BUONG maghapon na lang yata nakatitig si Hades sa larawan nilang dalawa ni Lyka. Hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwalang wala na sila at iniwan na rin siya nito. Nagbakasyon ito, pero hindi niya alam kung saan. Bigla na lang din hindi niya ito makontak. Nakatitig na rin siya sa screen ng kaniyang phone dahil sa paulit-ulit niyang pag-dial sa phone number ng kaniyang fiancee pero hindi man lang ito sinasagot at hindi na rin ito ma-contact. Sapo ang noo at hindi mapakali sa kinauupuan nitong swevil chair. Hindi maka-focus dahil kakaisip sa kaniyang Ex - fiancee. A soft knock woke him up. He waited for her to speak. "Mr. Dickson." tawag ng kaniyang assistant. "Come in! " pinatuloy niya ito. Pumasok ang kaniyang sexy na secretary yakap - yakap nito ay manipis na folder. "Mr