Athena's POV NASA harap kami ng pagkain, dinner time pareho kaming walang imik ni Hades. Wala na naman sa mood si Hades, parang kanina lang nasa mood naman siya makipag-usap pero ngayon bigla siyang nanahimik simula ng bumaba kami at nang maisturbo kami kanina ni yaya Nelia. Nang lumapit si nanny Nelia sa amin, sinalinan niya ng tubig ang isa-isang baso namin. Tumingala si Hades rito tsaka nagsalita "Yaya Nelia, isang araw ka na lang dito sa bahay. I'll just give you enough money for you to go home to the province" sabi ni Hades dito. Sa isang iglap lang tatanggalin niya na kaagad si yaya Nelia na walang maayos na dahilan. Hindi ko akalaing totohanin niya ang sinabi niya kanina. Tila hindi naman inaasahan 'yon ni yaya Nelia. "S-Sir, bakit po? Ano po ang nagawa ko? May nagawa po ba akong