Meet Eris Imperial

1908 Words
  -----Eris Imperial's POV----- Ako naman si Eris Imperial ang ikalawang anak na babae nina Tomoko at Kelvin Imperial. Katulad ni ate Megan ay hindi rin maganda ang trato sa akin ng aking lolo na si Zheng Imperial dahil sa aming magpipinsan ay ako lang daw ang engot at tatanga-tanga. Kasalanan ko ba kung hindi ko namana ang katalinuhan ng lolo at mga tito ko? Umiiyak ako isang araw matapos kong malaman na ipapakasal ako ni lolo Zheng sa isang lalakeng hindi ko pa nakikita kailanman. "Ayokong magpakasal lolo... ang bata-bata ko pa para dun..." naglulupasay ako sa sahig habang umiiyak. 14 years old lang kasi ako ng mga panahong iyon tapos ipapakasal na niya ako sa isang 19 years old na lalakeng nagngangalang Dylan Ocampo para lang sa merger ng mga kumpanya? "Daddy wag naman po si Eris, ang bata pa po niya wala pa po siya sa tamang edad" Pagtutol din ng aking ina. "Tomoko, hindi mo yata batid ang saklaw ng kapangyarihan ko! Kaya kong mag-utos ng mga tao upang pekein ang edad ng anak mo! Matangkad naman siya kaya di mapaghahalataang menor de edad pa." Saad sa amin ni lolo Zheng. "Kelvin, pigilan mo si daddy please..." pagsusumamo ng aking ina sa aking ama. "Dad, bakit kailangang si Eris pa? Bakit hindi na lang po si Megan?" suhestiyon ng aking ama. Si ate Megan naman ngayon ang umalma. "Daddy lalong ayoko! May boyfriend po ako at nagmamahalan kami! Si Eris na lang po kasi wala pa naman siyang boyfriend." Meganun? Tumigas ang anyo ni lolo "Si Eris lang muna dahil sa mga apo ko ay siya ang pinaka-walang pakinabang. Tingnan mo nga, puro bagsak ang marka niya sa school at kung kumilos siya ay sobrang tatanga-tanga!" "Kaya ipamimigay niyo na lang siya dahil wala siyang pakinabang?!" galit na turan ng aking ina. "Mapapakinabangan lang siya ng mga Imperial kung magpapakasal na siya!" Yun ang huling desisyon ng aking lolo at kahit ang mga magulang ko ay walang nagawa upang pigilan ito dahil kahit si mommy ay ikinasal din noon ng maaga kay daddy na mas matanda sa kaniya ng ilang taon. Ganito ako dito sa Imperial Family, ang tingin sa akin ng lahat ay reyna ng sablay at wala na akong ginawang tama. Kaya wala akong karapatang mamili ng magiging kapalaran ko dahil para sa kanila ay engot ako at mapapakinabangan lang para sa merger ng kumpanya. Natigil ang pakikipag-usap namin kay lolo ng biglang dumating si Samuel at may binulong siya kay lolo Zheng. "Nandiyan na po ang mga Mafia..." "Sige Samuel, papasukin mo na sila." Sa go-signal ni Samuel ay nagmartsa papasok sa sala ang mga lalakeng naka black-suit at naka-shades ng itim na parang James Bond ang mga postura. Nataranta na ako ng isa-isa silang pumasok sa loob ng sala. Naku, pano yan? Nandito na ang mga Mafia at sigurado akong kasama nila ang pinaka-bata nilang leader na si Levi, ang pinaka-bunsong anak ng kaibigan ni daddy. Madalas pa naman siyang sumasama sa daddy niya sa pagpunta dito sa Imperial Palace kaya nga dito kami nagkakilalang dalawa. Hindi niya ako pwedeng makita na ganito ang itsura kaya nagtatakbo ako pabalik sa kwarto bago pa man siya makapasok sa sala. Nang nasa loob na ako ng kwarto ay biglang may kumatok ng malakas sa pintuan ngunit sa tingin ko ay hindi si mommy yun o si daddy dahil hindi naman sila malakas kung makakatok. Nag-aalangan tuloy akong buksan ang pinto dahil sa tingin ko ay si Levi ang nasa labas. Malakas ang loob niya na magpalakad-lakad sa loob ng Imperial Palace dahil bukod sa anak siya ng Mafia boss na kaibigan ni daddy ay ang alam ng lahat, close din kaming dalawa. One-sided friendship yun lang naman ang meron kami ni Levi dahil napilitan lang naman akong ituring siya na