Vanessa Lavender Smith
BANG BANG BANG
“s**t, magtago kayo,” sabi ni Papa.
Agad akong binuhat ni Mama at dinala sa kuwarto, ipinasok niya ako sa isang malaking cabinet.
“Kahit anong mangyare, huwag na huwag kang lalabas diyan Princess, okay?” madaling sabi ni Mama. “Promise me, Princess,” sabi pa niya.
Wala akong nagawa kundi ang tumango sa kanya, ngumiti siya sa’kin at muli akong hinalikan sa noo bago isinara ang cabinet. Sinilip ko siya muka sa malilit na butas nito at nakitang may kinuha itong baril. Hindi ko mapigilang kabahan dahil doon.
“Huwag kang lalabas kahit anong mangyare, anak!” pahabol na sabi ni Mama bago lumabas ng kuwarto. Hindi pa man nagtatagal ay may narinig na akong sigaw.
“VAMOLD!” sigaw ni Mama. Dahil doon ay nag umpisa na akong umiyak, hawak hawak ko ang aking bibig upang hindi makapag labas ng kahit anong ingay.
BLAG
Mabilis akong napatingin sa pinto mula sa butas, nakita ko ang pagtapon ng katawan ni Mama sa kama dahil sa suntok ng isang lalaki.
“Nasaan siya?” tanong ng lalaki kay Mama.
“Wala siya dito!” sigaw ni Mama ang itinutok sa isang lalaki ang kanyang baril ngunit agad siyang naunahan ng lalaki, pinukpok ng isang lalaki ang ulo ni Mama dahilan para muli siyang bumagsak sa kama.
“Hindi mo sasabihin…” nakangising sabi ng lalaki. Nanlaki ang mga mata ni Mama ng ibinaba ng lalaki ang baril na hawak nito habang ang ibang lalaki naman ay hinawakan ang magkabilang kamay ni Mama.
PEEEEEEP, PEEEEEEP
Nabalik ako sa reyalidad ng makarinig ng sunod sunod na busina, tiningnan ko ang harapan at nakita ang isang lalaki at bumaba ng kanyang sasakyan.
Kitang kita ko ang galit sa kanyang muka habang naglalakad papalapit sa binatana malapit sa’kin, kumatok siya ngunit hindi ko ibinaba ang aking binatana.
Binuksan ko ang mic mula sa labas upang marinig ang sinasabi ng lalaki dahil base sa nakikita ko ay minumura na ako nito.
“f**k! TANGA YATA ANG DRIVER NG SASAKYAN NA ‘TO!”
“HOY BUMABA KA DIYAN, HINDI MO BA NAKIKITANG ONE WAY ANG DAAN NA ITO AT OBVIOUS NAMAN NA NAUNA AKONG PUMASOK!”
Tama nga ako, nagsisisigaw na siya sa labas. Napailing na lang ako, nagmuka na siyang bakla dahil sa pinag gagagawa niya, hindi ba siya nahihiya?
Binuksan ko ang aking pinto ng walang pasintabi kaya muntik na siyang tamaan nito, napansin ko na mabilis siyang nakaiwas.
“Anong problema?” malamig na tanong ko.
Akmang magsasalita na ang lalaki ngunit ng mapatingin siya sa’kin ay natigil ito sa ere. Bahagya itong natulala at ramdam ko ang paggala ng kanyang mga mata sa aking buhok, tumigil ito sa aking mga mata at kitang kita sa muka niya ang pagkamangha.
Kinapa ko ang hood ng aking jacket at doon ko lang narealize na hindi na pala ito nakasuot sa’kin.
BAG!
Tunog ng pagkatumba niya matapos kong sapakin, dali dali akong pumasok sa aking sasakyan at mabilis itong iniatras. Mabilis naman akong nakalabas sa one way na ‘yon kaya dali dali kong pinaharurot ang aking sasakyan.
