Meet Phoebe Imperial

1297 Words
  ------Phoebe Imperial's POV----- Kung si Eris ay wala nang ginawang tama ako naman, lahat ng gawin ko ay mali. Ako ang panganay na anak nina Crystal at Alexander Imperial kaya mataas ang expectations ng lahat sa akin. Palagi akong pinagsasabihan ng mga magulang ko na gawin ang lahat to please my lolo. "Mommy, nakakaringgi ka na!" reklamo ko sa paulit-ulit na sermon ng aking ina. "Bakit mo kasi kinulayan ng ganyan ang buhok mo ha?! Sa lahat ba naman ng kulay ay pula pa, ano ba nagrerebelde ka ba? O baka naman gusto mong isabit pa kita sa flagpole? Kulang na lang lagyan kita ng KKK diyan eh!" Nakapamewang pa sa akin si mommy Crystal. "Mommy naman, ano ba kasing problema sa red? O baka nag-aalala kayo dahil baka hindi ma-impress sa akin si lolo? Tingnan mo naman oh, nagpakulay na nga ako ng buhok pero ni sermon wala akong narinig mula kay lolo. Ibig sabihin lang dun mom na wala talaga siyang pakealam sa akin!" "Hindi totoo yan!" "Totoo yan mommy, and why are you pushing me to lolo ba? Wala naman akong pakealam kung magugustuhan niya ako o hindi! Ikaw lang naman iyang anak niya diyan, kaya kung gusto mong magpa-impress sa kaniya ay ikaw na lang!" Nag-walk-out ako sa harapan ni mommy bitbit ang napakalaki kong teddy bear. "Phoebe! Bumalik ka dito! Kinakausap pa kita! Wag kang bastos!" Ngunit hindi ko pinansin ang panggagalaiti ni mommy at sa halip ay nagtuloy-tuloy pa rin ako sa entertainment room ng Imperial Palace. Nakinood ako ng movie kasama ang mga pinsan ko sa malaking screen. Nakakumpol sila sa gitna habang ako naman ay nasa isang tabi lang at nagmumukmok. Ng matapos na ang palabas ay lumapit si ate Ira sa akin "Oh, Phoebe bakit di maipinta ang mukha mo diyan? Comedy itong pinapanood natin ah." "As usual nag-away na naman kami ni mommy... I'm doing everything for this family pero kahit anong effort ang gawin ko? Balewala pa rin kasi hindi naman nila yun makita eh dahil puro mali ko lang ang napupuna nila!" May boses ng lalake na umalingawngaw mula sa pinaka-likuran na upuan ng home theatre "Pero hindi mo pa rin dapat kausapin ng ganun ang mommy mo..." Napalingon kaming lahat sa pinanggalingan ng boses. "Ulysses?" koro naming magpipinsan. "Ako nga! Kamusta?" Kumaway-kaway pa sa amin ang binata. Sabi ko na nga ba eh na siya na naman, ang anak ng loyal assistant ng mga Imperial Brothers na si Samuel. Nakakainis na talaga ang taong iyan dahil palagi siyang nakekealam sa buhay ko at ewan ko naman kung bakit. "Sumusobra ka na talaga ah! Hindi porke't anak ka ni Samuel ay pwede ka nang maglalabas-masok sa Imperial Palace! Tandaan mo, anak ka lang ng alalay ng daddy ko kaya kung ako sayo ilagay mo ang sarili mo sa dapat mong kalagyan!" Pagkasabi nun ay naupo ulit ako sa upuan. "Alalay nga lang ako pero at least may concern naman ako sa mommy mo, hindi mo dapat ginawa yun kanina... mag-sorry ka sa kaniya." Lumingon ulit ako sa likuran "sino ka ba para sabihin sa akin yan ha? At nakikinig ka pa talaga sa usapan namin ng mommy ko ha?" "Hindi ko naman sinasadyang marinig ang pag-uusap niyo, hayaan mo hindi na yun mauulit" dahan-dahan siyang lumapit sa amin. "Sorry na... mali lang kasi na tratuhin mo ng ganun ang mommy mo." Nagpapa-kyut niyang turan. Naging tampulan tuloy kami ng tukso ng aking mga pinsan. "Uuuuuyyyy...." "Uy kayo diyan! Kunan mo nga ako ng juice Ulysses kung gusto mong patawarin kita ay pagsilbihan mo ako." Tila nagalit si ate Ira sa inasta ko. "Phoebe, wag kang maging magaspang kay Ulysses tratuhin mo siya ng mabuti dahil-" "Ahm... Ira, ayos lang naman sa akin. Hindi naman mabigat ang juice kaya okay lang" putol ni Ulysses sa mga sasabihin ni ate Ira. "Ano yung huli mong sinabi ate Ira? Bakit hindi mo ituloy?" "Ah? Ano... kuwan kasi Phoebe... di ba anak nga siya ng alalay pero hindi naman siya katulong dito kaya hindi mo siya dapat utos-utusan ng ganyan dahil baka magalit na naman sayo ang mama mo at lalo pa kayong mag-away." "Strange, bakit naman magagalit si mommy sa akin kung aalilain ko si Ulysses close ba sila?" "Waaaaiiittt... alam niyo girls baka kayo naman diyan ang mag-away kaya Ira, hayaan mo na wala lang naman sa akin to eh" saad ni Ulysses. "Yun naman pala eh, alis na!" Niyakap ko ang teddy bear ko at inirapan ko si Ulysses at ngumiti lang ang mokong kahit sinupladahan ko na siya. Bigla akong nagutom kaya sumunod ako kay Ulysses at bago pa man ako makalapit dito ay naunahan na ako ni mommy kaya kumubli muna ako at pinakinggan ang pag-uusap nila. "Saan ka pupunta Ulysses?" tanong ni mommy. "Sa kusina po, kukunan ko lang ng juice si Phoebe." "Ihjo, wag mong i-tolerate ang ginagawa ng anak ko sa iyo." Napakamot sa batok si Ulysses at tila nahihiyang magsalita "Tita, ayos lang po... wala po yon sa akin..." Nagtataka ako sa gesture ni Ulysses pero binalewala ko na lang at nagpasya na akong lumabas mula sa pinagtataguan ko. "Mom why are you making kausap-kausap diyan sa lalakeng iyan ha?" maarte kong tanong. "Wag mo nga akong kausapin ng ganyan Phoebe dahil kapag ako napikon sayo isusunod kita sa ate Ira mo at ipapakasal kita diyan sa lalakeng kinukutya mo ngayon" tukoy niya kay Ulysses. "Oh you're kidding me mom! Ako? Ipapakasal mo diyan sa anak ng alalay na iyan? Are you really bored mother na pati yan gusto mong gawin just to seek lolo's attention?" If I know, siya talaga ang tunay na anak ni daddy at hindi ang papa ko na si Alexander kaya ganun na lang ang kagustuhan niya na magpa-impress kay lolo. "Inuubos mo na talaga ang pasensiya ko!" Susugurin na sana ako ni mommy ng sabunot ng pigilan siya ni Ulysses. "Tita please huminahon po kayo... ako na pong bahala kay Phoebe." Ano daw? Siya na ang bahala sa akin? Ang lakas naman ng loob niya na gawin yun, sino ba siya sa inaakala niya ha? Hinila ako ni Ulysses palabas ng Imperial Palace at doon niya ako dinala sa may fountain. "Ano ba? Bitawan mo nga ako!" Nakaharap na ngayon sa akin ang ubod ng gwapo niyang mukha. Hay sayang, kung naging anak mayaman lang siya ay baka prince charming na talaga ang turing ko sa kaniya. Sa tangkad niya ay talagang nakatingala lang ako sa kaniya at saglit akong napatingin sa adam's apple niya. Naman, why do I find guys with adam' s apple ba so attractive? "Ang juice ko asan?" tanong ko upang makaiwas sa mga titig niya. "Kukunin ko pa po sa loob mahal na prinsesa, hintayin mo lang muna ako dito." He said in a very manly voice. "Samahan mo na rin ng sandwich nagugutom na ako eh." "Sige po mahal na prinsesa... baka may gusto ka pang idagdag?" "Wala na makakaalis ka na!" mataray kong sagot. Yumukod pa siya at para talagang nagpupugay sa isang mahal na prinsesa kaya kahit minsan inis ako sa kaniya ay lihim naman niya akong napapangiti. Lihim kong kinausap ang teddy bear ko ng mawala na si Ulysses sa aking harapan. Niyakap ko ito bago magsalita "Teddy kyut naman siya noh? Matangkad, gwapo, mabango, mabait pero bakit ako naiinis sa kaniya? Haaay... teddy ipaliwanag mo naman sa akin oh... may gusto na ba ako sa anak ng alalay na yun? ------Ulysses's POV----- Haaay... napaka-spoiled brat! Hindi ko aakalaing lalaki siya ng ganito ka maldita! Grabee mauubos na yata ang pasensiya ko sa kaniya. Bakit naman kasi siya pa ang naging anak ni mommy Crystal eh...!!! Huminahon ka lang Ulysses... enhale... exhale... hayaan mo makakaganti ka rin sa babaeng yan balang araw. (Evil grin)   #ImperialLadies
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD