Peitho
“Wala ka na dun, Peitho, bakit ka ba tanong na tanong?crush mo ako?” nakangising balik na tanong niya sa’kin. Dahil doon ay biglang sumama ang timpla ng muka ko, umiral na naman ang kanyang kayabangan.
“Pasensya ka na, Peitho kung hindi kita maka-crushback dahil nakikita ko lang kayo bilang nakababatang kapatid,” ngiting dagdag niya at nagpatuloy na sa pagkain.
Narinig ko pa ang impit na tawa ni Aikka na hindi ko na lang pinansin.
“Basag!” bulong nito na nakapagpabago ng isip ko na huwga siyang pansinin.
Kinuha ko ang aking cellphone at ipinakita sa kanya ang video noong siya ay malasing, nakita kong nanlaki ang kanyang mga mata at napalunok na nakapagpangisi sa’kin.
“Manahimik ka kung ayaw mong may sumimoy,” makahulogang sabi ko sa kanya.
Halos matawa ako ng dahan dahan siyang tumango at umasta na tila sinarhan ang zipper sa kaniyang maingay na bibig, napangiti ako matapos niyang gawin ‘yon.
Vanessa Lavender Smith (Queen)
Kasalukuyan kami ngayong nandito sa arena, nasa itaas kami ngayon at siniguro ko na walang makakakita sa’min dito, inilibot ko ang aking paningin sa paligid upang magmasid kung may kakaiba ba at wala naman akong napansing kahit anong kakaiba.
“Bakit nga pala nandito tayo, Queen?” biglang tanong ni Peitho. “Mukang wala namang laban ah?” dagdag pa niya habang nakatingin sa ibaba.
“Hindi tayo manunuod, dahil ako ang makikipag laban,” matapos kong sabihin ‘yon ay kasabay ng pag imik ng isang announcer.
“ARE YOU EXCITED TO WITNESS THE QUEEN?” sabi ng announcer sa mic.
Dahil sa ginawa niya ay umingay ang paligid ng battle arena, habang ang mga kagroupo ko ay hindi makapaniwalang nakatingin sa’kin.
Napailing na lang ako bago inayos ang aking maskara, ginagamit ko ito upang hindi ako makilala, hindi pa nila ako pwedeng makilala hanggat hindi ako nakakapag higanti, hindi p’wede.
“HOW ABOUT WITNESS THE QUEEN FIGHTING?” sabi ng announcer na mas lalong nagpalakas ng sigawan ng mga tao.
Sikat na sikat ang aking pangalan, ito ang gusto ko, ang sumikat ang pangalan ko kakabit ng katagang papatayin ko ang Empress niyo.
“LET’S ALL WELCOME, THE UNKNOWN CHALLENGER!” anunsyo nito at doon sa may lumabas na isang nakamaskara din, ngunit mahahalata na ito’y babae.
Ramdam ko na ako na ang sunod na tatawagin kaya umayos na ako ng aking tayo at naghanda na para sa aking pagtalon, kailanman’y hindi ko pa nagagawang pumasok sa isang laban na walang magandang entrance at ngayon ay dito ko sa itaas napili na magmula.
“Galingan mo, Queen!” sigaw ni Aikka ng ako’y makatalon.
Banayad ang aking pagbagsak sa battle ground, hindi ko na hinintay na tawagin pa ako ng announcer dahil masiyado na akong atat na malaman kung nasaan ang Emperor.
Axel (Phantom)
“Bakit hindi manlang sinabi sa’tin ni Queen na may laban siya ngayon?” maktol ni Peitho.
Saglit akong tumingin sa kanya bago muling ibinalik ang tingin sa battle ground kung saan naroroon si Queen at sa harap niya ay ang babaeng nagpadala ng liham sa kaniya kanina.
Flashbacks
Mabilis kong kinuha ang liham na kanina’y binabasa ni Queen, palihim kong ginawa ‘yon.
‘Good day, my dearest Queen,
If you want to know where the Emperor is. Fight me in battle arena, if I lose I will tell you and if you lose, I will kill you. Ciao!’
Pagbabasa ko gamit lamang ang aking isip, napatingin ako kay Queen na ngayon ay nakatingin sa malayo at halatang malalim ang iniisip.
Napailing na lang ako at nakaramdam ng lungkot, sana lang ay makuha na niya ang hustisyang matagal na niyang hinahanap.
Flashbacks end
“Alam kong lalaban siya ngayon,” mahinang sabi ko. Naramdama ko na tumingin sa’kin si Peitho.
“Bakit hindi mo sinabi?hindi ko manlang nadala ang recorder ko, alam mo namang minsan lang lumaban si Queen!” iritang sabi niya sa’kin.
Hindi ako nagsalita at nanatili lang nakatingin sa ibaba, mukang nakaramdam naman siya kaya hindi na rin siya nagsalita pa habang si Aikka naman ay namamanghang nakatingin sa baba.
Nag umpisa ng sumugod ang challenger kay Queen, puro iwas lang si Queen, hindi siya umaatake.
“Anong ginagawa niya?” nagugulohang tanong ni Peitho.
“Binabasa niya ang galaw ng kalaban,” mahinang bulong ko. “Base sa nakikita ko, aatake na siya pagkatapos ng tatlong tira ng kalaban,” dagdag ko pa.
Muling tumingin si Peitho sa naglalaban at hindi nga ako nagkamali, pagkatapos umatake ng tatlong beses ng kalaban ay ang siyang pag atake din ni Queen.
‘QUEEN’
‘QUEEN’
‘QUEEN’
Sigawan ng mga manunuod habang nakatutok ang tingin sa naglalaban, kitang kita mual dito sa itaas ang pagpapalitan ng suntok ng dalawa. Ang alam ko ay wala naman silang napag usapang rules o kung ano pa ngunit bakit hindi sila gumagamit ng armas?
Natigil ako sa pag iisip ng tumigil sa pag atake ang dalawa, parehas lang itong nakatayo sa gitna ng battle ground at tila ng uusap. Dahil sa layo namin ay hindi namin ito naririnig ngunit kitang kita ko ang pagtawa ng kalaban ni Queen.
Third Person
“Gusto mo siyang makita, tama ba?” tanong ng kalabang babae ni Queen. Walang naging sagot na kahit ano si Queen, nanatili lang siyang nakatingin dito gamit ang kanyang malamig na pares ng mata.
“P’wes!magpunta ka sa Pilipinas, balikan mo ang nakaraan mo at doon… doon mo makikilala ang Empress,” nakangising sabi ng babaeng kapwa nakamaskara din.
“CIAO!” sigaw ng babae bago may ibinato na naging sanhi ng pag usok ng makapal.
Tumahimik ang mga manunuod hanggang sa mawala ang usok at hindi na nila nakita ang dalawang nag lalaban.
Vanessa Lavender Smith (Queen)
Tumakas na siya, tumakas na ang babaeng kalaban ko kanina. Hindi ko alam kung anong nangyare sa’kin at hinayaan ko lang siya gayong kayang kaya ko naman siyang patayin.
‘Bakit nga ba pinagbigyan ko pa s’ya?’
Bago pa man mawala ang usok ay mabilis akong tumalon sa mga bench at naglipat lipat hanggang sa makarating ako sa p’westo ng aking kagroupo.
Nakita ko sa kanialng mga mata ang pag aalala na agad nawala noong makita ako.
“Ihanda niyo lahat, uuwi na tayo ng Pilipinas.”