Chapter 3

1413 Words
                             Lovely hissed when a bullet hit her arm. Agad niyang pinunit ang manggas ng damit niya at tinalian niya ang sugat niya. Her and Agent Mik are in island,spying. Ito ang lugar na sinabi ng boss nila na matatagpuan ang drug laboratory. Ang hindi nila inaasahan ay marami palang mga bantay sa paligid at mataas ang uri ng mga baril na gamit ng mga ito. Gabi na pero maliwang naman dahil sa sinag ng buwan. "Posibleng nasa gitna ng isla ang lab." Ani Agent Mik at gumanti sa mga kalaban nila. Gunshots filled the air. Nagtago silang mabuti ni Agent Mik sa katawan ng puno. "I call for backup." Aniya at pinindot ang emergency button sa suot niyang relo. "Done." Nang tumigil ang mga kalaban sa pagbaril sa kanila ay ibinagsak ni Agent Mik ang duffle bag na dala nito. "Get your gun. We need it." Agad kinuha ang isang rifle at dalawang baril,inilagay niya ito sa kanyang thigh holster na may nakalagay din na kutsilyo. Kumuha si Agent Mik ng grenades. Napangiwi siya. Hindi siya gumagamit ng grenade. Ayaw niyang nakakakita ng taong nasasabugan ng granada. "Maghiwalay tayo." Aniya. Tumango si Agent Mik. "Magkita na lang tayo sa gitna ng isla kung makakaabot tayo doon ng buhay." "Darating ang backup." Sabi niya sa siguradong boses. "I know. Si boss pa,ayaw ka niyang napapahamak." Napailing na lang siya sa tinuran nito. Lumabas sila sa kanilang pinagtataguan at binaril ang mga kalaban. They split direction. Hindi niya hinayaang makaganti ang mga kalaban niya sa kanya. She keeps on firing them. Nagtago lang siya nang maubusan ng bala ang rifle na hawak niya. She loaded another magazine. Ang mga kalaban naman ngayon ang bumabaril sa kanya. She shook her head. They're just wasting their bullets because they're hitting nothing. Dumapa siya at gumapang papunta lumipat ng pwesto. Tumayo siya at agad na binaril ang mga lalaing bumabaril sa pinagpwestuhan niya kanina. Napatingin siya sa isang direksiyon,mukhang buhay pa si Agent Mik,patuloy pa rin ang putukan,eh. Mabilis siyang tumakbo sa malinis na daan. Alam niyang ito ang papunta sa gitna ng isla. Patuloy lang siya sa pagtakbo habang binabaril niya ang mga kalaban. Then she saw a grenade thrown by her opponent. She quickly get her knife and throws it in the air. Natamaan ng kutsilyo ang granada at sumabog ito sa ere. Nang makarinig siya ng ingay ng helicopter at ng mga speedboat. Napangiti siya. Andito na ang backup nila. Sigurado ng hindi sila mamamatay ni Agent Mik sa islang 'to. Tumingala siya at nakita niya ang chopper na pag-aari ng KING J  ORGANIZATION. Maliit lang ng isla kaya madali niyang mahahanap ang labolatory. Mabilis niyang binaril ang isang direksiyon pero puno ang natamaan niya. May nahagip kasi ang mata niya nakulay itim. Hindi niya alam kung tao 'yun o hayop kaya naman dahan-dahan siyang lumapit sa malaking puno habang nakatutok ang baril niya. When her phone rang. Umatras siya at kinuha ang cellphone niya sa bulsa na hindi sinasagot ang tawag. "Hello,whoever are you—" "Malapit ka na sa laboratory,Agent Love." Sabi ng boss niya. "Got it." Mabilis siyang tumakbo sa isang direksiyon at hinawi ang mga halaman na nakaharang sa daan at nakita niya ang isang malaking mansion na may helipad sa harapan nito. So this is their lab? Hindi halata. Nakita niyang nagpaikot-ikot naman ang chopper ng KJO sa isla. Kahit gabi na ay naaaninag niya pa rin ito. Binitawan niya ang hawak na rifle na wala ng bala at kinuha ang dalawang baril sa kanyang thigh holster. Nagtago siya ng biglang lumabas ang mga kalaban at pinaulanan siya ng bala pero may bumaril sa mga ito. "You okay?" Paglapit sa kanya ni Agent Mik. Kasama na nito ang ibang agents. She nodded. "Salamat." Tumayo siya. Sinenyasan ni Agent Mik ang mga agent na maghiwa-hiwalay. Pinalibutan nila ang mansion. Hindi nakaligtas sa kanya ang mga nakakabit na CCTV sa labas ng mansion. Binaril niya ang mga ito isa-isa. Hinintay nilang may lumabas sa malaking pintuan ng mansion. Hinintay nilang may gumanti pero wala. Naging tahimik ang paligid at tanging ingay lang ng chopper ang naririnig nila. Lumabas siya sa pinagtataguan at itinutok ang baril sa pinto. Ganun din ang ginawa ng iba. "Careful,everyone." Aniya. Nang makalapit siya sa pinto ay saka niya lang nakita na gawa ito sa bakal pero kapag nasa malayo ka ay parang kahoy ito. She sighed. Sinenyasan niya ang isang agent. Tumango ito. Umatras silang lahat bago pinasabog ng inutusan niyang agent ang pinto. Tumakbo sila papasok pero biglang may nagpaulan sa kanila ng bala galing sa itaas. Mabilis silang nagtago pero natamaan ang iba nilang kasamahan. "I didn't expect this." Sabi ni Agent Mik. "Me too." Aniya. Walang tigil ang pagpapaulan sa kanila ng bala. Nang mapansin niya ang isang sulok ng mansion,isang kalansay ng malaking hayop ang nakita niyang naka display. Kumunot ang nuo niya. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at tinawagan ang boss niya. "Agent Love?" "Boss,sigurado ka bang drug lab 'to? Kasi parang hindi,eh." Her boss sighed. "That's what my source told me." Napailing siya at pinatay ang tawag. "Agent Carl,pasabugin mo na nga ang mga 'yan. Kanina pa ako naririndi." Aniya. "With pleasure." Anito at nagbato ng tatlong grenade sa mga kalaban nila. Nakarinig na lang sila ng magkakasunod na pagsabog. Hinintay nilang may magpapaulan ulit ng bala sa kanila pero wala na. "Pakigamot ang mga nasugatan." Utos niya. Mabilis niyang binaril ang dalawang lalaki na biglang lumabas sa pader. Umakyat ang ibang agents sa hagdan patungo sa ikalawang palapag ng mansion. Siya naman ay nanatili lang sa unang palapag. Abala ang mga kasama niya sa pagsipat sa paligid. Nasaan dito ang lab? "Agent Love,look at this!" Kaagad naman siyang lumapit kay Agent Mik. Nakita niyang nakatingin ito sa isang painting... ...ng isang lobo? Nakakatakot ang painting,kulay pula ang mata ng lobo at nakalabas ang pangil nito na parang handa ng pumatay. "Second floor,clear!" Narinig niyang sigaw ng isang agent. Ibig sabihin ay walang nakita ang mga ito sa ikalawang palapag. "Clear!" Sigaw ni Agent Kate. Kumunot pareho ang nuo nila ni Agent Mik at nagkatinginan. "Nasaan ang drug lab?" Agent Mik shrugged. "Don't know." She sighed. Hinampas niya ang painting at nagulat siya nang bigla na lang itong nabulog. Tumabad sa kanila ang isang steel door na kasya ang dalawang tao. Itinulak niya ito pabukas. "Careful,Agent Love." Nauna siyang pumasok at bigla na lang nagliwanag ang paligid. Her eyes widen. "What the hell is this place?" Bulalas ni Agent Mik. Inaasahan niyang may mga makikita siyang mga tao sa loob pero wala. Ang mga nakita nila ay mga kulungan na nakabitin sa kisame. Mga likido na may hindi kaaya-ayang amoy. Halos lahat sila ay nagtakip ng ilong. Pero ang nakakuha ng atensiyon niya ay ang mga kalansay na nakalagay sa isang glass box. Naghanap sila sa paligid kung may mga drug paraphernalias pero wala silang nakita. Iba ang mga nakita nila.  Mga gamit ito sa isang eksperimento. "Listen,everyone!" Lahat sila ay napatingin sa boss nila na kapapasok lang. Nagtakip ito ng ilong. "Pwe! Anong amoy 'yan?" Itinuro naman nila ang likido na nasa gilid. "Makinig kayo! Ang mga nakita niyo sa lugar na ito ay manatili dito. Wala na kayong pagsasabihan iba kahit pamilya o kaibigan niyo pa. Anuman ang nakita niyo sa lugar na ito at kalimutan niyo na. Lumabas na tayo. Agent Mik,pasabugin mo ang lugar na ito." "Yes,Boss J." Tumango ang boss nila at nauna ng lumabas. Nagkatinginan naman silang lahat. Nagkibit siya ng balikat at sumunod na lumabas. Pagkalabas niya ng mansion ay tinignan niya ang boss niya. "Sumabay ka na sa akin,Agent Love." Tiningala niya ang buwan. "Ang liwanag ng buwan,Boss." "Let's go,Agent Love." "Mauna na kayo,Boss. Sasabay ako kay Agent Mik. Hindi pa tapos ang bakasyon ko 'no?" Napailing ang boss niya. "Okay." Sumakay na ito sa chopper at umalis. She blew a loud breath. She feel the cold breeze. Nang makarinig siya ng alulong...alulong na parang nanggagaling sa isang malaking hayop. Lobo? Pero wala namang lobo 'di ba? They don't exist. Naalala niya agad ang kalansay na nakita niya sa loob ng mansion. Hindi niya namalayan na naglalakad na pala siya palapit sa pinanggagalingan ng alulong. Hindi niya maiwasang hindi kabahan habang palapit siya. Mabilis ang t***k ng puso niya. Sa tulong ng liwanag ng buwan ay nakita niya ang isang taong nakahandusay sa lupa. Hindi niya alam kung ano ang sumapi sa kanya at tumakbo siya palapit sa taong nakahandusay sa lupa. "Mister,are you okay?" Nag-aalala niyang tanong. Inilawan niya ito gamit ang cellphone niya at nakita niyang duguan ito. Nagulat siya nang bigla itong nagmulat ng mata. And she was amazed by the color of his eyes...gold. Kumislap pa ito dahil sa ilaw ng cellphone niya. "Kailangan kitang dalhin sa hospital."  Lovely said. The man smiled at her. "I'm h-happy that y-you're h-here." Huh?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD