Samantala... -----Eris Imperial's POV----- Tulog na tulog halos lahat ng tao sa Imperial Palace kaya walang nakapansin na kumuha kami ng pera mula sa mga vault ng aming mga magulang. Matapos makakuha ng pera ay tahimik kaming naglakad sa dilim palabas ng palasyo. Sa likod kami balak dumaan kung saan may butas kaming ginawa upang makalabas sa Imperial Palace ng walang nakakakita. Nasa lobby pa lang kami ng biglang bumukas ang lahat ng ilaw at lumitaw sa harapan namin ang pinsan naming si Light Artemi. "LA anong ginagawa mo dito?" tanong ni ate Megan sa mahinang boses. "Ate Megan alam ko po ang plano niyong paglalayas... wag nyo na po yang ituloy... ayaw ko po kayong umalis... malulungkot kami ni ate Rue kapag wala kayo." Pinisil ni ate Megan ang pisngi ni Artemi. "Paglaki mo Artemi