Chapter 8 -- Strings and Tensions

1538 Words
  ------Eris Imperial's POV----- "Eris, may bisita ka..." tawag sa akin ni ate Megan habang nagpapahinga ako sa kwarto ko kasama ni Izzy. "Sino daw ate?" "Danna Lou daw ang pangalan niya, siya pala yun? Ang gandang babae tsk2x! parang anghel ang itsura... parang di mabasagan ng pinggan sa sobrang kabaitan. Kung pagandahan ang labanan siguradong kakabugin ka nun ng bonggang-bongga at lalo na siguro sa patalinuhan... hahahaha!!!" kantiyaw ni ate Megan. Hindi ko siya pinansin at dinaanan ko lang siya. "Huuuuyyy... joke lang Eris, hindi ka naman madaling mapikon ah kaya bakit ka ganyan?" Hindi ko pa rin siya kinausap at nagtuloy-tuloy ako sa sala kung saan naroroon ang kaibigan kong si Danna. "Oh Danna, napasugod ka?" Tumayo siya mula sa upuan. "Magpapaalam lang sana ako sayo Eris..." "Ba-bakit? Saan ka pupunta?" "Sa Amerika na ako titira, doon sa aking ina." "P-pano si Levi?" Ginagap ni Danna ang magkabilang kamay ko. "Eris, ilihim mo muna ito kay Levi ha... alam mo naman na may kompetisyon siya bukas baka hindi siya tumuloy sa India mamaya." "Bakit, kelan ba ang flight mo?" "Dideretso na ako sa airport mula dito." "Danna naman... baka magalit si Levi kapag nilihim ko sa kaniya ang pag-alis mo." Nag-aalala kong turan. "Sasabihin mo rin naman sa kanya eh kapag natapos na ang laro niya." Napakamot ako sa batok kaya napatawa si Danna. "Natatakot ka ba talaga kay Levi? Alam mo, gangster nga yun pero harmless naman siya sa atin eh." Humagikhik ng husto ang kaibigan ko. "Oo na... basta sumulat ka agad ha para hindi siya malungkot" bilin ko sa kaniya. "Oo naman! Siyempre!" lumapad ang ngiti niya. Bandang hapon ay si Levi naman ang bumisita sa akin at naabutan niya akong nag-rerelax sa home theater kasama ang mga pinsan kong sina Izzy, Phoebe at ang kaibigan naming si Ulysses. "Uy! Una yung syota tapos yung kabiyak naman ngayon ang dumalaw sayo Eris" saad ni Izzy. Nasiko ko si Izzy dahil sa kadaldalan niya. "Nanggaling dito si Danna Lou?" tanong tuloy ni Levi. "Ah... kuwan... oo... sayang di mo naabutan..." nahihilaw kong sabi. "Sayang nga... eh bakit daw? Anong sadya niya sayo?" nang-uusisang tanong ni Levi. "Ha? Wala naman! Nagpunta lang siya para kamustahin ka." "Manonood ba daw siya bukas sa live telecast?" "Ahmmm... oo... yun pa! She never missed any of your competition di bah?" Lumapad ang ngiti ni Levi dahil sa mga sinabi ko. "Gagalingan ko talaga bukas! Wala ba siyang pinapasabi sa akin?" "Pinapasabi...? Kuwan... ano..." "Galingan mo daw..." si Izzy ang nagbigay ng idea. "Oo! Yun ang sabi niya... galingan mo daw" pag-uulit ko naman. "Sabi din niya na I love you daw!" dugtong naman ni Phoebe. Napatingin ako kay Phoebe ng nagtatakang tingin pero hinayaan ko na lang. "Sinabi niya talaga yun?" nasisiyahang tanong ni Levi. "Ahmm... oo... sabi niya... I – I-Lo-ve You..." nag-aalangan kong sabi. "JOKE lang! Hindi talaga yun sinabi ni Danna Lou" Biglang bawi ni Phoebe. Pinanlakihan ko ng mata ang mga pinsan ko pero hindi pa rin sila tumigil sa pagpapahamak sa akin. "Oo Levi maniwala ka hindi talaga yun sinabi ni Danna. Si Eris lang talaga ang nagsabi nun sayo." Si Izzy naman ngayon ang nagsalita. "Sino ba talagang paniniwalaan ko sa inyo ha?" nalilitong tanong ni Levi. "Ako!" koro naming tatlo. "Alam mo Levi, sa akin ka maniwala kasi ako naman yung kaibigan mo di bah?" sabi ko sabay irap sa mga pinsan kong pasaway. "Eh dalawa naman kami tapos nag-iisa ka lang! So sino ngayon ang sinungaling?" katwiran nina Izzy at Phoebe. Tumawa lang si Levi. "Ano ulit yun Eris? Pwede mo bang sabihin ulit sa akin ang mga sinabi ni Danna?" "Sabi ni Danna g-good luck! Sayo Levi..." parang mabibilaukan kong sabi. "Hindi yan, yung isa pa?" nanunuksong tanong ni Levi. "Sa-sabi niya I-I-Love you daw" halos hindi ako makatingin sa mga mata niya kasi hindi naman talaga yun nanggaling kay Danna kaya ang lagay eh parang nanggaling talaga yun sa akin. "A-ano? Di ko masyadong narinig eh! Linawan mo naman ang pagsasalita mo diyan Eris." "I-I-Love you daw!" "Pwedeng alisin yung daw?" "Pinaglalaruan mo naman ako eh! Porke't alam mong gusto kita palagi mo na lang akong pinaglalaruan!" Umingos ako sa kaniya habang tawa naman siya ng tawa. "Ano ba? Manonood pa ba kami ng movie o kayo na lang ang papanoorin namin diyan? Doon nga kayo sa labas! Istorbo eh!" saway sa amin ni Izzy na concentrate na ngayong nanonood kina Edward at Bella ng Twilight Saga. Hinapit ako ni Levi sa bewang at hinila palabas ng home theater. "Oo aalis na po!" Nagpatuloy kami sa pag-uusap sa labas ng home theater. "Aalis na ako patungong India ngayon kase doon gaganapin ang championship" pamamaalam niya. "Sige good luck!" binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti. "Good luck at...?" "Nakakainis ka talaga Levi! Isa na lang talaga!" pinanlakihan ko siya ng mata. "Oo na... di ka naman mabiro eh!" tumawa siya ng nakakaloko. Palibhasa alam niyang may gusto ako sa kaniya eh kaya pati siya nanunukso na rin at mas malala pa siya sa mga pinsan ko ha! Grabe! Naglakad na si Levi palayo at ng makailang hakbang na siya ay muli siyang tumingin sa akin at nagwari na "Bukas, tumugtog ka ulit habang naglalaro ako ha... alam mo namang ikaw ang lucky charm ko di bah?" He even winked on me kaya kinilig na naman ang buto ko. Kinabukasan... "Magsisimula na ang game!" Nananabik na sabi ng mga pinsan ko at pati si Artemi ay nakilinya na rin ng upo sa amin habang inaabangan ang live telecast ng world archery competition na ginanap sa India. Napatingin ako sa hawak-hawak kong violin at tumayo na ako upang magtungo sa music room. "Ate Eris, saan ka pupunta? Magsisimula na ang laro oh! Hindi mo ba panonoorin ang boyfriend mo?" Inosenteng tanong ni Artemi. Si Rue ang nagpaliwanag. "Alam mo LA, hindi nobyo ni ate Eris mo si kuya Levi... sadyang close lang talaga sila." "Kaya ba hindi siya manonood?" Si Izzy naman ngayon ang nagpaliwanag. "Alam mo LA, kailangang pumunta ni ate Eris mo sa music room..." "Bakit?" tanong ulit ni LA. Tawa ng tawa si Izzy at tila nahihirapang magsalita. "Kase... hahaha... kase... nagdadasal doon si ate Eris mo, alam mo yung voodoo dolls? Gumagawa siya ng chant para manalo si Levi... hahahaha... kinukulam niya yung mga kalaban ni kuya Levi mo... hahahaha..." Hindi ko na lang pinansin ang pinsan kong si Izzy at nagtuloy-tuloy pa rin ako sa music room. Napansin ko na sinusundan ako ng pinsan kong si Light Artemi at tila curios talaga siya kung gagawa ba ako ng chant. Hahaha... kaya hinayaan ko na lang siya na sundan ako at nagkunwari akong hindi ko siya napansin. Tinapon ni Levi ang bow and arrow niya sa damuhan kasi napikon siya ng hindi siya nakaka-tama sa target niya. "Ikaw naman kasi, mainitin masyado ang ulo mo! Subukan mo kayang mag-relax?" "Pano ako mag-rerelax eh hindi nga ako makatama sa target eh!" napipikon niyang turan. "Pansin ko lang Levi, pareho tayong mahilig sa may string noh?" "Haaay... anong big deal doon?" Humiga siya sa damuhan at tinatamad na mag-praktis. "May string yung bow mo at may string din ang violin ko at pareho tayong umaasa sa tension... ikaw upang makapalipad ng arrow at ako upang makagawa ng musika." "Borrrrinnggg.... Bakit ba palagi mong pinapansin ang mga bagay na hindi naman dapat pansinin? At binibigyang kahulugan ang mga bagay na hindi naman dapat bigyan ng kahulugan?" -Levi "Tumayo ka bilis!" utos ko sa kaniya. "A-ano na naman Eris?" tinatamad niyang tanong. "Subukan mo ulit pumana... tapos sasabayan ko ng pagtugtog." "Naku! Nabaliw na talaga!" "Sige naaaa...." pamimilit ko pa rin sa kaniya. "Oo na... oo na..." napilitan siyang sumunod. Nang simulan ko nang tumugtog ay hindi ko na namalayan ang paligid... nakapikit kase ako at ninanamnam ang hangin na sumasabay sa bawat pagtugtog ko. Nang magdilat ako ng paningin ay sakto namang ni-release ni Levi ang arrow niya at sapul na sapul yun sa target! Bulls eye! Napatalon-talon si Levi at sa sobrang kasiyahan ay napayakap siya sa akin. End of Flashback>> Mula noon ay palagi na niya akong sinasama sa tuwing may practice siya kase pinapa-relax ko daw ang ulo niya kaya nakakapag-concentrate siya ng husto. Mula din noon ay nakasanayan ko nang tumugtog sa tuwing may kompetisyon si Levi sa ibang bansa. Siguro tama nga si Izzy... para na rin akong gumagawa ng chant sa tuwing tumutugtog ako at masasabi kong effective naman ang chant na yun kasi nga palagi namang nananalo si Levi mula noon. -----Light Artemi Imperial's POV---- Ang galing ni ate Eris tumugtog ah! Kahit wala siyang utak, kahit papano biniyayaan din naman pala siya ng talento. Patapos na sana ang pagtugtog ni ate Eris ng bigla siyang napahinto. Hindi niya natapos ang kanta kaya agad ko siyang nilapitan at doon ko nalaman na kaya pala siya huminto ay dahil... naputol ang string. Nagsimulang manginig si ate Eris. "Anong ibig sabihin nito?" "Baka isa yang masamang pangitain ate Eris..." -LA Nagtatakbo si ate Eris patungong home theater upang makibalita sa laban ni kuya Levi. Pagkabukas niya ng pinto ay agad niyang tinanong ang aming mga pinsan. "Anong nangyari? Natalo ba si Levi?"                   #ImperialLadies        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD