-----Eris Imperial's POV----
MyLoves calling...
MyLoves calling...
MyLoves calling...
Sinagot ko ang cellphone ko sa sobrang inis "Levi ano ba? Hindi mo ba talaga ako titigilan ha?"
"Eris, ang lolo mo kasi inatake sa puso kaya sumunod ka agad dito sa ospital!" sabi ng nasa kabilang linya.
"A-ano?"
Pagdating ko sa ospital ay dumiretso ako sa ICU at naabutan ko ang mga pinsan ko na naghihintay sa labas ng Intensive Care Unit.
Sinalubong ako ng yakap nina ate Megan, Phoebe, Izzy at Azalea.
"Anong nangyari kay lolo? A-ako ba ang dahilan?"
Nagsimula na kaming mag-iyakan na magpipinsan.
"Hindi Eris, biglaan ang nangyari. Bigla na lang siyang nanigas nang palabas na kami ng building kanina." Pagbibigay alam sa akin ni ate Megan.
Humihingos din na dumating si ate Ira at galing pa siya sa food tasting para sana sa kasal niya ngunit bago pa man sila magkita doon ng lalakeng pakakasalan niya na si Dylan Ocampo ay kinailangan na niyang pumunta agad sa ospital.
-----Ira Imperial's POV-----
Dylan Ocampo Calling...
Habang hinihintay namin ang mga doktor na lumabas ay tinawagan ako ni Dylan.
"Hello... asan ka na? Akala ko ba magkikita na tayo ngayon dito?" tanong ng nasa kabilang linya.
"Dylan sorry... hindi na kita nahintay kanina dun sa food tasting kasi sinugod si lolo ngayon-ngayon lang sa ospital" napakagat-labi ako ng maalala ko siya.
"Ganun ba? Gusto ko sanang pumunta diyan kaso alam mo naman na kelangan ko pang tumulak ngayon papuntang New York di bah?"
"Sayang talaga... magkakaharap na sana tayong dalawa kanina pero mukhang sa araw na talaga ng kasal tayo pagtatagpuin at yun ay depende kung hindi ma-postponed dahil sa nangyari ngayon kay lolo."
"Sige ipagdarasal ko na bumuti ang lagay ng lolo mo, basta balitaan mo na lang ako diyan kapag may progress na."
"Sige, itetext kita agad as soon as maging okay na ang lolo ko."
"Sige, bye."
Call Ended.
Pagkapatay ko sa cellphone ay hinarap ko ang mga nang-iintrigang mga tingin sa akin ng aking mga pinsan.
"Nakikinig ba kayo sa pag-uusap namin?" tinaasan ko sila ng isang kilay.
Tumango silang lahat.
"You mean to say hindi pa rin kayo nagkikita sa personal?" pang-uusisa ni Izzy.
Ako naman ngayon ang tumango-tango.
"Ayos yun ah... hindi pa nagkita sa personal pero kung mag-usap sa phone parang matagal nang magkakilala ah... callmate lang ang drama?" tanong ni Phoebe na may halong panunukso.
Inismiran ko lang ang pinsan kong si Phoebe.
Lumabas na ang doktor kaya naputol ang pag-uusap namin.
"Ligtas na ang pasyente sa bingit ng kamatayan"
Nakahinga kami ng maluwag dahil sa sinabi ng doktor.
Dumating ang mga tito at tita ko at agad nilang kinontak si tito Arthur na nasa Madrid. Nangako naman itong kukuha agad ng flight pabalik ng Pilipinas.
Kinabukasan...
-----Eris Imperial's POV-----
Dumating ang lola namin na si Lady Helen at matapos kamustahin ang lagay ni lolo ay sinamahan siya pauwi ng Imperial Palace ni Azalea upang sandaling makapagpahinga.
Ako naman ang naatasang magbantay muna kay lolo kasama sina Phoebe, Ulysses at ang bagong dating rin na si Levi. Ngunit wala pa rin kaming kibuang dalawa kahit magkatabi kami ng upuan.
Sunod na dumating ay sina ate Ira, ate Megan at Izzy upang makipagsalitan sa amin ng pagbabantay kay lolo ngunit natambakan na naman kami ng kantiyaw mula kay Izzy.
"Uyyyy... may ULYBE na nga may LEVIS pa! ano to pasiklaban lang ng love team?" kantiyaw sa amin ni Izzy matapos niya kaming maabutang napapagitnaan ng dalawang lalake.
Umirap lang kami pareho ni Phoebe at sarkastikong nagsabi na... "Very funny!"
Ngunit tinawanan lang ulit kami ni Izzy.
Paalis na sana kami ni Phoebe ng dumating si Rue kasama sina tito Arthur at tita Yumi.
"RUE!!!" nagtatalon kaming magpipinsan at sinalubong ng yakap si Rue.
Nagyakapan kami na para bang kay tagal naming di nagkita when in fact ay last month lang mula nung huli siyang dumalaw sa Imperial Palace.
Dumiretso agad sina tito Arthur at tita Yumi sa kwarto ni lolo at naiwan naman kasama namin si Rue at ang isang bata na kasama nila na dumating.
"Sino ang batang iyan?" pang-uusisa ni ate Ira sa batang naka-glasses at pa-boy genius ang image.
"Siya ang pinsan niyo..." matamis ang ngiti ni Rue habang sinasabi yon.
"P-pinsan?" talagang nagulat kaming lahat sa sinabi ni Rue. Pano naman namin naging pinsan yun eh ngayon lang namin siya nakita.
"Oo kapatid ko siya... saka ko na ipapaliwanag, asan muna si Azalea? Kailangan ko siyang makausap agad."
"Kakalabas lang nila ni lola baka maabutan mo pa sila" pagbibigay alam ni ate Megan.
"Sige iiwan ko na muna dito si Light, ate Ira at ate Megan kayo muna ang bahala sa kaniya ha" bilin ni Rue sa batang sinasabi niyang pinsan daw namin?
"Sige, kami nang bahala" koro naming lahat.
Pagkaalis ni Rue ay umupo sa isang tabi ang batang lalake na halos kaedad lang ni Azalea at mas bata lang ng kaunti kay Izzy at hindi kumikibo.
"Aba, suplado..." sabay na bulalas nina Izzy at Phoebe.
"Haaay... baka naman nahihiya lang yung bata kayo naman!" pagtatanggol ni ate Ira sa batang lalake.
Umupo rin si ate Ira sa tabi nung batang lalake at binati niya ito. "helloooo..." kumaway-kaway pa siya sa harapan nung bata.
"Hola! qué tal? Yo me llamo Light Artemi (Hello! How are you? My name is Light Artemi)" sagot nung bata.
"Aray nose-bleed! Espanyol pala ang lenggwahe nito" napaatras si ate Ira.
Tinulak niya si ate Megan palapit sa bata "Ikaw na nga ang kumausap."
"Huh? Bakit ako? Si Eris na lang!" ako naman ang hinila ng kapatid ko palapit dun sa bata.
"Alam nyo naman na kasing-laki lang ng sa isda ang size ng utak ko di bah, kaya wag na ako!" katwiran ko naman.
"Izzy bilis i-google translate mo sa phone mo yung mga sinabi niya." Utos naman ni Phoebe sa kapatid niya.
"Oo na! Sandali lang!" natatarantang sabi ni Izzy.
Biglang nagboluntaryo si Levi na siyang kumausap dun sa bata. Lumuhod pa ito para makapantay ang batang Espanyol.
"Hola! Me llamo Levi (Hello my name is Levi)" sabi ni Levi dun sa bata.
"Mucho gusto Levi (Nice to meet you Levi)" sumagot naman sa kanya yung bata.
