Meet Azalea Imperial

734 Words
  -----Azalea Imperial's POV------ UHA! UHA! UHA! Nagkagulo ang buong Imperial Palace nang iwanan sa harap ng bahay ang isang cute na sanggol. Nakabalot pa ito ng kumot na may design na bulaklak, ang bulaklak ng azalea kaya ang ibinigay na pangalan dun sa bata ay Azalea Imperial. May nakasulat na note na anak daw kasi ito ng isang Imperial ngunit hindi binanggit kung sino sa tatlong magkakapatid ang ama. Kaya kumalat ang haka-haka na kay Arthur Imperial ang bata dahil nga sa ito naman ang dating casanova tapos wala pa ang asawa nitong si Yumi sa bansa kaya meron talaga siyang pagkakataong magloko. "Hinde, impossible yan! Hindi talaga akin ang batang iyan!" -Arthur "Kumalma ka lang Arthur kasi ipapa-DNA test naman natin ang bata upang malaman ang totoo" saad ni Crystal Imperial habang tumitingin ng masama sa kaniyang asawa na si Alexander. "Oh bakit ganyan ka makatingin sa akin? Sa tingin mo pano pa ako makakabuo ng anak sa iba eh minu-minuto at oras-oras ay nakabantay ka sa akin!" pagtatanggol ni Alexander sa kaniyang sarili. Si Kelvin naman ngayon ang tinitingnan ng masama ng kaniyang asawa. "Oh, wag ka din tumingin sa akin Tomoko, imposible din na akin yan." "Ano Crystal lalake ba?" tanong ni Zheng Imperial sa manugang at anak niyang si Crystal. "Daddy... hindi eh..." Yun ang pagkakakwento sa akin ni ate Megan na siyang pinaka-unang saksi sa pinagmulan ko. Sila ni ate Ira ang nag-alaga sa akin matapos akong ibenta ng aking surrogate mom sa mga Imperial at matapos akong hindi pansinin ng aking lolo. Pinaliwanag sa akin ng aking mga pinsan ang mga nalalaman nila tungkol sa lihim na pagkuha ni lolo noon ng surrogate mother upang maisilang ako. Layunin ng procedure na makabuo ang tatlong magkakapatid na Imperial ng anak na lalake. Ginamit ang sperms ng tatlo ngunit isa lang ang papalaring maging ama ko at ng ipa-DNA test nga ako, ang lumabas na resulta ay anak ako ng dating casanova na si King Arthur imperial. Tingnan mo nga naman, kahit ang sperms ng daddy ko ibang klase din manligaw biruin mo natalo niya yung sperms ng mga kapatid niya. Kaya ayun nabuo ako, ang batang ipinangalan sa bulaklak ng Azalea. Ngunit hindi ako masaya dahil pakiramdam ko ay isa akong failed experiment dahil hindi ako naging lalake kaya ngayon, silang lahat ay ayaw akong kilalanin. Kung naging lalake lang sana ako malamang ay mahal na mahal ako ni lolo ngayon, pero hindi eh. Eto namang aking ama na si King Arthur Imperial ay binalewala ako matapos akong maging threat sa buhay ng step mom ko na si Yumi. Nang malaman kasi ni tita Yumi na anak ako ni daddy sa ibang babae ay muntikan na naman siyang ma-collapse kaya sila ng ate Rue ko at si daddy ay doon muna tumira sa Madrid kaya naiwan ako sa pangangalaga ng mga tito at tita ko pero ang higit na nag-alaga sa akin ay ang aking mga pinsan na sina ate Ira at ate Megan. Sila ang tumayong mga magulang ko kaya di maipagkakaila na malapit talaga ako sa mga pinsan ko. Mabait naman sa akin ang lola ko na si Lady Helen pero dahil napakahilig niyang mag-travel ay minsan lang din kami magkita na dalawa. Sila ang nagmistula kong mga ina matapos akong pabayaan ng aking mga magulang. Mahal ako ni ate Ira dahil higit sa lahat ay nararamdaman niya ang pinagdadaanan ko, alam niya ang pakiramdam ng walang kinalakihang mga magulang at si ate Phoebe naman ay ganun din, nandiyan nga ang mga magulang niya pero parang wala din naman sila. Kaya close na close ako sa mga pinsan ko. Hanggang sa nagdalaga ako ay pauulit-ulit pa ring pinararamdam sa akin ni lolo ang dissapointment kung bakit hindi ako naging lalake. Bunga ako ng surrogation at disappointed si lolo dahil ako ang lumabas at dahil sa sama ng loob ay pinutulan ko ang mahaba kong buhok sa pag-aakalang matatanggap ako ni lolo kapag nag-bihis lalake ako pero mas lalong nagalit si lolo dahil sa kakitiran ng utak ko. "Kahit magpakalbo ka pa hindi ka pa rin magiging lalake! Sa ginawa mo ay mahihirapan lang akong i-arrange ka sa anak ng mga kaibigan ko dahil baka isipin nila na tomboy ka!" galit na galit na sabi ni lolo. Dahil sa ginawa ko ay lalo pa atang na disappoint si lolo sa akin.   #ImperialLadies                    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD