Sa sumunod na dalawang araw ay nilagnat si Lovely. Epekto na ito siguro nang maulanan siya noong nasa misyon sila ni Agent Ryan. Sobrang taas ng lagnat niya. Hindi naman siya makagalaw dahil nahihilo siya. Hindi siya makakain dahil hindi naman siya makapagluto. She groaned. Hindi niya akalain na ang isang buwan niyang bakasyon ay mananatili siya sa condo dahil nilalagnat siya.
Wala naman siyang pwedeng tawagan para tulungan siya dahil alam niyang makakaistorbo lang siya. Isang tao ang pumasok sa isipan niya.
Hmm ... pwede kaya siya?
Lovely sighed and get her phone, search the name of her bestfriend on her contacts. Isang taon na silang hindi nagkita. Bigla na lang itong hindi nagpakita sa kanya. Pero wala naman sigurong mawawala kung tatawagan niya ito. Umaasa si Lovely na sana ay ito pa rin ang numero ng kaibigan. She dialed the number and she sighed in relief when the other line rang and heard her bestfriends' voice.
"Who's this?" Bungad nito na walang emosyon ang boses.
Napailing siya. Hindi pa rin ito nagbago. Blank emotion.
"Isang taon lang tayong hindi nagkita nakalimutan mo ako. I'm hurt, my friend." She said in low voice. "Chezka, it's me." Aniya. "Lovely..."
Natahimik ang nasa kabila at tanging paghinga lang nito ang naririnig niya.
"Chezka?"
"Are you sick?" Tanong nito.
"Ahmm...no."
"Bakit ka pa kasi tinatanong, alam ko naman na magsisinungaling ka lang. I'm coming. Hintayin mo ako." The line ended.
Napangiti na lang siya. Chezka is really Chezka. Malamig man ang pakikitungo nito pero maalalahanin naman. Chezka is her bestfriend since they were highschool. May mga pagkakapareho sila at madali nilang nakagaan ang loob ng isa't-isa. Ipinikit niya ang mata hanggang sa makatulog siya.
Nagising na lang siya na may nakalagay na bimpo sa nuo niya at medyo maayos na ang pakiramdam niya.
Mukhang nandito na si Chezka.
Bumukas ang pinto ng silid niya at pumasok si Chezka na may dalang tray ng pagkain. Napansin niya na medyo pumayat ang kaibigan.
"Gising ka na pala." Sabi nito nang makita siyang gising na.
"Isang taon kang hindi nagpakita." Aniya.
Nag-iwas ng tingin ang kaibigan at inilapag ang tray sa kama. "Kumain ka na."
Napailing siya. "Sagutin mo muna ako, Chezka. Isang taon kang hindi nagpakita, anong nangyari sa'yo?"
"Training." Sagot nito at umupo sa dulo ng kama niya. Humiga ito doon. "Pasensiya ka na, Lovely. Kailangan kong gawin ang training para ilabas ni Daddy ang kakambal ko."
Tinanggal niya ang bimpo sa nuo niya at itinulak ang katawan para sumandal sa headboard. Napailing siya. "Walang hiya talaga ang ama mo. Tama bang itago niya ang kapatid mo."
Tumagilid ng higa si Chezka paharap sa kanya. "Hindi ko nga alam kung anong utak ang meron ang ama ko."
Kinuha niya ang tray at ipinatong sa hita niya. "Thanks for coming and thanks for the food by the way."
Chezka smiled. "Tapos na ang training ko kaya nakapunta ako dito pero kailangan ko ring agad na umalis. Kailangan ko lang masiguro na maayos na ang lagay mo bago ako umalis."
"So sweet." She teased. Nagsimula na siyang kumain.
"Lovely Dela Paz, tigilan mo ako, pwede?"
She chuckled. "Anyway, anong trabaho mo ngayon?" Tanong niya.
"Killing hunters as my father's order." Sagot nito na ikinatigil niya.
"Killing hunters?" She asked.
Natigilan ang kaibigan at nag-iwas ng tingin. "Huwag mo na lang pansinin ang sinabi ko."
"I'm an Agent." Aniya.
"Ipasok mo nga ako." Biro nito.
Napailing siya. "Ewan ko sa'yo, Chezka."
Nagpatuloy ang pag-uusap nila. They talked about their life in that one year na hindi sila nagkita. Hanggang sa dumating ang hapon at kailangan na ni Chezka ang umalis. Kahit papaano ay maayos na pakiramdam niya pagkatapos niyang uminom ng gamot.
Pero bago umalis si Cheska ay may sinabi ito.
"Lovely, we are friends and friends don't abandoned each other but I will do it. Hindi ko hahayaang idamay ka ng ama ko sa mga masama niyang plano. I'm sorry, Lovely." At umalis na ito.
Napabuntong-hininga siya. Chezka is like a sister to her. Umayos siya ng higa at tumitig sa kisame ng kwarto niya.
Ganito na lang ba siya palagi? Palaging nag-iisa.
Ipinikit niya ang kanyang mata pero mabilis siyang napamulat nang biglang lumitaw ang isang imahe ng itim na...lobo? O aso? Sa kanyang isipan. Ano 'yun? Napahilamos siya sa kanyang mukha. Kung anu-ano ang pumapasok sa isipan niya. Ipinikit niya muli ang mata.
Kinabukasan,maaga siyang nagising. May konting hilo pa rin siyang nararamdaman pero kahit papaano ay kaya na niyang tumayo at maghanda ng almusal niya.
Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa kusina habang nakahawak siya sa pader. At dahil wala siyang ganang kumain ay nagbukas na lang siya nang cup noddles at nilagyan ng mainit na tubig.
After three minutes, she's enjoying eating her noodles as her breakfast. She went in the living room and turned on the television. Nang makaramdam siya ng kakaiba na pilit niyang hindi pinapansin. Buong maghapon ay nanood lang siya. At buong maghapon niyang naramdaman na parang may nakatingin sa kanya.
When Lovely finally recover. Kaagad siyang nag-impake,hinada niya ang mga kakailanganin niya. Balak niyang magbakasyon sa Aurora. So she's now in the bus going to Aurora. At nakatingin lang siya sa labas ng bintana.
"First time mo bang pupunta sa Aurora?" Tanong ng lalaki sa tabi niya.
Umiling siya. "Many times already."
Ilang beses na siyang nakapunta ng Aurora dahil sa mga misyon niya. At ito lang ang time na pupunta siya sa Aurora dahil sa bakasyon. Thanks to her Boss' promise and plus ito pa ang bahala sa mga expenses. Malaki naman ang sinulat nitong amount sa cheque na ibinigay nito at kakasya 'yun sa isang buwan. Sobra pa nga,eh.
"Tourist?" Tanong ulit nito.
Tumingin siya sa katabi. Naka cap ito kaya hindi niya nakikita ang mukha nito pero nalalanghap niya ang mabango nitong amoy. Pamilyar nga lang.
"Yes, tourist. You?"
Nagkibit ito ng balikat. "I guess." The man sexily chuckled.
Napailing siya. Bakit ba siya nakikipag-usap dito? Hindi naman niya ito kilala.
Isinandal niya ang ulo sa bintana.
"Hey, Miss?"
"What?" Tanong niya na hindi ito tinitignan.
"What's your name?"
She sighed. "Hindi ko sinasabi ang pangalan ko sa taong hindi ko kilala."
Hindi nito pinansin ang sinabi niya. Instead he introduce himself. "I'm Andrew."
"Lovely." Aniya. "And please, stop talking to me." Napailing siya.
At nagpasalamat naman siya at hindi na ito nagsalita.
Nang dumating ang bus na sinasakyan niya sa Aurora ay agad siyang bumaba ng bus. Naglalakad lakad siya hanggang sa makakita siya ng hotel. Doon muna siya tutuloy.
"Room for how many, Ma'am?" Tanong ng receptionist.
"For one only." Sagot niya.
"Here's your key, Ma'am."
Kinuha niya kaagad ang susi at tinungo ang elevator.
Pagdating niya sa kanyang silid ay ibinagsak niya ang katawan sa sofa.
When her phone rang.
"Hello, Boss."
"Hey, Lovely, where are you?" Kaagad nitong tanong.
"Aurora. Vacation."
"Okay, good. Now I have a mission for you."
"Boss, may I remind you. I'm in a vacation—"
"I know, Lovely, but Agent Mik needs your help. Nasa Aurora siya ngayon, he's spying someone."
"He can do it." Aniya.
"He can't without your help. Don't worry, Lovely, ngayon lang 'to." Pakiusap ng boss niya.
She sighed heavily. "Fine."
"Thank you, Lovely. Your mission is to help Agent Mik spying one of the suspected drug laboratory."
"Okay."
"I'll send you the address of Agent Mik."
"Okay, Boss."
Her boss ended the call.
Ilang sandali lang ay natanggap na niya ang address ni Agent Mik.
She closed her eyes.
Akala ko pa naman ay makakarelax ako.