Chapter 7 -- The Imperial Flower is a Man Hater

1727 Words
  -----Arthur Imperial's POV----- "Hindi ko akalaing magagawa niyong itago sa akin ang apo ko ng napakahabang panahon!" sigaw sa amin ng aking ama na si Zheng Imperial. "Hindi rin naman namin inakala noon na kukuha kayo ng surrogate mom para magka-apo kayo dad" ang asawa kong si Yumi ang sumagot sa aking ama. "Sangayon ako kay Yumi dad, kung hindi dahil sa ginawa niyo noon ay hindi sana lalaking walang magulang si Azalea." "Kung ipinanganak ba naman siyang lalake eh di sana ako mismo ang tumayong magulang niya!" katwiran sa amin ni daddy. Biglang sumulpot sa aming likuran ang aking ina na si Lady Helen at yakap-yakap niya sa kanyang tabi ang batang si Azalea. Mukhang narinig nila ang lahat ng napag-usapan naming tatlo kanina. "Bakit ba napaka-walang puso mo Zheng?!" sumbat naman ng aking ina sa aking ama. Talagang ipagtatanggol niya si Azalae dahil ito ang pinaka-paborito niyang apo. "Kung wala pa akong puso Helen, sana hinayaan ko na lang iyang si Azalea na magutom sa lansangan!" nagpupumilit ang aking ama na bumangon. Bumitaw ang kawawang si Azalea at nagtatakbo palabas ng kwarto. Humakbang ako upang sundan ang anak ko ng pigilan ako ng aking asawa na si Yumi. "Saan ka pupunta Arthur?" "Yumi nakikiusap ako sayo, for 11 years sinunod kita at sumama ako sa inyo sa Madrid kaya hayaan mo naman sana akong makasama ng bata kahit ngayon lang." Bumitaw sa akin ang aking asawa. "Sige na puntahan mo na siya dahil magmumukha naman akong masama kung pipigilan kita."   Agad akong lumabas upang hanapin si Azalea at natagpuan ko siyang kinakausap ng kapatid kong si Crystal sa may lobby kaya nagkubli muna ako malapit sa kanila. "Tahan na Azalea... naiintindihan ko ang nararamdaman mo ngayon." Alo ng kapatid ko sa aking anak. "Pano niyo naman po ako maiintindihan tita eh hindi naman kayo lumaking walang magulang." "Parang ganun na rin yun eh, kasi ibang ama ang nagpalaki sa akin. Kase yung tunay kong ama na si lolo Zheng mo ay pinili ang asawa niyang si Lady Helen at ang anak nitong si Alexander kesa sa amin ng mama ko." "Kaya naman pala, like father like son" may bitterness sa pahayag ng anak ko. "Azalea... balang araw kapag lumaki ka na at nagkaroon ng sariling pamilya ay maiintindihan mo rin kung bakit mas pinili ng daddy mo ang pamilya niya at kung bakit hindi ka pwedeng maging bahagi nito." -Crystal "Alam ko naman yun tita eh, kaya nga ako umalis doon kasi hindi naman ako bahagi ng pamilya nila."   -----Azalea Imperial's POV----- Biglang may umubo sa isang sulok at ilang sandali pa ay nagpakita na sa amin ang aking ama. "Ate, pwede ko bang kausapin muna ang anak ko?" Tumango si tita Crystal at iniwan na kami ni ama. Umupo si daddy sa tabi ko at hindi agad nakapagsalita. Ehem!(clear throat) "Azalea anak-" "Tito Arthur bakit po kayo nandito?" putol ko sa sasabihin niya. Mukhang ikinagulat niya ang pagtawag ko sa kaniya ng tito. "Azalea anak kita alam mo yan." "Baka nagkakamali lang po kayo tito, hindi niyo po ako anak... sina Rue lang at Light Artemi ang anak niyo." Pilit akong pinapaharap ni daddy sa kanya. "Azalea... alam mong anak kita." Nagsimula nang maglandas ang mga luha sa aking mukha. "Hindi kita ama! Wala akong ama! Isa lamang akong failed experiment di bah? Wala akong pinagmulan!" "Anak... patawarin mo na si daddy." Nagsusumamo na sabi ng aking ama. "Hindi nga kita ama eh! Kasi kung totoong ama kita, hindi mo ko matitiis na hindi makita ng 11 years! Daddy... asan ka tuwing birthday ko? Asan ka tuwing pasko at bagong taon? Asan ka sa tuwing nagkaka-award ako sa school?! Alam mo bang sina ate Ira at ate Megan lang ang madalas umakyat sa stage upang sabitan ako ng medalya? Kaya pano kita magiging ama? Kung kahit isang beses hindi kita naramdaman bilang ama! Nung nagkasakit ako ng dengue asan ka? Tumitirik na halos ang mata ko noon pero hindi ka dumating!" pinagsusuntok ko siya ng mahina sa dibdib. "Anak sinubukan kong pumunta pero hindi ako makakuha ng flight dahil sa bagyo at nung okay na yung panahon ay sinabi nila na okay na daw ang kalagayan mo kaya hindi na ako tumuloy." "So kung namatay pala ako noon darating ka?" "Anak hindi ganun yun..." "Ganun yun... at wag mong sasabihin sa akin na umuwi ka ngayon dito para sa akin dahil hindi ako maniniwala! Umuwi ka dahil kay lolo at hindi dahil gusto mo nang maging ama ko!" "Anak... nagpapadala naman ako palagi ng regalo tuwing kaarawan mo... hindi mo ba natatanggap?" "Regalo? Sorry ha, ang turo kasi sa akin ng mga ate ko never talk to strangers eh kaya hindi din ako tumatanggap ng mga regalo mula sa mga di ko kakilala. Kaya hanapin mo na lang ang mga sinasabi mong regalo dun sa bodega sa Imperial Palace, baka nakatambak lang ang mga yun doon kasama ng mga anonymous senders ko." Biglang natahimik ang aking ama at tumutulo na rin ang mga luha niya pero hindi ko magawang maawa sa kaniya dahil hanggang ngayon, galit lamang ang tanging nararamdaman ko para sa aking estranged father. "11 years... hindi ka nagpakita sa akin kaya anong aasahan mong sasabihin ko? Na ayos lang ako? Na hindi kita na-miss kahit isang minuto? Na hindi kita kailangan?!" "Naiintindihan ko kung bakit ganyan na lang ang galit mo sa akin anak... kaya hindi na kita pipilitin na patawarin ako at kilalanin mo pa akong ama, pero sana... sana dumating ang araw na mahahanap mo sa puso mo ang pagpapatawad sa akin." Tumayo si daddy at naglakad palayo. I wanted so much to hug him pero pano ko gagawin yun? Wala akong lakas ng loob para gawin yun... hindi ko kayang kalimutan lahat ng pagkukulang niya. He never was a father to me, mas tinuring ko pa ngang ama sina tito Kelvin at tito Alexander eh. Pero dumating din naman ako sa point na hiniling ko na sana may sarili talaga akong ama at hindi yung nakiki-amot ako sa konting pagmamahal na naibibigay ng ama ng mga pinsan ko sa akin. Isa pa... hindi naman talaga niya ako kailangan kasi nandiyan na sina ate Rue at Light Artemi na mga anak niya sa kaniyang asawa na si tita Yumi. Batid ko din ang pagka-disgusto sa akin ng asawa niya, kaya nga hindi nila ako sinama sa Madrid eh. Isa na silang pamilya... isang masayang pamilya kaya hindi na ako dapat makisawsaw sa kanila. Umiiyak ako nang biglang may huminto sa harapan ko at dahil nakayuko ako ay paa lang ng dumating ang nakita ko. Nang sundan ko ng tingin pataas sa mukha ng taong kaharap ko ay nalaman ko na si ate Rue pala yun. Agad niya akong niyakap at katulad ng dati... kahit ayaw ko siyang yakapin noon, she always extend her long arms to comfort me. Nararamdaman ko ang mainit na likido na tumatagaktak sa may bunbunan ko at mula yun kay ate Rue. Gumanti ako ng yakap sa bewang niya at sinubsob pa lalo ang mukha ko sa may puson niya. "Nakakalungkot isipin na, upang maging buo ang pamilya namin ay kailangan namang mawasak ang sayo. Same lines from tita Crystal ayon nga mismo sa mga kwento-kwento tungkol sa mga pinagmulan natin." "History repeats itself nga lang daw ate eh... nakakainis lang na sa akin pa nangyari." "Kaya nga Azalea... hindi ko ma-imagine kung ako yung nasa kalagayan mo... baka hindi ko rin kinaya." "Ate Rue, sana hindi na lang nagpakita sa akin ang ama mo... hindi ko naman siya kailangan eh..." "Hindi kita masisisi kung magalit ka sa daddy natin pero sana... katulad ng hindi mo pagdamay sa akin sa iyong galit... sana tanggapin mo rin si Light Artemi bilang bunso mong kapatid. Kase alam mo, gustong-gusto ka na niyang makita... nananabik na siya sayo..." "Ate... okay lang ba talaga na maging ate ako sa kaniya?" "Oo naman... bakit hindi? Mabait at matalinong bata si Artemi at kahit bata pa siya ay naiintindihan na niya ang sitwasyon nating lahat." "Eh ang mommy mo... baka pagbawalan niya na lumapit sa akin si Artemi." "Hinde, hindi ganun si mommy... nagseselos lang siya sa atensiyon na maaaring ibigay ni daddy sayo kaya niya ito pinagbabawalang makita ka pero maniwala ka hindi talaga masamang tao ang mommy ko. Balang araw matatanggap ka rin niya sa aming pamilya... kaya wag ka nang umiyak diyan dahil nandito naman si ate." Tumango ako kay ate Rue at muling humagulgol ng malakas. Binuhos ko na lahat ng luha ko kase ayoko nang ulitin ulit ang pag-iyak ng ganito. Ito na ang huling beses na iiyak ako para sa isang napaka-walang kwentang bagay. Kahit si tita Yumi o si daddy pa, hindi na ako magpapaapekto sa kanila. Magiging matapang ako at hindi ko hahayaan ang sino mang tao lalo na ang mga lalake na manakit sa akin. Noon ako nagdesissyon na paputulan ang buhok ko at magbihis lalake ako. Kahit pa magalit si lolo o ang aking ama ay wala na akong pakealam... mabubuhay ako sa mundo at patutunayan ko na hindi ko kailangan ng lalake! Kaya ng sa wakas ay nagkita na kami ng aking half-brother na si Light Artemi ay hindi niya ako nakilala. "Ate Rue, sino siya? Hindi ko yata siya nakita sa mga pictures na binigay mo ah." Humalakhak si Rue habang nagpapaliwanag. "Siya si ate Azalea mo LA kaya batiin mo siya." "Mucho gusto Ate Azalea. (Nice to meet you ate Azalea.)" Yumukod naman ako sa batang kapatid ko. Lumapit siya at yumakap sa akin at may takot akong naramdaman, takot... kasi kaka-deklara ko lang ng pagiging man-hater ko ngunit hindi ko maramdaman sa puso ko na galit ako sa kaniya. Sadyang matalino nga yata ang half-brother kong si Artemi dahil marami siyang alam tungkol sa mga bulaklak. Ayon sa kaniya, azalea flower symbolizes self recognition and caring for yourself at siya ang nagbigay ng kaalaman sa akin na ang paglalagay daw ng bulaklak na azalea sa itim na vase ay nangangahulugang nagbabanta sa buhay ng pagbibigyan nito. Kaya mula noon, nakagawian ko nang mag-alaga ng bulaklak ng Azalea at nilalagay yun sa itim na vase symbolizing my death threats to all man. Kaya sa oras na may lalakeng magtangkang manakit sa akin siguradong padadalhan ko siya ng bulaklak ng azalea na nakalagay sa itim na vase!   #ImperialLadies                          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD