------Ira Imperial's POV-----
Kahit walang okasyon ay nakagiliwan na ng buo kong pamilya ang mag-out of town tuwing weekends. Masayang-masaya kami noon nina mama at papa habang naliligo sa 7 waterfalls ng Dimatugangan ngunit ng pauwi kami ay binangga kami ng isang 10 wheeler truck mula sa likuran kaya sumubsob kami sa isang masukal na kagubatan.
Nang magising ako ay patay na ang papa ko na si Bryan de Guzman mula sa driver's seat habang ang mama ko naman na si Felicity Imperial-de Guzman ay wala na ring buhay habang nakayakap sa akin at pinoprotektahan ang ulo ko.
They died when I was seven years old but they were able to save my life ngunit nakakalungkot lang na yun na ang huling araw na mabubuo ang aking pamilya.
Maraming patrol car ang nagdatingan at meron ding ambulansiya. Maraming ilaw mula sa sasakyan at meron pang mga flashlight na dala ang mga pulis at lahat ng iyon ay tinutok nila sa akin ng gabing iyon. Nasa tabi lang ako ng bangkay ng aking mga magulang at umiiyak.
Agad nila akong ni-rescue at binigyan ng tuwalya.
Narinig ko mula sa mga imbestigador na baka lasing daw o sabog yung driver ng truck. Nahuli yung ibang sakay ng truck ngunit yung driver ay nakatakas at hindi na nagpakita kailanman.
Dinala na sa morgue ang bangkay ng aking mga magulang at dumating naman si tita Crystal upang sunduin ako. Kasama niya ang kaniyang asawa na si tito Alexander at ang mga kapatid nito na sina tito Arthur at si tito Kelvin.
"Siya na ba talaga ang pamangkin ko?" Tanong ni tito Alexander kay tita Crystal.
"Oo, siya na nga ang nag-iisang anak nina Bryan at ng kapatid natin na si Felicity." Sagot naman ni tita Crystal.
Maraming beses ko nang nakita si tita Crystal sa aming bahay dahil siya lang ang nakakaalam na buhay pa pala ang aking ina kaya kung hindi pa kami nadisgrasya ng ganito ay hindi ko makikilala ang ibang mga kadugo ko sa side ng mama ko, ang mga Imperial.
Niyakap ako ni tito Alexander kaya lalo akong napaiyak kasi habang niyayakap ko siya ay naaalala ko ang papa ko.
"Maging matapang ka Ira, isipin mo na lang na kung nasaan man ang mga parents mo ngayon ay masaya sila na magkasama doon sa heaven."
"Tito, bakit hindi nila ako sinama doon sa heaven?"
"Hindi pa pwede eh kasi may misyon ka pa dito sa lupa..."
"Misyon? Ano pong misyon?"
"Malalaman mo iyon kapag sumama ka sa akin sa Imperial Palace, ang tunay na tahanan ng isang Imperial na katulad mo."
Nang bitawan ako ni tito Alexander ay sumunod naman akong niyakap ng nagpakilalang kapatid din ng mama ko na si tito Kelvin at ang pinaka-huling yumakap ay si tito Arthur. Ang babait nilang lahat kaya nang alukin nila ako na sumama sa kanila ay agad akong pumayag.
Pagdating sa kotse ay naroon naman si tita Tomoko ang asawa ng tito Kelvin ko. Narinig ko pa sa loob ng kotse na pinag-aagawan nila kung kanino ako mapupunta.
"Kami na lang lahat ang magiging magulang mo, tutal naman ay nasa iisang tahanan lang tayo nakatira." Sabi ng babaeng parang manika ang itsura na si tita Tomoko.
Mababait silang lahat kaya kahit nawalan ako ng mga magulang ay hindi ako masyadong nalungkot lalo na ng makilala ko ang aking mga pinsan na sina Megan, Eris, Phoebe at Rue.
Masaya din akong sinalubong ng aking lola na si Lady Helen.
Talagang namangha ako sa laki ng bahay na pinagdalhan sa akin. Kaya hindi ko tuloy maintindihan kung bakit tinanggihan ni mama ang ganitong klaseng buhay?
Ngunit ang ikinalulungkot ko sa lahat ay ang malamig na pakikitungo sa akin ng aking lolo. Mula kasi ng dumating ako sa Imperial Palace ay hindi pa niya ako binati o kinausap man lang.
"Daddy, ayusin mo naman ang pakikitungo doon sa bata... kailangan niya tayo ngayon lalo at wala na siyang mga magulang." Pakiusap ni tita Crystal sa aking lolo.
"Matagal na akong walang anak kaya hindi ko apo iyan! Anak lamang siya ng isang pobreng alagad ng batas."
"Daddy, wag mo naman sanang idamay ang bata sa galit ninyo kay Felicity."
"Kahit naging lalake pa ang batang iyan Crystal ay hindi ko pa rin iyan matatanggap dahil de Guzman ang apelyido niya at hindi Imperial! Kaya ayoko sa mga anak na babae eh dahil napapalitan ang apelyido nila kapag nag-asawa sila."
"Daddy naman bakit ba kayo ganyan?"
"Dahil ito sa mga inutil kong anak na hindi ako mabigyan kahit isang apong lalake! Kaya mainit ang ulo ko ngayon kaya mabuti pa ay ilayo niyo muna sa akin ang batang iyan."
Dahil doon ay nagtatakbo ako palabas ng Imperial palace at nagkubli ako sa may garden. Nahanap ako doon ng mga pinsan ko at dinamayan nila ako.
"Tahan na ate Ira..." –Megan
"Aalis na lang ako dito kasi ayaw ni lolo sa akin..."
"Ano ka ba ate, bakit ka aalis? Hindi lang naman ikaw ang ayaw ni lolo dahil lahat tayo na mga babaeng apo ay hindi niya gusto." –Megan
"Oo nga... kaya nga sana magkaroon na talaga ng apong lalake si lolo upang hindi na niya tayo pagbuntunan ng galit." –Phoebe
Mula noon ay nasanay na ako sa pangdedeadma ni lolo Zheng sa akin dahil at least hindi naman ako nag-iisa. Kaya nga lang ay minsan ako yung madalas pagalitan ni lolo kasi tinuturuan ko ng larong kalye ang mga pinsan ko at ako yung nag-le-leader-leaderan sa kanila kaya sermon ang palaging inaabot ko.
"Wag mong dalhin dito sa Imperial Palace ang asal kalye mo!" yan ang mga salitang madalas kong marinig sa aking lolo. Kinuha pa nga niya ako ng personal na disciplinarian na siyang magtuturo sa akin kung pano kumilos nang tama ang mga mayayaman.
Habang tumatagal ang panahon ay naging mas uhaw ako na makapaghiganti doon sa driver na bumangga sa amin kaya lalo akong nagkaroon ng dahilan na manatili sa Imperial Palace at gagawin ko ang lahat upang matanggap ako ni lolo dahil gusto kong gamitin ang pagiging Imperial ko upang makapaghiganti sa taong pumatay sa mga magulang ko.
Nang medyo lumaki na kami ay nangailangan naman ng merger ang mga Imperial sa isang malaking kumpanya upang lalong mapalawak ang aming mga negosyo kaya kinailangang ipakasal doon si Eris as soon as possible. Ngunit 14 years old lang ng mga panahong iyon si Eris at hindi pa siya handang maikasal sa lalakeng mahigit apat na taon ang tanda sa kanya kaya inako ko ang responsibilidad bilang nakatatanda.
Nang malaman ko mula sa aking mga pinsan na dinamdam ni Eris ang pagpapaksal niya ay nagdesisyon akong saluin siya. Mahina ang loob ni Eris at baka magpakamatay pa siya kapag pinagpatuloy ni lolo ang gusto nitong mangyari kaya agad akong sumugod sa kung saan naroroon si lolo.
HIndi ko pwedeng pabayaan ang sino man sa mga pinsan ko dahil sila na lang ang natitirang pamilya ko at mula pa pagkabata ay pinangako ko na sa sarili ko na aalagaan at poprotektahan ko sila. Yun marahil ang isa sa mga misyon ko kung bakit hanggang ngayon ay buhay pa ako.
Naabutan ko si lolo sa sala at kahit may kausap pa siyang mga Mafia ay hindi yun naging hadlang upang umatras ako. Mas magandang pagkakataon din ito upang malaman ni lolo na wala akong kinatatakutan kaya lumuhod ako sa harapan niya.
"Lolo, ako na lang po ang magpapakasal kay Dylan Ocampo. Nasa tamang edad na po ako since magiging 18 na po ako next month kaya kung inyo pong mamarapatin ay gusto kong akuin ang responsibilidad na iniatas niyo kay Eris."
"Hinde, higit na marami ka pang pakinabang sa hinaharap kaya hindi ako papayag."
Masaya ako at kahit hindi maganda ang turing sa akin ni lolo nung una akong dumating dito sa Imperial Palace dahil hindi ganap ang pagiging Imperial ko ay nakikita pa rin niya ako bilang kapaki-pakinabang sa hinaharap.
Ngunit hindi ko pa rin maaaring hayaan si Eris na magdusa sa piling ng isang lalakeng hindi niya mahal. Batid ko na may lihim siyang pagtingin sa kaibigan niyang si Levi kaya aakuin ko na lang ang pagpapakasal para sa merger ng mga kumpanya.
Kaya kailangan kong mag-isip ng paraan upang makumbinsi si lolo at ginamit ko nga ang katangahan ng aking pinsan.
"Pero lolo, baka hindi naisin ng mga Ocampo na mapakasalan ng anak nila ang tatanga-tanga kong pinsan na si Eris. Baka hindi po siya maibigan nung lalake at magdulot pa ito ng pagkasira sa merger ng ating mga kumpanya."
Saglit na nag-isip si lolo. "Hmmm... marahil ay tama ka... sige kung yan ang gusto mo. Hahahaaha!!!"
Kaya sa oras na tumungtong ako ng 18 years old ay magpapakasal na ako sa newly appoint C.E.O. ng Planetarium Architectural Firm na si Dylan Ocampo. Pamilya sila ng mga architect at marami na silang pinatayong mga modern architecture na sumikat sa buong mundo katulad ng mga malls, buildings modern house etc. at isa din sa pinagmamalaki nila ay ang Sky Hotel na nasa pangalan na ni tito Alexander 'The Great' Imperial.
Dahil sa kagustuhan ni lolo na humaba pa ang kontrata namin sa mga Ocampo ay isang forever joint venture ang prinopose niya sa Planetarium Architectural Firm. Sa pamamagitan ko at ni Dylan ay magiging secure ang merger ng kumpanyang nangangamkam ng ibang kumpanya at ng kumpanyang taga-renovate ng mga nakakamkam namin.
Oh di ba, san ka pa? Padumi na talaga ng padumi ang nagiging laro ng mga lalakeng businessman na ito.
Looking at the bright side of everything ay pwede kong gamitin ang pagpapakasal ko kay Dylan upang makahawak ako ng kahit maliit na percent lang ng mga kumpanya namin.
Hindi ko pa nakikita si Dylan kaya inihahanda ko na ang sarili ko dahil ang worst case scenario ay baka ubod ng pangit ang itsura niya.
#ImperialLadies