kaibigan mula umpisa. Pano ko ba naman siya tatanggihan eh kabilin-bilinan ni lolo sa aming magpipinsan na... "Pakitunguhan ninyo ng mabuti ang mga Moldovan (apelyido ng mafia boss)... siguraduhin ninyo na hindi kayo gagawa ng ikasisira ng relasyon ng ating pamilya sa kanila. Dahil sa oras na kalabanin nila tayo, ang proteksiyon natin laban sa mga kalaban natin sa negosyo ay mawawala rin." Hindi ako makapaniwala na nakikipag-kaibigan si lolo sa mga gangster na tulad nila ngunit katwiran nito ay upang makaiwas sa mga masasama ay kailangan mong kumampi sa masasama. eh pano yan? mukhang ako naman ang mapapasama kasi sa aming magpipinsan ay ako yung pinili ni Levi na kaibiganin at kapag hindi ko tinanggap ang friendship niya? Siguradong mas nakakatakot pa ang magagawa sa akin ng lolo ko kesa dun sa mga Mafia. Hanggang sa nalaman ko na lang na ang bestfriend ko naman palang si Danna ang talagang target niya. Dumidiskarte siya sa bestfriend kong si Danna Lou, isang anak ng pulis samantalang siya naman ay anak ng isang kriminal. Modern Romeo and Juliet lang ang peg nila di bah? Kaya ayun, ginawa akong letter sender ng mga mokong, ako ang taga-gawa ng mga sulat ni Levi para sa bestfriend ko na si Danna Lou at kahit labag sa loob ko ay napilitan pa rin akong sundin ang gusto niya. Akala tuloy ng mga nakakakita sa amin sa Imperial Palace ay magkaibigan talaga kami pero hindi nila alam na sinisindak lang naman ako ng mokong na ito. Ako ang ginawa niyang dakilang tulay nilang dalawa ni Danna at gaya nga ng sabi ng kanta... Like a bridge over troubled water... At kung bakit ako troubled? Yun ay dahil sa isa pang kanta na... London Bridge is falling down... falling down... dahil ang tulay na ito ay hindi sinasadyang na-fall kay Mr. Bad boy. Kaya ayun, kung may one-sided friendship siya sa akin, ako naman ay may one-sided love sa kaniya. Si Levi ang dahilan kung bakit mabigat ang loob ko ngayon sa pagpapakasal sa ibang lalake. Ngunit ayokong magpakasal sa iba ng hindi nalalaman mula kay Levi kung may chance ba na maging kami. Wala namang mawawala kung sasabihin ko sa kaniya ang totoo tutal naman ay ikakasal na ako. "Pasok ka Levi..." Nilakihan ko ang siwang ng pinto. Pagkapasok niya ay relax na relax siyang humiga sa aking kama na para bang pag-aari niya ang buong lugar. "Umiiyak ka ba dahil pinagalitan ka kanina ng lolo mo?" halatang nang-iinis ang mga ngiti niya. Lumapit ako at nanatiling nakatayo sa tabi ng kama. "Levi, ipapakasal na kasi ako ni lolo mga ilang araw mula ngayon..." "Talaga? Ang aga naman, pero congrats pa rin!" Ang loko, natutuwa pa ata na ikakasal na ako. "Levi may ipagtatapat sana ako sayo bago ako ikasal..." "Ano naman yun?" "Wag ka sanang magagalit ha..." "Ano nga?!" Naiinip niyang tanong. Nag-aalangan man akong ibuka ang bibig ko pero ginawa ko pa rin. "I'm sorry, gusto kasi kita! Hindi bilang kaibigan kundi higit pa sa isang kaibigan." Halatang nagulat siya sa mga sinabi ko kaya agad siyang nakabangon at napaupo ng diretso. "H-hindi ka ba nagbibiro Eris?" "Ngayong alam mo na, pipigilan mo ba akong wag magpakasal sa iba?" "Alam mo namang si Danna ang gusto ko di bah?" "s**t ka naman eh! Ayan di ko tuloy napigilang magmura! Oo o Hindi lang naman kasi ang gusto kong marinig!" hindi ko sinasadyang mataasan siya ng boses. Umarte pa siya na parang nasasaktan ang tenga niya. "Aba! Kung makasigaw ka naman parang bingi itong kausap mo ah! Siyempre HINDI! Bakit kita pipigilan?" Umismid pa siya pagkatapos niyang sabihin iyon. Dahil labis akong nasaktan sa mga sinabi ni Levi ay agad akong nag walk-out sa harapan niya at nagtatakbo ako habang umiiyak na bumalik sa sala. Hindi ko na pinansin kahit na may kausap si lolo na isang hanay ng mga Mafia sa loob ng sala. Basta na lang akong sumingit sa usapan nila at lumuhod sa harapan ng aking lolo. "Lolo, pumapayag na po akong makasal kay Dylan. Kahit ano pa ang itsura niya o kung gaano pa siya katanda. Wala na rin namang kwenta ang buhay ko kung may ibang gusto ang lalakeng mahal ko kaya pumapayag na ako lolo" humihingos ako habang nagsasalita. Akala ko ay magagalit si lolo sa ginawa kong eksena ngunit sa halip ay tumawa pa siya. Siguro pinagtatawanan na naman niya ang katangahan ko. May biglang nagsalita mula sa aking likuran. "Tito Zheng, may paraan pa po ba upang huwag niyo nang ipakasal si Eris?" Nang lingunin ko kung sino ang nagsabi nun ay hindi ako nagkamali, si Levi nga at nakabuntot pa rin pala sa akin ang gago. Lalong lumutong ang tawa ng aking lolo. "Levi, ano ba yang sinasabi mo? Tumahimik ka diyan." Saway ng ama ni Levi sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya pero isa lang ang alam ko, hindi niya sinabi yun para magpaka-hero. Siguro talagang curios lang siya sa pagpapakasal ng isang 14 years old niyang kaibigan sa isang 19 years old na lalake. "Aba, isang kaibigan na nais iligtas ang kanyang kaibigan? Hahahaha!!! Naaaliw ako sayo bata! Naaalala ko sayo ang ama ni Eris na si Kelvin, ganyang-ganyan din ang edad niya noon ng magsimula na siyang magtrabaho para sa aking kumpanya at katulad mo ay malakas din ang loob niya. Kaya sige pagbibigyan kita, mayroon kang pwedeng gawin upang wag makasal si Eris sa lalakeng mas matanda sa kaniya ng apat na taon." "Ano naman po yon tito?" "Yun ay kung papalitan mo ang groom. Magkasing-edad lang naman kayo ni Eris di bah, so I think it's only fair na kayo ang magkatuluyan? Ano Levi, magpapakabayani ka pa ba?" Napabuga ng hangin si Levi dahil sa mga sinabi ng lolo ko kaya lalong tumambol ang aking puso. Alam ko na ang isasagot niya kaya nahihiya akong marinig sa pangalawang beses ang mga sasabihin niya kasi baka this time ay hindi ko na kayanin. "Mukhang hindi ka makapagsalita Levi pero wag kang mag-alala dahil nagbibiro lang naman ako sa sinabi ko kanina... hahahaha!!!" Napuno ng halakhak ni lolo ang buong sala at pati ang mga Mafia sa tabi ay nakitawa na rin. This time ay ako naman ang kinausap ni lolo. "Tumayo ka na diyan Eris dahil hindi na kita ipapakasal kay Dylan Ocampo." "Po? Bakit naman po?" "Bago ka lumuhod diyan sa harapan ko ay nanggaling na dito kanina ang ate Ira mo at lumuhod din siya sa parehong puwesto. Sinalo ka na kanina ng ate Ira mo... siya na ngayon ang magpapakasal kay Dylan. So if you will excuse us, kase kanina pa napuputol ang usapan namin ng mga kaibigan ko." "O-opo lolo..." Agad akong tumayo at naglakad palayo. Iyan si ate Ira ang tagapag-ligtas at tagapag-tanggol naming magpipinsan. Ayos lang sa kaniya kahit siya ang mahirapan basta't para sa amin ay handa siyang gawin ang lahat kaya mahal na mahal namin siyang magpipinsan. Dumaan ako sa harapan ni Levi at napakagat-labi ako ng makita ko ang reaksiyon ng mukha niya na nakangising parang aso. Nakakainis ang paraan ng pag-ngiti niya na para bang nanunukso. Nakapamulsa na naman siya at pasipol-sipol lang. Tiningnan ko muna siya ng masama bago ako tuluyang umalis sa harapan niya. Oo na, patay na patay na ako sayo masaya ka na? Sarap talagang sapakin ng gago, dahil sa mga inamin ko ay lumaki tuloy ang ulo niya... lalo na siguro ngayon na nalaman niyang hindi na pala tuloy ang kasal ko. Ngayon ko lang napatunayan ang mga sinabi nila tungkol sa akin na sa lahat ng mga Imperial, ako lang daw yung... ENGOT. #ImperialLadies        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD