Chapter 2 -- Mr. Silver & Ms. Beauty Queen

1527 Words
   -----Megan Imperial's POV---- Papunta na ako sa home theater ng Imperial palace upang doon ibuhos ang sama ng loob ko sa break-up namin ng boyfriend kong si Chad ng magpang-abot kami doon ni Izzy sa labas ng pinto. Broken hearted din pala siya kaya gusto din sana niyang magmukmok doon sa loob ng aming tambayan. Pagkabukas namin ng pintuan ay patay ang ilaw ng home theater ngunit may umiiyak sa loob. Kinilabutan kami ni Izzy nang palakas ng palakas ang mga naririnig naming hagulgol. "Izzy, may multo yata..." "Ate Megan... natatakot ako wag na lang tayong pumasok sa loob" nanginginig na turan ni Izzy. "Hoy! Ano ba kayo! Ako lang ito!" Narinig namin ang boses ni Eris kaya agad naming binuksan ang ilaw at tumambad sa amin ang nakakatakot na itsura ni Eris. Napakagulo ng buhok niya at kumalat pa ang maskara niya sa kanyang magkabilang pisngi. "Anong nangyari sayo? Bakit para kang ewan diyan?" "B-broken hearted kasi ako mula pa kahapon..." Nagtinginan kami ni Izzy at naiyak na rin "Sayang pumunta pa naman kami dito upang umiyak din pero may mas nauna pa pala sa amin." "Bakit, ano bang nangyari sa inyo?" tanong ni Eris. at ako ang pinaka-unang nag-kwento. "Broken hearted ako kasi pinagpalit ako ni Chad sa ibang babae. Akalain niyo yun, itong ganda kong ito na pang beauty queen na ay pinagpalit pa niya sa iba? Boobs lang naman ang nilamang sa akin ng bagong babae niya kaya kanina ay pumunta ako sa clinic ni Dr. Enriquez. Kung dati ay nag-aalangan akong magpadagdag ng hinaharap ngayon ay desidido na talaga ako!" "Miss Imperial, pasok na po kayo sa loob" tawag ng nurse sa may front desk. "Dito po tayo maam..." Agad naman akong sumunod dun sa nurse. "Upo ka muna maam, sandali lang po ha at darating na si Dr. Enriquez." "Sige salamat..." Pagkaalis ng nurse ay napatingin-tingin muna ako sa loob ng kwarto. Ilang minuto na ang lumipas pero wala pa rin ang doktor kaya nag-text-text muna ako upang hindi ako mainip. Ilang sandali pa ay pumasok na ang doktor. Mukhang bata pa ang itsura nito, matangkad, gwapo, may pagka-blond ang buhok at nakasuot ng clear glass. "Dr. Enriquez?" "Ahmm.. Oo ako nga... what can I do for you miss?" matapos niyang magtanong ay umupo na siya sa kaniyang upuan. "So you are...?" "Megan Imperial po..." agad akong nakipag-kamay sa batang doktor. "Kaano-ano mo ang may-ari ng sky hotel na si Alexander Imperial?" "Tiyo ko yun..." "Oh really?" lumapad ang ngiti niya. "Magkakilala ba kayo?" "Nah, acquaintance lang... so anong sadya sa akin ng apo ng pinaka-mayamang negosyante sa bansa na si Zheng Imperial?" "Ahmmm... kasi po doc gusto ko sanang magpa-ganun oh." nahihiya akong sabihin kaya inakto ko na lang. "Anong ganun?" "Haaayyy... si doc naman eh ang slow! Alam mo na, yung hinaharap ko gusto kong palakihin... breast enhancement you know." "Ahhhh... ikaw naman bakit hindi mo naman kasi ako diretsuhin." "Ahehehe... nahihiya ako eh." "Hmmm... breast enhancement... interesting. Sige maghubad ka na!" "Po? Surgery agad? itatanong ko pa lang po sana ang procedure o ang gastos, hindi pa po ako magpapa-surgery agad-agad." "I know, kaya nga gusto ko munang makita kung gaano kalaki yung idadagdag ko para mapag-usapan na natin yung presyo." "Ganun ba talaga yan doc? Nakabase sa kung gaano kalaki yung madadagdag ang gastos?" "Oo naman! Kaya maghubad ka na..." "P-pero doc, nahihiya ako eh..." "Abay wag ka na lang magpadagdag kung ganyan na mahihiya ka naman pala? Hindi naman pwedeng hindi ko yan tingnan kapag kailangan nang operahan, pano ko aayusin yan ng nakapikit?" "Hehe... sige po doc" alanganin akong tumango. Okay lang naman siguro, sa gwapo ba naman ng doktor na ito ay malayong mangyari na maging m******s siya. Be professional Megan, doktor yan at sumusunod lang siya sa SOP(Standard Operating Procedure). Kaya sinimulan ko nang tanggalin ang blazer ko at sinunod ko doon ang aking tube. Halos hindi ako makatingin sa mata niya kasi nahihiya ako na baka siya mismo ay kutyain ang kaliitan ng boobs ko. "Doc?" tawag pansin ko sa doktor ng tila matulala siya sa akin. Nang makabawi ay yumuko ang doktor at tila may sinusulat sa kanyang papel. "Ahmmm...hindi naman pala ganun kaliit miss." Tama ba itong nakikita ko? Nagbublush yata ang doktor sa nakita niya. Kaya ba siya yumuko kasi tinatago niya ang pamumula niya? Parang matatawa ako habang binabasa ko ang facial expression niya. Sa inasta niya ay parang first time niya lang makakita ng boobs sa personal ah. "Hindi naman siguro ito ang unang beses na nakakita ka ng dibdib doc noh?" sarkastiko kong tanong. "H-hindi siyempre... ahem! (clear throat) pwede ko bang hawakan?" "ANO?! OKAY KA LANG? WAG MONG SABIHING SOP MO NA NAMAN YAN DOC?" pag-angal ko. "Siyempre, SOP pa rin! Pano ko malalaman kung may cyst ka sa s**o o wala. Alam mo namang hindi kami nag-oopera ng mga may breast cancer kasi maaari yung ikamatay ng pasyente." "G-ganun po ba doc?" napalunok ako ng laway lalo na nung tumayo siya mula sa kinauupuan niya at umikot papunta sa akin. "Oo, ganun talaga..." he smiled. "S-sige po doc..." Ewan ko ba, para akong lalagnatin sa paraan ng paghawak niya kaya napapikit na lang ako. Biglang bumukas ang pinto at may pumasok na isa pang nurse kaya agad niya akong niyakap upang matakpan ang kahubaran ko. "Doc, tayo na po!" sigaw nung nurse na lalake. "Ah! Okay, susunod na ako... saglit lang ito" sagot naman ni Dr. Enriquez. Pagkasara ng pinto ay dahan-dahan siyang bumitaw at iniabot niya sa akin ang mga damit ko. "Sorry for that..." hinging patawad ng doktor. Hmmm... may pagka-gentleman naman pala itong si poging doktor at grabe, ang bango niyaaaa!!! Talagang nanuot sa mga kalamnan ko ang naghalong amoy ng pabango at ng masculine scent niya. Yummmmmyyyy!!! Matapos kong magbihis ay nagpaalam saglit ang gwapong doktor at nangako naman siyang babalik agad. Dahil sobrang tumatak sa isip ko ang ginawa niya kanina ay hindi ako nakatiis at lumandi na naman ang puso ko kaya hinanap ko siya sa labas. Laglag ang panga ko matapos kong makita ang kalagayan sa labas ng private room. Nagkagulo ang mga mesa at mga upuan ng waiting area at lahat ng mga tao ay nakatali at nakasalampak sa sahig. Diyos ko po! Nilooban pala ang clinic ng hindi ko namamalayan. "Grabe pala ang nangyari sayo, buti hindi ka napano. Eh yung gwapong doktor na sinasabi mo ate, asan na siya?" tanong ni Izzy sa akin. Hindi ko napigilang umiyak sa harapan ng kapatid kong si Eris at ng pinsan kong si Izzy. "Huhuhuhu... hindi naman yun doktor eh, magnanakaw yun na nagpapanggap lang na doktor..." WAHAHAHAHAHAHAHA!!!! inulan ako ng kantiyaw mula sa dalawa at kahit si Eris na kanina lang ay namamaga na ang mata sa kaiiyak, ngayon ay sumasakit na rin ang tiyan sa kakatawa. "Akalain mo ate, may mas itatanga ka pa pala sa akin?" kantiyaw sa akin ng kaptid ko. "Sige... tumawa lang kayo! Malay ko ba na hindi pala totoong doktor iyon noh!" "So ate, nahawakan talaga niya yung... yung..." hindi matapos-tapos ni Izzy ang sasabihin niya. "Oo nga eh, ulit-ulitin ba naman! Masama na nga ang loob ko eh ginatungan niyo pa! Kapag nakita ko talaga yung hayup na yun talagang pakakasuhan ko siya ng s****l harrassment and... and..." "And what?" naiinip na tanong ni Izzy. "and Damage to Property!" "WAHAHAHAHAHA!!!" kantiyaw ulit ng dalawa sa akin. "I feel so violated! Huhuhuhu... at ang masaklap ay ninakawan pa ako ng hayup na yun! Kinuha niya ang mga alahas ko pati na ang singsing na bigay sa akin ni Chad." "Pano niya nakuha? Hindi mo ba napansin na ninakawan ka na?" tanong ni Eris. "Pano ko mapapansin eh nung niyakap niya ako eh napapikit lang ako." "Ayun.... gwapo kase..." koro ng dalawa. "Gwapo nga, eh ang tanong safe ba? Huhuhuhu... talagang naturuan ako ng leksiyon ngayon na wag magtiwala kahit sa mga gwapo." "Eh wala man lang bang CCTV?" tanong naman ni Izzy. "Sabi ng mga imbestigador hindi daw basta-basta ang mga magnanakaw na yun, mga professional sila kaya siguradong ginawan na nila ng paraan upang walang makuha ang CCTV camera at hindi agad maka-responde ang mga pulis." "Grabe naman siya, professional nga... biruin mo ate trinabaho ka muna bago yung iba" may halong panunukso ang mga ngiti ni Eris. "Tigilan niyo na nga ako! Naiinis na ako ha..." Humagikhik pa lalo sina Izzy at Eris. "Nakuha mo ba yung pangalan nung poging doktor?" usisa ulit nila. "Hindi nga siya doktor okay? Nagpapanggap lang yun na doktor at hindi din naman niya sinabi ang pangalan niya pero palagi daw nag-iiwan ng pangalan ang grupo ng magnanakaw na yun para makilala sila." "Katulad ng budol-budol at salisi gang? Eh ano naman yung sa kanila?" -Izzy "SILVER!" "S-silver? aba, international na mga magnanakaw iyan ah! Imported!" Bulalas ni Izzy. "Imported nga yata kaya siguro blond yung buhok nung hayup na yun" nagngingitngit kong turan. "Tama na nga, ikaw naman ang magkwento Izzy kung bakit ka broken hearted ngayon..." pag-iiba ko sa usapan. Huminga muna ng malalim si Izzy bago nagkwento sa nangyari sa sampung date niya kahapon. #ImperialLadies          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD