"Patahimikin niyo lahat ng press at reporters! Kung sino man ang maglalabas ng article about the engagement party and the woman who ruined the engagement party will lose their job." Umalingangaw ang boses ni Senior Rafael Dickson nang isumbong ng secretary nito sa kaniya na nagsimulang mag-ingay ang mga press about sa nangyaring kaguluhan sa engagement party ni Hades.
"Masusunod po senior." sagot naman ng secretary nito. Lumabas rin ito kaagad sa office.
Naka-dekwartrong nakaupo si Hades kaharap ang ama. "Lyka never forgave me. That girl's fault! She ruined everything." nanggigigil na sabi ni Hades habang nakakuyom ang kamao.
"Forget Lyka and try to love Athena." wika naman ng ama na ipinanlaki ng mga mata ni Hades.
"What? Pati ba naman kayo, Dad!" rekalmo ni Hades.
"Gusto siya ng mom mo. Alam mo naman ang mom mo kapag nagustuhan niya ang tao hindi niya na pinapakawalan kaya nga hindi niya na 'ko pinakawalan." pangiti-ngiti na sabi ng senyor.
"That's crazy! Kahit kailan hindi ko matututunang mahalin ang babaeng 'yon!" Tumayo si Hades nang tumunog ang kaniyang phone ay natigilan siya at napaupong muli. "Si Mom." sambit ni Hades nag makitang tumatawag ang ina.
"Yes, mom." tinatamad na sagot niya.
"Hindi po ito ang mom niyo. Nandito po siya ngayon sa hospital. Bigla po kasi itong nawalan ng malay at medyo malubha ang kaniyang kalagayan. Inutusan niya lang po akong tawagan kayo." sagot sa kabilang linya na ikinaawang ng labi ni Hades.
"What?" sinulyapan niya ang ama na abala sa mga files.
Ipinagtaka niya ang biglang pagkasakit nito. Kahit kailan ay hindi ito pumapayag na dinadala sa hospital kapag nagkakaroon ng lagnat. Nagpapagaling lang ito sa bahay. Ganun ba kalubha ang sakit niya para makumbinsi siyang dalhin sa hospital?
"Can I talk to mom?" tanong niya sa babaeng kausap niya. Sandali itong natahimik.
"Hello, son." nanghihina na sagot ng ina.
"Mom, anong nangyari? Himala naman yata ngayon at nagpadala na yata kayo sa hospital. Hindi ba't ayaw na ayaw mong magpadala sa hospital."
"Noon yun pero nagbago na ngayon son. Iniingatan ko lang ang sarili ko lalo pa at magkakaroon na ako ng apo. Yun nga lang hindi buo ang pamilya ng apo ko." biglang nalungkot na sabi ni senyora Carmela.
"Ang mom mo ba kausap mo, Hades?" sumabat naman si senyor Rafael sa gitna ng usapan nilang mag-ina sa phone.
"Yes, Dad. Mom is in the hospital."
"What? Why didn't she even call me?" Señor Rafael stood up suddenly. He immediately put aside the files that were scattered on the table.
"Kailangan nating puntahan ang mom mo."
"Here we go again. Ipipilit niya lang sa aking pakasalan ko ang babaeng 'yon." walang nagawa si Hades kun 'di ang tumayo na lang para samahan ang ama sa hospital.
Athena
"Kamusta po kayo, Ma'am Carmela?" pag-aalala ko. Isinugod kasi namin siya kaninang umaga dito sa hospital.
"Huwag kang mag-alala sa 'kin hija. I'm fine. Tsaka isa pa, huwag mo na ako tawaging Ma'am. Tawagin mo akong Tita. Tutal wala rin naman akong anak na babae at gustong-gusto kong magkaroon ng anak na babae." Hinawakan nito ang mga kamay ko. Medyo nailang ako at nahihiya pa.
"Don't worry about Hades. Susubukan ko pa rin ang lahat ng magagawa ko. Hindi naman ako matatanggihan ng anak ko. Nag-iisip pa iyon pero lalambot rin ang puso no'n at susundin niya rin ang gusto kong mangyari. Sabi ko nga, just go with the flow, ako ang bahala." sabi nito sa akin habang hindi pa rin binibitawan ang mga kamay ko.
"Hindi po ako humahangad ng sobra. Sapat na po sa aking mabuhay kami ng anak ko. Pasensya na po kayo kung sinira ko pa ang party ng anak niyo at nang dahil sa akin kaya nagkalabuan na po ang anak niyo at ang kaniyang fiancee. Sobra po akong na-guilty." paumanhin ko sa Ginang. Natigilan kaming pareho ng may biglang nagsalita sa aming likuran.
"Guilty? Saan banda huh, babae? Anong pinakain mo sa mom ko at sobrang boto siya sa 'yo? Hindi ikaw ang klaseng babaeng pinapakasalan. Napakababa mong babae. Akalain mong nabuntis kita ng hindi nalalaman kung bakit o paano nangyari? Alam mo bang diring-diri ako sa 'yo?" natigilan ako at tila hindi ako makagalaw sa aking pagkakatayo nang makitang palapit sa akin si hudas. I mean si Hades. Heto na naman yung takot kong baka saktan niya na naman ako bigla.
"Hades!" saway ng mommy nito.
"What now, mom? Kakampihan mo na naman ba ang babaeng 'yan?"
"Magdahan-dahan ka sa pananalita mo, Hades. Nakakasakit ka na kay Athena. Wala namang ginagawa sa 'yo si Athena pero kung makapagsalita ka sa kaniya sobra-sobra na." saway ng Ginang. Mabuti na lang talaga nandito ang mommy ni Hades na naging kakampi ko.
"Wala pa ba siyang ginawa, mom? She ruined everything!"
"Stop it, Hades. May sakit ang mommy mo. Hindi ngayon ang tamang oras para sa galit mo kay Athena." Pumagitna ang daddy ni Hades tsaka lang tumigil si Hades. Sinamaan niya muna ako ng tingin bago tuluyang lumabas.
Nakasunod lang ang tingin ko sa paglabas niya. Ngunit dahil awkward na nandito pa rin ako habang nag-uusap ang mag-asawa. Nagdesisyon akong lumabas na lang muna.
Naglakad-lakad ako sa loob ng hospital. Hanggang sa mapadpad ako sa hallway na walang masyadong tao. Natigilan na lang ako sa aking paglalakad ng marinig ang boses ni Hades. Mas lumapit pa ako sa wall para mas lalo kong marinig kung sino ang kausap ni Hades.
"Please, Lyka. Let's get on with the wedding. Hindi ko mahal ang babaeng 'yon! Hindi ko nga alam kung paano nangyaring nabuntis siya at ako ang ama. I don't know how it happened, believe me."
Tinakpan ko ang aking bibig. Muntik na kasi akong makagawa ng ingay. Lumingon ito sa kinaroroonan ko kaya mas lalo kong tinakpan ang bibig ko.
Hindi na pala talaga siya pinatawad ni Lyka. Kasalanan ko. Kaya dapat hindi na ako nagtatakang matataasan niya ako ng boses.
Hindi ko na tinapos pa ang pakikinig sa pakikipag-usap ni Hades sa kasintahan. Hindi ko na kasi maatim na ako ang dahilan kung bakit nangyayari sa kanila ito. Kung bakit nagkahiwalay silang dalawa.
Pagbalik ko sa room ni Ma'am Carmela ay kausap pa rin nito ang asawa. Tumikhim ako para maramdaman nila ang pagpasok ko.
Sabay silang napatingin sa akin. "Ikaw pala, Athena." sambit ni Ma'am Carmela.
Sabay na naman kaming napatingin sa pintuan nang bumukas ito. Si Hades ang iniluwa mula doon. Tumingin siya sa 'kin kaya yumuko ako. Ayaw kong tumingin sa kaniya ng matagal.
"Pumapayag na akong pakasalan si —si Athena."
Napatingala kaagad ako dahil sa sinabi nito. Nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sa kaniya. Nagbibiro ba ang lalaking' to? Kanina lang sinusuyo pa niya si Lyka pagkatapos ito siya pumapayag ng pakasalan ako.
"Really?" hindi maipinta ang saya sa mukha ni Ma'am Carmela ng lingunin ko ito.
"I already said it, mom. I'm only saying this one time. I'm not used to repeating words." seryosong sabi ni Hades.
Hindi pa rin ako makapaniwala. Bakit gusto niya na akong pakasalan? Nagbago kaagad ang isip niya.
"Kung ganun set na natin ang madaliang kasal niyong dalawa."
"I want our wedding to be a secret so no one will know." suhestiyon ni Hades.
HANGGANG NGAYON hindi pa rin ako makapaniwalang pumayag si Hades na magpakasal sa akin. Nakahiga na ako nang maisipan kong tingnan na naman ang picture niya na kaka-search ko lang sa isang social media.
Hindi ko akalaing inabot ako ng ten minutes kakatitig sa gwapo niyang mukha. Ang gwapo niya talaga. Lalo na sa personal at kahit magalit pa at kumunot pa ang noo niya ganun pa rin ang hitsura niya. Hindi nagbabago, hindi pumapangit.
Tinampal ko ang aking noo. Hindi ko siya crush ah. Hindi ko siya gusto. Si Kuya Hermes pa rin ang crush ko. Walang makakapalit doon. Pero wala na akong balita kay Kuya Hermes. Siguro ngayon masaya na itong kasama ang asawa.
KINAUMAGAHAN...
Tinanong ko si Manang Pening kung nasaan sila Ma'am Carmela. Ang sagot nito inaasikaso raw ang kasal namin ni Hades. Si Hades kaya kasama nilang nag-asikaso?
Inilibot ko na lang ang aking sarili sa mansion. Nagpunta na ako sa swimming pool, sa garden, sa likod ng mansion pero hindi pa rin ako mapakali. Anong mangyayari kung mag-asawa na kami ni Mr. Dickson?
Nang magsawa sa kaiikot sa buong mansion ay bumalik na rin ako sa loob. Nadatnan ko si Ma'am Carmela at si Sir Rafael.
"Athena, mabuti naman at nandito ka na. May sasabihin kami sa 'yo." kaagad na salubong sa akin ni Ma' am Carmela.
"A-ano po yun?"
"Seventeen years old ka pa lang hindi ba? below seventeen years old hindi pa pwedeng magpakasal kaya hihintayin na lang natin na mag-eighteen ka na." dagdag pa ni Ma'am Carmela
Oo nga pala. Seventeen pa lang ako.
"I already talked to Hades about this . Ang sabi niya doon ka na lang muna sa penthouse niya. Yun kasi ang condition na hinihingi sa akin ni Hades. Pumapayag siyang magpakasal sa iyo kapag nag-eighteen ka na basta't doon ka na titira sa penthouse niya kahit hindi pa kayo naikakasal. Papayag ka ba, Athena?"
Napanganga ako.
Sa bahay niya na ako titira? Walang magtatanggol sa akin kapag susubukan akong saktan ni Hades.
" Athena? " muli ay tawag sa akin ni Ma'am Carmela. Natahimik kasi ako at nag-isip.
" H-hindi po ba pwedeng dito na lang muna ako titira?" nakangiwi na tanong ko sa Ginang. Nakakatakot magalit si Hades. Baka bigla niya na naman akong sakalin.
"I'm sorry, Athena pero iyon ang kondisyon na hinihingi ni Hades para matuloy ang kasal niyo. Doon ka muna sa penthouse niya. Huwag kang mag-alala at 'wag kang matakot may kasama ka naman isang maid sa penthouse niya. Huwag kang matakot kay Hades. Kilala ko si Hades Athena, hindi ka niya sasaktan kung yun ang inaalala mo."
" Natatakot lang po kasi ako. Pasensya na po." nakayukong sabi ko dito.
" What are you afraid of? Iniisip mo bang pagsasamantalahan kita?" nanlaki ang mga mata ko nang bigla na lang may nagsalita mula sa main door. Si Hades kararating lang nito.
Ang sama ng tingin niya sa 'kin. Dito pa nga lang sa mansion ang sama na ng tingin niya sa akin. Paano pa kaya kung kaming dalawa na lang?
"I' m not a child abuser just so you know. " dagdag pa niya.
Hindi ako nakapagsalita. Kagat kagat ko lang ang labi ko habang papalapit siya sa akin. Oo, nga kasi twenty seven ka na. Ang laki ng lamang ng edad mo sa akin. Sa isip-isip ko lang.
" Get your things. We're leaving right now." muli ay sabi niya.
Ngayon na agad-agad? Ang lakas ng kaba sa dibdib ko. Sa pag-iisip ko, hindi ko namalayan ang paghagis niya sa akin ng maliit na maleta kaya munitkan ko pa iyon hindi nasalo. Muntik pa mabitawan.
"Ano pa ang hinihintay mo? Tutulala ka na lang ba diyan?" striktong sabi niya sa akin.
"Iutos ko na lang sa ibang maid dito ang pag-ayos ng mga gamit mo, Athena." biglang salita ni Ma'am Carmela.
"Sanay siya sa buhay mahirap. Kayang-kaya niya ng ayusin mga gamit niya na walang katulong." muli naman na sabi ni Hades.
"K-kaya ko na po, Ma'am Carmela." kagat ang labi kong sabi dito tsaka gumalaw na rin sa wakas. Nagmadali akong tahakin na ang hagdan. Muntikan pa nga akong matapisod sa pagmamadali ko.