minahal ko."
Why do I need to hurt someone unintentionally? I want him to feel all the love because I know that is what Gamble deserves, but now I hurt him. All he did is love me, treasure me, protect me; he makes me feel that I have a family, and Gamble gives me everything.
What can I do so I can remove all the pain to him without hurting Ronnie too? I don't want anyone of them to suffer. Mas gugustuhin ko na ako na lang talaga ang masaktan kaysa ang mga nagmamahal sa akin.
"Hindi na kita pahihirapan at lilituhin nang paulit-ulit. Hahayaan na kita na mag-isip. Sana dumating ang araw na para sa akin, para sa ating dalawa. Makalimutan mo 'yon utang na loob mo sa kanya at matukoy mo kung ano ba talaga ang pagmamahal at utang na loob."
Napatango ako at napasubsob na sa balikat niya.
"B-Babalik ka naman agad 'di ba? K-Kapag umalis ka?" tanong ko sa kanya.
Gumapang pataas ang kamay niya at lumapat ito sa buhok ko. Dahan-dahan niyang hinimas ang buhok ko.
"Gusto kong makita ang maliit mong ilong. Hangga't tumitibok din ang puso ko para sa'yo, babalik at babalikan kita."
"P-Paano naman kapag hindi na? H-Hindi ka na ba babalik? K-Kahit na m-magkaibigan t-tayo?"
Napapisil ako sa kamay ko na magkahawak habang nakayakap ako sa kanya. Kahit ang salitang pagkakaibigan, hindi ko masabi dahil ngayon lang mismo naamin sa sarili ko na kaibigan ko nga siya. Na hindi lang si Fastia dahil pati siya.
"Hindi mo kailangan isipin 'yan dahil mananatili na ikaw ang una at huling babae na magpapaloko sa t***k ng puso ko. Hindi lang simple ang nararamdaman ko na kapag hindi kita kinausap, mawawala na agad."
Kahit pa paano ay gumaan na ang pakiramdam ko dahil alam ko na okay lang kaming dalawa at walang problema. 'Yon naman ang mahalaga at hindi na niya dalhin ang sakit sa dibdib niya.
"You are the only special affection of the Gamther Blenton Aceves. I give you the protection you needed, and you taught me how to love a lady like you. Even though you are fragile and not strong enough, you are still my love, but now I will stop courting you. I will give you a chance to know yourself more, Lyanne. Know who is the real man that you love. A man that you don't want to go away ever in your life."
—————————————————————————
May pag-asa nga ba sila? Sino ang pipiliin mo? Ang lalaking una mong minahal o ang pangalawang lalaki na pinatibok ng husto ang puso mo? Hindi lang basta mabilis at malakas na t***k ng puso dahil isang pagmamahal na may pag-iingat ang ibinigay niya.