CHAPTER FOUR

1363 Words
Jasmine Abala ang araw na 'yon para kay Jasmine dahil ngayon araw ang pamamanhikan ng magulang ni Denmark. Well, I don't know, kung ano ang tumatakbo sa isipan ng binata basta ang alam niya lang hindi naman 'to mukhang napipilitan. Dahil nga ay gusto niya muna kilalanin ang binata kaya sa mayor lang sila muna ikakasal. Napagkasunduan sa darating na iyon na Lunes, gaganapin tatlong araw mula ngayon. Sari-saring emosyon ang bumabalot sa dibdib ni Jasmine, dahil nga mayroon pa rin siya agam-agam paano kung hindi maging mabuting asawa sa kaniya si Denmark. Mabilis iyon kinontra ng isip ni Jasmine. Dahil sa kilos sa side ni Jasmine, pakiramdam niya ay hindi na 'to isang arrange marriage. Sa madaling salita ay parang nagugustuhan na niya ang kasalang ito. Nang matapos ang usapan ay naunang umuwi ang magulang ni Denmark. Pero itong mokong na mapapangasawa niya ay sandaling nagpaiwan pa. "Bakit?" nakataas ang kilay na sabi niya sa binata. "P'wede ba natin bigyan ng chance after ng kasal na ito kahit isa lamang ‘to kasunduan?” Napanguso siya dahil ang seryoso ng pagkakasabi ni Denmark sa kaniya. Hindi naman siguro ito nagjo-joke sa kaniyang sinasabi at mukhang sincere naman kung pagbabasehan ni Jasmine, ang sinasabi ng mata ni Denmark. "Gusto ko na makita ng lahat na hindi tayo napipilitan lang, gusto ko malaman ng ex-girlfriend ko, na hindi siya kawalan," wika nito. Ouch naman kaya naman pala akala ni Jasmine dahil nahuhulog na sa kaniya si Denmark. Mali pala ang kaniyang hula. Ang pangit ka-bonding nitong governor Chavez na ito. Ipamukha raw ba sa kanya na hindi siya ang mahal. ‘So, inaamin mo na ba na may pagtingin ka na sa asawa mo, Jasmine?’ Tukso ng isip ni Jasmine sa sarili. Ngumisi si Jasmine sa kaharap na binata at nagkunwari siyang hindi apektado sa sinabi nito. “Okay, if that's what you want, I'm game for that,” naging sagot na lamang niya rito. Napairap si Jasmine, dahil ngumiti si Denmark sa kaniya at kinurot pa nito ang pisngi niya bago magpaalam umalis. s**t bakit kinilig siya kahit kanina lang harap-harapan kung manakit dahil sa naudlot na kasalan sa ex-girlfriend nito. Kalmahan mo lang self. Saway ng isipan niya. Araw ng kasal sa city hall ng Teresa Rizal civil wedding ang napagkasunduan nila ng binata. Ngunit kahit gano'n may ilan pa rin mga naimbitahang mga bisita. May Ninang at Ninong. Isa sa hindi naka move-on ay ang hindi makapaniwala na bestfriend niyang si Andrea Trixie. Dinaig pa ang kinikiliti dahil sa big revelation na ito. Isa kasi to sa na invite ko na kasamahan sa ospital. Ito lang din naman ang nag-iisa niyang pinagkakatiwalaan. Kahit ang iba na ka close ni Jasmine, hindi alam na ikakasal na siya. Maliban sa director ng ospital dahil kinuha ito Ninang ng asawa niya. "Grabe ka friend, hindi ka man lang nagkwe-kwento sa nangyayari sa lovelife mo. Ang tindi hindi na kita ma reach ang may bahay ni governor." "Hindi pa naman masyado, ako pa rin ‘to si, doc Jasmine,” sakay niya sa biro nito. Mahina naman napatili si Trixie. Hindi pa rin naalis ang kilig ng bruha. "Match na match kayo at parehong maganda at guwapo,” anang pa nito. Tinaboy niya na ito at hindi matatapos ang daldal kapag nag umpisa ang kaibigan. Daig pa nito ang reporter kung magbalita. Nakangiti na nilapitan siya ng magulang ni Denmark. "Paano hija! Pasalubongan mo kami ng apo pag-uwi n'yo, ha?" masayang sabi ng mama ni Denmark kay Jasmine, ng lapitan siya nito. Namula siya sa sinabi nito. Kung mangyayari talaga ang ganoon. Parang hindi niya alam kung kaya niyang labanan ang hotness ng asawa. Nahalata ng biyenan niya na awkward ang sinabi nito kaya nginitian siya nito. "Kilala ko iyang anak ko. Gusto ka rin no'n. Hindi 'yon basta nagpapadikta kung ayaw niya,” nakangiti pa ulit na sabi nito. Ngiti lang din ang naging tugon ni Jasmine sa ginang. Kung alam lang nito ang dahilan, baka ma shocked ang byanan niya. Ngunit sa isipan niya na lang iyon nasabi at tipid na lamang na ngiti ang ibinigay sa babaeng biyenan. "Ready?" tanong