-----Eris Imperial's POV---- Nagulat kami ni ate Megan ng biglang may kumatok sa glass door at nang lingunin namin ay si Clifford lang pala. Si ate Megan na ang nagbukas sa kaniya. "Maaga pa Clifford sarado pa ang happiness restaurant." Istriktang sabi ng kapatid ko. "Hindi naman ako nandito upang kumain eh, infact ako pa nga ang gustong magbigay ng happiness kay Eris." Ngumiti siya ng malapad at sinisilip-silip din ako mula sa pintuan. Nilakihan ni ate Megan ang siwang ng pintuan upang makapasok na si Clifford at agad naman itong lumapit sa akin at nag-ayang gumimick. "May gagawin ka? Labas tayo!" "Marami pa akong gagawin eh, ako kasi ang inutusan ni ate Ira na mag-screening sa bagong boy namin dito sa restaurant." Pagtanggi ko sa paanyaya niya. Umakto siyang nag-iisip ng mabuti.