Axel (Phantom)
Nakasunod lang ako kay Queen habang pasakay ng private plane ng mga Smith. Hindi ko mapigilang mamangha sa kanya, patagal ng patagal ay mas lalong lumalalim ang aking nararamdaman. Mahirap pigilan, mahirap iwasan.
“Baka matunaw,” bulong sa’kin ni Peitho bago sumabay sa’king pag lalakad.
Ramdam ko ang pag init ng aking tenga, nag iwas na lang ako ng tingin at hindi pinansin ang sinabi ni Peitho. Kahit kailan ang babaeng ito ay walang ibang alam gawin kundi ang mang asar.
“Kung ako ikaw,matagal ko ng nasabi kasi baka maunahan ako,” sabi niya pa. Napatingin naman ako sa kanya, tumataas baba ang kanyang kilay na tila sinasabing sabihin ko na.
“Hindi ko alam ang sinasabi mo,” pag mamaang maangan na sabi ko sa kanya at nagmadaling maglakad. Agad akong pumasok sa private plane at iniwan siya sa labas, hinanap ng aking mga mata si Queen, agad itong nakita ng aking mga mata kaya lumapit ako dito.
“Matulog ka muna, med’yo matagal ang flight,” mahinang sabi ko sa kanya.
Wala akong narinig na kahit anong sagot na mula sa kanya, tiningnan ko siya at nakitang nakashades ito. Mukang nakatulog na nga ito.
Umayos ako ng upo at isinuot ang aking shades, matutulog na lang din muna ako.
Vanessa Lavender Smith (Queen)
“Picturan mo, ang bagal mo naman,” rinig kong sabi ni Peitho. “Akina nga, tangina talaga nito eh!” iritang dagdag niya.
Unti unti kong binuksan ang aking mag mata na agad kong naipikit dahil sa pagbungad ng flash sa’kin.
“Get out of my sight!” mahinanon at malamig na sabi ko ng mapagtanto ang ginagawa ng dalawa. Mabilis namang tumakbo ang dalawa habang umayos naman ako ng upo at tumayo.
“Gising na, nandito na tayo,” sabi ko habang tinatapik ang pisnge ni Axel. Kahit kailan talaga ay napakatulog mantika ng lalaking ito, tsk.
PAK!
“Aray!” sigaw niya matapos ko siyang tampalin ng malakas sa muka.
“Ayan, edi nagising ka,” malamig na sabi ko bago siya tinalikuran.
Naglakad na ako palabas ng private plane, ramdam ko ang pagdampi ng mainit na hangin matapos kong makalabas, maging ang amoy pulosyon na hangin ay ramdam at amoy ko na rin.
‘Nasa Pilipinas ka na nga, Vanessa,’ sabi ko sa’king isipan.
“VAN!” lumingon ako sa sumigaw. Hindi nga ako nagkamali, ang aking Titoninong. Yes, Titaninang dahil Tito ko siya at the same time ninong.
‘”I’m so glad you visit!” masayang sabi niya bago yumakap sa’kin. Napangiwi ako dahil sa kanyang tono, kahit na nakadamit pang lalake ay makikilala parin sa boses niya ang pagiging paminta, gayunpaman ay hindi mahahalata kung hindi siya magsasalita.
“They are my…friends,” sabi ko ng mapansin na nakatingin siya kay Peitho, Aikka, at Axel na sabay sabay na naglalakad palapit sa’min. “And Tito, I’m will stay here for good,” dagdag ko pa.
Kita ko ang gulat sa kanyang muka ngunit agad din naman itong nawala, ngumiti siya ng malaki at tumingin sa’kin.
“Masaya ako dahil sa wakas ay dito ka na mamamalagi, p’wede ko ng ilipat sa’yo ang pangangalaga ng Smith Technologies,” nakangiting sabi niya na kinasama ng timpla ng muka ko.
“I’m here to study, not to manage that goddamn business,” malamig na sabi ko sa kanya.
“Where the key of my baby?” tanong ko habang nakatingin sa sasakyang nasa tabi ng isang Limousine. “I’m f*****g excited to use this,” malamig na sabi ko.
“Hindi halata,” sabi ni Tito. “Here, huwag kang mag papagabi, mas’yado kang matagal na nawala and baka maligaw ka,” sabi niya.
Agad kong kinuha ang susi at nagtungo sa sasakyan, gusto kong mag uli. Mabilis kong binuksan ang makina at agad na pinaandar, hindi ko alam kung saan ako pupunta.
Natagpuan ko na lang ang sarili ko sa harap ng isang sementeryo, nag aalangan kung bababa ba ako o hindi, natapos ang pag iisip ko at agad akong bumaba. Inilagay ko ang hood ng aking jacket, nakalimutan kong magsuot ng wig at contact lens dahil wala naman sa plano ko ang magpunta dito.
Naglakad na ako papasok at ilang minuto pa lang ng paglalakad ay narating ko agad ang pakay ko, tila bumigat ang hangin at tumahimik ang paligid. Naupo ako sa tapat ng dalawang lapida, inalis ko ang mga dahon na tuyo na nakaharang sa pangalan nila.
‘Vamold Smith’
‘Laine Smith’
Basa ko sa pangalan nilang dalawa, mabibigat ang aking pag hinga habang nakatingin sa kanilang lapida.
“Ma…” naibulong ko na lang sa hangin habang nakatingin sa lapida niya. “Pa…” bulong ko at inilipat ang tingin sa lapida ni Papa. “Patawad, ngayon lang ako nakabisita…” parang nawala lahat ng pader na itinayo ko sa’king paligid. “A-akala ko hindi ko kaya… pero kinaya ko, h-haha,” dagdag ko.
Ramdam ko ang pagdaloy ng mainit na likido mula sa’king mata, pinunasan ko ito at tumayo.
“Hindi ko kayang magtagal, Ma, Pa, hindi ako p’wedeng maging mahina hanggat hindi ko napapabagsak ang taong pumatay sa inyo,” matigas na sabi ko.
Muling bumalik ang aking mukang walang emosyon, ang malamig kong mga mata, at ang aking pader na ipinalibot sa’kin sarili.
“Malapit na, Ma, Pa… malapit na,” sabi ko bago tumalikod sa dalawang lapida.
Agad akong sumakay ng aking sasakyan matapos makalabas sa sementeryo, malakas ang t***k ng aking puso marahil dahil sa galit na bumabalik sa’kin. Ang masasakit na ala-ala.
Kahit ilang taong na ang lumipas ay nananatiling sariwa sa aking alaala ang masakit na aking nakaraan, ang masakit na nangyare sa’min ng pamilya ko, ang masakit na ginawa sa’kin ng Emperor.
“Here’s the prize of our Princess!” sigaw ni Mama habang may dala dalang tray kung saan nakalagay ang meryenda namin ni Papa.
“Ang galing na ng ating Prinsesa na dumepensa, Honey,” sabi ni Papa at binuhat ako bago naglakad palapit kay Mama.
“Pawis na pawis kayong dalawa,” sabi ni Mama at binigyan si Papa ng towel habang ako naman ay nilagyan niya sa likod. “Kamusta ang practice?” nakangiting tanong ni Mama.
“Mabuti po, natatamaan ko na paminsan minsan si Papa,” sagot ko at ngumiti ng malaki kay Mama, ngumiti siya pabalik sa’kin at hinalikan ako sa noo.