-----Phoebe Imperial's POV----- "Oo Ira, doon ko siya pinatulog sa maids quarter para kung sakaling may maghanap dito siguro naman hindi nila hahalughugin ang maids quarter. Sino ba namang mag-iisip na itatago ko ang isang Phoebe Imperial sa kwarto ng mga maid di bah." Kausap ni Ulysses sa nasa kabilang linya. Napapitlag ako. "Kaya naman pala sa maids quarter niya ako pinipilit na matulog. Bakit naman kasi hindi niya na lang ipinaliwanag ng maayos sa akin, maiintindihan ko naman eh." Imbis na sugurin siya ay bumalik na lang ako sa maids quarter at binilin ko kay manang na gisingin ako ng maaga para maipagluto ko naman si Ulysses. ------Ulysses de Guzman's POV----- Tinanghali ako ng gising kaya nagulat ako ng makaamoy ako ng mabangong aroma ng kape sa kusina. Pagdating ko doon ay ma