CHAPTER THREE

1406 Words
Nakauwi si Jasmine ng bahay na bigo sa pakikipag usap sa binata.Pagkapasok niya ay nagtataka sa sobrang tahimik hindi niya maiwasan ang mapakunot nuo, asan ang mga tao rito at wala siyang makita? Pabagsak siya na umupo sa naro'n na isahang sofa, sinandal ang ulo at sandaling pinikit ang inaantok na mata. Pakiramdam niya maghapon siyang napagod sa binalita ng ama. Nagising siya nang magsalita ang nag-iisa nilang katulong. "Mabuti at dumating kana Jasmine, binilin ng 'yong Mama na pagkadating mo ay kaagad ka sumunod sa ospital at magdala ng ilang gamit." Nawala bigla ang pagod at antok niya sa sinabi Manang. "Po? Bakit ho sino ang dinala sa ospital?" kinakabahan niyang tanong "Ang Papa n'yo po. Bigla na lang inatake ng mayroon dalawang lalaki na dumating kanina." Kahit naguguluhan siya naging mabilis ang kilos na nagtungo ng ospital. Habang naglalakad ay marami ang bumabati sa kanya bilang kilalang doctor na nagtra-trabaho rito. Pagkatapos magtanong sa information ng nurse ay tinungo niya ang tinurong kwarto ng kanyang Papa. Kahit maytampo siya sa Ama ay hindi niya pa rin maiwasan ang mahabag sa nakikitang hitsura nito. May nakakabit na dextrose at sa kanang bahagi ay oxygen. May medical history si Papa sa kanilang Lolo kaya hindi maiwasan ang mamana ang sakit. Ngayon niya lang ito napagmasdan ng mabuti. Medyo nahulog ang katawan nito. Marahil siguro nga sobrang stress ito sa hawak na negosyo kaya naging dahilan ang mild na atake sa puso. Ang ganitong sakit ay kailangan iwasan ang emosyonal problem upang hindi mag cause ng depression ng sa gano'n ay maiiwasan ang muling atake nito. Mabait si Papa. Pinagbigyan sila sa gusto namin na kurso sa kolehiyo maliban sa usaping pag-aasawa . Palagi nitong sinasabi para sa kabutihan nila ang hangad nito. Hinaplos niya ang likuran ng kanyang Mama paglapit sa kinauupuan. "Kumusta Ma, ano ang sabi ng doctor?" kahit alam niya ang hindi at tamang gawin naisapan niya pa rin na tanungin ang ina. Ngumiti ito at hinawakan siya sa kamay. "Magiging okay ang Papa mo 'nak," ngumiti siya "Oo, magiging okay si Papa," ulit niya sa sinabi nito. Maya-maya ay dumating ang mga ate niya ngunit hindi rin nagtagal dahil sa mga maliliit na anak na iniwan lang sa kanya kan'yang mga Yaya. Pagsapit ng gabi ay kinumbinsi niya ang kan'yang Mama na maunang matulog at siya ang bahalang magbantay ngunit tinangihan lang siya nito. Mabuti na lang at sabado bukas kaya wala siyang pasok sa clinic. Naisipan niyang bumili ng kape para may panlaban sa antok. "Ma bibili lang po ako ng kape sa canteen," wika niya sa Ina. Maaga pa naman kaya naisipan niyang sa labas bumili at ng may kutkutin din. May 24 hours naman na convenient store sa tapat ng provincial hospital kaya roon niya naisipan bumili ng instant coffe. Naisipan niyang tanungin ang isang Ale sa kuryosidad dahil tila may artista na pinagkakaguluhan sa tabi ng kalsada. Umikot ang mata niya ng si gobernor daw ang biglang dumating. "Tsk. Stalker." "Grabe ang swerte ng mapapangasawa ni gobernor parang ang sarap mayakap ng mamasel n'yang katawan," napalabi siya. Anong swerte? Baka siya ang swerte fresh ang beauty niya. Bitter ka lang girl? Agad saway niya sa isip. Tuloy-tuloy siya na tumawid sa kalsada upang mabili ang sadya. Ng malapit na siya matapos ay napatda siya at tinayuan ng balahibo dahil sa mainit na hiningang tumama sa banda niyang tainga. Nilingon niya ito upang masino. "Damn! Ang herodes lang pala na si Denmark," pinaningkitan niya ito ng mata ngunit kindatan lang siya nito. "Stalker ba kita?" wika niyang nakairap. "Tsk. Nagkataon lang na nakita kita patawid dito, dadalaw sana ako roon sa Papa mo ngunit nagbago ang isip ko at dahil isa akong mabait na fiance sinundan kita para sabay na tayo pabalik," sagot agad sa kanya. "Fiance your ass." Hindi niya ito pinansin kahit nakasunod sa likuran niya. Nang ma kompleto ang gustong bilhin, sa cashier agad siya nag tungo. Masama ang tingin na nilingon niya ng ununahan na magbayad sa mga binili. Ito na rin ang nag bitbit ng supot na pinaglagyan ng pinamili. Tamihik lang itong nakasunod habang nasa unahan siya na lumalakad. Hindi niya maiwasan ang mapa irap at lahat ng madaanan ay napapatili kaya't tuwang-tuwa naman ang loko. May ilan nagtatanong kung siya raw ba ang tinutukoy nito na fiance hindi naman tumangi ang loko. Nagulat pa si Mama pagdating namin na magkasama. Bumati ito kay Mama at pagkatapos ay nangumusta sa kalagayan ni Papa. Good news naman at kanina raw na wala siya ay nagising na ito kaya lunes ay pwede na itong lumabas ng ospital at sa bahay na lang ang recovery kasama ang na hire nila na nurse. Inabot ng madaling araw si Denmark sa ospital feeling close sa magulang niya. Hinatid niya ito sa labas ng magpaalam na uuwi na raw ito. "Uhm, ang kasal- Payag na ako sa kasal," wika niya. Pinag-aralan nito ang reaction niya. "Are you sure? Pag nag oo ka, no turning back again," Seryoso na sagot sa kanya. "Sigurado na ako, but no strings attached Mr.Chavez hanggang sa papel lang," nakita niya itong sinupil ang ngiti sa labi. Nagkamot ito sa kilay at dahan-dahan na lumapit sa kanya. "What if maakit ako sa'yo? Hindi pwede? What if kung may magustuhan ako na iba, is it okay with you hmm?" Napaatras siya dahil gadangkal na lang ang layo nito sa kanya ngunit nakadikit na ang likod niya sa kotse nito. Hindi man lang natinag ito at inilagay pa ang dalawang kamay sa magkabilang gilid kaya nakulong siya sa loob nito. Bumulong ito sa bandang niyang tainga. "Hindi naman 'ata patas ang kondisyon mo na wala akong makukuhang interest." Tila siya nakuryente sa paos nitong tinig at mainit na hininga na tumama sa kanya mukha. "Be prepared babe, I don't promise na magagawa ko ang rules mo. Dahil ngayon pa lang gusto na kitang halikan." Dinikit nito ang harap sa kanya. Nanlaki ang mata niya sa matigas nitong harapan. Hindi niya mapigilan ang pamulahan ng mukha dahil alam niya kung gaano ito kalaki lalo na kapag galit. Wala sa oras na pinagdikit niya ang dalawang hita dahil sa oras na iyon ay nakaramdaman ng init. Nang maalala kung nasaan sila at ano ang posisyon nilang 'yon ay tinulak niya ito. Nagpaubaya naman ngunit nakikita niya sa mata ang pagkaaliw sa kanya. "Ang bastos mo," pagtatakip niya sa kahihiyan sa sandaling 'yon. I heard him laugh. "Pasok ka na sa loob." Ang naging sagot at Isa pang kindat 'tsaka sumakay na ito sa loob ng kotse. Para siyang tulala na bumalik sa loob ng kwarto ng kanyang Papa. Mabuti na lang at hindi siya inusisa ng Mama niya dahil sa pagiging balisa. "Anak umidlip ka muna ng ilang oras. Ako na ang bahala dito. Sinunod niya ito at baka sakaling mabawasan ang feelings niya na ito pag nakatulog siya. "Tama itulog ko na lang baka maalis ang agiw sa utak ko." Nagkasya naman siya sa upuan na nasa loob kaya napasarap ang tulog. Hindi niya namalayan ang oras at nagising siya na mainit ang sikat ng araw sa labas ng bintana. Halos hindi maipaliwananag ang saya ng makita niya ang kan'yang Papa na malakas at nakangiti sa kan'yang Mama. Naramdaman marahil ang kilos niya kaya sabay na lumingon sa kinauupuan niya. "Gising ka na pala Jasmine, halika 'nak ." Walang lakas na bigkas ng kanyang ama. Mabilis naman ang kilos niya at nilapitan ito. "Pasensya ka na anak sa naging desisyon ko. Hayaan mo 'nak, ibibigay na lang natin sa bangko ang isang Hardware baka makaya ko pa maisalba ang Isa. Kalimutan mo na lang ang kahilingan ko." Napangiti siya dito. "Nakausap ko na po si Denmark Pa. Payag na ako sa kasal namin. Tama naman siya pareho kami makikinabang sa kasalang ito," nangilid ang luha ng Papa niya. "Talaga ba anak. Salamat, sigurado ako anak na itong kasal niyo ni Denmark ay successful. Galing sa mabuting pamilya ang kinabibilangan ng binata." Niyakap niya ito. "Basta isipin n'yo na lang ang magpagaling dahil diba sabi mo sa makalawa na ang pamanhikan nila," masaya itong humalakhak. "Bahala na bukas." Nasambit niya sa sarili. Nakalabas sila sa pangatlong araw, sa bahay na ito tuluyang magpapahinga. Mukhang nagdahilan lang ito at lumakas kaagad. Sa isang araw pupunta ang pamilya Chavez upang pag-usapan ang magaganap na kasalan. Ngayon ka pa magbabago ng isip Jasmine? Tanong ng isip. Syempre hindi siya pa ba ang aatras.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD