------Izzy Imperial's POV------
"Ang saket saket ng mga sinabi niya sa akin... huhuhu..."
"Bakit, anong sabe?" tanong ni ate Megan.
Na-iimagine ko kung pano nagsusumiksik ang mga salitang binanggit sa akin ni Ezra kaninang umaga.
YouAreCommiserableDeplorableDistressingFeebleHeartbreakingHeartrenderingInadequateLamentableMeagerMeltingMiserableMovingPaltryPettyPiteousPitiablePitifulPlaintivePoignantPoorPunyRuefulSorryTenderTouchingUselessWoefulWorthlessWretched...
In short... PATHETIC!
"Yun lang ang sinabi niya tapos umiiyak ka na?" tanong ni Eris.
"Yun lang? Madami kaya yun!"
"Synonyms lang naman yun ng salitang PATHETIC kaya iisa lang ang tama nun!" saad naman ni ate Megan.
"Pero kahit na! Masakit pa rin kasi nasanay akong pinupuri at hinahangaan ng mga lalake kaya ang sabihan ako ng salitang yun ay talagang mabigat sa loob noh!" katwiran ko.
------Ezra Lim's POV-----
Nang makauwi na kaming magpipinsan sa bahay ay nagkaroon ako ng komprontasyon sa kanila.
"Bakit mo tinawag na pathetic ang isang Izzy Imperial kanina? Nababaliw ka na bang talaga ha Ezra? Pano kapag nalaman ito nina daddy at ni tito Zheng?" Sunud-sunod na tanong sa akin ng mga pinsan at kapatid ko.
"Pake niyo kung tawagin ko siya ng ganun?"
"Dahil sa ginawa mo ay baka hindi na siya pumili pa sa sino man sa atin!" saad ng kapatid kong si Errol, isa rin sa mga napili ni Izzy na mapasali sa last round ng elimination date mamayang hapon.
"Naniniwala talaga kayo na may pipiliin siya sa inyo mga kuya?" binigyan ko sila ng nang-iinis na ngiti.
"Anong ibig mong sabihin diyan Ezra?" nakakunot-noong tanong ng kapatid ko.
"Ginamit niya lang kayo, pero ang totoo ay ako talaga ang gusto niyang maka-date!" pagmamalaki ko sa kanila.
"Ang yabang mo ah!" sinuntok ako ng kapatid ko.
Ngunit hindi pa rin ako natinag "Bakit, hindi kayo naniniwala? Tingnan mo nga, sandali niya lang akong nakita pero ako na agad ang pinili niyang mapabilang sa sampung idedate niya at kahit na-late ako ng mahigit isang oras ay hinintay pa rin niya ako at eto pa ang malupit...
nakita mo naman kanina na kahit sinabihan ko na siya ng masasakit na salita ay pinili pa rin niya akong mapabilang sa magic 5 niya.
Siguro naman ay sapat ng dahilan yun upang makumbinsi kayo na patay na patay talaga sa akin ang babaeng yun."
"Ang yabang-yabang mo talaga!" sigaw ng iba ko pang pinsan.
Pinagtulungan nila akong gulpihin sa loob ng mansiyon at dahil madami sila ay wala akong nagawa ng pagsisipain nila ako.
Buti na lang dumating si lolo kaya natigil ang mga pinsan ko sa pambubugbog nila sa akin.
"Tumigil kayo!" awat ng aking lolo sa kanila.
Nang mag-alisan na ang mga pinsan ko ay tinulungan ako ni lolo na tumayo at pinaupo niya ako sa upuan. Agad siyang nag-utos ng mga maid upang bigyan ako ng first aid.
"Lumabas muna kayo!" utos ni lolo sa mga maid at siya na ang nagtuloy sa paggagamot sa akin.
"Hindi nyo na po kailangang gawin yan lolo..." pigil ko kay lolo ng siya mismo ang naglagay ng betadine sa mga sugat ko.
"Ezra, apo kita kaya hayaan mong gawin ko ito sayo."
"Lolo, aalis na lang po ako."
"Hindi ka aalis!" mariing sabi ni lolo.
"Wala pong dahilan upang manatili ako dito."
"Meron ihjo, totoong apo kita Ezra."
"Po?"
"Oo... anak ka ng ama mo sa isang bayarang babae. Dahil isang mababang uri ang iyong ina ay pinalabas namin ng ama mo noon na inampon ka niya mula sa bahay ampunan. Isa kang totoo at tunay na may dugong Lim ihjo."
"Nakakalungkot isipin na isa pala talaga akong Lim lolo."
"Bakit naman apo?"
"Mas nanaaisin ko na lang na maging ampon kesa malamang tunay nyo akong apo tapos ganun ako kung tratuhin ng mga kadugo ko."
"Ihjo, patawarin mo na lang sila dahil hindi nila alam ang kanilang ginagawa."
"Kahit na lolo, kahit ano pa man ako ay hindi nila ako dapat tinatrato ng ganito."
Tinapik ni lolo ang balikat ko. "Kaya nga, gamitin mo ang pagkakagusto sayo ng isang Imperial upang bumuti ang buhay mo..."
"A-ano? bakit lolo hindi pa ba mabuti ang buhay ko ngayon?" naguguluhan kong tanong sa aking lolo.
"Kase apo, mula nung mamatay ang ama mo ay pinapaayos na ng kinilala mong ina ang pagpapa-disown sayo."
"Idi-disown ako ni mama? Tapos wala man lang kayong gagawin?" tila hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko.
"Apo, para manatiling malinis ang pangalan ng ama mo ay kailangan mong manatiling isang ampon sa paningin ng mga tao."
"Isa ba yang kahilingan lolo o inuutusan niyo akong gawin yun?"
"Ezra, alam kong mabait kang bata..."
"At dahil isa akong mabait na bata kaya ginaganito niyo ako?!" hindi ko mapigilang pagtaasan ng boses si lolo.
"Ezra, kinabukasan mo lang ang iniisip ko..."
"Gusto niyo kong maging fiancee ni Izzy Imperial ngunit pano kapag nalaman nilang enlisted na ako sa mga Lim? Matapos akong apihin ng sarili kong pamilya ay hahayaan niyo naman akong apihin ng ibang tao?"
"Apo-"
"Tapos na ang usapang ito lolo... may second screening pa ako kay Izzy Imperial mamayang hapon kaya hindi na ako pwedeng ma-late ulit. Magkita na lang tayo doon."
------Izzy Imperial's POV-----
Lima na lang ang natitirang babalik sa hapon upang maka-date ko. Hindi matatapos ang araw at may mapipili na akong magiging fiancee ko.
Pagdating ko sa restaurant ay as usual kulang na naman sila. Apat lang ang nandun at late na naman si Ezra... o baka wala talaga siyang balak dumating.
Nilinaw ko na sa mga lalake na hindi ako pipili sa kanila kapag hindi sila kumpleto kaya alam kong mapipilitang dumating si Ezra.
Kahit masasakit ang mga salitang binitawan niya laban sa akin kaninang umaga ay gusto ko pa rin naman siyang makita at ewan ko ba kung bakit. Basta merong something sa kaniya na kahit supladuhan niya ako ng maraming beses ay na-aatract pa rin ako sa kaniya. Haaayyyy... ang pag-ibig talaga minsan hindi ko maintindihan kung bakit ganun!
Hindi naman ako nagkamali dahil pagkalabas na pagkalabas ko pa lang sa comfort room ay mukha na agad ni Ezra ang bumungad sa akin.
"E-Ezra?" nabubulol kong sambit sa pangalan niya.
Nilapit niya ang mukha niya sa akin kaya akala ko talaga may balak siyang halikan ako, yun pala ay may ibubulong lang siya.
End of Flashback>>>
"Anong binulong niya?" naiintrigang tanong nina Eris at ate Megan.
Magaling ako sa Rubiks cube. -Ezra
"A-ano? yun lang?" dissapointed na turan ng mga pinsan ko.
"Yun lang... hindi ko nga rin naintindihan agad eh kung bakit niya sinabi yun. Pero natutuwa ako kasi mukhang nagbago na ang pagtingin niya para sa akin. Na-realize niya siguro na may gusto din siya sa akin kaya nagpapakyut na siya ng ganun. Kaya kinikilig ako habang tinitingnan ang papalayo niyang likuran."
Nung nakaupo na kaming lahat dun sa mesa at dumating na din sina lolo at tito Sen ay nag-propose si Ezra na bakit hindi na lang idaan sa paligsahan ang lahat.
"Hmmm... I must agree, bakit hindi natin idaan ang lahat sa paligsahan kagaya ng paraan ng mga maharlikang angkan noon sa pagpili nila ng mapapangasawa" pagsangayon ni lolo Zheng.
"Eh pano yan, wag niyong sabihing may bugtong kayong ipapalutas sa amin? Masyado naman yata yang old style ha" reklamo ng pinakamatanda sa limang lalake na si Harold.
Ngayon ay naging malinaw sa akin ang lahat kung bakit nasabi ni Ezra kanina na magaling siya sa rubiks cube.
SNAP!
Ibig sabihin gusto niya talagang siya ang mapili ko kaya mabilis akong umaksyon. "Alam ko na, para fair ako ang pipili ng lalaruin niyo"
"Sige..." koro ng limang lalake.
"Sangayon kami diyan ihja, hahahaha... panyero mukhang masaya ito ah" sabi ni lolo Zheng.
"Oo nga panyero... mukhang magiging maganda ang gabing ito, parang may championship tayong pinapanood ng live" excited na sabi ni tito Sen.
"Tama si Harold na masyadong old style ang mga bugtong kaya bakit hindi na lang RUBIKS CUBE ang i-solve niyo?"
"Hmmm... bakit hindi na lang MEGAMINX para mas challenging!" suhestiyon ng ikalawa sa pinaka-bata na si Lloyd."
"Megaminx? Ano naman yun?"
Nang dumating na ang pinabili ni lolo na mga megaminx ay talagang namangha ako sa itsura, isa yung dodecahedron puzzle, meaning... 12-sided rubik's cube iyon at may 12 colors na dapat i-solve. In other words, mas mahirap at mas komplikado pa iyon sa ordinary rubiks cube.
Nag-aalala ako dahil baka hindi kayanin ni Ezra kaya tinanong ko muna silang lahat kung okay lang ba sa kanila na megaminx ang gamitin imbis na rubiks cube.
Ngunit walang tumutol ni isa man lang sa limang lalake kaya sinimulan na namin ang paligsahan.
Dahil si Ezra mismo ang lumapit sa akin kanina ay sigurado naman akong gusto niya rin akong maging fiancee kaya alam kong gagawin niya ang lahat upang manalo.
Time starts...
Nagsisimula nang mag-solve yung iba pero si Ezra ay nanatili lang tulala sa hinahawakan niyang megaminx.
"E-ezra nagsisimula na ang laro..." paalala ko sa kaniya.
Tumingin siya sa akin and he smiled. "Can I hold your hand?"
Nag-aalangan akong abutin ang kamay niya. Tila nadedestruct yung iba dahil sa harap-harapan niyang paglalandi sa akin. Padami na rin ng padami ang mga taong nanonood sa mesa namin.
"Ezra... magsimula ka na... tama na yang landi..." nahihiya kong saway sa kaniya.
Panay ang ngiti niya at habang hawak-hawak pa rin ang isa kong kamay ay muli niyang itinuon ang atensiyon sa hinahawakang megaminx. Itinukod niya sa mesa ang kanan niyang siko at mabilis na pinagalaw-galaw ang megaminx sa kanyang mga kamay.
Talagang nga-nga kaming lahat matapos niyang sinubukang i-solve ang megaminx gamit lang ang... isang kamay!
Kahit sina lolo Zheng at tito Sen ay hindi napigilang mamangha kay Ezra.
Oh my God, talagang nakaka-inlove siya! Plus 100 pogi points na talaga siya sa akin.
Partida pa dahil sa akin na siya ngayon tumitingin... totoong may mga nakikita akong nagsosolve ng rubiks cube na naka-blind fold pero hindi ko akalaing magiging ganun ka sweet ang larong rubiks cube kapag sa akin siya nakatingin at magka-holding hands kami.
Pakiramdam ko ay naghuhugis puso na ang mga mata ko habang nakikipag-titigan sa kaniya.
Tama na phuleaaassssee... natutunaw na ako sa sobrang kiliiiigggg!!!
Isang ikot na lang ng megaminx ay matatapos na si Ezra pero nagulat kaming lahat ng huminto siya.
"Bakit ka huminto? Paikutin mo na kasi baka maabutan ka pa nila bilis!" natataranta kong sabi.
He smiled again and this time ay bumitaw na siya sa akin. Nilapag niya sa mesa ang megaminx niya at tila hinihintay na mahabol siya ng mga pinsan niya.
"Anong ginagawa mo? Hindi ko maintindihan..." Naiiyak kong tanong.
"Ezra... bakit hindi mo pa tapusin ang laro?" tanong naman ng kanyang lolo na si tito Sen.
Ngunit hindi sumagot si Ezra at sa halip ay humalukipkip lang siya. Saka ko lang napagtanto ang gusto niyang mangyari, sa simula pa lang ay ayaw na niyang manalo. This is a trap!
Sana... sana pala ni-reject na lang niya ako... sana... sinabi na lang niya sa akin na hindi niya ako gusto.
"Bakit mo ko pinaglalaruan ng ganito?!" tanong ko kay Ezra.
"SOLVE!" biglang sigaw ng pinsan ni Ezra na si Jayden."
"Congrats Jayden, ikaw na ang magiging fiancee ng apo ko." -Zheng
Habang nakikipag-kamay si lolo kay Jayden ay nanatili lang akong tulala at nakatitig pa rin kay Ezra.
"Malinaw naman kung sino ang nanalo di bah Izzy?" saad ng aking lolo.
"Hinde lolo, hindi ko naiintindihan kung bakit kailangan niyang magpatalo" tukoy ko kay Ezra.
Walang anu-ano'y tumayo si Ezra at naglakad palayo sa mesa.
"How could you trick me like this?!" sigaw ko sa kaniya.
Napahinto si Ezra sa paglalakad at bahagyang lumingon ngunit nanatiling walang kibo.
"Alam mong ikaw ang gusto ko..." hindi ko yun napigilang sabihin kahit sa harapan ni lolo Zheng at ng maraming tao.
Ngunit hindi siya sumagot at nagpatuloy pa rin sa paglalakad palabas ng restaurant.
"Nakipagkasundo ka kay Ezra ha Izzy? I'm so dissapointed to you ihja! Dahil diyan ay grounded ka for 1 month at ang engagement mo kay Jayden ay isusunod ko agad sa kasal ng ate Ira mo!" -Zheng
"Lolo naman..."
"Come on, let's go home!" utos sa akin ni lolo.
Laylay ang balikat ko habang sumusunod kay lolo papunta sa limousine.
End of Flashback>>
"Ano ba naman itong araw na ito, puro na nga tayo SAWI ay puro pa tayo mga NALOKO..." nalulungkot na sabi ni ate Megan.
"HUHUHUHUHUHUHU!!!!" Sabay kaming tatlo na humagulgol. Ngayon ko lang nalaman na masarap din pala ang may kasabay na umiyak. Nakagagaan din pala ng loob ang malaman na hindi lang ikaw yung may mabigat na problema sa mundo.
#Crying Ladies
#ImperialLadies