‘s**t!muntik na ako ‘don!’
Hendrix Kyro William (King)
Tanginang mga gago ‘yon, matapos makipag karera sa’kin ay ililigaw ako.
Agad kong binuksan ang GPS ng aking cellphone, sinundan ko ang route na itinuturo nito at mukang short cut ‘yon para makalabas sa lugar na ito.
Tuloy tuloy lang ako sa pagmamaneho at napatigil lang dahil sa isang sasakyan na tatanga tanga ang driver, hindi ba nito nakitang one way ang kalsada at nauna akong pumasok?
Binusinahan ko ito ng paulit ulit ngunit tila wala itong naririnig kaya’t bumaba na ako, galit na naglakad ako papalapit sa binatana ng Driver. Kinatok ko ito ng paulit ulit ngunit hindi manlang nag abala ang tao sa loob na ibaba ang bintana.
“f**k! TANGA YATA ANG DRIVER NG SASAKYAN NA ‘TO!”
“HOY BUMABA KA DIYAN, HINDI MO BA NAKIKITANG ONE WAY ANG DAAN NA ITO AT OBVIOUS NAMAN NA NAUNA AKONG PUMASOK!”
Sunod sunod na sabi ko ng biglang magbukas ang pinto, muntik na itong tumama sa’kin mabuti na lang at mabilis ang reflexes ko, tangina talagang araw ‘to.
Akmang mumurahin ko na ang lumabas na driver nang makita ko ang kanyang itsura, nabaling ang tingin ko sa buhok niyang kulay Golden white, sunod na natigil ang aking mga mata sa kanyang mga mata na kulay berde na tila kagubatan sa ganda ngunit tila isa ding yelo dahil sa lamig nito.
BAG!
Bigla niya akong sinuntok kaya hindi ko inaasahan, natumba ako dahil doon at hindi agad nakapag salita. Napahawak na lang ako sa aking labi na tila pumutok dahil sa lakas ng kanyang suntok habang nakatingin sa kanya na dali daling sumakay sa kanyang sasakyan.
Hindi ko mapigilang mainit at matawa, hindi ko alam ang magiging reaksyon ko.
‘Seriously, Kyro?nasuntok ka ng isang babae at walang nagawa dahil sa ganda nito?’ naiiling na sabi ko sa aking isipan bago tumayo at naglakad sa aking sasakyan na parang walang nangyare.
“Tangina, first day of school bukas at babalik ako ng may bangas,” inis na sabi ko habang nakatingin sa salamin ng sasakyan ko.
Napatigil ako at napatingin sa aking mga mata, unti unti akong napangiti.
“Hahanapin kita, kahit may nag mamay ari na sa’yo, because what Kyro wants, Kyro gets,” nakangising sabi ko sa salamin bago umayos ng tayo at nag umpisa ng mag maneho.
Vanessa Lavender Smith
“Here are the documents you requested, I enrolled you guys already at William’s University,” diretsong sabi ni Tito Don, the one who helped me after the incidents.
“Do we really need to go to school?” maarteng bulong ni Peitho na narinig ko naman. Hindi ko ito binigyang pansin at binuksan ang folder na ibinigay ni Tito.
Naramadaman ko na ganun din ang ginawa ng aking ka-groupo at tahimik namin itong binasa.
“Okay na ba yan?” tanong ni Tito.
Isinara ko ang folder at mahinang ihinagis ito sa center table, tumango ako kay Tito bilang sagot bgao tiningnan ang aking mga ka-groupo na mayroong iritang ekspresyon. Halatang ayaw talaga nilang mag aral, maliban na lang kay Axel na seryoso lang binabasa ang laman ng folder.
“So, total mukang okay naman na sa inyo, aalis na muna ako dahil marami pa akong kailangang pirmahan,” sabi ni Tito bago tumingin sa’kin at ngumiti. “Take care, Vanessa, okay?” bilin niya bago tumalikod.