------Phoebe Imperial's POV------ Pumasok ulit ako sa loob ng bahay at hinintay doon ang pagbabalik niya ngunit walang kahit anino ni Ulysses na dumating hanggang umabot ang gabi. Dahil sa pag-aabang sa pagbalik ng moody na si Ulysses ay nakatulog ako sa sala at ng magising ako ay may nakabalot na sa aking kumot. "Ulysses?" Dumiretso ako sa kusina at hinanap ko kay manang Auring si Ulysses. "Manang umuwi ba si Ulysses kagabi?" tanong ko sa matandang maid. "Hindi nga eh, nag-away ba kayo miss Phoebe?" "So hindi pala siya ang naglagay ng kumot sa akin?" nalulungkot kong tanong. "Ako yung naglagay ng kumot sayo kasi hindi naman kita kayang buhatin papasok sa kwarto kaya binalutan na lang kita ng kumot para hindi ka ginawin." "Ganun po ba manang? Akala ko naman siya na." "Naku miss