------Izzy Imperial's POV------
Ewan ko ba dito sa mga pinsan ko, puro na lang sila reklamo tungkol sa lolo ko.
Bakit kasi hindi na lang sila tumulad sa akin na dakilang sipsip kaya ayan, sa lahat ng pinsan ko ay ako na ang feeling close kay lolo at isa nga sa ginawa kong sakripisyo upang makuha ang loob ni lolo ay ang magpagupit ako ng buhok.
Gusto niya ng lalakeng apo eh kaya ayun, pinutulan ko ang buhok ko pero hindi ako tomboy ha!
Ako nga pala ang 2nd to the last na babaeng apo ni lolo Zheng at bunsong anak ako nina Crystal at Alexander Imperial.
Marami din talaga ang nanghinayang ng magpagupit ako ng buhok. Pinakulayan ko din ng pula ang buhok ko gaya ng kapatid kong si Phoebe ngunit hindi upang mag rebelde kay lolo o sa mga magulang ko.
Ginawa ko iyon upang mas lalo akong maging close sa lolo ko. Sa aming lahat na magpipinsan kasi ay ako ang pinaka-close kay lolo kasi nga ako yung nag-iisang sipsip. Bakit ko naman kasi kokontrahin si lolo? Alam kong babait din siya kapag nakita niyang ginagawa naming lahat ang mga gusto niya. Kaya masasabi ko na ako ang pinaka-masunirin niyang apo.
Nagtagumpay naman ako dahil ako ang tinuturing ni lolo na baby sa aming magpipinsan. Ako lang kasi ang nakakaintindi sa kaniya at siyang sumusunod sa mga gusto niya.
Kaya labag man sa loob ko ang lahat ng mga iutos niya ay sinusunod ko pa rin. Nilalambing ko si lolo kaya hindi umuubra ang galit niya sa akin.
"Kayo naman kasi mga ate, dapat ay tumulad kayo sa akin na chill lang! Kapag pinatulan niyo ang kasupladuhan ni lolo ay wala talagang mangyayari sa inyo..." payo ko sa mga pinsan ko.
"Sige, sabihin mo yan kapag na-inlove ka tapos ipilit ka ni lolo na ipakasal sa ibang lalake." –Megan
"O di kaya ay ipakasal ka sa lalakeng mas matanda ng mahigit sampung taon sayo." –Eris
"Eh di sundin! Si ate Ira nga oh pumayag na magpakasal kay kuya Dylan" katwiran ko.
"Eh pano naman kung pangit pala yung itsura niya?" –Ira
Napanguso ako at sandaling napaisip. "Titiisin ko na rin siguro..."
Dahil sa sinabi ng mga pinsan ko ay natakot tuloy ako na baka i-arrange nga ako sa lalakeng di ko gusto kaya naisip kong unahan na lang si lolo.
"Lolo, gusto mo nang masahe?" nilalambing-lambing ko si lolo habang nagpapahinga siya.
Umiling si lolo. "Ayoko kasi baka kung ano na naman ang maging kapalit niyan..."
"Si lolo naman eh..." nag-make-face pa ako para lang maawa siya.
"Hahahaha!!! Tama ako di ba? May gusto ka ngang hilingin sa akin apo?"
"Lolo, batid ko naman na balang araw ay itatakda kaming ikasal sa mga lalakeng pipiliin niyo. Eh lolo baka naman po pwedeng ako ang pumili ng taong pakakasalan ko?" Nag-aalangan kong hiling.
"Hmmm... sige, pinaplano ko nga na ipakasal ang isa sa inyo sa isa sa mga apo ng aking kaibigan na senador."
"Po? Yung dating artista na may maraming anak?"
"Na marami ding apo..." dagdag ni lolo.
"Si Senator Harry Lim?"
"Siyanga hija."
Oh di ba effective! Kasi agad akong sinet-up ni lolo on a date with the senator's grand-children.
Pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay ng mayamang senador na si Sen. Harry Lim ay bumungad na sa akin ang sinasabi nilang limampung apo niya.
"Welcome!" salubong ng matandang senador.
Agad kaming pinakilalang dalawa.
"Panyero! Eto nga pala si Izzy ang aking apo." -Zheng
"Nice to meet you hija." -Senator Harry Lim
"Nice to meet you din po, pwede po bang tito Sen na lang ang itawag ko sa inyo?"
"Hahaha... ang kabataan nga naman mahilig sa mga alyas pero ayos lang walang problema, you can call me tito Sen anytime."
Yumukod ako sa kaniya "salamat po."
Isa-isa niyang pinakilala ang mga nag-gwagwapuhan niyang apo at talagang nalula ako sa dami nila. Sa dami at sa haba ng mga pangalan nila ay nahirapan talaga akong i-memorize sila.
Habang kumakain sa long table ay panay ang sulyap ko sa mga lalake. Gwapo nga sila halos lahat pero mga walang dating.
"Sige lang hija, magsawa ka lang sa pagtitig sa kanila at habang iniisa-isa mo sila ay mamili ka na rin." Saad ni tito Sen.
"Hehe, ang dami niyo naman po palang apo tito Sen."
"Hahahaha!!! Nalula ka ba sa dami ng pagpipilian mo hija?"
"Medyo sumakit nga ang ulo ko eh kasi ang gugwapo nilang lahat" katwiran ko.
"Siyempre, asan pa ba magmamana eh di sa lolo?"
Nagtawanan silang lahat sa joke ni tito Sen kaya kahit hilaw man ay nakitawa na rin ako.
"Alam mo Zheng masaya talaga akong malaman na gusto mong mamili sa isa sa mga apo ko para ipakasal din sa mga apo mo" sabi ni tito Sen sa aking lolo.
"Panyero, mas mabuti nang alam ko kung kaninong kamay mapupunta ang aking apo kaya ako mismo ang nagatatakda ng mga mapapangasawa nila at dahil itong si Izzy ang pinaka-masunurin sa mga apo ko ay binigyan ko siya ng privilege na mamili sa lahat ng mga apo mo."
"Indeed Zheng Imperial, lahat ng apo ko dito ay mga magagaling na negosyante. Bagama't baguhan pa ang ilan sa kanila ay marami na silang napatunayan sa iba't-ibang larangan."
Haaayyy... kaloka, kung alam niyo lang na ang hirap mamili at ang talagang dahilan ng pagsakit ng ulo ko? Yun ay tuwing sabay-sabay na nagsasalita yung limampu hindi ko alam kung sino ang pakikinggan ko o kung sino ang titingnan ko.
Hooomaaayyy... tumahimik muna kayo phuleaaassseee!!! Dinaig pa nila ang palengke sa ingay! Grabe!
Kung pwede lang mag-eliminate agad ay ginawa ko na. Habang namimili sa kanila ay may napansin ako...
"Di bah po sabi niyo 50 lahat ng apo niyo, bakit 49 lang sila na naririto tito Sen?"
Tumawa ang senador at nagwari "Napansin mo pala hija?"
"Naghahanap ka pa ng dagdag na isa? Hindi ka pa ba nalula sa 49 apo?" Tanong naman sa akin ng aking lolo.
"Magaling, ibig sabihin ay binilang mo nga sila isa-isa kaya masaya ako at tila interesado ka ngang pumili sa kanila hija. Ngunit yung pang-limampu ay tanggalin mo na lang sa lisatahan mo."
"Bakit po, may asawa na po ba siya?"
"Hindi naman hija.. Ahem! (Clear throat) Ganito kasi yan, sabihin na natin na sa bawat bunga ay hindi maiiwasang mahaluan ng nabubulok."
"Bobo po ba siya?"
"Hahahaha, hindi sa ganon Izzy." -Sen. Lim
Si lolo na ang nagpaliwanag "Yung apo kasi na tinutukoy ni panyero ay ang black sheep ng kanilang pamilya."
"Ay ganun po ba-"
Napalingon kaming lahat ng may lalakeng biglang sumulpot sa aming harapan.
"Oy! May handaan pala dito? Bakit walang nag-imbita sa akin?" Tanong ng poging lalake.
Nasubo ko ng buo ang steak sa tinidor ko matapos kong makita ang itsura niya kaya nabulunan ako. Hindi siya katangkaran pero para sa height ko ay matangkad na rin siya kapag magkatabi kami. He was the typical average boy, kakaiba siya ngumiti at talagang may dating siya!
"Tubig!" utos ng lolo ko sa mga servant sa tabi ng mabilaukan ako.
"Ayos ka lang hija?" tanong naman ni tito Sen.
"O-opo lolo at tito Sen."
Sinisi ni tito Sen ang bagong dating. "Ikaw naman kasi Ezra sumusulpot ka bigla, nagulat tuloy itong ating bisita."
So Ezra pala ang pangalan niya? Ang gwapo naman niya! Gusto ko siya!
"Mukhang family gathering pala ito ah, bakit hindi ako kasali? Ahhhh... I get it, dahil apo mo ko sa labas!" Pagkasabi nun ay nag walk-out na yung lalake.
"S-sorry Zheng at Izzy, pagpasensiyahan niyo na ang apo kong iyon kung may pagka-magaspang ang kaniyang pag-uugali" hinging patawad ni tito Sen.
Matapos ang dinner ay namili na ako ng top 10 na ide-date ko. Oh di bah bongga, para lang male beauty contest at ang mananalo... ang magiging fiance ko.
Itinuro ko na ang siyam na napili ko at isa na lang ang kulang.
"Sino naman yung panghuli na gusto mong i-date apo?" tanong ni lolo Zheng.
"Yung panghuli ay yung black sheep na si... Ezra."
"Ano?!" Koro nilang lahat.
Umugong ang palibot matapos nilang marinig ang mga sinabi ko. Lahat sila ay nagulat kung bakit pinili ko si Ezra lalo na si lolo at si tito Sen.
"Hija, bakit naman si Ezra pa?" tanong ng matandang senador.
"Eh kasi di bah wala siya kanina nung maghapunan tayo kaya hindi ko siya nasuri ng mabuti kaya naisipan ko na gawin siyang pang-sampu sa mga ide-date ko. Gusto kong bigyan siya ng chance na kilalanin kasi ayaw ko namang isipin niya na ini-itsupwera siya ng kanyang lolo ng hindi siya pasalihin sa dinner."
"Pero hindi kasali si Ezra sa mga pagpipilian mo" saad ni lolo.
"Bakit hinde eh di ba ang usapan ay lahat ng apo ni tito Sen?" Nagpalipat-lipat ang tingin ko kina lolo at tito Sen.
"Pero anak lang si Ezra ng anak sa labas ni tito Sen mo kaya technically hindi siya bahagi ng kanilang pamilya."
"Hayaan mo na Zheng, sigurado naman akong kapag naka-daupang palad na ni Izzy si Ezra ay agad niya itong ire-reject dahil na rin sa magaspang nitong pag-uugali."
"Hmm... bueno sige, hindi na ako tututol panyero."
Nagdiwang ako sa sobrang tuwa matapos pumayag ni lolo at ni tito Sen na mai-date ko rin si Ezra.
#ImperialLadies