ng kararating na asawa. May Ninong na nag regalo sa kanila, patungo ng El Nido. Two days accomodations kaya tinanong siya ni Denmark, kung okay sa kanya. At dahil gusto niya rin na naman mag- relax kahit dalawang araw lang ay sinangayunan niya ito. Kahit kabado, kung igigiit nito ang pagiging mag-asawa nila. Baka nga bumigay ulit siya sa hot na asawa. "Are you okay?" tanong nito pinasadahan pa siya ng tingin. Tinanguan niya lang naman at wala rin siyang tamang isasagot. "P'wede kang matulog two hours pa tayo makakarating sa airport,” Dumukwang ito at ibinaba ng kaunti ang kina-u-upuan niya. "Ayan komportable kana d'yan,” Hindi siya sumagot at sinunod na lang ang sinabi nito, hanggang sa igupo siya ng antok. Isang mahinang tawag ang gumising sa ilang oras na tulog niya. "Babe, andito na tayo," malambing na boses nito. Dahan-dahan niyang idinilat ang mata at bumungad ang nanunuot nitong titig na hindi niya mapangalanan. Saglit hindi nakakilos si Jasmine, sa kinahihigaan niya dahil sa nakakahalina ang titig nito. "s**t baka may bakas pa akong laway sa bibig." Palihim niyang kinapa ang gilid ng labi. Nakagat niya ang magkabilang pisngi dahil nasilip niyang nasa mata nito nangingiti parang may kalokohan naiisip. "Hindi mo ako ginising," akusa ni Jasmine dito. Inalis muna nito ang seatbelt bago sumagot sa kanya. "Naghihilik ka kaya hinayaan ko na lang na matulog ka. Ilang puyat ba mayroon ka at ang sarap ng tulog mo?" Inirapan niya ito. "Tsismoso," wika niya. Humalakhak lang ito pagkatapos ay walang salita na lumabas ng kotse. Nakita niya na umikot ito sa kinauupuan niya. “Hmm. Gentleman," ani ng kanyang isip. "Paano ang kotse mo?" Naitanong ni Jasmine, nang makababa sila ng sasakyan. Wala kasi siyang idea kung ano ang plano nito, sayang din kung ma carnap lang ang gara pa naman. "Kukunin ng kaibigan ko. Malapit lang dito ang Aviation center no'n. Pinakukuha ko muna," sagot sa kanya. "Ah, okay," ani niya. Maya-maya ay mayroong nagmamadaling gwapong lalaki patungo sa kinaroroonan nila. Nag banggaan ito ng balikat ng asawa niya ng makalapit. Ganoon ba talaga? Kapag guwapo required din na guwapo rin ang kaibigan? "Babe, ito nga pala isa sa barkada ko," Grabe, bakit kanina pa ito babe nang babe? Wala naman audience. Mukhang tama ang kaibigan ni Jasmine na si Trixie, mabilis luluwag ang garter ng panty ni Jasmine sa sobrang sweet ng asawa sa kaniya. "Na gusto mo naman?" sagot din ng isip niya kaya lihim tuloy napairap sa naisip. Ngumiti ang lalaki sa kanya. "Theo ang pinakamabait at guwapo sa tropa,” aniya inilahad ang kamay sa kaniya. Aabutin na sana ni Jasmine ang kamay nito ngunit inunahn na ni Denmark. "Okay na dude,” sabay hagis ng susi. "Tang-na! Makabakod wagas," pilyo nitong sulyap kay Denmark. "Mind your own business," sagot ng asawa. "Hirap pala pag nahahawaan ng virus mukhang nagiging possessive." muling kantiyaw ng kaibigan ni Denmark dito. "Ulol. Lumayas kana at ilang oras lang flight na namin,” sagot lang dito ng asawa niya sa kaibigan. Namangha naman si Jasmine sa usapan ng dalawa. Parang na curious siya sa magbarkada na ito. Kapag ganito mag-usap, ibig sabihin hindi lang basta tropa para mga kapatid na ang turingan. Nang makaalis si Theo ay nag check-in agad sila sa terminal. Doon na lamang naisipan mag-antay ng flight number nila ni Denmark. Agaw pansin ang asawa ni Jasmine sa loov ng airport. Ang pogi naman kasi nito bumagay sa suot na simpleng white t-shirt at hapit na pantalon. Kaya para itong hollywood actor sa laki ng katawan at tangkad. Hanggang balikat lang siya nito nagmukha siyang unana sa 5’5 n'yang height kapag katabi ang asawa. Tama lang ang punta nila, hindi pa umabot ng twenty minutes ay nag anunsyo na ang flight attendant. Pagkalapag ng eroplano namangha siya sa ganda ng tanawin. "Ang ganda naman dito,” wala sa saril na nasambit niya. "Kung gusto mo dito? Babalik tayo. Aayusin ko lang ang schedule ko," bulong ng asawa niya na lihim na pala siya pinagmamasdan nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD