MARCUS' POV
Ang taba talaga ng utak ko.
Talagang ginamit kong paraan ang pag-a-apply ko sa Yessa's Sweets Shop bukas para mapalapit sa aking Rowena, my loves. Paano? Syempre bumili agad ako ng bio-data pagkauwi ko galing construction site. Kahit naman hindi ako nakatapos ng High School ay alam ko ang ilalagay sa bio-data. Pero nagpanggap akong kailangan ko ng tulong sa mga isusulat na impormasyon para maharot ko si Rowena.
I'm so proud of myself. O, English 'yon.
Pinuntahan ko agad si Rowena sa kanyang bahay para magpatulong. Siya pa ang nag-offer na sa bahay ko na lang gawin dahil hindi pa siya nakakapaglinis ng bahay galing trabaho.
Kita niyo 'yon? Concerned ang Rowena, my loves ko sa akin at doon pa sa maayos at malinis na lugar gusto niyang tulungan ako. Hindi lang 'yon. Maglilinis pa rapat siya pagkagaling ng school, pero mas inuna niyang tulungan ako.
How sweet! Oha, English ulit.
Kaya naman ay nandito kami ngayon sa aking apartment at magkatabi sa sofa habang tinutulungan niya ako sa paglalagay ng mga mahahalaga at tamang impormasyon tungkol sa akin sa bio-data.
Gusto kong tapikin ang aking sarili sa aking mahusay na plano.
Pasimple kong idinidikit ang aking kaliwang tuhod sa kanyang kanang tuhod habang nagsusulat ako sa bio-data. Pero rahil teacher si Rowena ay hindi siya basta-basta malilinlang ng isang tulad kong marami ng karanasan sa mga babae.
Rowena: Ano 'yan?
Napatigil ako sa pagsusulat nang marinig ko ang tanong na iyon ni Rowena.
Huli ka, Marcus. Manyakis ka kasi.
Unti-unti akong lumingon sa gawi ni Rowena. Nakita kong inginunguso niya ang kaliwang tuhod kong nakadikit sa kanang tuhod niya. Sinundan ko ang tingin niya. Bumalik uli ang tingin ko sa kanyang mukha.
Marcus: Alin?
Patay-malisya ka pa, Marcus, ah. Wala kang lusot kay Rowena. Lagot ka ngayon.
Rowena: 'Yang tuhod mo kumikiskis na sa tuhod ko. Akala mo siguro hindi ko mapapansin, ano?
Nandidilat pa ang mga mata ni Rowena. Pero, grabe, ang ganda pa rin niya.
Inalis ko ang pagkakadikit ng tuhod ko sa kanyang tuhod.
Marcus: Ikaw naman, my loves, parang napadikit lang.
Umirap si Rowena at inabot mula sa ibabaw ng maliit na mesa ng sala ang baso ng juice na ibinigay ko sa kanya kanina. Anak ng. Ang hot ng pagkakalunok ni Rowena sa juice. Parang ako ang natutuyuan sa pagkakatitig sa kanya.
Rowena: Napadikit?
Nakatulala na pala ako sa kanya at tapos na siyang uminom ng juice.
Marcus: Oo nga sabi. Saka, naramdaman mo na pala, pero hindi ka pa umiwas. Ikaw, my loves, ah. Gusto mo rin, eh.
Tinaas-baba ko ang aking mga kilay kasabay ng mapanuksong ngiti at pabirong pagkiliti sa kanyang kanang tagiliran gamit ang ballpen na hawak ko.
Nagpipigil na tumawang umiiwas sa ballpen si Rowena. Maya-maya ay tuluyan na itong umatras ng pagkakaupo.
Rowena: Marcus, tama na. Tapusin mo na 'yang sinusulat mo.
Animo ay isa ako sa mga estudyante niya kung pagsabihan. Tumigil ako sa pagkiliti ng baywang ni Rowena at seryoso siyang tinitigan.
Hay, ang ganda talaga.
Marcus: Kiss muna.
Ngumuso ako sa harapan ni Rowena at pumikit nang maramdaman kong may tumamang malambot na bagay sa mukha ko. Pagdilat ko ng mga mata ko ay nakita kong nasa sahig na ang isa sa mga throw pillow ng sofa.
Rowena: Kiss mo mukha mo.
Nakita kong namumula ang mga pisngi ni Rowena. Halatang kinikilig ito. Nagpipigil pa.
Marcus: Sus. Doon din naman ang punta natin kapag sinagot mo na ako. Pero syempre, no pressure.
Nakita kong pumalatak si Rowena na naging dahilan ng pagtawa ko. Pinulot ko ang throw pillow na nasa sahig at pag-angat ko ng ulo ay saktong dumating ang anak kong si Kitten.
Itong isa rin. Maganda kahit pagod mula sa trabaho. Kaso mukha itong iritado ngayon.
Rowena: Hi, Kitten. Kumusta? Kumain ka na ba?
Nakita kong umiling si Kitten.
Kitten: Good evening, Ate Rowena. Galing akong mall kaso may nakabunggo sa aking lalaki at tumapon ang iniinom kong milk tea sa suot ko. Kaya ito, magsha-shower muna ako at magpapalit ng damit. Talaga naman. Nanggigigil pa rin ako sa lalaking 'yon.
Napakunot ang noo ko sa sinabi ng aking anak.
Marcus: Ayos ka lang ba, anak? Anong ginawa ng lalaking nakabunggo sa iyo pagkatapos?
Nakita kong namula ang mga pisngi ni Kitten.
Kitten: Uhm... Hi-hinatid niya ako pauwi.
Nakita kong napayuko si Kitten. Nagkatinginan kami ni Rowena at mabagal na tumango sa isa't isa.
Marcus: Eh, umalis na ba 'yong lalaki?
Tumayo ako para silipin sa labas ng pinto kung nandoon pa ang lalaking sinasabi ng anak ko.
Kitten: Uhm... Pinuntahan niya 'yong isang apartment dito. Nakatira raw siya rati rito kasama 'yong kapatid niya.
Nakita kong nagulat si Rowena, my loves.
Rowena: Oh, small world. Ano ba ang name niya at baka kilala namin ni Marcus?
Kumunot ang noo ng anak ko. Pilit sigurong inaalala ang pangalan ng lalaki.
Kitten: Xa-Xavi-Xavier? Parang ganoon.
Nakita kong lalong nanlaki ang mga mata ni Rowena. Isa lang naman ang kilala naming Xavier.
Rowena: Si Xavier! Marcus, ang kapatid ko!
Nakita ko ring nanlaki ang mga mata ni Kitten.
Kitten: So, ka-kayo nga 'yong tinutukoy niyang Ate Rowena raw niya?
Nakangiting tumango-tango si Rowena, my loves. Nanlalaki pa rin ang mga mata ni Kitten.
Kitten: Oh my. Kapatid niyo pala 'yong nakabunggo sa akin, Ate Rowena, kaya ako nanlalagkit ngayon?
Malakas akong tumawa sa nakikita kong reaction ni Kitten.
Rowena: Hayaan mo, Kitten. Pagsasabihan ko 'yon. Sabi mo pumunta siya sa apartment namin ngayon. Naku. Nakasarado 'yon kasi nga nandito ako. Pupuntahan ko muna.
Saktong pagtayo ni Rowena mula sa pagkakaupo ay parang kabuteng biglang sumulpot sa labas ng nakaawang na pinto ng apartment ko si Xavier, ang kapatid ni Rowena, my loves. Kumaway at ngumiti ito sa akin.
Xavier: Hi, Kuya Marcus.
Gumanti rin ako ng ngiti.
Marcus: O, Xavier. Ang laki mo na, ah.
Napakamot ng batok nito si Xavier.
Xavier: Si Kuya Marcus naman nagbibiro pa. Noong isang araw lang ako lumipat. Hindi naman ako ilang taon nawala.
Malakas akong tumawa.
Xavier: Nanggaling ako sa apartment ni Ate Rowena kaso sarado. Eh, alam ko rapat nakauwi na siya galing school. Kaya naisip ko baka nandito siya sa inyo.
Sa sinabing iyon ni Xavier ay niluwangan ko ang pagkakabukas ng pinto. Nakita nito si Rowena na kanina pa nasa likod ng pinto at sumisenyas na huwag kong sabihing nandito siya sa bahay ko. Pabiro akong pinalo ni Rowena sa kanang braso ko na ikinatawa ko.
Rowena: Gugulatin ko sana si Xavier, Marcus.
Marcus: Bawi ka next time. Tutulungan pa kita.
Pumasok si Xavier sa loob ng bahay ko at nagyakapan silang magkapatid. Close talaga sila at malapit din sila sa akin. Para ko na ring kapatid itong si Xavier.
Nang bumitaw sa pagkakayakap ni Rowena si Xavier ay nanlaki ang mga mata nito nang makita si Kitten na nakatayo sa sala. Masama ang tingin ng anak ko kay Xavier.
Xavier: A-anong ginagawa mo rito?
Umirap si Kitten at tumalikod para pumasok ng banyo. Nagpipigil akong tumawa sa inaasal ng anak ko.
Kakamot-kamot ng ulo si Xavier nang tumingin sa akin.
Xavier: A-ano niyo po siya, Kuya Marcus?
Ngumiti ako kay Xavier at tinapik ito sa balikat.
Marcus: Anak ko.
Nanlaki ang mga mata ni Xavier na tumingin sa nakasaradong pinto ng banyo.
Xavier: Seryoso po ba, Kuya Marcus?
Nakangiti akong tumango at kitang-kita kong nagpipigil tumawa si Rowena.
----------
THIRD PERSON POV
Sabay-sabay na kumakain sina Marcus, Rowena, Kitten, at Xavier sa harap ng hapag-kainan sa loob ng bahay ni Rowena. Niyaya ni Rowena ang mag-amang Marcus at Kitten na sa kanila kumain dahil nagluto ito ng marami para sa kapatid na si Xavier. Halatang nagkakailangan pa sina Kitten at Xavier. Si Marcus ang kwento ng kwento para mawala ang tensyon.
Marcus: Kitten, bukas nga pala ay mag-a-apply ako ng bagong trabaho. Ipagdasal mong matanggap ako.
Tumango si Kitten sa sinabi ni Marcus, pero nakasulyap kay Xavier. Nang lumingon si Xavier sa gawi ni Kitten ay dali-daling umirap si Kitten sa lalaki.
Kitten: Uhm... Sa-saan po kayo mag-a-apply, Daddy?
Nagtanong lang talaga si Kitten para alisin ang pagkapahiya sa sarili rahil nahuli ito ni Xavier na nakasulyap dito.
Marcus: Sa Yessa's Sweets Shop.
Nagulat sina Marcus, Rowena, at Xavier nang biglang naibuga ni Kitten ang mga pagkaing nasa loob ng bibig nito.
----------
itutuloy...