Chapter 4 -- ERISSES vs LEVIS Love Team

2225 Words
  ------Eris Imperial's POV----- Inihahanda na ang nalalapit na kasal nina ate Ira at ng lalakeng hindi pa namin nakikita na si Dylan Ocampo. Nasa simbahan na kami at inaasikaso ni lolo ang seguridad ng lahat bago ang araw ng kasal. Mga galing sa mafia ang kinuha ni lolo upang magbantay sa seguridad ng event kaya hindi maiiwasang magtagpo na naman ang landas namin ni Levi. Naka-linya kaming magpipinsan ng upo sa pinaka-harapan ng simbahan habang naghihintay sa utos ni lolo. Nasa harapan pa kasi sila sa may altar at nakikipag-diskusyon sa mga gangster. Grabe na talaga, buti nakapasok pa ang mga mafia na ito sa simbahan sa sobrang taas ng mga sungay nila. Napapagitnaan ako ng mga pinsan ko na sina ate Megan, Phoebe at Izzy at sina Azalea naman at Ulysses sa pinaka-dulo ng upuan ay seryosong naglalaro ng candy crush sa cellphone. Habang may kanya-kanyang inaatupag ang mga tao sa harapan ay tila wala namang magawa si Levi na nakaupo di kalayuan sa aming likuran. Ayon kina Izzy ay kumukuha daw ito ng mga decorative na rose buds sa tabi ng aisle at pinagtatapon nito ang mga iyon sa likod ko. "Tingnan mo nga yang lover boy mo oh, grabe kung magpapansin" sumbong sa akin ni Izzy. Nararamdaman ko nga na pinagbabato ako ng kung ano mula sa likuran. "Hayaan nyo na wala na yang magawa eh. Kapag pinansin ko yan ngayon ay lalo lang lalaki ang ulo niyan kaya deadmahin niyo na lang din." Kahit naman kamatis pa ang ibato niya sa buhok ko ay hindi pa rin ako lilingon sa kanya noh! "Tama yan kapatid, bibigyan mo lang siya ng kasiyahan kapag nilingon mo siya" pagsangayon naman ni ate Megan. Ngunit tila ayaw pa rin tumigil ni Levi at kahit paisa-isang rose-buds lang ang tinatapon niya ay nadadamay pa rin ang mga pinsan ko kapag nag-bounce sa kanila yung mga rose buds. Hindi nakatiis ang naka-upo sa aking kanan na si Izzy kaya tumayo siya at tinawag ang atensiyon ni lolo at nagsumbong. "Lolo! Si Levi oh tinatapunan ng rose buds si ate Eris! Nagpapansin!" "Izzy, tumigil nga kayo wag kayong magulo diyan!" balik sigaw ni lolo Zheng. "A-ano?" walang nagawa si Izzy kundi ang maupo ulit at tiningnan si Levi ng masamang tingin. "Tingnan mo na Izzy ikaw lang ang mapapasama kaya tumahimik ka na lang" kalmado kong payo. "Eh nakakaiinis na siya eh! Masyadong papansin!" "Hayaan mo na kase, yung binabato nga oh hindi nagre-react tapos ikaw diyan wagas!" saad naman ni ate Megan. Biglang sumingit si Azalea sa aming usapan. "Mga ate bakit tinatapunan ni kuya Levi si ate Eris ng bulaklak sa ulo?" Si Izzy ang sumagot "Kase yang si Levi ay may gusto kay Eris kaya siya nagpapapansin ng ganyan kase AYAW SIYANG PANSININ ng ate mo!" sinamahan pa niya ng belat ang mga sinabi niya laban kay Levi. "Eh di ba pag mahal mo ang isang tao hindi mo siya sasaktan?" tanong ulit ng inosenteng si Azalea. Si Levi naman ngayon ang bumanat "Totoo yan Azalea kapag mahal mo ang isang tao ay hindi mo siya sasaktan kaya ko tinatapunan ng rose buds ang ate Eris mo." Napabuga ng hangin si Izzy "Narinig mo yun Eris? Hindi ka daw niya gusto? Pero kung kulitin ka parang nobyo mo" pagpaparinig ni Izzy. "Izzy tama na please... nasa simbahan tayo" saway ko sa pinsan ko. "Haaayyy... halika na nga! sa labas muna tayo at ng makalanghap naman tayo ng SARIWANG hangin!" sabi ni Izzy sabay hila sa akin palabas ng simbahan. Nagsunuran naman ang mga pinsan ko at ang naiwan lang ay ang dalawang may sariling mundo at naglalaro pa rin sa cellphone na sina Azalea at Ulysses. Sa labas ng simbahan... "Grabe na talaga yang Levi na yan nakakapanggalaiti! Grrrrr!!! Nakakagigil! Kung hindi lang siya successor ng mafia nakeerrrrr!!!" Gigil na gigil na sa galit si Izzy. "Hindi ko kinaya ang ugali ni Mr Gangster grabe! Okay lang naman kung he make papansin to you always pero yung deny to the max naman siya sa feelings niya sayo naku yun ang sobrang nakakainis!" sabi naman ni Phoebe. "Alam niyo may naisip akong paraan para gantihan yang Levi na yan" sabi ng kapatid kong si Megan. "Ano?" koro naming tatlo nina Izzy at Phoebe. Binulong sa amin ni ate Megan ang plano niya. "OMG! Sino naman ang kukunin nating right guy for the job?" tanong ni Izzy matapos niyang malaman ang binabalak ni ate Megan. Biglang sumulpot si Ulysses sa aming likuran. "Girls, tawag na kayo ng lolo niyo." "Ayan! Si kuya Ulysses na lang!" turo ni Izzy sa bagong dating na si Ulysses. "Anong ako na lang?" nagatatakang turo ni Ulysses sa kanyang sarili. "A-ano?! Bakit siya?" Bulalas ni Phoebe. "Hindi ka naman magagalit Phoebe di bah kung hiramin muna sandali ni Eris si Ulysses?" nagpa-beautiful eyes pa si Izzy para lang makumbinsi si Phoebe. "Magagalit? Bakit ako magagalit noh?" Umirap si Phoebe. "Teka-teka bakit ba ako nasali sa usapan ha?" nagtatakang tanong ni Ulysses. Masayang hinila nina Megan at Izzy palapit sa amin si Ulysses at para kaming basketball team habang pinaplano ang mga gagawin namin na... OPERATION LEVI! Mula sa simbahan ay lumipat naman kami sa ibang venue para tingnan naman ang reception area at doon na kami nagsabog ng kalokohan habang nakabuntot pa rin sa amin ang mga mafia at si Levi. "Sayang Eris noh, biruin mo ikaw sana ang ikakasal kay Dylan Ocampo next week... para sayo sana ang event na darating..." nalulungkot na sabi ni ate Megan. "O nga... tuloy na tuloy na sana yun kung wala lang talagang gangster diyan na paasa kay ate Eris eh wala naman palang gusto!" pagpaparinig ulit ni Izzy kay Levi na nakaupo pa rin sa di kalayuan. Siniko ko na lang si Izzy upang tumahimik na. "Hmmm... pero kahit ganon, subukan mo pa rin kayang sumayaw dito sa gitna Eris?" suhestiyon ni ate Megan. "A-ano? Wala sa usapan ito ah!" reklamo ko. "Sige na! Habang maaga pa ay magpraktis ka nang sumayaw kasi baka gumawa ka na naman ng eksena sa kasal ni ate Ira at matalisod ka na naman." pangungumbinsi pa rin nina ate Megan at Izzy. "Ayoko wala naman akong partner eh..." "Pwede ba naman yun? Andiyan si Ulysses oh..." sabi ni Izzy sabay turo kay Ulysses. Nagsimula na kaming i-cheer ng mga pinsan ko. ULYSSES! ULYSSES! ULYSSES! ULYSSES! ULYSSES! ULYSSES! ULYSSES! ULYSSES!!! CLAP! CLAP! ERIS! ERIS! ERIS! ERIS! ERIS! ERIS! ERIS! ERIS! ERIS! ERIS! ERIS! ERIS! ERIS! ERIS!!! CLAP! CLAP! ERISSES! ERISSES! ERISSES! ERISSES! ERISSES! ERISSES! ERISSES! ERISSES! ERISSES! ERISSES!!! Kinilig lahat ng buto ko ng nakangisi na tumayo si Ulysses at naglakad palapit sa akin. Yumukod siya at parang nagpupugay sa isang prinsesa at nagwari sa akin na... "Can I have this dance?" sabi niya sa malamig na boses at namumungay na mata. AAAAAAAAHHHHHHHHHHHHH!!!! Kinilig din lahat ng buto ng mga nakikinood sa amin. Nagsigawan ang magugulo kong pinsan sa tabi at kinakalampag ang mga upuan sa sobrang kilig nila sa amin ni Ulysses. Ewan ko lang kung lahat ba ay kinilig baka ang iba ay nagseselos lang sa tabi... malay natin. -----Phoebe Imperial's POV---- Ang mokong? Talagang kinareer niya ha, ang lakas ng dating niya at ang mga ngiti niya abot tenga pa! Akala ko ba magpapanggap lang? Bakit parang masyado naman yatang totoo itong mga nakikita ko? ----Levi Moldovan's POV----- ERISSES? Di-hamak na mas maganda naman pakinggan ang LEVIS kesa dun noh?! T-teka... ano ba itong nangyayari sa akin? Bakit ba ako nakikipag-compete dun sa lalakeng iyon eh may girlfriend na akong tao! Inalis ko sa isip ko ang mga yun at umarte pa ring walang pakealam. -----Eris Imperial's POV---- Dinala na ako ni Ulysses sa gitna ng dance floor at ang poise niya bongga! Siya na talaga ang kuya ng bayan, grabe nararamdaman ko talaga ang caring niya sa paraan ng paghawak niya. Isa siyang makulit na gentleman, basta! hindi ko maipaliwanag ang character niya na masyadong iba sa serious type na si Levi. Haaayyy... Levi na naman, walang minuto na hindi ko siya naiisip! Lalanggamin na yata kami sa ka-sweetan dahil hindi pa nakuntento si Ulysses na magkahawak kamay kami at sumasayaw sa gitna dahil yumuko pa siya at pinagdikit ang mga noo namin. "Gusto ko lang linawin na ginagawa ko to para pagselosin si Phoebe..." halos pabulong niyang sabi. Bumungisngis ako matapos marinig ang mga sinabi niya "Hihihi... Pareho lang naman tayo, ginagawa ko rin to dahil kay Levi." Pareho kaming napapabungisngis kaya siguro sa point of view ng mga nanonood sa amin ay iisipin nilang may understanding na kami ni Ulysses pero ang totoo ay wala naman talaga. Hiyang lang talaga kami sa isa't-isa dahil nga sa halos sabay kaming lumaki sa Imperial Palace.   -----Izzy Imperial's POV---- Hindi ko napigilang tanungin si ate Megan, bilang isa siya sa pinaka-matanda sa amin at sa edad niyang eighteen ay marami na siyang naging boyfriend kaya marami na siyang experience sa pag-ibig. "Ate, sa tingin mo... pano natin malalaman kung sino sa mga nanonood dito kina Eris at Ulysses ang magseselos?" "Hmmm... kung babae, siguradong magwa-walk out yan..." "Walk-out?" naghanap ako ng babaeng magwa-walk-out pero mukhang wala naman akong nakitang ganun. "Ay teka, asan kaya si Phoebe?" pansin ko lang na kulang na kami. "Huh?" nagpalinga-linga si ate Megan sa paligid at saka siya tumawa. Nakitawa na rin ako "Baka nag walk-out nga... hahaha" Nag-apiran kaming dalawa ni ate Megan. "Eh kung lalake ate Megan, anong madalas gawin ng nagseselos na lalake sa ganitong sitwasyon?" Humarap si ate Megan at nagsalita ng nakakatakot "Hindi maganda... kasi ang lalake kapag nagselos talagang rumble ang magaganap." Nasapo ko ang bibig ko dahil sa mga sinabi ni ate Megan... "Talaga ate..?" Ilang saglit pa ay may biglang tumilapon na upuan malapit sa amin kaya napatingin kami sa taong sumipa nun... si ... si Levi? "Ikaw na talaga ate Megan!" bulalas ko. Tumayo si Levi at hinila si ate Eris palayo kay Ulysses at ng magtangkang pumalag si Ulysses ay isang malakas na suntok ang binigay ni Levi sa kanya. Di hamak na mas matangkad si Ulysses kay Levi pero ang mapatumba siya nito? Siguradong malalim ang pinaghuhugutan ng denial na gangster at plus factor na din siguro ang pagiging mafia niya. Naawa talaga ako kay kuya Ulysses, talagang sapul siya sa mukha! At dahil nalugmok siya ay nagtagumpay si Levi na mahila si Eris palabas ng reception area. Kahit kami ay nagulat at hindi agad nakapag-react kaya wala kaming nagawa ng tangayin ni Levi ang pinsan naming si Eris. -----Eris Imperial's POV----- "Levi ano ba! Bitawan mo ko sabi!" nagpupumiglas ako sa mahigpit na hawak niya. "Bakit ka pumapayag landiin ng lalakeng iyon ha?" nakakunot-noong tanong niya sa akin. "Bakit ka ba nagseselos ng ganyan ha?!" bulyaw ko sa kaniya. "Ako? Nagseselos? Tsk! May girlfriend na ako para sa kaalaman mo!" bigla niyang nasabi na sa tingin ko ay agad din naman niyang pinagsisihan ng maibulgar niya. "A-ano? Sinagot ka na ni Danna? Kelan pa?" tanong ko sa kaniya. "K-kanina lang, bago ako pumunta dito kaya nga gusto sana kitang kausapin kanina kaso bantay sarado ka ng mga pinsan mo. Ayokong isipin mo na napaka-insensitive ko pero sa tingin ko ay hindi maganda na sa iba mo pa ito malaman." So... kaya pala siya nagpapapansin kanina kasi may gusto lang siyang sabihin. "Eh ikaw, kayo na ba?" biglang tanong sa akin ni Levi. "Hindi eh..." tipid kong sagot. "Bakit?" tanong niya ulit. "May girlfriend na kasi siya..." "Kelan pa?" "Kanina lang..." Napasipa sa hangin si Levi. "Sabi ko na nga ba! Si Phoebe noh? Kaya ko nga sinuntok yung gago na yun kanina eh kasi alam ko na niloloko ka lang niya... para namang hindi ko siya nakikita sa paligid ng Imperial Palace at nagmamasid kay Phoebe. Alam kong may gusto na siya sa pinsan mo tapos lumalandi pa sayo." Hindi ko napigilang maiyak sa mga pinagsasabi ni Levi. "Alam mo ang manhid mo..." di ko napigilang isatinig. Napabuga siya ng hangin "A-ako pa talaga itong tinatawag mong manhid? Eh ikaw kaya itong hindi makaintindi na walang gusto sayo yung Ulysses na yun!" "Alam mo Levi... kung makakapili lang ako ng taong mamahalin? Siguradong hindi ikaw ang pipiliin ko!" Hinawi ko siya upang makadaan ako sa harapan niya at nagtatakbo ako palabas ng building. Nakakita ako ng taxi at napilitan akong sumakay doon basa't makalayo lang ako mula kay Levi. Habang nakasakay sa taxi ay naisip ko ang mga napag-usapan namin kanina and how could he not get it? Hindi ko akalaing mas tanga pa siya sa akin. "Kayo na ni Danna Lou? Kelan pa?" "Kanina lang... eh ikaw, kayo na ba?" "Hindi pa eh..." "Bakit?" "May girlfriend na kasi siya..." "Kelan pa?" "Kanina lang..." End of Flashback>> Biglang tumunog ang isang kanta at nagnilay-nilay ako sa mensahe nung awitin sa radio na pinatutugtog ni manong driver. Kaya pasensya na kung may pagtingin na ako sa iyo Di mapigilan bulong ng damdamin Isisigaw ko para mapansin mo... ♪♫♪♫ Pero kahit siguro isigaw ko pa sa pagmumukha niya ang nararamdaman ko ay hindi pa rin niya maiintindihan dahil hindi lang siya manhid kundi tanga pa. Naniniwala akong mas tanga pa siya sa akin kasi nasa harapan na niya ako, pero binabalewala pa rin niya.   #ImperialLadies      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD