-----Phoebe Imperial's POV----- Binilin ni Ulysses ang kotse niya kay ate Megan kasi uuwi na kami sa probinsya nila sa Cagayan De Oro City. Nag-barko kami imbis na mag-eroplano upang hindi kami madaling ma-trace ng mga taong naghahanap sa amin. Habang naglalakad papunta sa daungan ng barko ay si Ulysses ang may bitbit ng mga bag ko at pasan naman niya sa kanyang balikat si Teddy. Lahat ng taong nadadaanan namin ay napapatingin sa amin ni Ulysses dahil sa nakakatawag pansin na laki ng aking Teddy bear. "Wow ang cute naman nila hon oh, para silang isang pamilya... pasan nung tatay yung anak niya sa balikat niya." sabi ng isang babae sa asawa niya. "Mommy, daddy gusto ko din ng ganyan kalaking teddy bear!" sabi naman ng isang bata sa kanyang mga magulang. "Babe buti pa yung lalake oh