One Faithful Day... -----Eris Imperial's POV---- Nagmamadali akong umalis mula sa happiness restaurant upang makahabol sa gig namin ni Cliiford ng biglang... TSUG! Pareho kaming natumba sa sahig ng babaeng nakabangga ko. "Miss sorry... lampa kasi talaga ako eh kaya Suzzy pinangalan sa akin kasi 'Clumsy Suzzy' ako." She gave me a sweet smile. "Wag ka nang mag-sorry kasi pareho lang naman tayo." Tinumbasan ko rin ng matamis na ngiti ang mga sinabi niya. Sabay kaming tumayo at nagpagpag ng damit bago siya tuluyang pumasok sa loob ng Happiness Restaurant at tila may hinahanap. Tinitingnan ko ang papalayo niyang likuran at hindi ko alam kung bakit parang napaka-gaan ng loob ko sa kaniya... para bang merong something na nag-uugnay sa aming dalawa. I shooked my head upang alisin ang m