MR DICKSON 4- PRENATAL PATERNITY TEST RESULTS

2131 Words
ATHENA KINAKABAHAN ako... Hinihintay namin ang result ng prenatal paternity test ko. Kasama ang Mommy at Daddy ni Hades. Wala si Hades, ayun sinusuyo ang kaniyang fiancee. Guilty ako sa nangyari. Nang dahil sa akin kaya ngayon nagkakalabuan silang dalawa. Hindi ako kinikibo ng daddy ni Hades. Tanging ina lang ni Hades ang panay kausap sa akin. Kanina pa siya hindi mapakali sa upuan. Mukhang mas excited pa siya sa akin na malaman ang result. Magkatabi kaming tatlo nang bigla na lamang tumayo si Mr. Dickson ang ama ni Hades. Tumingin siya sa akin tsaka tinitigan ako. "Sigurado ka bang nagsasabi ka ng totoo? Aminin mo na ngayon din bago dumating ang result. Dahil kapag negative ang result... I swear I will put you in jail. Sinira mo ang engagement party ng anak ko! Maging ang relasyon nila ni Lyka ay sinira mo. Alam mo, hindi kita matatanggap. No—not for my son!" galit na galit na duro nito sa akin. Pinigilan siya ng Ginang. Ako naman ay lumayo sa kaniya. "Ang bata mo pa para magpabuntis lang! Ganiyan ka ba pinalaki ng mga magulang mo? Talagang ang anak ko pa ang tinuturo mong ama niyang dinadala mo!" patuloy na sigaw nito habang pinipigilan pa rin ito ng Ginang. Ang mommy ni Hades. Ako naman ay malapit ng umiyak dahil sa takot sa kaniya. Nakakatakot siyang magalit. Sa kaniya nagmana si Hades. Panlilisik pa lang ng mga mata ni Hades sa akin ay para niya na akong papatayin. Hindi naman ako gumagawa ng kwento. Totoo ang sinasabi ko. Napalingon ako sa bagong dating. Napaawang ang labi ko ng makita si Mr. Dickson at ang kaniyang fiancee. Magka-holding hands na pumasok ang dalawa. Napakaganda ng fiancee niya. Bagay na bagay silang dalawa. Nakahinga ako ng maluwag dahil nagkabalikan na silang dalawa. Mukhang napatawad na kaagad siya ng kaniyang fiance. Mababawasan na ang guilty na nararamdaman ko. Mabuti na lang at nagkaayos rin kaagad silang dalawa. Napayuko ako nang mapatingin silang dalawa sa kinauupuan ko. Masama pa rin ang mga tingin ni Mr. Dickson sa akin. Parang kakainin niya yata ako ng buhay. "Mabuti naman at kinausap mo na si Hades, hija. I'm happy that you two have settled down." nakangiting salubong ng Ginang sa dalawa. Ngumiti rin naman ang babae. Ang fiance ni Mr. Dickson. Pero mukhang pilit lang na ngiti ang ibinigay nito. "Not yet, Tita. Kapag napatunayan nga na hindi niya anak ang dinadala ng babaeng 'yan." tumingin ang babae sa gawi ko. "Tsaka ko pa lang mapapatawad ng tuluyan ang anak ninyo." sagot ng babae. Nakakasigurado akong anak 'to ni Hades kaya paano kung malaman niya na ang results? Ibig niya bang sabihin. . .hindi niya na mapapatawad si Hades? "I'm fvcking sure that the child she carrying is not mine. She is lying." Tinuro niya ako. "She want money for sure kaya niya ginagawa 'to. Mga ganiyang klaseng babae, hindi na nakakapagtaka kung magtuturo na lang ng kung sinu-sinong mayayamang lalaki ang nakabuntis sa kaniya. Lalo pa at maingay ang pangalan ko sa mga social media." seryosong sabi ni Hades habang nkatingin sa akin ng nakataas ang mga kilay. Hindi talaga siya naniniwalang may nangyari sa aming dalawa. Sabagay mga lasing kaming pareho no'n. Pero ako lang ang nakasaksi sa kaniyang mukha at hindi niya ako nakita dahil paggising ko tulog pa siya at umalis na ako kaagad. Sabay-sabay kaming napatingin sa parating na nurse. Kinabahan ako dahil baka hawak niya na nga ang result ng—ano nga ba yun? Ng prenatal paternity test ko. Kung nag-aral kasi ako ng maayos, hindi sana ako ganito ka-boflaks. Tumikhim ang mag-asawa nang nasa kanilang harapan na ang nurse. Hawak niya ay isang envelope. Iyon na nga siguro ang result. Hindi naman siguro uso sa kanila ang fake result. Sa palabas lang naman siguro nangyayari yun. Kinakabahan ako. Pilit kong pinapakalma ang sarili mula sa kinatatayuan ko. Nangangatog kasi ang mga tuhod ko. "This is the result, Mrs. Dickson." Ibinigay ng nurse sa Ginang ang envelope. Bakit ba 'ko kinakabahan? Nagsasabi ako ng totoo. Wala akong dapat na ikatakot. Tumingin muna ang Ginang sa akin, sa asawa at sa anak nitong si Hades bago tuluyan na binuksan ang envelope na hawak-hawak nito. Nanlaki ang mga mata nito nang tuluyan ng makita ang result. Maging si Mr. Dickson na ama ni Hades ay kinuha mula sa Ginang ang resulta ng prenatal praternity test ko. "Ano ba ang result? Siguradong hindi 'yan anak ni Hades—" sabi pa nito habang nagmamadaling tiningnan ang laman ng resulta. Nanlaki ang mga mata nito at napatakip ng bibig. Hindi nakapagsalita ang mag-asawa. "I'm sure it's negative." sabi naman ni Hades bago lumapit sa ama at kinuha nito ang result. Nanlaki rin ang mga mata nito nang makita at tumingin sa kaniyang fiance. "Anong result? Negative ba, hon?" ramdam kong kinakabahan din ang fiance ni Hades. "This is not true! No!" yun na lang ang tanging nasambit ni Hades pagkatapos. "Positive. Apo ko nga ang dinadala niya." tila hindi makapaniwalang sambit ng Ginang. Ako naman ay nakahinga ng maluwag. "W-what?" napatingin ako sa fiancee ni Hades na hindi rin makapaniwala. "Talagang niloko mo 'ko, Hades! Matagal mo na ba akong niloloko? Ang sabi mo hindi mo anak ang dinadala ng babaeng 'yan!" turo nito sa akin. Tumulo ang luha nito. Ito na naman ako, guilty na naman. Nang dahil sa akin kaya sila nagkakaganito. Kung hindi ko kasi ni-planong pikutin si kuya Hermes. Wala sana ako dito ngayon. Nagkamali ako ng kwartong napasukan kaya ito ang napala ko. Nabuntis ng lalaking kailanman ay hindi ko naman pinangarap. Kaagad na lumapit si Hades sa fiancee nito at lumuhod. "Please! Let me explain, hon. Lyka. Please... please forgive me. I will only support the child. Please! I love you. Don't leave me, please!" napatakip ako ng bibig sa ginawa ni Hades na pagmamakaawa sa kaniyang fiancee. Talagang mahal na mahal niya ito dahil handa siyang lumuhod sa harapan nito para mapatawad lang. Umiling-iling ang babae. "No, Hades. Ang sakit sakit ng ginawa mo. I don't know if I can accept you having a child with someone else. Let's break up. Let's finish it. Mas lalo mo lang akong sinaktan. Nagsinungaling ka pa at confident na hindi mo anak ang dinadala ng babaeng 'yan! But what? This, you hit me face to face!" kalmado pero halata sa boses ng babae ang inis at pagkasuklam. Nanginginig rin ang boses nito. Hindi pwedeng wala akong gagawin. Kung kailangan ko rin lumuhod sa harapan niya para lang mapatawad niya si Hades ay gagawin ko. Hindi na ako nagdalawang isip pa na lumapit at bigla rin lumuhod sa kaniyang harapan. "Please, patawarin mo 'ko. P-patawarin mo s-si Hades. Hindi ko intensyon na paghiwalayin kayo. Ang gusto ko lang naman ay sustento para sa anak ko" sabi ko dito habang nakaluhod na rin sa harapan niya. "At sino ka para makinig ako sa pagmamakaawa mo! Ikaw ang sumira sa relasyon naming dalawa. Ang kapal ng mukha mo! Malandi kang babae ka!" sa halip na patawarin si Hades ay sinabunutan niya na lang ako. Napaigik ako sa sakit ng anit ko. Parang matatanggal na ang anit ko sa lakas ng kaniyang pagsabunot sa akin. Mabuti na lang nailayo ng Ginang ang fiancee ni Hades. "Magsama kayong dalawa sa impyerno!" sigaw niya bago tuluyang tumalikod. Padabog na sinarado ang pintuan. Hinabol pa ito ni Hades pero hindi niya na siguro nahabol kaya bumalik ito sa kinaroroonan ko. Nabigla ako ng lumapit siya sa akin at sinakal niya na lang ako bigla. "Ang kapal mong lumuhod at makiusap sa fiancee ko! Ngayong ikaw ang sumira sa lahat ng pinangarap at pinaghirapan kong buuin. Do you think, matatanggap ko ang batang 'yan?" Mas lalong dumiin ang kaniyang kuko sa leeg ko habang sinipat naman niya ang tiyan ko. "Hades!" sigaw ng Ginang. Kaagad na lumapit sa amin. Inawat si Hades pero ayaw nitong bitawan ang pagkakasakal sa akin. "H-hindi ako makahinga...t-tama na p-please!" nahihirapang sabi ko. Napapikit na ako dahil hindi na ako makahinga. Naimulat ko na lang ang mga mata ko ng bitawan niya na ako. Pasalampak akong napaupo sa sahig. Napaigik ako ng tumama ang tagiliran ko sa dingding. "Abort the baby!" mahinahon pero may diin niyang utos sa akin. Umiling-iling ako. Hindi ko magagawa yun. Mula sa kaniyang pagkatayo ay yumuko siya at umupo. Nakaluhod na ngayon ang isa niyang tuhod habang ang isa ay hindi. Mariin niya na naman na hinawakan ang aking mukha. Gigil na gigil parang gusto niya na yata akong patayin. "Hinding-hindi ko matatanggap na magkakaroon ako ng anak sa 'yo! Hindi ikaw ang babaeng gusto kong maging ina ng anak ko!" mariin na sabi niya sa akin sabay pabagsak na binitawan ang aking mukha. "Hades!" sigaw ng Ginang. Lumapit ito sa akin. Inalalayan akong tumayo. Nanginginig ang mga tuhod ko. Hindi ko na muling tiningnan pa si Hades dahil pakiramdam ko kapag titingnan ko pa siya ulit ay gagawin niya na naman sa akin ang ginawa niyang pagsakal at pagdiin sa aking mukha. "Ano bang ginagawa mo, Hades! Anak mo ang dinadala ng babaeng ito!" sigaw ng Ginang sa pagmumukha ng kaniyang anak na galit na galit pa rin. "Matagal ko ng gustong magkaroon ng apo. Ngayon kung hindi mo matanggap na may anak ka sa kaniya, huwag mong idamay ang apo ko!" muli ay sigaw ng Ginang kay Hades. Iiling-iling na umalis si Hades sa aming harapan. Bigla akong niyakap ng Ginang. "Pasensya ka na kay Hades." mas lalo pa niya akong niyakap. "Rafael! Talagang pinanood mo lang ang ginawa ng anak mo! Halos patayin na ng anak mo sa sakal si—" napahinto ang Gianang at tumingin sa akin. "A-anong pangalan mo?" "A-Athena po." "Si Athena." sigaw ng Ginang sa asawa nito. "Well...she deserves it. Paanong hindi magagalit ang anak natin kung bigla na lang siyang lilitaw sa engagement party at sisigaw na buntis? Pwede naman pag-usapan na lang at kung kailangan niya ng sustento bakit hindi niya na lang sinabi sa atin ng palihim? She got what she deserve and also I don't like her for our son." "Wala ka ng magagawa dahil huli na, nabuntis na siya ng anak natin! At bilang ina tatanggapin ko si Athena sa pamilyang ito at wala kayong magagawa." Napaawang ang labi ko sa sinabi ng Ginang. "Carmela! Pwede natin sustentuhan ang batang dinadala ng babaeng 'yan. Pero ang tanggapin siya sa pamamahay natin ay hindi ako papayag!" nagtatalo na ang mag-asawa ng dahil sa akin. "Hindi ko kayang pabayaan na lang si Athena habang dinadala niya ang apo ko. Hangga't buntis siya at dinadala niya ang apo ko doon siya titira sa mansion." pakikipagtalo pa rin ng Ginang sa asawa. -- "What the fck dude! Nakabuntis ka ng iba? Paano si Lyka? Paano ang kasal niyo?" hindi makapaniwalang tanong ni Dustin. Nasa bar silang tatlo. Dapat apat sila pero hindi pumunta si Elijah dahil hindi pinayagan ng asawa. Niyaya ni Hades ang dalawa na mag-bar muna para kahit papaano makalimutan ang nangyayari sa kanila ni Lyka. Hindi na siya pinatawad pa ni Lyka pero patuloy niya itong sinusuyo. Hades bent down and rubbed his forehead. "Baka naman hindi ikaw ang ama. Niloloko lang kayo ng babaeng yun." dagdag naman ni Marco. "Hindi. . .Lyka and I were there to see the results and it was positive... ...sa akin ang dinadala ng batang babae na yun. I don't know how I got her pregnant? I don't remember having s*x with anyone." litong-lito na sabi ni Hades sa mga kaibigan. Bigla namang tumawa si Dustin at Marco. "Paano yun? Lumipad yung sperm mo at napulot ng babaeng yun?" mas lalong tumawa ang kaibigan ni Hades na si Dustin. "Siguro kung saan -saan ka nagjajakol." biro naman ni Marco. Umalingawngaw ang tawa ng dalawa niyang kaibigan. "What the fck! Hindi nga ako nagjajakol." bara ni Hades sa kaibigan. "Hindi kaya nag-donate ka ng sperm?" "Hindi ako nag-do-donate ng sperm. Hindi ko magagawa yun dahil para kay Lyka ko lang inilalaan yun." "Ow, really?" asar pa ng kaibigan niya. "Hindi kami naniniwala." sabay na asar ng dalawa kay Hades. Mas lalong natawa ang dalawa kaya sinamaan niya kaagad ng tingin. "Pero. . .maganda ba? Ang sabi mo bata pa. Ibig sabihin naka-jackpot ka ng bata." pangungulit ni Marco. Natigilan si Hades at nag-isip. "I find her cute nung sinakal ko siya. Pero hindi ko siya type at hindi ko matatanggap ang bata na nasa sinapupunan niya kahit na ano pang gagawin niya." "Sinakal mo?" halos hindi makapaniwalang sambit ni Dustin. "Yes, sinakal ko. Kung kinakailangang araw-araw ko siyang sakalin para tigilan niya ako ay gagawin ko." "Grabe ka naman dude! 'Wag mong sakalin sa sakit. Sakalin mo na lang sa sarap. Sayang naman." suhestiyon ni Dustin na ikinatawa ng dalawang kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD