Chapter 1 -- Mr. Gangster & Ms. Clumsy

2121 Words
  at Present... -----Eris Imperial's POV----- Darating na naman ang mga Mafia mamayang hapon sa Imperial Palace kaya bago pa man sila dumating ay nagpaalam na akong aalis sa yaya ko na si manang Lily. "Manang, pupunta muna ako ng mall." "Pero di bah friday ngayon miss Eris? Baka hanapin ka sa akin ni sir Levi." "Kaya nga ako nagpapaalam sayo manang eh kasi gusto kong sabihin mo kay Levi na umalis ako." "Miss Eris siguradong magwawala yun kapag hindi ka niya nakita." "Hayaan mo lang manang, aalis din yun kapag hindi niya ako nahanap sa Imperial Palace. Babalik naman agad ako after three hours eh, sakto namang nakaalis na ang mga Mafia nun." "Eh miss Eris iniiwasan mo ba ang kaibigan mong si Levi?" "Ilang beses ko po bang sasabihin manang, hindi kami magkaibigan ni Levi. Siya lang naman itong mapilit na maging magkaibigan kami eh." "Sige po maam Eris umalis na agad kayo bago pa po niya kayo maabutan." "Sige."   ------Levi Moldovan's POV----- Naglinya na kaming mga Mafia Boss sa harapan ni Zheng Imperial at nang alukin na niya kaming umupo ay humiwalay na ako sa linya. "Opppsss! Opppsss! Levi anak! Saan ka na naman pupunta?" tanong sa akin ni daddy. Bago pa man ako makasagot ay inunahan na ako ng matandang si Zheng Imperial. "Panyero, hayaan mo na ang anak mong si Levi dahil siguradong si Eris lang naman ang pupuntahan niya." "Pero panyero..." Ngumisi ako at niyukod ng bahagya ang ulo ko kay Zheng Imperial bago umalis para puntahan si Eris. Katok ako ng katok sa pintuan ng kwarto niya ngunit walang sumasagot kaya nagpasya na akong buksan ang pintuan. Pagpihit ko pa lang sa seradura ay pinigilan na ako ng yaya niyang si Lily. "Sir Levi, wala po diyan si maam Eris umalis po." "Umalis? Hindi mo ko maloloko manang!" kaya binuksan ko pa rin ang pintuan at wala nga doon si Eris. Sigurado akong nagtatago lang siya sa kung saan kaya hinanap ko siya sa may likod bahay, sa garden at sa buong Imperial Palace pero wala akong makita kahit anino niya. "Asan ba kasi siya manang? Pinagtataguan ba niya ako?" "E-ewan ko po sir... ang alam ko ay sumama siya sa mga pinsan niya upang mamasyal. Alam ba niyang darating kayo sir?" "Hindi ko na kailangang sabihin yon manang! Dapat alam na niya yun! Haaayyy!!! Oo nga pala, tatanga-tanga nga pala ang babaeng yun kaya siguradong hindi yun umabot sa isipan niya." Naglakad ako pabalik sa kwarto ni Eris ngunit sinusundan pa rin ako ni manang Lily. "Sir, matagal pa pong uuwi si maam Eris." "Kaya nga, hihintayin ko siya dito hanggang sa dumating siya kaya matutulog muna ako, so manang kung pwede iwan mo na muna ako dito." "Pero sir, tawag na po kayo sa baba... aalis na daw po ang ama at mga kapatid mo." "Bakit manang hindi ba ako pwedeng umuwi na mag-isa?" tiningnan ko siya ng aking gangster look para matakot siya at nagtagumpay naman ako. Isang tingin lang at nagkukumahog na yung may edad na mayordoma palabas ng kwarto. Pumuwesto na ako sa bintana at umidlip muna ng sandali. ------Eris Imperial's POV----- Alas singko na ng hapon ako nakabalik kasi naaliw akong mag-shopping kasama sina ate Ira, ate Megan, Phoebe, Izzy at Azalea. Sayang kung nandito lang si Rue ay kumpleto na sana kami. Sinalubong ako ng humahangos na si Lily. "Oh manang? anong nangyari?" "Si... si... sir Levi po nandoon pa rin sa kwarto niyo." "A-ano?!" Napatingin ako sa mga pinsan ko at pabalik kay manang. "Opo, sabi niya iidlip daw muna siya. Mukhang wala talaga siyang balak umalis miss Eris hangga't hindi kayo nagkikita." "Uuuuyyyy... masipag yata si lover boy natin ngayon ah!" panunukso ni Izzy. "Tumigil nga kayo, lover boy lover boy eh hindi naman ako ang gusto nun." "Malay natin nauntog na si Mr Gangster kay Miss Clumsy" saad naman ni Phoebe. "Tigilan niyo nga ako..." nagpatuloy ako sa paglalakad ngunit naka-ilang hakbang pa lang ako ay natalisod na ako. ARAAAYYYY!!! Ang mas masaklap pa ay tinulungan nga ako ng mga pinsan ko na tumayo pero may kasama namang kantiyawan. "Grabe, ang lawak-lawak ng daan tapos natalisod ka pa?" kantiyaw ni ate Megan. "Sige lang miss beauty queen, kahit ganito ako pwede pa rin akong maging first runner up noh." inirapan ko ang kapatid kong si Megan. Tumayo ako ng diretso at binalewala ang nangyaring pagkakadapa ko tapos kumaway-kaway ako ng pang beauty queen. "Oh di bah, keri lang?" Nagtawanan ang mga pinsan kong babae at isa-isa silang dumaan sa harapan ko at tinapik ang ulo ko. "Mga baliw!" Tawa kami ng tawa, basta kasama ko talaga ang mga magugulo kong pinsan na ito there will never be a dull moment. Di bale na kung ako yung nagmumukhang kengkoy kase totoo naman eh na reyna ako ng sablay, tatanga-tanga at ngayon ay may nadagdag pa... ang pagiging capital L ko as in Loser sa love life. Haaay... napabuga na lang ako ng hangin at napilitang humakbang patungo sa kwarto ko. Habang naglalakad sa mahabang hallway ay iniisip ko na ang mga sasabihin ko kay Levi. Ito ang unang beses na magkakaharap kami matapos kong maipagtapat sa kaniya na may gusto ako sa kaniya. Kaya kailangan kong paghandaan ang bawat salitang bibitawan ko dahil hindi na ako pwedeng magkamali this time. Pagkapasok ko sa kwarto ay pinamewangan ko agad siya ngunit agad nagbago ang reaksiyon ko ng makita kong natutulog siya habang nakaupo sa frame ng bintana. Dahan-dahan akong lumapit at halos magkapantay lang ang mga mukha namin kasi sa bintana siya nakaupo at naka-hilig sa direksyon ko ang ulo niya. Pinag-aralan ko ng husto ang gwapo niyang mukha at saka ko lang napagtanto na matagal na pala akong inlove sa kaniya. Si Levi Moldovan, world's youngest three-time archery champion sa umaga at gangster naman sa gabi. Mapa-umaga man o gabi ay gusto ko siya, gustong-gusto ko siya. Malakas talaga ang tama ko sa taong ito mula pa nung unang araw na pinilit niya ako at tinakot na gumawa ng sulat para sa kaibigan ko. Matagal na niyang kilala si Danna Lou, habang high-school friend ko naman ito. Kahit sa school ay kinatatakutan na si Levi kasi may gang siya na hindi matibag-tibag kaya takot ang lahat sa kaniya at kami lang ni Danna ang tinuring niyang kaibigan na hindi kasapi sa grupo niya. Dumako ang tingin ko sa labi niya at natukso akong halikan ang natural red-lips niya. Lakinggulat ko na lang ng magdilat siya ng mga mata at sa sobrang bilis ng mga kamay niya ay inikot niya ako patalikod sa kaniya. Dinala niya sa likuran ko ang kaliwa kong kamay at nakapulupot naman ang isa niyang kamay sa may leeg ko. "Araaayyy.... ito na marahil ang pinaka-masakit na back-hug, talagang ganito ba yumakap ang mga gangster ha?" Dahan-dahan siyang bumitaw at tila naka-hinga ng maluwang. "Akala ko naman kalaban na!" saad niya. "Hindi ka man lang ba mag-sosorry? Muntik mo nang mabali ang braso ko ah!" naiiyak kong reklamo sa kaniya ng magkaharap na kami. Nagpang-abot sa gitna ang kilay niya "Bakit ko gagawin yun? Nag-sorry ka ba nung ninakawan mo ko ng halik ha?" Napakagat-labi ako at nag-sign of peace kay Levi "Hehe, sorry... akala ko hindi mo napansin." Tiningnan naman niya ako ngayon ng matalim "Wag mo na ulit gagawin yon ha! Binabalaan kita na wag mo na ulit akong pagsasamantalahan ng ganun!" Talaga naman itong taong to oh! Ang kapaaal!!! "Alam mo naman na si Danna Lou ang gusto ko di ba?" "Pero hindi pa rin naman ako sumusuko Levi kasi alam ko na walang patutunguhan ang relasyon ninyo ni Danna." "Bakit, dahil anak siya ng pulis at anak naman ako ng isang gangster?" "Hindi din mag-wowork ang relationship niyo Levi, balang araw maghihiwalay din kayo at yun ang hihintayin ko." Bigla akong kinabig ni Levi pasanday sa dingding at pinagbantaan "Kalimutan mo nang may gusto ka sa akin dahil baka ano pa ang magawa ko sayo." "Ano matapos mo kong pilitin na maging kaibigan mo ay tatakutin mo naman ako ngayon upang wag kang mahalin?" "Tumigil ka na Eris!" tumaas na ang tono ng boses niya. "Bakit ko pa itatago Levi eh alam mo na ang totoo, there's no use na magpanggap na hindi kita gusto kasi alam na alam mo na. Lolokohin lang natin ang mga sarili natin, we can no longer save this what you called 'friendship' my friend." "Eris binabalaan kita, hindi mo alam kung anong kaya kong gawin" nanlilisik ang mga mata niya habang tumitingin sa akin. "Bakit, anong gagawin mo? Ipapapatay mo ko? Ay hinde... ikaw nga naman pala yung mafia kaya siguro ang gagawin mo ay ikaw mismo ang papatay sa akin. Engk! Mali na naman ako kasi hindi mo nga pala kayang pumatay di bah? Isa kang mafia pero kahit langaw wala ka pang napapatay!" may halong pangungutya ang binitiwan kong salita sa kaniya. "Tumigil ka!" mas lalo pa niya akong diniin sa may pader. "Bakit Levi, yun naman ang totoo hindi ba? Hindi pa nadudungisan ng dugo ang mga kamay mo dahil ang gangster na si Levi Moldovan ay umiibig sa anak ng isang pulis! Si Danna Lou ang dahilan kung bakit natatakot kang pumatay dahil as much as possible gusto mong magmalinis sa harapan niya. Pero hanggang kelan mo pwedeng iwasan ang kapalaran mo Levi? Alam mong hindi ka magiging ganap na mafia kapag hindi ka papatay ng tao." "Oo nga Eris, kelangan kong pumatay ng tao para maging ganap na mafia kaya kung ayaw mong ikaw ang pinaka-una kong papatayin ay itikom mo na yang bibig mo pati ang puso mo." "Bakit mo ba ako pinipigilan na mahalin kita Levi?" naiiyak kong turan. "Kasi ayoko! Ayokong umabot kay Danna ang lahat!" "Bakit mas natatakot ka pang masira ang friendship namin ni Danna? Hindi naman yun ganun kalalim, I don't consider her my bestfriend anyway kaya saan ka ba nag-aalala Levi... na masira ang friendship ko with Danna o nag-aalala ka na pagbawalan ka na niyang makita ako kapag nalaman niyang may gusto ako sayo?" "Wag mong palabasin Eris na may gusto din ako sayo kasi hindi yan mangyayari" naglabasan na ang mga ugat niya sa leeg dahil sa galit. "Eh ganun naman pala eh! Hindi mo naman pala ako gusto kaya bakit ka pa nagpupunta dito?!" "You know why I'm here Eris..." "Bakit hindi na lang ikaw ang magsulat ng love-letter mo?!" "Tanga ka ba o nagtatanga-tangahan lang? Pano kapag napansin niya na nag-iba na ang hand writing ko? Malalaman niya na mula pa noon ay ikaw na ang gumagawa ng mga love letter ko para sa kaniya!" "Bakit naman kasi kailangan mo pa akong utusan na gumawa ng love letter noon eh?!" sisi ko sa kaniya. "Bakit hindi mo na lang siya tinext o pinadalhan ng e-mail?! Bakit kailangang ako pa ang utusan mo?! Bakit kailangan mo pang dumating sa buhay ko?! Hindi na sana nagulo ang puso at isipan ko!" Pinagsasapak ko siya sa dibdib at pinagsasangga naman niya ang bawat suntok na itapon ko. Nahuli niya ang magkabilang palapulsuhan ko kaya napigilan niya ang mararahas kong kamay. "Alam mo na pulis ang lahat ng lalake sa pamilya niya at mafia naman ang sa akin. Kapag gumamit kami ng teknolohiya ay baka ma-trace ng mga pulis ang kuta naming mga mafia kaya hindi ko siya pwedeng i-text o i-email." Dumausdos ako pababa sa sahig at sinundan din ako ni Levi at lumuhod din siya ng isang tuhod lang ang gamit. Tumatawa ako habang umiiyak kaya mukhang naguluhan si Levi. "Anong nakakatawa?" tanong niya sa akin. "Kasi kahit sabihin kong hindi na kita mahal ay iba pa rin ang tinitibok ng puso ko." Tumayo ako at nagpunta malapit sa pinto. "Levi, batid mo naman siguro na ang anumang magustuhan ng mga Imperial ay nakukuha nila. Pwedeng-pwede ko ngayong hilingin kay lolo na ipakasal ka sa akin pero dahil nasa tamang katinuan pa naman ako ay hindi ko yun gagawin. Kaya Levi, kung gusto mo talaga si Danna, ikaw ang umiwas sa akin at kung dumating ang araw na mawala na ako sa katinuan at kailangan mo kong patayin.... gusto ko sana na gamitan mo ako ng pana mo. Patamaan mo ang puso ko upang huminto na ito sa pagtibok para sayo. Sa ganung paraan ka lang nito hindi magagambala." Pinagbuksan ko siya ng pintuan. "Makakaalis ka na Levi..." Umalis siya gaya ng inutos ko ngunit laylay ang balikat niya nang lumabas siya ng pinto. Napaluhod ako ng maisara ko na ang pinto. Hindi ko alam kung saan nagmula ang tapang ko kanina... pero talagang sumama ang loob ko sa kaniya ng pilitin niya akong itapon ang pagmamahal ko para sa kaniya. Gustuhin ko man siguradong hindi ko kaya...   #ImperialLadies                        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD