Athena's POV PAGKALABAS sa main door naghihintay na ang kotse ni Hades. Nakababa ang bintana ng kaniyang kotse kaya nakikita ko siyang nakatanaw sa paglapit ko. Kasama ko si senyora Carmela palabas ng mansion. Ngayon pa lang kinakabahan na ako. Makakasama ko sa iisang bahay si Hades Dickson eh! kakambal yata ni hudas 'yon eh! Sobrang sama ng ugali. Aatras na lang kaya ako? Kakausapin ko si senyora Carmela Paano kung iisipin lang ni senyora Carmela na nag-iinarte ako dahil ayaw kong sumama sa anak niya? Humingang malalim bago ko hinawakan ang mga kamay ni senyora pagkatapos ay humarap ako sa kaniya. Siguro nagtataka na ito kung bakit ko hinawakan ang kamay niya. "M-Ma'am..." sambit ko. "Yes, hija. What is it?" "K-kasi po... ano... ah... p-pwede po bang hindi a-ako s-sasa—" "Ano