------Eris Imperial's POV-----
"Nanalo si Levi!" sigaw ng magugulo kong pinsan.
Nakahinga ako ng maluwag... paranoid lang talaga siguro ako. Tama si Levi, palagi kong binibigyan ng kahulugan ang mga bagay na hindi naman dapat bigyan ng kahulugan.
Katulad na lang ng mga simpleng pangungulit niya sa akin at ang matatamis niyang ngiti ay hindi ko rin siguro dapat bigyan ng kahulugan ang mga iyon.
Siguro nga hindi niya talaga ako mahal... pinapasaya niya lang ako kasi alam niyang mahal ko siya.
*********
Pinukaw ni Izzy ang diwa ko. "Ang haba-haba na ng mga litanya namin dito tapos ikaw tulala ka lang diyan?"
"M-may sinasabi ba kayo Izzy?"
Napabuga ng hangin si Izzy. "Grabe! Napaka-absent minded naman ng isang to oh! Si Levi na naman ba ang iniisip mo ha? Buong maghapon siya lang talaga ang inisip mo?"
"Malamang hindi pa siya naka-recover sa pagkapanalo ni Levi kanina." -Phoebe
"H-hindi noh... narinig ko naman kayo... nagrereklamo kayo di bah kasi mula ng dumating dito si Artemi ay hindi na tayo pinapansin ni lolo." -Eris
"Kaya nga! Sabi ko nga na umalis na lang tayo!" -Izzy.
"Ano!?" -Eris
"Oh tingnan mo tong isang to, na-shock akala ko ba nakikinig ka ha?" -Izzy
"Maglalayas talaga tayo dahil lang dun?" -Eris
"Hindi lang naman yun ang dahilan Eris, i-eengage kasi ako ni lolo kay Jayden pagkatapos ng kasal ni ate Ira!" naiiyak na sabi ni Izzy.
"Eh di bah kagustuhan mo naman yan? Sabi mo noon okay lang kahit kanino ka pa ipakasal? Bakit ngayon engagement pa nga lang nagrereklamo ka na?" tanong ko sa kaniya.
"Basta! Ayoko dun sa Jayden na yun, sobrang mayabang!" -Izzy
Bumuntong-hininga muna ako bago muling nagsalita. "So aalis ka?"
"Oo... yun lang ang paraan upang makatakas ako mula kay lolo." -Izzy
"Eh saan ka naman pupunta?" -Eris
"Sa lugar na hindi ako mahahanap nina lolo at nina daddy at mommy." -Izzy
"Sasama din ako! Hindi ko pwedeng pabayaan si Izzy na mag-isa kaya sasama na rin ako" saad naman ni Phoebe.
"Hmph! Ang sabihin mo, nag-away na naman kayo ni mommy kaya gusto mo ring maglayas." -Izzy
"Sasama rin ako... hindi ko na siguro kailangan pang magbigay ng dahilan kung bakit ako aalis dahil kung iisa-isahin ko ang mga rason ko ay baka maabutan tayo ng umaga sa sobrang dami." Saad naman ni Azalea.
"Kung ganun, sasama na rin ako!" saad ko naman sa kanila.
"Talaga Eris sasama ka?" sabay na tanong nina ate Megan, Izzy at Azalea.
"Oo... wala nang dahilan upang manatili pa ako dito... batid kong wala na talaga kaming pag-asa ni Levi. Ako lang naman kasi ang umaasang may patutunguhan din na maganda ang pagkakaibigan namin."
"Kung aalis ang kapatid ko aba hindi ako pwedeng magpaiwan dito kasi siguradong sampal ang aabutin ko mula kay daddy!" saad naman ni ate Megan.
"Ano ba naman kayo girls... napaka-childish naman ng rason niyo. Hindi naman magtatagal si Artemi dito eh, babalik agad kami ng Madrid." -Rue.
"Pero kahit na, nandiyan na si LA kaya hindi na tayo kailangan ni lolo. Pagkakataon na natin ito na makaalis sa poder ng mga Imperial at maging malaya." -Megan
"Ate Ira, sasama ka ba sa amin?" nag-aalangang tanong ni Izzy sa kanina pa tahimik na si ate Ira.
"Oo naman... hindi ko naman kayo pwedeng pabayaan eh, lalo na at hindi kayo sanay sa buhay sa labas ng Imperial Palace. Pero hindi tayo pwedeng basta na lang umalis ng walang plano."
"Plano para saan?" tanong ni Izzy.
"Haaay... kung maglalayas tayo kailangan din nating isipin kung pano tayo mabubuhay ng hindi humihingi ng pera sa mga magulang ninyo." -Ira
"Girls... seryoso ba talaga kayo diyan ha?" nag-aalalang tanong ni Rue.
"Rue, isusumbong mo ba kami kay lolo?" -Megan
"Siyempre naman hindi... ipapahamak ko ba naman kayo? Pero mag-ingat kayo ha... ipaalam niyo pa rin sa akin ang hide-out niyo dahil dadalawin ko kaya doon kapag nakabalik na ako ng Madrid."
"Salamat naman kung ganon." -Megan
Sinulat na ni ate Megan sa isang malaking papel ang aming mga plano at itatakda ang araw ng aming paglalayas pagkatapos ng araw ng kasal ni ate Ira.
Tamang-tama lang yun dahil siguradong busy ang lahat ng tao sa Imperial Palace sa paghahanda para sa engrandeng kasal nina ate Ira at kuya Dylan kaya siguradong hindi nila mapapansin na may ginagawa kaming anomalya.
------Artemi Imperial's POV-----
Nagkubli ako sa pinakalikuran ng mga upuan kaya hindi ako napansin ng aking mga pinsan.
Bakit kaya gusto nilang maglayas? Hindi ba sila masaya dito sa Imperial Palace?
**********
------Eris Imperial's POV-----
The much-anticipated wedding of the year...
Sa araw ng kasal ay pumuwesto na kaming mga brides maid sa likuran. Magkapareha sina Ulysses at Phoebe at ako naman at si Levi, kasunod naman namin sina Izzy at Jayden sa likuran.
Nang dumaan sa harapan namin ang groom ay talagang nagsisigawan kaming magpipinsan sa sobrang kilig! "OMGEEE!!! Siya na ba yun? Si Mr. Dylan Ocampo, yung may ari ng Planetarium Architectural Firm? GOSH!!! Ang gwapoooo niya!"
"Bakit naman niya pinagkakakait sa mga business magazine ang mukhang iyan at iyang katawan na ganyan? Diyos ko! Siguradong maraming babae ang mahihimatay kapag nakita siya!" bulalas naman ni Phoebe.
Umismid sa kanya si Ulysses. "Gwapo? Yaman lang naman ang nilamang niyan sa akin eh!"
"Wag mong sabihing kinikilig ka din diyan Eris?" tanong din ni Levi sa akin.
Si Izzy ang sumagot. "Oo kaya! Siguradong nanghihinayang na iyan ngayon kung bakit hindi pa siya pumayag noon na makasal kay Dylan. Eh di siya sana yung bride ngayon! Ang swerte naman ni ate Ira! Naiinggit rin akoooo!!!"
"Ikaw ba si Eris?" tanong ni Levi.
"Hinde!" -Izzy
"Eh bakit ikaw ang sumasagot?" pamimilosopo ni Levi.
Umirap na lang si Izzy pero binelatan muna niya si Levi.
Haaaayyy... kinikilig nga ako kay Dylan pero kung alam niyo lang... mas kinikilig ako sa katabi ko hihihihi.
"Ikaw Izzy... wag mong sabihing naga-gwapuhan ka din sa Dylan na yun?" pumapapel din na tanong ni Jayden.
"Oo! Kinikilig ako kay Dylan ng SOBRAAAAA!!! At sayo naman... NAIINIS ako ng SOBRAAAAA!!!" walang habas na sagot ni Izzy.
"Sobra naman to! Wag kang masyadong magalit sa akin, sige ka baka mainlove ka! Alam mo naman the more you hate the more you love!" sabay kindat sa naiinis na si Izzy.
Umirap lang si Izzy kay Jayden. (patayin kita diyan eh!) yun ang sinasabi ng mga tingin niya para sa kapareha.
------Ira Imperial's POV-------
Habang nasa bridal car ay tumawag sa akin ang mga pinsan ko at nagsisgawan sila mula sa kabilang linya. Dahil sabay-sabay silang nagsasalita ay konti lang ang naiintindihan ko sa mga sinasabi nila at yun lang ay ang salitang GWAPO!
I trust my cousins taste kaya kapag sinabi nilang gwapo talagang SUPER GWAPO talaga iyan! Napapadasal tuloy ako ng taimtim na sana wag akong matulala kay Dylan sa harap ng altar.
Pumaibabaw na ang musika sa loob ng simbahan at nagsimula ng magmartsa ang mga pinsan ko papunta sa altar.
Hinanap ko si tito Alexander kase nangako siyang siya ang maghahatid sa akin sa altar pero wala siya. Asan na kaya siya? Malapit na akong magmartsa... mukhang kailangan ko yatang maglakad sa altar ng mag-isa.
Nagulat ako ng paglingon ko ay lumapit sa akin si lolo Zheng at inalok ang braso niya.
"Lolo Z-Zheng?" naiiyak kong sambit sa pangalan niya.
"O, bakit ka umiiyak? Ayaw mo bang si lolo ang maghatid sayo?"
"Hindi lolo, hindi ko lang talaga inasahan..." namamaos kong sabi.
"Nilagnat kasi ang tito Alexander mo kaya hindi raw siya makakapunta... hahaha!" biglang sabi ni lolo.
"Ga-ganun naman pala... pero salamat na rin lolo" may halong dissapointment sa tono ko.
Lumapit din sa akin ang lola ko at niyakap ako. "Apo..."
"Lola! Ihahatid nyo rin po ako sa altar?"
Tumango ang aking lola na si Lady Helen.
Kahit ano pa man ang dahilan ni lolo Zheng ay masaya pa rin ako kahit papano na sila ni lola ang maghahatid sa akin sa altar.
Nagmartsa na nga kami palapit sa altar at palinaw ng palinaw ang imaheng nakikita ko sa aking mapapangasawa na si Dylan Ocampo.
Sa wakas, ang boses na nadidinig ko lang noon sa phone, ngayon ay may mukha na akong maiuugnay. Unang kita ko pa lang sa mukha niya ay agad na akong pinagpawisan. Kung gaano kalagkit ang pawis ko ay ganun din kalagkit ang mga tingin niya sa akin.
Matutunaw na yata ako sa mga titig niya... naku naman...
Hindi ako mapakali ng abutin na niya ang kamay ko at dalhin ako sa harap ng altar.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na siya na ba talaga ang makakasama ko sa habambuhay?
Napakabait ko naman para biyayaan ako ng ganito kagwapo na groom. Salamat mama Felicity at papa Bryan... kung nasaan man kayo ngayon alam kong masaya kayo para sa akin.
"So it's you..." yun ang pinaka-unang salitang sinabi sa akin ni Dylan ng magkaharap na kami.
Talagang natameme ako sa kanya kaya wala akong nasabi kundi puro tango lang.
Ang mga mata niya kasi talagang nakakaakit at yung labi niya parang nakangiti palagi.
"You may now kiss the bride!"
Biglang yun na ang narinig ko... para yatang doon lang naka-focus ang buong atensiyon ko... kung paano niya ako hahalikan.
Hinapit niya ako sa bewang palapit sa katawan niya. Palapit na ng palapit ang mukha niya sa akin kaya napapikit ako.
TSUP!
Binigyan niya nga ako ng isang napakasarap na halik... sa noo! BUSHEEEETTT!!!
Biglang napatayo si Izzy. "Ano yun? Yun lang? Parang humahalik lang sa lola ko ah! Hindi kami umattend ng kasal para lang i-kiss niya si ate Ira sa noo noh!"
"Izzy!" saway sa kanya ni ate Megan.
Napatingin kay Izzy lahat ng tao.
Kaya napilitang tumayo si Eris at pumalakpak. Sunod-sunod namang tumayo ang mga pinsan ko at pati sina Ulysses, Levi at Jayden ay tumayo na rin upang pagtakpan ang eksenang ginawa ni Izzy.
Nagsitayuan din lahat ng bisita at nagbigay ng standing ovation sa bagong kasal at di na nila napansin si Izzy... haay... buti na lang.
Napatingin ulit ako kay Dylan at nakangiti ang mga mata niya sa akin. Pero hindi pa rin nahupa ang inis ko sa ginawa niya. Hindi ko naman masisisi si Izzy kung bakit siya nag-react ng ganun kasi kahit ako mismo ay disappointed sa bago kong asawa.
-----Megan Imperial's POV-----
"Haaay... ang sweet kaya nung ginawa niya!"
"Anong sweet dun? Para niyang lola si ate Ira!" reklamo pa rin ni Izzy.
"Sabi nga nila... one kiss on the forehead is much sweeter than a thousand kiss on lips, no lust but only full of love and respect." -Megan
"Oo na... ikaw na talaga ang love guru ng bayan!" ismid sa akin ni Izzy.
#ImperialLadies