THIRD PERSON POV
Ipinilig ni Maureen ang ulo. Ayaw nang maalala ang pangyayaring pansamantalang nakalimot siya sa mga plano nila ni Enrique. Wala sa plano nila ang pagkakaroon niya ng anak, pero wala na silang magagawa at nangyari na. Nagbunga ang isang gabing pagtataksil niya kay Martin. Ngunit sa tuwing titingnan niya ang anak ay napapawi ang pagkadismaya sa sarili.
Wala siyang planong ipaalam sa ama ng anak niya ang pagkakaroon nila ng anak. Isang gabi ng kapusukan lamang iyon at walang ibang ibig sabihin. Kung aalalahanin niya ang hitsura at pag-uugali ng ama ng anak niya ay masasabi niyang wala itong sinasabi sa buhay at hindi iyon ang buhay na gusto niyang maranasan para sa anak.
----------
Oras ng 30-minute break nina Marcus at Bruce at naisipan nilang kumain ng fish ball. Halos pumutok na ang pisngi ni Bruce sa sunud-sunod na pagsubo ng fish ball. Natatawa rito si Marcus lalo na nang mabilaukan ito. Pinalo-palo niya ang likod ng kaibigan.
Marcus: Grabe, pare, parang isang taon kang hindi pinakain. Dahan-dahan naman.
Uubo-ubo pa si Bruce bago sumagot kay Marcus.
Bruce: Ang sarap kasi nitong kinakain natin at maliban doon ay pagod na pagod ako ngayon. Tirik na tirik pa ang araw.
Napansin ni Bruce na biglang natahimik si Marcus matapos tumawa kanina.
Bruce: Oh, pare, natahimik ka. Nabilaukan ka rin ba?
Sinundan iyon ng tawa ni Bruce. Nang hindi sumagot si Marcus ay sinundan nito ang hinahayon ng tingin ng kaibigan. Kaya pala natahimik si Marcus ay dahil binabasa ang nakasulat sa karatula ng bakeshop na nasa kabilang bahagi ng kalsada katapat ng kinatatayuan nila. Maliit lang ang bakeshop, pero mukhang malinis at namimintina ng maayos base sa nakikita mula sa labas.
Bruce: Wanted delivery boy.
Nanlaki ang mga mata ni Bruce at biglang kinalabit ang kaibigan na binabasa pa rin ang karatulang nakasabit sa pinto ng bakeshop.
Bruce: Kailangan mo ng dagdag income, pare, 'di ba? Lalo na ngayong nakatira ang anak mo sa iyo. Kahit pa sabihin nating may trabaho siya.
Maya-maya ay humarap si Marcus kay Bruce.
Marcus: May time pa naman tayo. Mag-i-inquire muna ako.
Nagulat si Bruce nang nagmamadaling tumawid sa kabilang gilid ng kalsada si Marcus. Sumunod ito sa kaibigan. Pumasok sina Marcus at Bruce sa loob ng bakeshop. Hindi marami ang tao sa oras na 'yon. Lumapit ng counter sina Marcus at Bruce. Nabasa nila sa nameplate ng cashier ang pangalan nito. Clara ang nakalagay doon.
Clara: Good afternoon. Welcome to Yessa's Sweets Shop.
Sinabi agad ni Marcus ang pakay sa pagpasok doon.
Marcus: Ah, itatanong ko lang 'yong nakasabit sa labas. Kailangan niyo pa ba ng delivery boy?
Nagliwanag ang mukha ni Clara.
Clara: Ah, yes. Kung interesado po kayo, magpasa lang kayo ng resume or bio-data. Ang mag-i-interview po sa inyo ay ang owner ng bakeshop. Si Miss Yessa. Kaso nakauwi na po siya. Half-day lang siya ngayon. Kung hindi po abala sa inyo, balik po kayo bukas ng umaga para sa interview.
Tumango si Marcus. Pagkatapos ay ngumiti kay Clara.
Marcus: Okay, babalik ako bukas. Ako nga pala si Marcus Quijano. Sabihan mo na ang Miss Yessa mo na may mag-a-apply ng delivery boy. Salamat.
Ngumiting muli si Marcus kay Clara at pagkatapos ay tumalikod na. Kasunod niya pa rin si Bruce.
Bruce: Sana matanggap ka, pare. Dagdag income din 'yon.
Marcus: Sana nga. Gagamitin ko ang charm ko sa Miss Yessa na 'yon.
Ngumiti ng nakakaloko si Marcus.
----------
Sa loob ng isang mall ay nagre-relax si Kitten matapos ang nakakapagod na araw sa trabaho. Umiinom siya ng milk tea habang nagwi-window shopping. Noong isang araw ay nag-text na siya sa inang si Maxine. Sinabi niyang ayos naman ang kalagayan niya kasama ang amang si Marcus. Sinabi niyang kay Marcus muna siya tutuloy hanggang maisipan niyang umuwi. Kahit sa kaibigang si Maureen ay nagsabi na rin siyang ayos lang ang lagay niya, pero hindi niya sinabi ang address ng apartment ng ama niya. Knowing Maureen, pupuntahan siya nito ora mismo.
Walang sinuman ang nakaaalam kung bakit bigla niyang naisipang umalis ng mansyon at pansamantalang tumira kay Marcus ngayon. Sa ngayon ay hindi niya mapagkakatiwalaan ang ina niya maging ang stepfather niya. Lalong hindi si Marcus na ngayon lang niya nakasama at pinagnanasaan pa niya. Pilit niyang nilalabanan ang tukso, pero mahirap kung kasama niya ito sa isang apartment.
Tumitingin sa naka-display na dress sa labas ng isang mall tenant si Kitten nang masagi ang kanyang kaliwang siko at tumilapon sa mukha niya pababa sa kanyang work uniform hanggang sa kanyang sandal ang iniinom na milk tea. Shocked ang tamang salitang gamitin para sa nararamdaman ni Kitten ng mga oras na iyon. Nanginginig din siya hindi rahil sa lamig ng milk tea kundi rahil sa inis sa taong nakabunggo sa kanya.
Pag-angat ng tingin ni Kitten ay kitang-kita niya ang gulat sa mukha ng lalaking nakasagi sa kanyang siko. Nakatuon ang mga mata nito sa tumapong inumin sa marble floor ng mall.
Kitten: Wala ka bang mga mata?!
Hindi napigil ni Kitten ang sariling sumigaw sa harap ng maraming tao. Magkahalong emosyon ang nararamdaman niya ngayon.
Lalaki: Miss, I-I'm sorry. Hindi ko sinasadya. Hindi kita napansin.
Maya-maya ay dumating na ang isang janitress ng mall para linisin ang tumapong inumin. Stressed na stressed ang pagmumukha ni Kitten. Hiyang-hiya siya sa nangyari at nagmamadaling lumabas ng mall. Hindi na niya pinansin ang paghabol ng lalaki.
Pagkalabas ni Kitten ng mall ay hirap na hirap siyang makahanap ng sasakyan pauwi. Hindi siya sumakay sa terminal ng jeep na nasa mall premises dahil punuan at gusto na niyang makauwi agad dahil nanlalagkit na ang pakiramdam niya rahil sa inuming tumapon sa kanyang mga suot. Pinunasan na niya ang mga parte ng damit at katawan niyang natapunan ng inumin, pero damang-dama pa rin niya ang panlalagkit.
Mga ilang minuto siyang naghihintay ng masasakyan nang biglang may bumusinang kotse sa harapan niya. Sa tingin niya ay segunda-manong kotse ito. Nabili mula sa pagsisikap ng kung sinumang may-ari nito. Hindi ito tulad ng expensive vehicles na nakikita niyang nakahilera sa malaking garage ng stepfather niyang si Glenn. Speaking of, ngayon siya nagsisisi na hindi niya dinala ang kotseng regalo sa kanya ng ina. Dulot ng pride at ng dahilan kung bakit siya biglang umalis ng mansion kaya hindi niya dinala iyon.
Hindi sigurado si Kitten kung siya ang binubusinaan ng tao sa loob ng kotse kaya naglakad pa siya habang tumitingin-tingin ng public transportation na pwedeng masakyan. Nakasunod pa rin sa kanya ang kotse. Bumukas ang bintana ng passenger seat at sumilip ang lalaking nakasagi sa siko niya kanina. Uminit lalo ang ulo niya at mas binilisan ang paglalakad. Sumunod pa rin ang kotse sa kanya at ngayon ay sunud-sunod na ang tunog ng busina mula rito. Napatingin siya sa paligid at nakita niyang pinagtitinginan na siya ng mga tao.
Lalaki: Miss, hayaan mo akong makabawi. Ihahatid na kita. Hindi ako masamang tao. Promise.
Nanlalaki ang butas ng ilong ni Kitten na napilitang sumakay sa passenger seat ng kotse rahil dumarami na ang mga taong nakatingin sa kanila at pwede pang makaabala sa ibang sasakyan. At isa pa, gusto na talaga niyang umuwi para makapagpalit ng suot.
Pagkapasok niya ay ngumiti ang lalaki at inilahad ang kanang kamay nito.
Lalaki: I'm Xavier. Xavier Marciano.
Tiningnan lang ni Kitten ang nakalahad na kamay ni Xavier at umismid. Sinabi niya ang address ng apartment ni Marcus.
Xavier: Really? Tamang-tama pala. Malapit diyan ako nakatira rati kasama ang Ate Rowena ko. Pwede ko na rin pala siyang dalawin pagkahatid ko sa iyo.
Pagkasabi niyon ay pinaandar na ni Xavier ang sasakyan papunta sa address na binanggit ni Kitten. Si Kitten naman ay nanlaki ang mga mata nang marinig ang pangalang Rowena. Naiisip na marahil ay kapatid ni Xavier ang babaeng nililigawan ng ama niya.
Tumingin siyang muli sa lalaki at nagulat siya nang lingunin siya nito at ngumiti. Mabilis na nag-iwas ng tingin si Kitten.
Kitten: Tingin sa daan!
Hindi alam ni Kitten kung bakit kailangan niyang sumigaw.
Nang mapatingin siya sa side-view mirror sa kanyang tabi ay nagulat siya nang makitang namumula ang kanyang mukha.
Bakit?
----------
itutuloy...