-----Phoebe Imperial's POV-----
Matapos ang mga nasaksihan ko sa pinsan kong si Eris at Ulysses ay nagpasya akong mag-walk-out ng tahimik mula sa reception area. Nagmukmok ako sa loob ng limousine at hinanap ang aking Teddy.
Matapos kong makita si Teddy ay agad ko itong niyakap ng mahigpit at isinumbong na naman sa kaniya ang isang bagay na nahihiya kong sabihin sa kapatid at mga pinsan ko.
"Teddy... nakakainis... bakit ako nagseselos sa kanila? Teddy bakit ako nakakaramdam ng ganito? Could it be na naiinlove na talaga ako sa anak ng alalay na yun? Teddy ayoko... ayoko siyang mahalin... anong gagawin ko teddy... kahit ubod siya ng gwapo ay ayoko pa rin sa kaniya..." lalo ko pang sinubsob sa teddy bear ko ang aking mukha.
Talagang nahihiya akong malaman na naiinlove ako sa anak ng isa lamang alalay. Hindi kasi ito ang pinangarap kong love story. Bata pa lang ako ay mahilig na ako sa fairy tales at nangangarap akong makahanap ng prinsipe sa totoong buhay.
Nakarinig ako ng sunod-sunod na katok sa wind-shield at nang tingnan ko ay nakita ko ang mukha ni Ulysses na nagpapakyut mula sa labas. Nakanguso siya at nagpapaawa sa akin na pagbuksan ko siya ng bintana.
"Tinted tong bintana ah... dapat ako lang ang nakakakita sa kaniya kaya pano niya nalamang nandito ako sa loob at dito ako nakaupo?"
Binaba ko ang wind-shield at mas nakita ko ng malinaw ang gwapo niyang mukha ngunit napansin kong may sugat ang labi niya.
"Anong nangyari sa labi mo? Bakit yan dumudugo?"
He pouted his lips even more para mas magmukha siyang kaawa-awa. "Sinuntok ako ni Levi..." parang bata niyang sumbong.
"A-ano?"
Tumango-tango siya na parang bata. Kung kumilos siya ngayon ay parang isang nagpapakyut sa amo na tuta.
Hindi ko maitago ang pag-aalala sa kaniya kaya agad kong binuksan ang pintuan ng kotse upang papasukin siya. Umusog ako ng konti at tumabi na rin siya sa akin.
Inutusan ko ang driver na bumili ng bulak, alcohol at band-aid kaya naiwan kaming dalawa ni Ulysses sa kotse.
"Haaay... bakit naman kaya ang tagal ni manong na bumalik eh nasa tapat lang naman ang botika" reklamo ko makalipas ang ilang sandali.
"Baka marami pang customer..."
"Masakit pa rin ba Ulysses?"
Tumatango-tango siya at naka-pout pa rin at talagang nagpapaawa. "Sinuntok niya ako sa mukha at pinagsisipa niya ako sa tiyan. Nabalian nga yata ako ng buto eh... araaaayyy..."
"Pano ba yan? Anong gagawin ko?" Nag-aalala kong tanong.
"Hipan mo kaya..." umabot sa tsinito niyang mata ang kanyang mga ngiti.
"Ano? You want me to blow it for you?"
"Araaaayyyy... mahapdi na talaga...." daing niya sabay turo sa namamagang labi.
"Tong taong to oh! Nag-da-damoves ka lang yata eh!"
Umiling siya at nagpapaawa pa rin ang facial expression niya.
Bumuntong hininga muna ako bago ko pinagbigyan ang hiling niya. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at hinipan ng dahan-dahan ang labi niya. Mula sa labi niyang natural ang pagkapula ay tumingin ako sa mga mata niya at nagkasalubong ang mga tingin namin.
Napayuko ulit ako at patuloy pa rin sa paghihip sa labi niya pero hindi pa rin maalis-alis sa isip ko na ang mga mata niya... marahil hanggang sa mga oras na iyon ay sa akin pa rin nakatingin.
Napaatras ako ng tila, gumagalaw siya palapit sa akin. Bago pa man ako makalayo ay pinigilan na niya ako sa batok.
"Ulysses ano ba..."
"Phoe-"
Biglang bumukas ang pintuan sa may driver seat kaya naghiwalay kami ni Ulysses at parehong napatingin sa magkabilang direksyon.
"Miss Phoebe, eto na po" sabay abot sa mga pinabili ko.
"S-salamat manong."
Nagtinginan kami ni Ulysses at parehong nahihiya sa isa't-isa.
Sinimulan ko nang gamutin ang pumutok niyang labi.
"Araaaaayyyy...." pa-O.A. niyang daing.
Hinipan ko ulit yung labi niya. "Wooooffff.... sa susunod kase wag mong masyadong galingan ang pag-arte."
"Para hindi ka magselos?" namimikot ang mga mata niya habang nagtatanong.
"Para hindi ka mabugbog!" diniinan ko ang pagkakalagay ko ng band-aid sa labi niya.
"Aray!"
"Gagawa-gawa ka ng gulo tapos masasaktan ka diyan."
"Kita mo kasing pumutok na diniin mo pa ang daliri mo sa labi ko, buti kung labi mo yung dinidiin mo diyan hindi sana masakit."
"Tumigil ka nga Ulysses! Kilabutan ka naman diyan sa mga sinasabi mo!"
Tinawanan lang niya ako ng nakakaloko.
Habang pinagmamasdan ko siyang tumatawa ay napapaisip ako. "Sino ka ba talaga Ulysses? Bakit ang lapit mo sa mga magulang ko?"
"Bakit, hindi ba pwede?"
"Para kasing mas anak pa ang turing nila sayo kesa sa akin eh."
"Ano ba yang iniisip mo diyan ha? Natutuwa lang ang daddy mo sa akin kase di bah, mahabang panahon din naglingkod ng tapat ang ama ko na si Samuel sa mga Imperial Brothers kaya baka nakikita din nila akong susunod sa mga yapak ng tatay ko."
"Sigurado kang yun lang talaga?" tiningnan ko siya ng nagdududang tingin.
"Oo naman! Kaya kung magiging boyfriend mo ako ay magiging loyal din ako sayo sigurado!" makahulugang sabi ni Ulysses.
"Hmmm... o baka naman anak ka talaga ng mommy ko tapos anak naman ako ni daddy sa ibang babae at balak nila tayong ipakasal para maging iisang pamilya na tayo ha?"
Tumawa ulit siya ng nakakaloko. "Alam mo napapraning ka lang sa mga naririnig mo tungkol sa mga kwento ng buhay ng mga Imperial Brothers."
"Nangyari nga yun kina mommy at daddy di bah, ano pa kaya sa akin?" katwiran ko.
"Hahahaha!!! Ang kyut-kyut mo talaga!" pinisil niya ang magkabilang pisngi ko. "Hindi ganun yun okay?"
"Eh baka naman balak kang ipakasal sa akin ni daddy bilang kabayaran sa paglilingkod ng tapat ng iyong ama?"
"Hahahahah!!! Lalong hindi noh!" saad niya.
"Eh, ano ba kase ang dahilan? Akala mo ba hindi ko napapansin na sa aming lahat na magpipinsan ay sa akin ka laging nakabuntot?!"
"Kung bumuntot naman ako sa iba mo pang pinsan katulad ni Eris eh magseselos ka naman!"
"Hindi Ah!" pagmamaang-maangan ko.
"Eh di sige, hahanapin ko na lang ulit si Eris tapos sa kaniya ako magpapa-kyut!"
Umakto siyang lalabas ng kotse kaya mabilis kong nahila ang laylayan ng t-shirt niya "Ulysses sandali!"
"Kita mo na... ayaw mo pang aminin eh magseselos ka naman kapag lumapit ako dun sa iba."
Naputol ang pag-uusap naming dalawa ng kinatok ulit kami nung driver mula sa labas ng kotse. "Maam Phoebe, isinakay po ang lolo niyo dun sa kabilang kotse, inatake daw po sa puso."
"A-ano? Ang mga pinsan ko asan na sila manong?"
"Nakasakay na po dun sa isa pang kotse" pagbibigay alam nung driver.
"Sige kuya sundan natin sila bilis!"
Pinaharurot na ni manong ang kotse upang masundan namin ang kotseng nagdala kay lolo papuntang ospital.
"Ulysses natatakot ako... baka mapano si lolo."
Pinisil ni Ulysses ang magkabilang kamay ko. "Wag kang mag-alala... magiging mabuti din ang lagay ng lolo mo."
Hindi ko napigilan ang panginginig at ang kabang nararamdaman ko at buti na lang talaga nandiyan si Ulysses upang pakalmahin ako ng mga yakap niya.
"Pano ka nakakasiguro?" naiiyak kong tanong.
"Dahil siya si Zheng Imperial" sagot naman niya.
Tama! Ang lolo ko ang pinaka-nakakainis na tao sa buong mundo kaya malamang matagal talaga siyang mamamatay dahil isa siyang masamang d**o.
Kaya hindi ako dapat mag-alala dahil mabubuhay pa ng matagal ang lolo ko.
#ImperialLadies