-----Eris Imperial's POV----- Tinanghali na ako ng gising. *YAWN* Nag-unat-unat ako habang bumababa mula sa kuwarto ko. Sa bagong hide-out kasi namin ay two storey na ang happiness restaurant. Nasa-second floor ang mga kwarto namin at nasa baba ay yung restaurant ni ate Ira. Natigilan ako sa paghikab ng makita kong parang may kakaiba sa mga tao sa ibaba. Wala pang mga customer at ang tanging naroroon lang ay ang mga pinsan ko at sina Ulysses at Ezra. Si ate Ira ay nagyoyoga naman sa isang sulok kasi malaki na talaga ang tiyan niya at mukhang malapit ng manganak. Haaay kung kelan ka-buwanan na niya ay saka pa naisipang mag-exercise! "Ang tahimik naman yata?" Si Izzy ang tinanong ko dahil ang alam ko ay siya yung tipong hindi napapakali kapag hindi nakukumpleto ang 500 words per min