Sa Reception ng kasal...
-----Ira Imperial's POV-----
Paglapit ko kay Megan ay palihim niyang inabot sa akin ang mga pills na gagamitin ko upang makatakas mula sa honeymoon namin ni Dylan.
"Oh, kunin mo na..."
Napatingin lang ako dun sa pills na hawak niya.
"Nag-aalangan ka yatang tanggapin Ira, wag mong sabihing nagbago na ang desisiyon mong sumama sa amin matapos mong makita ang gwapo mong groom? Sabihin mo lang ha, kasi maiintindihan naman namin eh kung ayaw mo nang sumama."
Napatingin muna ako sa gawi ni Dylan bago kinuha ang pills sa kamay ng pinsan ko. "Tuloy pa rin ang plano mamaya... hindi nyo kaya ang buhay sa labas ng Imperial Palace... kailangan niyo ako."
"Sige Ira, magkita na lang tayo dun sa ating tagpuan...."
"Mag-ingat kayo Megan..."
"Ikaw rin Ira."
********
Bago ang paglalayas namin mamaya ay kailangan muna naming iraos ang kasalan kaya go-with-the-flow muna kaming magpipinsan.
Dumating na ang pinakahihintay na pagtatapon ko ng bulaklak.
Nakalinya na lahat ng dalaga at ng itapon ko ang bulaklak ay nasalo yun ni Eris.
Sumunod naman ang pagtatapon ni Dylan ng garter.
"Levi naku... kailangan makuha mo yan!" pambubuyo ni Izzy.
"Bakit? Para saan ba yan?" nagtatakang tanong ni Levi.
"Hindi mo alam? Kung sino yung makakasalo niyan ay siyang magsusuot niyan sa legs ni Eris."
"Legs?"
"Oo LEGS! as in HITA! Tingnan mo naman yung mga lalakeng makakaagawan mo oh parang mga m******s! Siguradong gagawin nila ang lahat para makuha yun tapos tsatsansingan nila si ate Eris... hihipuin nila yung legs niya tapos sisilipan pa! Gusto mo bang mangyari yun Levi?"
"Hindi! Siyempre!" mariing umiling si Levi.
"Kaya nga... kailangan saluin mo yan!"
Mukhang sasabak talaga sa labanan si Levi para lang masalo yung garter para kay Eris dahil sa mga kalokohang pinagsasabi ni Izzy sa kanya.
Parang slow-mo na naglakbay ang garter sa ere at sumabit yun sa........... ulo ni Ulysses?
Halos lumuwa ang mga mata naming magpipinsan.
"Oh Diyos ko gulo ito!" bulalas ni Izzy.
Walang kamalay-malay ang nakatayo sa isang sulok na si Ulysses na napunta pala sa kanya ang garter. Kakabalik lang kasi niya galing sa comfort room kaya wala siyang alam sa mga nangyayari. Kinuha niya ang garter mula sa kanyang ulo at inangat ito at inosenteng nagtanong "Kanino to?"
Nagtawanan ang lahat sa ginawa niya.
Nasapo ni Izzy ang kanyang noo. "Lagot!"
Lumapit si Izzy kay Ulyysses at sinapak ito ng malakas sa likod. "Bakit mo sinalo?!"
"Ha? Sinalo ko ba? Hindi naman ah."
Hinila ko si Ulysses sa gitna at itinabi ko siya sa naghihintay sa kaniya na si Eris. Kahit aksidente lang na sa kanya napunta yung garter ay kailangan pa rin niyang mag-cooperate.
Naupo muli ang lahat ng tao kaya dali-daling lumapit ng upo si Izzy kay Levi.
-----Izzy Imperia's POV-----
"Levi... kumalma ka lang ha... yung sinabi ko sayo kanina kase joke lang naman yun eh..." biglang bawi ko.
Tila hindi pa rin kumikibo si Levi at nakatutok lang kina Eris at Ulysses sa may harapan.
"Kasalanan mo to eh!" sisi sa akin ni ate Megan na tumabi na rin kay Levi.
"Gusto ko lang naman kaseng makita kung paano makikipagpatayan ang isang Levi Moldovan para masalo ang garter" pabulong na sabi ko kay ate Megan.
"Lagot ka Izzy! Baka makipagpatayan talaga yan ngayon kay Ulysses!" -Megan
"Huhuhu... hindi ko naman alam na lilipad yun kay Ulysses eh!"
Habang tumatagal ay tumatalim pa lalo ang mga tingin ni Levi kina Eris at Ulysses.
"Omo! Ate ayan na yung gangster look niya...huhuhu..." nangingisay kong sumbong kay ate Megan.
"Levi wag kang gumawa ng eksena ha... alam mo kase... totoong may kasabihan na kung sino yung makakasalo ng boquet ay siyang susunod na ikakasal... pero hindi naman ibig sabihin nun na doon siya ikakasal sa taong makakasalo ng garter kaya chillax lang okay? Chill ka lang!" sabi ni ate Megan habang minamasahe ang balikat ni Levi.
"Chill Levi... chill..." sabi ko rin kay Levi na may halong pagpapaawa.
Umupo na si Eris sa upuan at lumuhod naman sa harap niya si Ulysses. Dahan-dahang inaangat ni Ulysses ang laylayan ng gown ni Eris kaya parang mapapatayo si Levi kaya panay din ang pigil namin sa kaniya.
"Le -Le-Levi, baka gusto mong maglaro ng candy crush?" nabubulol kong alok kay Levi para lang alisin ang atensiyon niya sa dalawang nasa harap.
Pahigpit ng pahigpit ang hawak ni Levi sa kanyang inumin.
"Candy CRASH!!! yun lang ang gusto kong laruin sa mga oras na ito" nagngingitngit niyang sabi.
"OMO!!!" nanginginig naming sambit ni ate Megan sa isa't-isa.
Nanlaki ang mata ko ng mag-request pa yung emcee na itaas pa ni Ulysses yung garter.
"Higher! Higher! Higher!" sigawan naman ng mga tao.
Talagang tagaktak ang pawis namin ni ate Megan habang itinataas ni Ulysses ang garter.
Napapakamot si Ulysses sa batok.
------Eris Imperial's POV-----
"Diyahe naman to oh..." bulalas ni Ulysses.
"Sige na para matapos na..." saad ko naman.
Napatingin ako sa kung saan dumako ang mga pinsan ko at hinanap ko si Phoebe. Yakap-yakap niya ang kanyang teddy bear at mukhang maiiyak na. Samantalang si Levi naman ay hindi maipinta ang mukha.
Dala ng tradisyon sa kasal ay kailangan naming magsubuan ng cake at uminom ng wine gaya ng ginawa ng mga ikinasal.
At nang humiling na ang madlang people ng kiss ay pinagbigyan naman namin sila.
"Eris... ayos lang ba kung sa noo din kita halikan?" request ni Ulysses.
"Oo naman... alam ko naman na may pinaglalaanan ka ng first kiss mo eh... at ako din naman."
Ngumiti si Ulysses at hinalikan niya nga ako sa noo.
-------Izzy Imperial's POV------
WEW! Akala ko talaga magkakagulo na, buti na lang sa noo lang hinalikan ni Ulysses si Eris.
"O aangal ka pa Izzy na sa noo lang?" tanong ni ate Megan.
"Hindi na..." Tumayo pa ako at pumalakpak ng malakas.
"HOOOOOOHHHH!!!!! AYOS!!!" napapalakpak ako sa sobrang kasiyahan kasi kung nagkataong may nangyaring gulo siguradong lagot ako kay lolo.
Nakahinga talaga ako ng maluwag at mukhang ganon din sina Levi at Phoebe.
"Ayan wala kasing preno ang bibig!" paninisi ni ate Megan.
"Oo na... oo na..." ismid ko sa kaniya.
Nang isayaw na ni Dylan si ate Ira sa gitna ay kinuha ni Ulysses para isayaw rin si Phoebe. "Can I have this dance?"
"Bumabawi ka ba?" nagtatampong tanong ni Phoebe.
"Oo, bumabawi ako kasi kamuntik ka nang maluha kanina oh sa selos" panunukso ni Ulysses.
"Ang kapal!" sabi niya pero tinanggap pa rin niya ang kamay ng nagpapakyut na binata.
Tumawa ng malulutong si Ulysses at inalalayan si Phoebe papunta sa dance floor.
-------Eris Imperial's POV-----
Nakabalik na ako sa upuan at sina Ulysses at Phoebe naman ay nagpunta na sa dance floor.
Para namang sira itong si Izzy na kinakausap yung teddy bear imbis na humarap kay Jayden. "Kita mo yun Teddy? Iniwan ka na ni Phoebe para kay Ulysses..."
"Ahmmm... Izzy... sayaw din tayo?" tanong ni Jayden sa nakatalikod sa kaniya na si Izzy.
"Tayo na lang ang sumayaw? Oo Teddy halika na! Sayaw tayo!" Kinarga ni Izzy ang malaking stuff toy ni Phoebe at talagang hindi siya nahiya ng isinayaw niya yun sa dance floor.
"Jayden gusto mo tayo na lang ang sumayaw?" alok ni ate Megan.
"Sige po ate." magalang na sagot ni Jayden.
"Ate ka diyan!" -Megan
"Buti nga ate kesa manang... hahaha..." kantiyaw ko kay ate Megan.
Haaay... kami na lang yata ni Levi ang natira dun na pares kasi isinayaw naman ni Azalea ang kapatid niyang si LA.
Antipatikong Levi ngayon pa yata magmamatigas at talagang ako pa yata ang gusto niyang mag-aya sa kaniyang sumayaw ah.
Tumayo ako upang magtungo sa powder room ng bigla akong matapilok. Buti na lang at nasalo ako ni... Levi.
"Kahit kelan napaka-clumsy mo talaga!" paninisi niya.
"Kung sasaluin mo ba naman ako sa tuwing madadapa ako ay gugustuhin ko na lang maging clumsy palagi."
"Sinasabi mo yan kasi hindi ikaw yung sinayaw ni Ulysses..." -Levi
"Mali ka... sinasabi ko to kasi kaharap ko ang gangster na si Levi Moldovan..." -Eris
"Bakit ba napaka-vocal mo sa feelings mo para sa akin Eris? Minsan parang maiilang na ako."
"Hindi ko kasi alam kung pano ko ipaparamdam sayo na mahal kita gayong alam mo na ang damdamin ko para sayo kaya uulit-ulitin ko na lang na sabihin yon..."
"Eh pano kung hindi mangyari ang pinagdarasal mo na maghihiwalay din kami ni Danna?"
"Hindi ko alam... hahanap na lang siguro ako ng iba... kahit sino na lang diyan" parang may bikig sa lalamunan ko habang sinasabi yon.
"Kung sakali ay papasa ba si Ulysses sa mga sinasabi mong 'kahit sino na lang diyan'?"
I rolled my eyeballs. "Malamang, kahit sino nga eh di bah?!"
"Kahit sino pero hindi ibig sabihin na lahat pwede" makahulugang sabi ni Levi.
"I get your point Levi... na kapag inagaw ko siya mula kay Phoebe siguradong maraming malulungkot na mga fans ng love team nila ganun lang din ang mangyayari kapag inagaw kita kay Danna Lou... siguradong maraming magagalit sa akin kapag hindi kayo ang nagkatuluyan.
Kaya don't worry... hindi ikaw at lalong hindi si Ulysses ang pipiliin ko. Satisfied?"
Umirap ako sa kanya at nagpatuloy na naglakad palayo ngunit hinabol pa rin niya ako.
"Siguradong darating din ang tamang leading man para sayo Eris... pero bago siya dumating sa buhay mo, pwede bang tayo muna ang magsayaw ngayon?"
Napalingon ako sa kaniya. "Inaaya mo kong magsayaw?" napipiyok kong sabi.
Tumango-tango siya habang ngumingiti.
Nagpatinuod ako ng dalhin niya ako papunta sa gitna ng dance floor.
Aalis na kami mamaya sa Imperial Palace kaya baka ito na ang huling gabi na makakasama ko si Levi kaya lulubos-lubusin ko na.
Iniangkla ko ang kamay ko sa batok niya habang hinapit naman niya ako sa bewang palapit sa katawan niya. Naiiyak ako kasi talagang mami-miss ko siya kaya sinubsob ko na lang ang mukha ko sa dibdib niya upang itago ang kalungkutan ko.
Mahal na mahal ko talaga si Levi Moldovan... sabihin nyo nang baliw ako pero talagang malakas lang talaga ang tama ko sa kanya.... tagos hanggang baga ang pana ni kupido sa akin.
I'm neither a flirt nor an obsessed person... I'm just a woman INLOVE.
Kaya sa mga magsasabing third party ako, malandi, mangaagaw at traydor... go to hell!
#ImperialLadies