"Lyka!" Tawag ni Hades hanggang sa makalabas siya ng back exit ng hospital. Naabutan niya ito at kaagad na hinawakan ang braso nito. "Lyka!" sambit niya. Nang humarap ito ay ganun na lang ang kaniyang pagkadismaya nang masilayan ang mukha nito. Hindi si Lyka ang babaeng naabutan niya. Alam niyang nakita niya si Lyka. Hindi siya nag-iilusyon. Alam niyang si Lyka talaga ang nakita niya. Nakakasigurado siya roon dahil nakita rin iyon ni Athena. Pinigilan pa nga siya ni Athena para lang huwag sundan si Lyka ngunit ibang babae pala ang nasundan niya. "Bakit po?" tanong nito. "Nothing." sapo ang noo na sagot niya. Tumalikod na rin ang babae sa kaniya at nagpatuloy sa paglalakad. Napatingala siya sa kawalan at mahinang tinampal ang kaniyang noo. "Lyka, where the hell are you? Bakit ba ayaw