(Location: Imperial Ladies Hide-Out) -----Ira Imperial-Ocampo's POV----- Nakapag-tayo na ako ng sarili kong restaurant habang nakapag-renta naman ng magandang pwesto sa mall sina Megan at Izzy. Kumuha ng vocational course si Megan na may kinalaman sa pag-dedesign at pagtatahi ng mga damit samantalang pinag-aaral naman naming dalawa sa public school sina Izzy at Azalea. Simple lang ang buhay namin dito at hindi na katulad ng dati nung nasa Imperial Palace pa lang kami pero kahit ganun ay dito naman namin nahanap ang tunay na kaligayahan at higit sa lahat... kalayaan. Dahil mga kikay ang mga pinsan kong sina Megan at Izzy ay hindi sila nahirapang maka-benta ng mga damit at sapatos. Pinangarap nilang magkaroon ng sariling brand ng clothing line balang araw kaya nagsusumikap sila ng hu