Talagang NGA-NGA kaming lahat sa dalawang nag-uusap na sina Levi at yung bata.
"Anong sabi?" di napigilang itanong ni Izzy.
"Nagkamustahan lang kami at ang sabi niya kanina ay Light Artemi daw ang pangalan niya."
"Ohhh... sige, kausapin mo pa siya" utos ni Izzy.
Muling kinausap ni Levi yung bata.
"De dónde eres, Artemi? (Where are you from Artemi?)"
"Soy de Madrid (I'm from Madrid)"
"Vives en un apartamento?(Do you live in an apartment?)"
"No, vivo en una casa con ocho cuartos (No, I live in an 8 room house)"
"Caramba! Tienes una familia grande?(Wow! Do you have a large family?)"
"Sí, y también tenemos cinco baños y un gran patio trasero (Yes, and we also have five bathrooms and a big backyard)"
"Me imagino que tienen una gran sala familiar (I guess you have a big family room)"
"No tanto, pero el comedor y la cocina son enormes (Not much, but the dining room and the kitchen are huge)"
"Me encantaría conocerla (I'd love to see it)"
"Claro! Tenemos un cuarto de visitas y un garage extra (Sure! We have a guest room and an extra garage"
"Hindi rin siya masyadong madaldal na bata ha... sayang nga lang hindi ko siya naiintindihan" Side-comment ni Izzy.
"Hablas tagalog? (do you speak tagalog?)" patuloy sa pagtatanong si Levi.
"Claro, que si. (clearly ofcourse)" sagot nung bata.
Nagulat kami ng biglang tumawa si Levi and this time ay nagsalita na siya ng tagalog. "Kailangan pa ba kitang ipakilala sa kanila isa-isa?"
Umiling ang bata at nagsalita na siyang ikinagulat naming lahat. "Hindi na kailangan, kilala ko na silang lahat."
Napabuga ng hangin sina Izzy at Phoebe. "Grabe, pinadugo pa niya ang mga ilong natin tapos nakakaintindi naman pala siya ng tagalog?!"
"Sige nga, pasikatan mo nga ako..." natatawang sabi ni Levi.
Tinuro kami isa-isa nung bata. "Yung may pinakamatanda na may bangs ay si ate Ira at yung matangkad na payatot ay si ate Megan, yung isip bata na palaging may bitbit na stuff toy na may mahaba at pulang buhok ay si ate Phoebe, yung pandak naman na may maliit na buhok ay si ate Izzy at panghuli yung may maitim at straight na buhok na may maliit na utak ay si ate Eris."
"GRABE! Talagang may halong panlalait ang paraan ng pag-describe mo sa amin ha!" reklamo ni Izzy.
Inawat naman siya ni ate Ira ng muntik na niyang batukan si Light. "Izzy... easy lang... Izzyyy lang... bata yan eh."
"Nakakainis kasi eh!" nanggagalaiti na reklamo ni Izzy.
"Puede ayudarme? (Can you help me?)" kausap ulit ni Levi dun sa bata.
"Sí(Yes)" sagot nito.
"Tell your ate Eris siento mucho herir tus sentimientos..."
Tumango-tango lang ang bata.
"Hasta luego (See you later)" -Levi
"Hasta luego (See you later)" -Artemi
Nang makaalis na si Levi ay biglang lumapit sa akin yung bata at nagsumbong. "Sabi ni kuya Levi kanina siento mucho herir tus sentimientos"
"Na ang ibig sabihin ay...?" naiinip kong tanong dun sa bata.
"I'm very sorry for hurting your feelings..."
Isang nalulungkot na "Ahhhh...." Ang sabay-sabay na binitawan ng mga pinsan ko at pati si Ulysses ay nakiki-ahhhh na rin.
Napatingin ako sa direksyon ng dinaanan ni Levi at kahit papano ay napangiti ako sa mga sinabi niya.
#ImperialLadies