Third person's POV "Who's pregnant?" nagpalipat-lipat ang mga tingin ni Hermes sa dalawa. Sa kapatid sa matalik nitong kaibigang si Athena. "A-ano—a...ano baka nagkamali ka lang ng narinig mo kuya." nakangiwing sagot ni Iris tsaka tumingin kay Athena. "I heard everything. I was just clarifying if what I heard was true." seryosong sagot niya sa kapatid. Muling nagkatinginan si Athena at Iris. "Y-yung pusa namin! Yun yung buntis." kaagad nakakuha ng palusot si Athena. Senenyasan ni Athena si Iris na sakyan nito ang kasinungalingan niya "Ah, oo kuya, tama! Yung pusa ni Athena buntis. Yun yung ibig namin sabihin. Ano ka ba naman kuya." kaagad naman na segunda ni Iris. Tinitigan ni Hermes si Athena ng matagal. Pinag-aaralan ang mga galaw, pagkabalisa at pagkautal ng dalaga. Alam niyang h