THIRD PERSON POV
Nanlalaki ang mga mata ni Maureen habang isa-isang tinitingnan ang mga larawan na kinuha niya mula sa loob ng brown envelope na ibinigay sa kanya ng private investigator. Nanginginig ang mga kamay niya. Hindi niya alam kung paano pakakalmahin ang sarili kaya pinalabas na muna niya ng study room ang private investigator.
Ini-lock ni Maureen ang pinto ng study room bago nagmamadaling binalikan ang mga pictures na inilapag niya sa ibabaw ng wooden table sa loob ng study room na iyon. Inisa-isa ulit niyang tingnan ang mga larawan. Humihiling na sana ay hindi siya namamalikmata. Hindi siya maaaring magkamali. Ang lalaking nasa larawan ay ang lalaking nakasama niya ng isang gabi. Gabing nagkasala siya sa kanyang boyfriend na si Martin.
Maureen: Ang ama ng anak ko ang siyang ama ni Kitten?
Hindi pa rin makapaniwala si Maureen at nanginginig ang mga tuhod na umupo sa swivel chair na nasa likod ng wooden table. Hinayaang malaglag ang mga pictures mula sa kanyang kamay at magkalat sa sahig.
Maureen: This is not happening.
Parang gustong maduwal ni Maureen. Ganoon ang nararamdaman niya habang pinagpapawisan ang sentido.
Maureen: Lumiliit ang mundo namin. Wala pa naman akong balak na ipakilala siya sa anak ko, tapos ngayon ay father siya ng best friend ko. The irony of life.
Hinilot ni Maureen ang sentido sa sobrang stress na nararamdaman niya.
Maureen: Hindi ko naman alam na itong Marcus Quijano na pinaiimbestigahan ko ay ang Marcus na kasama ko that night.
Muling bumalik sa isip ni Maureen kung paanong nakipagkilala si Marcus sa kanya rati.
Nasa loob na ng kotse ni Maureen si Marcus nang magpakilala ito na sa tingin ni Maureen ay hindi naman kailangan. Isang gabing pagniniig lang naman ang mangyayari sa kanilang dalawa.
Marcus: Marcus. At your service.
Iiling-iling si Maureen habang sinusulyapan si Marcus sa kanyang tabi. Lasing na talaga ang lalaki.
Maureen: What a small world it is. Argh!
Pinaimbestigahan ni Maureen si Marcus Quijano once na nalaman niyang doon pumunta si Kitten sa apartment ng father nito after nitong umalis ng malaking bahay ng stepfather nitong si Glenn. Kinailangan niya itong paimbestigahan para malaman kung hindi ito magiging sagabal sa mga plano nila ni Enrique.
Sinabunutan ni Maureen ang sarili.
Maureen: Mababaliw na ako. Pati sarili ko ay kinakausap ko na. Oh, wait. Enrique needs to know this.
Tumayo mula sa pagkakaupo sa swivel chair si Maureen at inabot ang kanyang phone na nasa ibabaw ng wooden table. Tinawagan niya si Enrique. Ilang ring bago ito sumagot at mukhang hinihingal pa ito.
Maureen: Rick?
Enrique: Ma-Mau...
Pumikit ng mariin si Maureen at ikinuyom ang palad.
Maureen: You promised na hindi ka na magloloko kay Kitten, but what the heck are you doing right now, Enrique.
May diin sa bawat salitang binibigkas ni Maureen. Tuluy-tuloy lang ang paghahabol ng hininga ni Enrique mula sa kabilang linya.
Maureen: This is not good for our plans, Rick. Alam mong hindi ka pa napapatawad ni Kitten sa nakita niyang kissing moment ninyo ni Yessa and now may iba ka na namang kinakalantari.
Pigil na pigil si Maureen na sumabog ang inis kay Enrique. Nagtatagis ang mga ngipin niya habang nagsasalita.
Enrique: Ma-Mau, I-I pro-promise, I'm not wi-with someone ri-right now.
Hinihingal pa rin si Enrique mula sa kabilang linya. Muling pumikit ng mariin si Maureen.
Maureen: Enrique, I'm telling you, kapag hindi mo itinigil 'yan, lahat ng pinaghirapan natin ay masasayang. Paputukin mo na 'yan at puntahan mo ako ngayon din. You need to know something.
Iyon lang at tinapos na ni Maureen ang tawag. Hindi pa rin niya mapaniwalaan ang kanyang nalaman. Parang gusto na niyang umatras sa plano nila ni Enrique, pero alam niyang hindi pwede. Taon na rin ang binilang nila at hindi pwedeng masayang ang lahat ng iyon.
Bigla ay naalala ni Maureen ang private investigator na nasa labas ng study room. Agad-agad siyang lumakad patungo sa pinto ng study room.
Maureen: Argh! Nakalimutan ko na ang private investigator. Ang dami kong iniisip, pero itong si Enrique ay nagpapasarap lang. I can't even find time for Martin. Kainis!
----------
Sa kabilang dako ay mukhang hindi si Maureen ang nasa isip ng boyfriend nitong si Martin.
Nakaluhod si Martin sa ibabaw ng kanyang kama. Ang kanyang likod ay nakatapat mismo sa salaming nakasabit sa dingding ng kanyang kwarto. Lumingon siya sa direksyon ng salamin at pinagmasdan ang kanyang maputi at makinis na likod. Tuluy-tuloy pababa ang tingin ng kanyang mga mata hanggang umabot sa kanyang matambok na pang-upo. Napangisi siya sa kanyang nasilayan. Bagay na bagay sa malaman niyang pang-upo ang p-in-urchase niyang bagong jockstrap. Nag-complement ang kulay nito sa kulay ng kanyang balat.
Nakakaakit ang ayos ni Martin habang suot ang jockstrap. T-in-esting pa niya ang tibay ng strap sa kanyang mga daliri at nang basta na lang bitiwan ang strap ay napatili siya nang pumitik ito sa kanyang balat. Malandi siyang tumawa at hinampas ang matambok na pang-upo gamit ang dalawang kamay. Halos magtalbugan ang malaman niyang pang-upo.
Martin: I'm a vixen and a goddess. The epitome of perfection.
Kumagat-labi si Martin habang nakatingin sa sariling reflection sa salamin. Nagsimula siyang kumanta ng isang awiting ginamit sa isang animated musical action-adventure film.
Martin: When will my reflection show... Who I am inside...
Feel na feel niya ang pagkanta na nakalapat pa ang kanang palad sa kanyang kaliwang dibdib at nakatingala sa kisame habang nakapikit.
Maya-maya ay humiga si Martin sa kama at ngumiti na parang nangangarap.
Martin: Ngayong dito na rin nakatira si Xavier sa inuupahan kong apartment, mamumuhay kami bilang mag-asawa. Siya ang husband, ako ang wife.
Pagkatapos sabihin iyon ay kilig na kilig na niyakap ni Martin ang isang malambot na unan na nasa ibabaw ng kanyang kama. Noong unang dating ni Xavier sa apartment na inuupahan ni Martin ay pinipigilan pa niya ang sarili na matukso rito rahil sa girlfriend niyang si Maureen. Pero kagabi nang umuwi ito at walang ibang bukambibig kundi ang magandang babaeng nabunggo raw nito sa mall ay napuno ng selos ang puso ni Martin. Na-realize niyang hindi niya lang crush at pinagnanasaan si Xavier kundi mahal na rin niya ito.
Naaalala pa ni Martin ang sinabi ni Xavier kagabi.
"Naku, Martin. Kung nakita mo 'yong babaeng nabunggo ko, baka makalimutan mo ang girlfriend mo sa sobrang ganda. At ang ganda pa ng hubog ng katawan. Sayang nga lang at hindi ko nakuha ang number niya."
Huminga ng malalim si Martin. Nagngingitngit na naman ang loob niya. Sa isip niya ay kailangan na niyang kumilos kung ayaw niyang maunahan siya ng iba kay Xavier.
Martin: Walang ibang pwedeng umangkin kay Xavier kundi ako lang. Sa akin lang si Daddy Xavier. Sa akin siya. Siya ang inilaan ng langit para sa akin at hindi si Maureen. Ngayong magkasama na kami sa iisang bubong, ipakikita at ipararamdam ko kay Xavier na ako ang nararapat niyang mahalin.
Biglang tumalim ang mga mata ni Martin.
Martin: Ang lahat ng magtatangkang agawin sa akin si Xavier ay dadaan muna sa aking dead body.
Biglang bumangon mula sa pagkakahiga si Martin at muling humarap sa salamin. Nag-aapoy ang kanyang mga mata.
Martin: Daddy Xavier is mine and mine alone!
----------
Sa loob ng isang hotel room ay nagmamadaling magsuot ng pantalon si Enrique habang pinagmamasdan siya ng babaeng nakahiga sa kama. Kagat ng babae ang ibabang labi nito habang nakamasid kay Enrique. Hindi ito magsasawang titigan ang kagwapuhan at kakisigan ng lalaking nasa harapan.
Ngumisi si Enrique sa babae matapos makapagbihis.
Enrique: Kung titigan mo ako ay para akong isang masarap na karne na gusto mong lapain. Hindi ka pa ba satisfied?
Nag-pout ang babae.
Babae: Three rounds pa lang, eh.
Ngumiti si Enrique at lumakad palapit sa gilid ng kama. Hinaplos ang kanang pisngi ng babaeng nakahiga.
Enrique: Bawi ako next time. May emergency lang.
Ngumiti ang babae at bumangon mula sa pagkakahiga. Lumuhod sa ibabaw ng kama at ikinulong sa dalawang palad nito ang mukha ni Enrique.
Babae: Love mo ko?
Lumawak ang ngiti sa mga labi ni Enrique at tumango. Masuyong hinalikan niya ang babae ng ilang segundo bago nagsalitang muli.
Enrique: Mahal na mahal kita, Maxine.
Pagkatapos sabihin iyon ay pinagsaluhan nina Enrique at Maxine ang isang maalab na halik.
Walang kamalay-malay sina Enrique at Maxine na may mga matang nakamasid sa kanila at nagngingitngit ang loob.
----------
itutuloy...