Pagkababa ni Jasmine ng hagdan ay naabutan niyang may kausap si Denmark, ito marahil si vice-gobernor Tom Diaz na sinasabi ng Mama nito. Nakatalikod kasi ang upo ng dalawa sa gawi niya kaya hindi niya makita ang mukha. Ngunit kaagad naman lumingon sa kanya nang maramdaman ang paglapit niya sa binata. Hindi niya maiwasang mailang dahil pinag-aaralan ng binata ang kabuuan niya. Maya-maya ay nagpaalam din naman agad ang kausap ng tila mayroon ibulong si Denmark.
"Paano Gob, mauuna na ako," wika ng kasama niya. Pinakilala siya ni Denmark bago ito umalis.
"Let's go?" patanong na sabi nito.
lumakad siyang palabas pero napahinto ng iba ang kahulugan ng tanong nito. "Sa kusina- hindi ka mag-a-almusal?" tanong nito.
"H-hindi, sa bahay na lang," tinaasan siya nito ng kilay at hindi naman nagtagal ay inalalayan siya palabas ng bahay.
Pagtapat nila sa magarang nitong sasakyan ay pinagbukas siya nito ng pinto bago umikot sa driver seat.
Walang siyang imik habang nasa biyahe. Nang nasa boundary na sila ng Teresa Rizal tinuro niya ang daan patungo sa lugar nila. Tahimik lang naman na sinunod siya nito. Nasa tapat na sila ng kanilang gate ng magbusina ito kaya lumabas ang isa nilang katulong.
"Naku Ma'am, umagang-umaga galit na galit ang Papa mo dahil hindi ka raw nakauwi ng bahay," wika nito sa kanya. Napatampal siya sa kanyang nuo. 'Patay ka ngayon Jasmine katakot takot na sabon ang aabutin mo,'
"Gano'n po ba," ani niyang nakangiwi. Sinulyapan niya ang katabing binata dahil walang nakikitang bakas na takot.
Ipinasok nito ang sasakyan kaya sinamaan niya ito ng tingin. "Bakit papasok ka pa?" Pilyo lang siya nitong tiningnan.
Hindi niya inantay na pagbuksan siya nito ng pinto at pabalibag na isinarado ito. "Pahamak talaga," bulong niya. Narinig niya itong nungumisi.
Iniisip ni Jasmine na hindi sumunod ang binata pagpasok ng bahay, ngunit laking asar niya ng nasa likuran lang at nanahimik.
"Gob, naku ikinagagalak kitang makilala, ikaw ang kasama ng anak ko?" Masayang wika ni Papa na tila nakakita ng kayamanan.
"Kumusta po, Sir," magalang na sagot nito sa kanyang Ama.
Napasimngot siya ng feeling close na ito na gustong gusto naman ng kanyang Papa.
"Hijo. Hindi ko alam na magkakilala kayo nitong aming dalaga." ani pa ulit nito. "Pa! Pauwi na 'yan hinatid lang ako at iniwanan ko sa ospital ang gamit na kotse," hindi siya pinansin ng Ama.
Palihim niyang pinandilatan ng mata ang binata. Kahit na governor pa ito wala siyang pakialam. Akala naman nito natutuwa siya sa kinikilos nito.
"Aalis na po ako Mr. Paragas," magalang na paalam nito. 'Hmm. Mabuti naman at lalayas na rin,' palihim niyang irap sa binata.
"Ako na ang bahala sa kanya hija magpahinga ka na." Utos ng kanyang ama. Ayaw pa sana ni Jasmine na pumayag pero tiningnan siya ng Ama na makahulugang tingin. Kaya naman wala siyang nagawa kun'di ang lumayas sa harap ng mga ito.
Sa kwarto siya dinala sa sobrang inis sa binata. 'Bakit naman kasi hindi umalis agad, baka kung ano pa ang usisain ni Papa. Malaman pa nito na nagpalipas siya sa kwarto ng binata.' ani niya sa isip.
Naisipan niyang tawagan ang kaibigan na kasama sa gimikan at gusto niyang sumbatan ang mga ito basta na lang siya iniwanan sa binata. Pasalamat siya at kompleto ang gamit na nakalagay sa bag. Tatlong ring ang kanyang inantay bago sagutin sa kabilang linya.
"Hello," paos na sagot ng kaibigan. "Hello mo mukha mo," irap niya sa kausap kahit hindi siya nito nakikita.
Malakas na halakhak ang naging sagot nito bago tumahimik. "May kasalanan kayo sa 'kin mga bruha!" Kunwari nagagalit n'yang tono. "Asus, don't tell me hindi mo na-enjoy ang hotness ni Gob?" Nang-aasar nitong sabi. Syempre hindi niya sasabihin na naisuko na niya ang iniingatan na perlas ng silangan baka tuksuhin siya ng mga ito.
"Nagtatampo pa rin ako sa'nyo," sagot niya agad dito. "Nakakahiya kaya iniwan n'yo akong tulog at hindi sinabi ang address." Tumawa ang kaibigan. "Sorry na Jas, nawala rin sa isip namin 'yon, gano'n din si Gob, hindi natanong kung saan ka ihahatid." Sincere naman ang sinasabi nito kaya hindi siya nag-alala. "Basta sinumpa ko na ang alak mula ngayon," wika pa niya dito.
Halos isang oras sila inabot ng tsismis, pinipilit pa siya nito kung ano ang feeling na matulog sa bahay ni gobernor. Alangan naman sabihin niya masarap at pinaungol siya ng binata. "Shock, ang dumi na niya mag-isip ngayon."
Nakatulog siya hanggang malapit ng mag tanghalian. Kaya pagbaba ay sakto naman na kakain na sila. "Hija, gising ka na pala. Halika at kakain na tayo." Nakangiti na sabi ni Mama.
Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng magsalita si Papa. "Hija. Pagkatapos kumain mag-usap tayo sa library." Sabi ni Papa.
"What?! Ayaw ko Pa, bakit naman po kailangan kong magpakasal sa hindi ko masyadong kilala at lalong hindi ko mahal?" Sagot ni Jasmine sa Ama habang nag-uusap sila ng masinsinan sa library.
"Sa ayaw at sa gusto mo ay susundin mo ako Jasmine!" Malakas na sabi nito. "Pero Pa! Isipin n'yo rin naman ako.
Palagi na lang ang mga pangarap n'yo ang masusunod. Hindi pa ba kayo kontento sa buhay natin ngayon? Na kahit mga anak mo kailangan saklawan ang pagpili sa pakakasalan?!" Katawiran niya pa sa Ama. Hindi niya inantay na muli itong magsalita kaagad siyang tumalikod upang lumabas ng library.
"Kailangan mong sumunod Jasmine kung ayaw mo na mawalan ng ama," napatigil siya sa pagbukas ng pinto at lumingon sa kanyang Papa. "Lingid sa kaalaman n'yo na magkakapatid ay palugi na ang dalawa nating hardware. Kaya nanghingi ako ng tulong kay Denmark, since inamin niyang may nangyari na sa inyo pumayag siyang tulungan na ibangon ang mahigit ng tatlong dekada na kabuhayan natin pero ang hininging niyang kondisyon ay ang makasal ka sa kan'ya." Shock siya sa tinuran ng Ama.
"Wala na bang ibang mahihingian ng tulong? How about sa mga asawa nila ate baka p'wede?" Suggestions niya sa Ama. Inilingan lang siya nito, na bakas sa mukha ang reaction na walang makapag-papabago sa desisyon na 'yon.
"Sa makalawa darating ang pamilya Chavez. Pag-uusapan na ang nalalapit n'yong kasal," wika ni Papa at hindi na siya pinansin, itinuon ang atensyon sa harap ng mga papeles.
Tila lutang na lumabas siya ng kanilang library na nagpupuyos ng galit, hindi literal sa ama kun'di sa pangyayari.
Gano'n lang ba kadali ang magpakasal, paano naman siya? Ni sa panaginip ayaw niyang matulad sa mga kapatid na sumang-ayon sa arrange marriage kaya nauwi sa hiwalayan. Hindi niya nilalahat ang fix marriage may iba naman na nauuwi sa pag-ibig pero ayaw niyang mag take ng risk. Kaligayahan niya ang nakasalalay sa desisyon na 'yon.
Pabalik balik ang lakad niya na hindi mapakali pagkalabas ng library. Iniisip kung ano ang magandang gawin ng sa gano'n ay masolusyunan ang problema niyang 'yon.
Tama kailangan niyang kausapin ang gobernor tungkol dito. Hindi p'wede na patagalin niya ito. Dahil tanghali pa pagsipat ng relo sa braso kaya naman ay pinasyang puntahan ang binata.
Pagkababa niya ng hagdan ay nakasalubong niya ang Ina. Nag-iwas ito ng tingin sa kanya. "Ma, ayos lang po ako. Alam ko naman na wala ka rin magagawa kong si papa ang nag-decide," nakangiti ito na hindi umabot sa mata. "Pasensya na anak,"
Nilapitan niya ito upang halikan sa pisngi." Ma, aalis lang po ako saglit. Paghanapin ako ni Papa, kila ate lang ako sa Antipolo. Babalik ako kaagad bago mag Alas-sinko ng hapon."
"Sige 'nak, mag-iingat ka," Isang kaway muli at lumabas na siya ng bahay.
Sakay ng kanyang second hand na kotse na pinakuha ni Denmark sa ospital sa driver nito ay tinahak niya ang bahay ng nasabing governor. Sana lang andoon pa ang binata.
Dahil magkalapit ang bayan ng Antipolo at Teresa ay wala pang twenty minutes ay nasa malaking gate na siya sa mansyon ng mga Chavez.
Isang busina ang ginawa niya kaya sumilip ang nakatalagang bantay sa malaking gate. Saglit na nagulat ito pagkakita sa kanya. Kaya mabilis na binuksan ang malaking gate. 'Bakit ngayon niya lang napansin na ang daming nakakalat na mga security guard. 'Natural governor 'yan.' sagot din sa katanungan niya.
"Pasok na lang po kayo sa loob Ma'am. Palabas na po ang isang katulong upang samahan kayo," wika ng guard at sobrang galang sa kanya. Gayun din ang iba mga yumukod pagka pasok niya sa gate. 'Ang weird naman nila. Ako lang naman 'to si Doc Jasmine.'
Pagkatapos magpasalamat kay Manong ay lumakad na siya patungo sa loob ng mansyon sakto naman lamabas ang nakangiti na maid. Alam ko na maid ito dahil sa suot na uniform.
"Magandang tanghali Ma'am," bati nito sa kanya. Binati niya naman ito pabalik.
"Ano po ang gusto n'yo na meryenda tanong nito na hindi naaalis ang ngiti. "Okay lang po Ate busog po ako," magalang niyang tanggi sa alok nito.
Napatingala siya habang nakaupo sa mahabang sofa ng may yabag siyang narinig na pababa ng magarbong hagdan.
Nakangiting ang butihing ginang ng makita siya. Napakaganda nito hindi mahahalata na ang edad nito ay mahigit singkwenta.
"Jasmine is that you?" Masayang bati nito. Humalik ito sa kanyang na hindi naaalis ang ngiti sa labi. Pakiramdam niya nakakahiya lalo pa at alam nito na kasama siya ni Denmark kagabi. Inaya siya nitong bumalik ng upo sa sofa at kaagad nagkwento.
"Ano nga pala ang sadya mo hija?" ngumiti ito sa kanya. Wala naman malisya ang binigay nitong ngiti, siya lang siguro ang nagbigay ng kahulugan.
"Nasabi na ng 'yong Papa ang tungkol sa kasal n'yo ni Denmark?" tanong ulit sa 'kin.
"Uhm. Tita 'yon po sana ang sadya ko si Denmark," tensyonado niyang tanong.
Mukha naman hindi binigyan ng kahulugan ng ginang ang pinunta niya sa bahay nito.
"Naku hija, nasa CHI building puntahan mo na lang at tiyak matutuwa 'yon." Binanggit nito na pag araw ng sabado ay sa kompanya ito nag nag-office. Inaya siyang mag meryenda kahit katatanghalian lang niya ay pinaunlakan niya nito.
Pagkatapos ng ilang kwentuhan ay tinungo niya ang CHI building. Pangalan ito ng opisina ng mga Chavez, kung hindi siya nagkakamali ang kahulugan ay Chavez Hardware Inc.
Kabisado niya patungo roon dahil nag-iisa itong matayog na building na kahit sa labas ay nagbabadya ng karangyaan sa ganda.
Pagdating niya sa parking ay naghanap siya ng pwesto. She saw the corner na tama lang na magkasya ang kanyang sasakayan kaya dali-dali siyang nag-park.
Nang masiguro na ayos na ang kotse ay dire-diretso ang lakad sa nakatalagang gwardiya sa labas.
"Kuya, puwede po ba makausap si Mr. Chavez? magalang niyang tanong.
Tumingin muna sa wrists watch nito bago siya sagutin. 'Ano kaya ang kinalaman ng oras sa tanong ko?' lihim niyang irap.
"Ma'am, kung ang governor ang hanap mo ay nasa taas pa po," sagot ng gwardiya.
"Siya po ang sadya ko. Maari po kaya makausap siya ngayon?"
Napakamot ito ng buhok. "Naku Ma'am, marami na ho nagpupunta na babae rito na gusto raw makausap si Sir Denmark ngunit kung wala po kayo appointment hindi po kayo makakapasok sa office niya."
'Sh*t bakit hindi niya naisip iyon, hindi pala basta-basta ang kakausapin niya.' Ani ng isip.
Nag-isip siya ng puwede na alibi sa mahigpit na gwardiya. Ang Ginang Chavez tama. Pero bigla rin siyang nanlumo ng hindi niya pala nakuha ang number nito.
Napanguso siya at sumubok ulit. "Kuya, baka p'wede po pakitawagan ang Secretary niya. Pakisabi po andito si Jasmine sa labas ang mapapangasawa niya." Napakamot ito sa batok na parang ayaw maniwala.
"Please..." ulit niya kaya naman napilitan ito.
Para siyang hindi mapakali sa pag-aantay ng resulta. Nakita niya si Kuya na nagkamot ulit sa buhok na tila sinabon.
Pagkababa ng kanyang telepono ay kaagad siyang kinausap. "Ma'am pasok na po kayo. Pasensya na ho kung hindi ko kayo agad pinapasok 'yon po kasi ang utos ni Gob, pag babae ang maghanap 'wag papasukin."
"Ayos lang po kuya." At kaagad siyang pumasok sa loob nagtanong siya sa receptionist na nakita sa sulok bago sumakay ng elevator.
Nang tumunog ang 15 floor ay bigla siyang binalot ng kaba. Isang hinga ng malalim at nilakad niya ang nasabing opisina.
Nakangiti ang Secretary nito sa labas pag tapat niya sa gamit nitong table.
"Pasok na po kayo agad Ma'am sabi ni Gob," wika nito.
'wooh! Nervous,' ani ng isip niya.
Pinihit niya ang seradura at hinanda ang sarili sa pakikipagusap sa binata. 'You can do it Jasmine.' lihim niyang kausap sa sarili.
Napasukan niya ang binata na nakasandal sa kanyang swivel chair at nakapikit. Tinitigan niya ang mukha nito, sandali siyang napalunok "ang guwapo talaga nito." Mula sa makapal na kilay, ang kinis ng mukha at ang ilong ay kay tangos na tila ginuhit ng magaling na pintor na bagay sa awra nitong seryoso. Dumako naman ang mata niya sa labi nito, napapikit siya saglit ng maalala kung gaano kasarap kung humalik ito. Biglang sumagi sa isip niya kung paano siya pinaligaya at pinaungol ng labi nitong mapula. 'Sh*t, hindi ito ang pinunta niya,' lihim niyang saway sa sarili.
Nagmulat ito ng mata at pilyo na tumitig sa kanya. Namumula ang mukha na napairap siya. 'Ano kasi ang naisipan niya at pinagnasaan ito.'
"Are you done drooling me?" Nakangising tanong sa kanya. Masama niya ito tiningnan. "In your dreams Mister!" Irap niya upang pagtakpan ang pagka hiya.
"Yes in my dreams babe you moan my name," wika nito na may pilyong ngiti sa labi.
"Okay. babe- So, anong masamang hangin ang nagpapunta sayo dito?" ani nito.
"Kaka-usapin ka, na- hu'wag ituloy ang kasal." Tumaas ang sulok ng labi nito at sandaling bumalatay ang emosyon sa mata.
"Sinabi na pala sa'yo ng 'yong ama. Paano kung hindi ko gawin?" Naghahamon na sabi nito.
Nag-init ang ulo niya sa naging sagot nito. "Hindi ako magpapakasal sa'yo kahit na pilitin ako ni Papa. Humanap ka na lang ng iba, mag-aaksaya ka lang ng effort."
"Hindi ako ang dapat na kinakausap mo, kun'di ang ama mo. Siya ang nag-suggest nito kaya dapat siya ang kumbinsihin mo hindi ako,"
"Pinangakuan mo si Papa kaya hindi niya gagawin 'yon. 'tsaka kung tutulong ka dapat walang kapalit. Ano para malaman ng karamihan na matulungin ang governor? Kaya isasalba ang negosyo ni Papa, pero ang hindi nila alam ay ginipit lamang para sunggaban ni Papa, dahil wala na siyang choice." Mahaba niya litanya sa binata.
Dumilim ang anyo nito ngunit saglit lang. "Kung ako sa'yo tanggapin mo na lang ang hinihingi ng Papa mo. Tama ka ginagawa ko ito para bumango ang pangalan kung sakali sa susunod na eleksyon at the same time hindi na ako mababahala na malaman ng media na iniwan ako ng babae na dapat ay pakakasalan, at palalabasin ko na may iba na akong gusto. Ganito sa negosyo laging mo iisipin ang interest."
"How dare you. Gagawin mo pa akong panakip butas sa pang-iiwan sa'yo ng babae mo. Tandaan mo, kahit itakwil ako ni Papa hindi ako pakakasal sa'yo!"
"Pwes, ngayon pa lang sabihin mo sa ama mo na maghanap na ng magsasalba sa papalubog n'yo na negosyo! Dahil walang kukuha na negosyante kung walang kasiguraduhan."
"Ha! Ano kaya kung ipakalat ko sa lahat na ang butihing governor ay isang hambog at walang modo. Babango pa kaya ang pangalan mo? Kaya siguro inayawan ka ng ex mo kasi masama ang ugali mo!" Sandaling dumilim ang mukha nito sa binitawan niyang salita, ngunit ilang sandali ay napailing.
"P'wede ka ng lumabas marami pa akong gagawin. Wala akong time sa mga babaeng madaldal kaya mabuti pa lumayas kana sa harapan ko baka kung ano pa ang magawa ko na parusa sa'yo. Ayaw ko pa naman ng babaeng maingay dahil nangangagat ako. Do you wanna try? O, baka gusto mo maulit ang ginawa natin kagabi." Sabi nito na mahirap mabasa ang nasa isipan.
At itinuon ang sarili sa harap ng laptop pahiwatig na ayaw na siyang kausapin.
Nanggigil na tiningnan niya ito. Kung nakakamamatay ang titig niya ay nakabulagta na ito sa kinauupuan. Pinihit niya palabas ang pinto at pabalibag na sinarado. How dare him.