Chapter 4

1328 Words
                               Panay ang sulyap ni Lovely sa nakasarang pinto ng kwarto. Hindi siya nakatiis. Tumayo siya at pumasok sa kwarto. There,she saw the man she helped in the island sleeping peacefully on the her bed. Isang linggo na itong walang malay. Naalala niya ang nangyari sa isla. Hindi niya alam kung ano ang sumapi sa kanya at labis siyang nag-alala para sa lalaki. Hindi naman niya ito kilala. Napailing siya nang maalala ang mga ginawa niya para maialis niya ang lalaki sa isla. The man keeps mumbling na huwag niya itong ipunta sa hospital  kaya sa hotel na tinutuluyan niya ito pinatuloy. Nagtaka pa nga ang guard ng hotel pero tinulungan naman siya nitong magbuhat sa lalaki. Ang bigat,eh. Sumakit ang katawan niya. Nagtataka lang siya kung ano ang ginagawa nito sa isla? Hindi naman itong mukhang masama. But looks can be deceiving 'di ba? Iniisip niya na baka ito ang may-ari ng mansion na nasa gitnan ng isla na pinasabog ni Agent Mik pero imposible naman. Umupo siya sa gilid ng kama at pinagmasdan ang hitsura nito. The man was handsome. Sigurado siyang maraming babaeng nagkakandarapa dito. Napabuntong-hininga siya at inayos ang kumot nito. May benda na nakapalibot sa katawan nito dahil sa tama nito ng bala nito sa tiyan ay may mahaba pa itong sugat sa likuran. Sino naman kaya ang bumaril dito? At saan nito nakuha ang sugat nito sa likuran. Para kasing hiwa ito ng matalim na bagay. Nagpatawag na lang siya ng doctor para magamot ito dahil hindi naman niya alam kung paano magtanggal ng bala sa katawan at wala siyang tiwala sa sarili niya. Pumasok siya sa banyo at tinignan ang sugat niya sa braso. Papahilom na ito. Mabuti naman. Ipinatong niya ang dalawang kamay sa gilid ng sink. Tinignan niya ang sarili sa salamin. Napailing siya at lumabas ng banyo. Tinitigan niya muna ang lalaki ng ilang segundo bago siya tuluyang lumabas ng kwarto. Something is bothering her about him. Hindi niya alam kung bakit siya nag-aalala para sa lalaki. She blew a loud breath. Hindi na natuloy ang bakasyon niya dahil hindi naman niya maiwan ang lalaki na mahimbing na natutulog sa kwarto niya. Konsensiya niya rin 'yun. Umupo siya sa sofa na nasa living room at kinuha ang laptop niya na nasa sofa rin. She search some hollywood movie. Manonood na lang siya to pass the time...dahil hindi naman niya alam kung kailan magigising ang lalaki na nasa kwarto niya. She sighed. "Ano bang nangyayari sa akin?" Tanong niya sa mismong sarili nang hindi siya makapagpokus sa pinapanood niya. She shook her head. I-off niya ang laptop niya. Ibinalik niya ang laptop sa centertable. Humilig siya sa sofa at tumitig sa kisame. Mabilis siyang napatingin sa pinto nang makarinig siya ng parang may nahulog na bagay. Tumayo siya at nagmamadaling pumasok sa kwarto. "Mabuti at nagising ka na." Sabi niya sa binata na gulat na napatingin sa kanya. Nakita niyang nasa sahig ang lampshade at basag ito. Mukhang ito ang narinig niya kanina na nahulog. She sighed. Lumapit siya sa binata at hinawakan ito sa magkabilang balikat at masuyong itinulak pahiga ulit sa kama. "You need to rest." Kumunot ang nuo niya. "Ano palang pangalan mo?" Tanong niya. Hindi nagsalita ang lalaki ay nakatingin lang sa kanya na parang hindi ito makapaniwala na nasa harapan siya nito. She can see many emotions in his eyes. Ikinaway niya ang kamay sa harapan ng mukha nito. "Ayos ka lang ba?" Napakurap ito. "O-oo...nasaan ako?" Hmm...his voice is familiar. "Dito sa tinutuluyan kong hotel dito sa Aurora. Nakita kita sa isla kung saan may mission kami. Hindi mo pa pala sinagot ang tanong ko,anong pangalan mo?" "Andrew...Andrew Zion. Salamat sa tulong mo." "Walang anuman." Tumingin siya ng deretso sa kulay ginto nitong mata. "Anong ginagawa mo sa islang 'yun? Muntikan ka ng namatay dahil sa tama ng baril sa'yo at sa sugat mo sa likuran." Sabay tingin niya sa bendahe na nakapalibot sa katawan nito. Agad naman na bumaba ang tingin nito sa mismong sarili at mukhang hindi ito naging komportable sa tanong niya. "Huwag mo na lang sagutin ang tanong ko." Aniya at tumayo. "S-saan ka pupunta?" Tanong ni Andrew na parang ayaw nitong umalis siya. "Magpapahatid lang ako ng pagkain dahil alam kong gutom ka na. Isang linggo ka kayang walang malay." Sabi niya at lumabas ng kwarto. Nang maisara niya ang pinto ay napasandal siya sa pader. Sinapo niya ang tapat ng kanyang puso. Why are you beating so fast? Calm down. She inhaled and exhaled. Naiiling na naglakad siya patungo sa kinalalagyan ng telepono para tumawag sa service crew na magdala ng pagkain. Bumalik siya sa kwarto at lininis ang basag na lampshade. "Saan ka nga pala nakatira?" Tanong niya. "Italy." Sagot ni Andrew. Napatango siya. "I see,you're a tourist." Pero agad niyang naalala na nakita niya ito sa isla. "Anyway,may I ask kung sino ang pwede kong kontakin para malaman ng pamilya mo ang nangyari sa'yo—" "—no. Hindi nila pwedeng malaman ang nangyari sa akin." Now she's confused. "Bakit naman?" Nag-iwas ito ng tingin at hindi sinagot ang tanong niya. She sighed. "Okay. Kalimutan mo na lang ang sinabi ko." "Ikaw ba ang gumamot sa akin?" Kaagad siyang umiling. "Hindi. Nagpatawag ako ng doctor because you keep on mumbling na huwag kitang dalhin sa hospital." Ngumiti ang binata. "Thank you." Tumango siya at muling lumabas ng kwarto. Eksakto naman na may nag doorbell. Binuksan niya ang pinto at nakita niyang ang service crew na may dalang pagkain. "Thank you." Aniya at kinuha dito ang pagkain. "Bumalik ka na lang after one hour." "Yes,Maam." Dinala niya ang pagkain sa loob ng kwarto at nakita niya si Andrew na parang may hinahanap. "Tinapon ko na ang damit mo dahil hindi mo rin magagamit dahil punit na. Ang wallet at cellphone ay natakpan ng jacket mo na nasa upuan." Inilapag niya ang tray ng pagkain sa kama,sa tabi nito. "Kumain ka para bumalik ang lakas mo." Tumingin ito sa kanya bago ito tumingin sa pagkain na nasa tabi nito. Pumunta siya sa tabi nito at tinulungang makasandal sa headboard ng kama. At dahil malapit sila sa isa't-isa ay nalanghap niya ang pamilyar na amoy. Kumunot ang nuo niya. Saan na nga ba niya naamoy ang pabangong 'yun? Iniling niya ang ulo. "After you eat,papalitan ko ang bandage ng sugat mo." Hindi niya alam pero pakiramdam niya ay kailangan niyang asikasuhin ang lalaki or else magsisisi siya. "Lovely." Tawag nito sa kanya. "Yes—" natigilan siya. "Paano mo nalaman ang pangalan ko? Hindi ko naman sinabi sa'yo kanina." "Sinabi mo kaya." Umiling siya. "No." Kinuha niya ang tray at ipinatong sa hita nito. "Eat." "Thanks,Love." "Don't call me that." "Hmm..." Andrew response and eat. Napailing siya at hinanda ang panglinis sa sugat nito at ang bandage. Minutes later... "Ang bilis mong kumain,ah." Komento niya nang makitang naubos na nito ang pagkain sa loob ng sampung minuto...ang dami kaya nun. "Gutom ako." Then he drink water. Kapagkuwan ay napatigil ito. "Kumain ka na ba?" Pinigil niya ang ngiti. "No." "What the? Sana sinabi mo—" "It's okay. Hindi pa naman ako nagugutom." Itinabi niya ang tray. "You need to sat straight para malinis ko ang sugat mo sa likod." Aniya. Napangiwi ito. "It hurts." "I know." Dahan-dahan itong umupo ng maayos. Nakaharap ang likod nito sa kanya. Dahan-dahan niyang tinanggal ang bendahe nito at maingat na lininis ang sugat nito bago muli nilagyan ng bendahe. Sunod niyang lininis ang sugat nito sa tiyan. Ang sabi ng doctor ay hindi naman ito gaanong malalim at hindi nito ikakamatay kaya wala siyang dapat ipagalala. Nang malagyan niya ng bendahe ang sugat nito ay pinagpahinga niya ito. Nang makalabas siya ng kwarto ay pinunasan ni Lovely ang namumuong pawis sa nuo. She was taught how to be calm always, at nakatulong naman 'yun kanina. Pilit niyang tinatanggal sa isipan niya ang katawan ni Andrew. Gwapo ang lalaki plus makisig ang pangangatawan nito. Six packs abs,sexy back and broad chest. Kung ibang babae siguro ay kinikilig na makakita ng ganoong katawan ng lalaki and she admit it. She was impressed to his body but she calmed herself. Napabuga siya ng hangin. Kinuha niya ang purse niya at lumabas ng hotel. Kailangan niyang magpahangin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD