MR. DICKSON 6- THEIR WEAKNESS

2052 Words
KAAGAD NA pinulot ni Hades ang kaniyang towel na nahulog dahil aksidente itong nasagi ng mga kamay ni Athena. Muli niyang itinakip ang towel sa kaniyang hubad na katawan. Sa inis ni Hades sa babae. Hinila niya ito palabas ng kwarto niya hanggang sa makababa sila ng hagdanan. Habang hila-hila niya si Athena pababa ng hagdan. Nagmamakaawa naman ito sa kaniyang huwag kaladkarin. "How many times do I have to tell you that I will never accept you! Hindi ko tanggap ang batang nasa sinapupunan mo! I don't want you to be the mother of my child! Kung meron man akong gustong maging ina ng mga anak ko hindi ikaw yun kun 'di si Lyka! Only her and no one else! Ikaw, umuwi ka kung saang lupalop ka nanggaling! If you want sustenance. I'll give it to you! Pero ang maging ama niyang anak mo! That will never happen!" "Nasasaktan ako! Please! T-tama na." pagmamakaawa ni Athena sa kaniya ng mariin niya itong hinawakan sa siko at maging sa pulsuhan nito ay halos magkaroon ng pasa ang kamay ng dalaga sa klase ng pagkakahawak niya. Hindi niya pinakinggan ito. mas lalo pa niya itong kinaladkad kahit nanunuod sa kanila ang mga maids sa mansion. Ang iba ay nagbubulong-bulungan. -- "Senyora! Senyora!" mula sa labas ng kwarto ay narinig ni Senyora Carmela ang pagtawag sa kaniya ni Pening. Ang matagal na nilang katulong sa mansion. Si Senyora Carmela ang ina ni Hades. Kaagad na lumapit ang senyora sa pinto para pagbuksan ito. "Yaya, Pening? Anong nangyayari? Bakit hingal na hingal kayo?" tanong niya dito. Tila ba hinabol ang matanda. "Si senyorito Hades po, senyora. Kinakaladkad niya po palabas si Miss Athena." hinhal na hingal na sumbing ng matanda. "What? Nandito si Hades? Anong ginagawa niya dito? Hindi ba't hindi na siya umuuwi dito?" pagtataka ng senyora. "Hindi ko rin po alam, senyora. Hindi ko nga po narinig ang pag-uwi niya. Hindi ko rin siya nakitang pumasok dito." pagtataka ni Pening. Matutulog na sana ang senyora pero dahil sa binalita ni Pening ay napilitan siyang lumabas ng kwarto at bumaba para pigilan ang anak. Nadatnan ng senyora ang paghawak ng mariin ni Hades sa braso ni Athena. Halata sa mukha ni Athena ang nasasaktan. Namimilipit ito kaya napapangiwi na lang. "Hades!" Umalingawngaw ang boses ng senyora. Kaagad na napatingin si Hades sa kinaroroonan ng ina. Lumuwag ang pagkakahawak nito sa braso ni Athena. Ngunit nangalay naman ang braso ni Athena kaya't pinagpag niya ito. "Anong ginagawa mo kay Athena?" Muling hinatak ni Hades si Athena. "So, Athena pala pangalan ng babaeng 'to. Bakit nasa kwarto ko ang babaeng ito?" inis na tanong ni Hades sa ina. "Ako ang nagpapasok sa kaniya sa kwarto mo. Pwede ba bago mo dapat kinaladkad palabas 'yan si Athena nagbihis ka man lang muna." puna ng ina. Tsaka lang napagtanto ni Hades ang suot. Nakatapis lamang siya ng tuwalya at basa pa ang kaniyang buhok. Wala pa rin naman pakialam si Hades sa hitsura niya. "Paano ako bibihis kung nasa kwarto ko ang babaeng ito? Siya ang dahilan kung bakit wala na kami ni Lyka! Siya ang dahilan kung bakit hindi matutuloy ang kasal ko tapos makikita ko ang babaeng yan sa kwarto ko. Are you out of your mind mom?" gigil na gigil na pagkasabi ni Hades. Si Athena naman ay napanatiling hawak ni Hades. Gusto man niyang kumawala pero mahigpit na nakahawak sa kaniya ang binata. "Bakit ka ba kasi nandito? Hindi ba't may sarili ka ng bahay? Himala naman yata at naligaw ka rito." "Because I wanna talk to you and dad." "About what?" "About this fvcking woman!" "What about her? Hindi kita pinipilit na panindigan ang bata. Dinala ko si Athena dito dahil gusto ko. Kung ayaw mong panindigan si Athena, then fine. Ako ang gagawa no'n para sa 'yo. Ewan ko ba kung bakit nagkaroon ako ng anak na pagkatapos magpakasarap at makabuntis ay itatangi na ang lahat. Babae rin ako Hades at alam ko kung ano ang nararamdaman ni Athena kung tinanggihan siya ng lalaking nakabuntis sa kaniya. Bago mo dapat ginawa 'yan, inisip mo dapat muna kung anong consequences ng lahat." Biglang hindi nakaimik si Hades. Athena Ang lakas ng kaba ko kanina habang hinihila ako palabas ni Hades. Ang sakit ng mga braso ko. Nandito na ako ngayon sa kwarto at kinukuha ang mga gamit ko. Lilipat ako sa ibang kwarto. Kwarto pala ito ni Hades kaya naman pala sobrang laki. Hindi ko na alam kung ano ang pinag-usapan nilang mag-ina. Sinamahan na kasi ako ni yaya Pening pabalik dito para kunin ang mga gamit ko. Nakakatakot magalit si Hades. Sigurado na ba akong magtatagal pa ako dito? Mukhang mas masama pa si Hades kay tiyang. Baka mamaya, bigla niya na naman akong hatakin sa kung saan at iiwan sa kung saang lugar para hindi na ako makabalik pa. O 'di kaya ipasok niya ako sa drum pagkatapos takpan at itapon na lang kung saan. Napailing ako sa mga naisip ko Hindi naman siguro niya gagawin yun. Kahit naman siguro may pagkademonyo ang ugali niya. Nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos ng mga gamit ko sa pinaglipatan kong kwarto. Medyo maliit ito sa kwarto ni Hades pero ayos na ayos ako dito. Mas malaki pa nga 'to sa mga bahay sa skwater. May kumatok sa pinto nang subukan ko ng humiga. Alas nuebe na ng gabi kaya pala antok na antok na ako. Pinadalhan na lang ako ni ma'am Carmela ng pagkain. Napakabait niya talaga kahit nagagalit na sa kaniya si Hades ay patuloy niya pa rin akong tinutulungan. Tumayo ako at pinagbuksan ang kumakatok sa pinto. Baka si yaya Pening ito. Nang mabuksan ko ay gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko ng mabungaran ang daddy ni Hades. Seryoso at nakakunot ang noo. Manang-mana si Hades sa daddy niya. Kung nakakatakot si Hades mas nakakatakot itong nilalang. Nagbigay ako ng galang sa kaniya. Ano kaya ang ginagawa niya dito? Nakauwi na pala siya. "K-kayo po pala, a-ano po ang kailangan ni—" "One million" putol niya sa tanong ko. "A-ano po? Ano pong meron sa one million b-bakit niyo po sinasabi sa akin —" pinutol niya na naman ang sasabihin ko. "Huwag na tayong magpaligoy-ligoy pa. Alam kong pera lang ang habol mo. One million in exchange for you staying away from my family, especially my son. You're not the woman for him. Lyka is what I want for Hades . If it's not enough, I'll make it two million." offer nito sa akin. Nung una napanganga ako sa laki pero kaagad ko ring itinikom ang bibig ko. "Kung hindi mo ito tatanggapin, iisipin kong nakulangan ka pa sa offer ko. Mas lalo mo lang pinapamukha sa akin na mukha kang pera. Wala kang makukuha kapag nag-stay ka dito sa mansion. Hindi ka rin matatanggap ng anak ko kasi alam mo, walang makakapantay sa pagmamahal niya sa kaniyang fiancee. Si Lyka lang ang mahal ni Hades. Only Lyka can make him happy." dahil sa sinabi ng daddy ni Hades. Nakapag-isip-isip na akong tanggapin ito. Mas mabuti na sigurong umalis na lang at tanggapin ang offer niya. Malaking tulong na sa akin ang one million. "Aalis po ako —pero hindi ko po tatanggapin ang two million na offer niyo." Biglang natawa ito. "Ngayon nagkukunwari kang ayaw mo ng pera." tatawa-tawang sabi nito. "Ayos na po sa akin ang one million, Sir. Hindi ko po tatanggapin ang two million na offer niyo. Hindi ko po kayang bayaran yun." sagot ko. Mas lalo itong natawa. "Hindi ito pautang na dapat mong bayaran. This is an offer, makakatulong sa iyo ang two million. Alam ko naman na hindi mo kayang bayaran kahit na one million pa ang kukunin mo." tinawanan niya lang ako. Tumalikod ako at kinuha ang mga gamit ko. Niligpit ko na lang ulit ang mga ito at ibinalik sa bag. Mag-ho-hotel na lang muna siguro ako ngayon pag-alis ko. Bahala na. Nang matapos ay hinarap ko ulit ito at binuksan ang aking mga palad. "Nasaan na ho ang one million na sinasabi niyo." Tutal mukha naman akong pera sa paningin niya lubos-lubusin ko na. Ibinigay niya sa akin ang cheque. "That is two million sapat na para sa paglayo mo." Tinitigan ko ang hawak kong cheque. Nakatitig ako doon ng matagal nang may bigla naman nagsalita. "Rafael? Anong ginagawa mo? Binabayaran mo si Athena?" kaagad kong itinago ang cheque na nasa kamay ko nang marinig ang boses ni ma'am Carmela. Kasama niya si Hades, tapos na siguro silang mag-usap. "Yes, binayaran ko ang babaeng ito para lumayo at layuan na ang anak natin. Tinanggap naman niya ang alok ko." sagot naman ni Sir Rafael. "What? Pinapaalis mo si Athena? You know Athena is pregnant. Buntis siya sa apo natin tapos pinapaalis mo! If Athena leaves I will go with her. I won't let Athena leave alone."paninindigan ni ma'am Carmela. Siya lang itong kakampi ko. "Mom!" "Hon!" Sabay na sambit ni Sir Rafael at Hades. "Come on, Athena. I'll take care of you." Hinawakan ni ma'am Carmela ang kamay ko at hinila na paalis sa kwarto na kinaroroonan ko. Sumunod naman si Sir Rafael at Hades. Panay ang kanilang pagtawag. "Mom!" "Hon! Ano ba iiwan mo kami dahil sa babaeng 'yan? Iiwan mo ako?" hindi makapaniwalang tanong ni Sir Rafael. "Alam mong gustong-gusto ko ng magkaapo at kung hindi niyo matatanggap si Athena. Pareho kaming aalis dito." pananakot ni ma'am Carmela. Tumingin siya sa akin sabay kindat. Mukhang may binabalak ang Ginang. Mukhang spoiled siya ni Sir Rafael. "Ako na bahala sa 'yo, hija. Just go with the flow. Alam kong hindi ako hahayaang umalis ng asawa ko. He loves me more than anything." bulong niya sa akin. Ganoon siya kakampante. Nanahimik na lang ako at parang nanunuod na lang ako dito ng movie. Tuluyan na nga akong hinila ni Ma'am Carmela palabas. "Hon! What is this s**t? Talaga bang totohanin mo 'yan?" halata sa boses ni Sir Rafael na natatakot na umalis ang asawa. "Tanggapin mo ng buo si Athena tsaka ako babalik sa 'yo." sagot ulit ni Ma'am Carmela. "Okay, fine! If that what's you want! Tatanggapin ko si Athena sa pamilyang ito huwag ka lang umalis." pagmamakaawa ni sir Rafael. "Narinig mo Athena? Sabi ko sa 'yo ako ang kahinaan ng asawa ko." sabay kindat ni Ma'am Carmela sa akin. Bigla akong natawa. Kung meron lang sigurong best in actress ngayon. Ibibigay ko iyon kay Ma'am Carmela. "Hindi ko naririnig hon! Ulitin mo." muli ay sabi ni Ma'am Carmela sa asawa. "s**t! You are really my only weakness." tila pabulong na sabi ni Sir Rafael. "Okay, I will accept Athena freely in this family. Just don't leave."dagdag pa ni sir Rafael. Biglang napangiti ang Ginang. "How about you son?" "What about me, mom?" "Tatanggapin mo si Athena? Matutuloy pa rin naman ang kasal mo pero hindi na kay Lyka kun 'di kay Athena." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ng ginang. "What?" halos hindi rin makapaniwala si Hades sa hinihinging kondisyon ni Ma'am Carmela. "Why do I have to marry that woman?" halata sa mukha ni Hades ang pagka-di gusto. "Hades, just follow what your mommy said. You know how crazy she is. Kapag sinabi niya na umalis, aalis 'yan at mahihirapan na naman tayong hanapin ang mom mo." pamimilit na rin ni Sir Rafael sa anak. "Hindi nila ako matatanggihan Athena. Ako ang kahinaan ng mag-ama ko. Alam nilang ginagawa ko ang sinasabi ko at sa oras na ginawa ko 'yon. Hindi na nila ako makikita. My husband knows that. Minsan na rin kasi akong naglayas at kung hindi ko sinadyang magpakita sa kanila ay hindi nila ako makikita kahit pa magbayad ng iba't ibang private investigator, agent or kahit na ano. Basta ako ang magtago, hinding -hindi nila ako makikita." ganun ka confident ang Ginang. Ako man ay hangang-hanga. "I'll think about it." tanging sagot ni Hades. "Then good. Tapos ang usapan. Athena you can go back to your room." wala akong nagawa kun 'di ang bumalik sa room ko. Ganun katapang si Ma'am Carmela. Lahat ay napataob niya, maging si Hades na demonyo ang ugali ay hindi niya napagsalita. Hindi ko alam kung gagalaw ba ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung susundin ko na ba ang sinabi ng Ginang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD