MR. DICKSON 5- FIRST DAY IN MANSION

2041 Words
Athena Nakapanatiling nakaawang ang labi ko sa laki ng bahay na ito. Para akong nasa palasyo sa laki nito. Nagkikita-kita pa kaya sila dito? Nandito lang naman ako sa mansion ng mga Dickson. Ang buong akala kong simpleng bahay lang ito pero napakalaki pala. Kanina pa nakaawang ang labi ko, simula pa kaninang papasok pa lang kami sa entrance hanggang sa makapasok dito sa loob, manghang-mangha pa rin ako. Yung bahay yata namin kahit doblehin pa sa one hundred times hindi pa rin siguro sapat. "Athena..." Napalingon ako sa Ginang. Tinatawag niya kasi ako. "Come here." Pinalapit niya ako. Kaagad din naman akong lumapit sa kaniya. Ano kaya ang sasabihin niya? "Ilang taon ka na hija? I think batang-bata ka pa." "Seventeen years old po." tipid na sagot ko habang nakayuko. Nahihiya ako, buti na lang tanggap niya ako pero ang daddy ni Hades galit na galit sa akin katulad ng nararamdaman ni Hades sa akin. Sino ba naman ang hindi? Ginulo ko ang tahimik nilang mundo. "Hindi nga ako nagkakamali. Nahulaan ko yata ang age mo." nakangiting sabi ng Ginang sa akin. "Nag-aaral ka pa ba?" dagdag pa niya. Umiling-iling ako. "Huminto na po ako sa pag-aaral dahil po sa nangyari." sagot ko na naman. "So, nasaan ang mga magulang mo? Alam ba nilang nabuntis ka ng anak ko? Alam ba nila ang kalagayan mo ngayon?" Umiling-iling na lang ako. Naalala ko sila Mama at Papa, nawala sila kasabay ng pagkawala ko sa virginity ko. Habang nagpapakasaya ako sila naman pala ay naghihirap sa mga oras na 'yon. Hindi ko namalayang tumulo na pala ang aking luha. "Oh, I'm sorry, Athena." kaagad na binigyan niya ako ng panyo. Napakabait niya. "Bawal sa 'yo ang mag-overthink at maging emotional ng sobra. Ipapahatid na kita sa isa sa mga yaya dito sa magiging kwarto mo. Just wait here tatawagin ko lang si yaya Pening." Iniwan na ako ng Ginang Ako naman ay napanatiling nakatanaw sa paglayo niya. Inilibot ko na naman ang aking paningin nang mawala na siya sa aking paningin. Ilan kaya ang maids nila dito? Baka pwede akong mag-apply na lang dito, bilang isang maid. Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang may bigla na lang nagsalita sa aking likuran. Isang medyo may edad na babaeng naka-uniform ang bumungad sa akin. "Ihahatid na kita sa magiging kwarto mo." presenta nito. Gusto ko sanang tanungin kung nasaan na si Ma'am Carmela pero hindi ko na lang tinuloy. Nakakahiya. Kinuha niya mula sa akin ang hawak kong bag laman ng mga damit at iba ko pa na mga gamit. Hindi ko naman inisip na titira ako dito. Ang gusto ko lang naman ay humingi ng kaunting tulong pero hindi ko naman akalaing sobra-sobra pala ang ibibigay sa akin. Nasa hallway na kami ng pangalawang palapag pero hindi pa rin kami nakakarating sa paroroonan naming kwarto. Hindi na ako nakapagtiis, nangati na ang dila kong magtanong. "Excuse me po, malayo pa po ba ang magiging kwarto ko?" nakipag-sabayan na rin ako sa paglalakad. Sinulyapan niya ako pero walang emosyon niya akong tiningnan. Ganito ba talaga mga maids dito? Parang ang hirap kausapin. Minsan lang nagsasalita. "Malapit na tayo sa magiging kwarto mo." tipid na sagot nito. Natigilan ako sa paglalakad kaya nauna na siya sa akin ng kaunti. Humingang malalim para magtanong ulit sa kaniya. "A-ano pong pangalan niyo? Para po —" "Pening ang pangalan ko kung may kailangan ka pindutin mo lang ang buzzer sa kwarto mo at magsalita para gagawin ko ang inuutos mo." putol niya sa gusto kong sabihin. Ah, siya pala si yaya Pening. "O-okay po." tumango-tango na lang ako. Hindi pa rin ako mapakali gusto ko na naman magtanong. "T-teka po," pigil kong muli dito kaya tumigil ito sa paglalakad at tumingin sa akin. "S-sa tingin niyo po ba nagkikita -kita pa kayo rito? A-ang ibig ko ho na sabihin—sila Ma'am Carmela at ang asawa niya?" Napangiwi ako dahil sa naging reaksyon nito sa tanong ko. "Oo naman, nagkikita pa kami dito lalo na sa kitchen, ayaw ni Ma'am Carmela na may nauunang kumain kaya sabay-sabay silang kumakain." sinagot naman niya ang tanong ko. Akala ko magagalit na ito sa sobrang kadaldalan ko. "Yon lang ba ang mga tanong mo?" Ako naman ang napatingin dito. "P-pwede pa ho ba ako magtanong?" muli ay sabi ko. "Oo naman, pwede kang magtanong." sa wakas ngumiti din ito. Akala ko buong pag-uusap namin ay hindi ko man lang makikita ang ngiti niya. "Last na po ito. . . Ilan po ba ang anak nila, ma'am Carmela?" Tumigil na ulit kami sa paglalakad. Huminto kami sa may pintuan at binuksan niya ito bago pa sinagot ang tanong ko. "Nag-iisa lang ang anak nila, ma'am Carmela. Si Hades lang, yung panganay kasi nila namatay nung baby pa lang na ipanganak kaya mahal na mahal ni Sir Rafael si Hades. Kasi, nag-iisa lang ito na magmamana ng lahat ng kanilang kayamanan. Ang daldal ko na, tama na ito." biglang natawa ito. Kaya pala ganun na lang ang reaksyon ng ama ni Hades. Nakakatakot. Ang swerte ni Hades dahil meron siyang lahat ng bagay dito sa mundo na hindi niya na kailangan pang mangarap. Halos mapatalon ako nang biglang magsalita ang Ginang. "Maiiwan na kita dito, hija. Kung may kailangan ka, pindutin mo lang ung maliit na buzzer sa ilalim ng maliit na table" turo nito sa maliit na table. "Magsalita ka lang maririnig ka namin sa maids room" Napatango na lang ako tsaka siya lumabas sa kwarto na kinaroroonan ko ngayon. Lumapit ako sa pinto at ni-lock ito. Umawang ang labi ko hanggang sa bumilog na nga ito. Ang ganda! Ang ganda ng kwarto ko. Kasing laki na yata ito ng bahay namin. Hinaplos ko ang malambot na kama maging ang maliit na table sa tabi ng kama. May maliit na kulay gintong chandelier. Lahat yata ng mga gamit nila dito ay kulay ginto. Humiga na muna ako sa napakalambot na kama. Feeling ko pagod na pagod ako. Naisipan kong kunin ang phone ko sa bulsa ng aking suot na leggings. Isang araw kong hindi nahawakan ang aking cellphone. Ang ginawa ko nag-research ako about Dickson family. Unang -una na bumungad sa akin ang mukha ni Hades. Napatitig ako sa screen. Hindi siya gaanong gwapo sa picture pero sa personal kahit galit pa napakaguwapo niya. Ibang iba sa picture. Nagtagal pa ako sa kakatitig sa kaniya. No wonder na crush siya ng mga babae. Ito oh, nakalagay rito. Hades Dickson, 27 years old at the age of 18 nakapagpatayo na siya ng maraming negosyo. Napa-wow ako. Akalain mo ang isang masungit na lalaking ito ay 27 years old na. Kasing tanda niya na pala yung masungit naming kapitbahay noon. Bigla akong natawa. Akala ko nasa 22 or 23 lang siya kaya gulat na gulat ako na malaman na 27 na pala siya at—kasing edad niya siya si Hermes. Naalala ko na naman ang gabing nagplano kami ni Iris. Kaya ito ang napala ko, maling lalaki pala ang napagbigyan ko ng virginity ko. Hindi naman nakakapanghinayang dahil kung tutuusin mas pogi siya sa crush kong si Hermes. Pinagsisihan ko na ang kalokohan na ginawa ko. Dahil hindi ko man lang napahalagahan ang pinaghihirapan nila mama at papa para lang makatapos ako pero ayun ako inaatupag ang crush ko. Napaka-selfish ko pala. Nagagawa kong suwayin sila mama at papa. Ngayon mag-isa na lang ako. Walang kamag-anak. Mabuti na lang nandiyan si Ma'am Carmela. Kung wala siya, hindi ako makakatungtong dito at sigurado akong sa basurahan ako pupulutin. Nagsimula na naman akong tumayo para libutin itong kwarto. Sinilip ko lang ang dressing room. Iba talaga kapag mayaman, ang laki naman ng damitan. Kanino kayang mga damit yung mga nakalagay? Akala ko magiging kwarto ko ito pero parang may nagmamay-ari naman sa kwartong 'to? Dahil hindi ako mapakali at gusto kong malaman kung kanino ang mga damit na 'yon pumasok ako sa loob. Napa-wow naman ako sa lawak ng dressing room. Sumandal ako sa pader at bigla itong bumukas. Nanlaki ang mga mata ko. Secret room? Nagdadalawang isip na pumasok ako sa secret room. Wala namang mga gamit kun 'di isang swevil chair at table. Sino kayang gumagamit ng secret room na ito? Hindi na ako nagtagal pa, tinungo ko na ang secret door pero biglang hindi ko na ito mahanap. Na-lock yata ako dito sa loob? P-paano na? Kinalampag ko lang ang pader pero ayaw pa rin bumukas. Hinanap ko ang maaring pipindutin para bumukas ito ulit pero wala akong nakita. Paano na? Hanggang sa mapagod. Unti-unti akong umupo habang nakasandal sa pader. Hanggang sa ipikit ko ang aking mga mata. Nagising na lang ako sa mahaba kong pagkatulog. Naalala kong nandito ako sa secret room kaya dali -dali kong tiningnan kung saan ako pumasok at nagpasalamat ako dahil naka-open ito. Napahawak ako sa aking dibdib tsaka nagmadaling lumabas, hanggang makalabas ako sa dressing room. Ang lakas ng kaba ng dibdib ko. Akala ko makukulong na ako doon ng isang araw. Sino kaya ang nag-open nun? Nakatungo pa ako habang hawak ang dibdib ko nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan ng banyo. Napatingala ako. Ganun na lang ang pagnlalaki ng mga nata ko nang makita kung sino ang nasa harapan ko. Walang suot kahit na ano sa pang -itaas. Oh! God! Yung abs. Kinagat ko ang aking ibabang labi. Tanging towel lang ang nakapulupot sa bewang nito kaya bumaba ang tingin ko and oh god! Napapakagat ako ng mariin sa mabalahibo niyang puson at bumaba pa ang aking paningin hanggang doon na nga sa umbok napunta. Napalunok ako ng malutong. Jesus! Bakit naman ganito ka-perfect. Bumaba pa ang paningin ko hanggang sa tuhod nito at mabalahibo rin. Oh, god! Wala na yata akong ibang nasasambit kun 'di oh god! Natigilan ako nang mapatingin ito sa akin. Natapos rin ang mga nakakalokang imagination ko nang kumunot ang noo nito at parang hindi makapaniwalang nakikita niya ako. Hindi naman ako multo. Pero bakit? Bakit siya nandito? Kwarto ko 'to eh! "What the hell are you doing here in my room?" umalingawngaw ang boses niya sa kasuluk-sulukan ng kwarto. Kapag sinakal niya ako dito walang makakapigil sa kaniya. Naginginig na humakbang ako para lumayo sa kaniya. "A-ano ah...i-ikaw anong ginagawa mo dito? K-kwarto ko 'to eh!" tanging nasagot ko nauutal pa. Mas lalong kumunot ang noo niya at unti-unting humakbang palapit sa akin. Isinampay nito sa balikat ang maliit na towel na pinagpunas niya sa kaniyang buhok. Kagat labi kong hinintay ang paglapit niya sa akin. Baka sakalin niya na lang ako o 'di kaya itapon na lang sa ere para mawala itong nasa sinapupunan ko. Pinapalaglag niya pa naman ito kaya baka gawin niya iyon sa akin para tuluyan ng mawala ang bata sa sinapupunan ko. Hindi naman ako makakapayag. Ito na nga lang ang natitira kong makakasama sa buhay. Kaunting tulong lang naman ang hinihingi ko sa kaniya. Ipinagdadamot niya pa. Umatras ako at naghanap ng maipaglalaban sa kaniya kung sakali mang may gawin siyang masama sa akin Sa wakas nahagilap ko ang vase. Itinago ko iyon sa likod ko. "Ang kapal din naman talaga ng mukha mo na babae ka! This is probably my room you're stepping on, that's why I'm fvcking here. . . Ikaw anong ginagawa mo dito? Talagang ginawa mong pain 'yung nasa sinapupunan mo para makapasok dito. Ang taas ng pangarap mo. Sa tingin mo ba makukuha mo kaagad 'yang pangarap mo? Dumaan ka muna sa akin bago mo maaasam ang kaginhawaan sa buhay na inaasam mo." Mas lalo pa siyang lumapit kaya itinaas ko ang vase. "H-huwag kang lumapit." nanginginig ang boses ko. Natatakot na akong masakal ulit. Ngumisi siya. "Sa tingin mo ba natatakot ako sa vase na hawak mo?" mas lalo pa siyang ngumisi at hindi na napigilan ang paglapit sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang aksidente kong mahagip ang nakabuhol na towel sa kaniyang bewang. Pinaikot niya ako kaya't nakatalikod na ako sa kaniya habang magkalapit ang katawan naming dalawa. Isang bukol ang sumundot sa aking likuran. Alam kong wala na siyang kahit na anong nakatakip sa bandang ibaba niya. Ramdam na ramdam ko 'yon. "s**t!" napamura siya. Mabuti na lang nakatalikod ako kung hindi nakita ko na sana ang sandata niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD