-----Ira Imperial's POV---- Abot langit ang kaba ko ng dalhin na ako ni Dylan Ocampo sa kaniyang bahay. Gaya ng inaasahan ay napaka-ganda ng bahay niya, isa yung modern house na sky hotel inspired ang design. Tinuro pa niya sa akin ang isang tore at sabi niya na doon daw ang magiging kwarto namin. Grabe, turning 20 years old pa lang siya pero napaka-dami na niyang na-achieve sa buhay. Hindi naman lahat yun ay pinghirapan niya, yung ilan ay pinamana pa sa kaniya ng mga ninuno niyang mga architect din. Nasa dugo nga yata talaga nila ang pagiging magaling na mga architect. Pinapasok niya ako sa bahay niya at pati ang security system ay mahigpit rin. "Anong vital statistics mo?" bigla niyang naitanong. "A-ako? 36, 24, 36" "Just as I thought!" tinuon niya ang paningin sa may door lock